Habang hindi nakikita ni Soraya ang lawak ng lakas ni Giovanni, makikilala ito ni Alex sa isang sulyap.Ranggong Advanced Earth!Gaya ng inaasahan, ang taong maaaring magpatakbo ng ganoong negosyo sa lugar na tulad nito ay hindi maaaring karaniwang tao lamang.Gayunpaman, kahit na walang bumabagabag sa kanyang isipan, medyo naguguluhan siya sa mga putok ng baril na narinig niya mula sa itaas na palapag.Hindi kaya kumilos na ang mga tao mula sa Divine Constabulary? Ngunit, natapos ito sa loob ng napakaikling panahon, hindi ba masyadong mabilis iyon? Gayundin, lumitaw si Giovanni dito nang walang galos, at medyo hindi makatwiran iyon. Kahit na hindi si Giovanni ang taong haharapin nila, siya pa rin ang may-ari ng lugar na ito, at dapat niyang alalahanin ang nangyari sa itaas.Kung gayon, may nangyari ba sa mga taga-Divine Constabulary?Bilang karagdagan, hindi rin lumitaw si Hubert.Panay at mahinahon ang boses niya nang sabihin niyang, “Ang swerte ko nga talaga ngayon, pero may maliit
Merong mapait at galit na tingin sa mga mata ang babaeng empleyado na si Apple.Hindi na siya makapaghintay na makitang nakaluhod si Alex sa harap ng mga alagad ng Golden Tower, mabugbog hanggang sa puntong kahit mga magulang niya ay hindi na siya makikilala.Alam niyang dahil napakahusay ni Alex sa stone gambling, hindi ito papatayin. Gayunpaman, tiyak na tuturuan ito ng mga leksyon.Sumigaw siya, “Hindi nagpapakita ng anumang tamang paggalang kay boss ang bastos na ‘to! Baliin ang kanyang binti, ipakita sa kanya kung sinong mas nakatataas, para hindi na siya…”Bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin, hinila ni Alex si Cheryl palapit sa kanya gamit ang isang kamay at biglang iniangat ang isang paa, at ibinagsak ito ng malakas sa lupa. Ang napakatinding puwersang idinulot nito ay sumabog na parang maliit na dinamita sa hugis ng pamaypay, pinapaatras ang dose-dosenang mga disipulo.“Agh—”Boom!Sumabog ang hindi mabilang na mga tile sa sahig, lumipad kung saan-saan ang mga bubog.Hin
Gayunpaman, sa sumunod na segundo, may hindi-nakikitang sinag ng liwanag ang bumaril mula kay Alex.Iyon ay ang Dragon’s Bane of Thirty-Six.Espada ng Sandaigdigan!Whoosh!Iba na ang mga nakita ni Giovanni sa mga sumunod na sandali. Biglang umikot ang daan sa unahan, at nakita rin niya ang katawan na walang ulo na tumakbo paabante ng isang dosenang metro bago bumagsak, bumubulwak kung saan-saan ang dugo.Sobrang pamilyar nung katawan.Sa sarili niya pala iyon.Patay na siya!Pinugot ng Espada ng Sandaigdigan ang kanyang ulo.“P-Paano ito naging posible?!”Nakatakbo na si Giovanni palampas sa mga pinto sa unang palapag, at nagawa niya pa ngang lumiko sa kanto. Paano kaya siya napatay ni Alex?Gayunpaman, hindi siya makakakuha ng sagot.Ang Dragon’s Bane of Thirty-Six ay isang espirituwal na kayamanan, at dahil kontrolado ito ni Alex gamit ang kanyang espirituwal na kamalayan, maliwanag na maaari rin itong lumiko!Ipinatawag ni Alex ang Espada ng Sandaigdigan pabalik, at walang kahit is
Pakiramdam ni Soraya ay mamamatay na siya sa mga sandaling ito.Hindi siya natatakot sa kamatayan.Kanina pa siya umaasang sana mamatay na siya ngayon mismo.Sinaksihan ng kanyang mga mata ngayon lang kung paano namatay ang kanyang mga kasamahan, pinagsasaksak ng mga kutsilyo nang hindi man lang makalaban. Noong mga sandaling iyon, ginusto niyang masaksak na lang rin ng mga kutsilyong iyon.Hindi na kailangang tiisin ni Soraya ang kahihiyang haharapin niya sa huli kapag pagsasamantalahan siya ni Giovanni, at hindi na niya kailangang tiisin ang pahirap ng panghihinayang na nararamdaman niya sa loob.Sa sandaling ito, nakatali siya at iniwan sa sulok ng kwarto.Napaluha siya.Hindi siya umiiyak para sa kanyang sarili ngunit sa kung gaano siya katanga sa pamumuno sa koponan at hinayaang mamatay ang lahat ng kanyang mga kasama. Hinding-hindi niya mapapatawad ang sarili niya.Klik!Bumukas ang pinto sa sandaling ito.May lalaking pumasok.Umigting ang ekspresyon ni Soraya, may mabangis na t
Sagaran ang suwerte niya ngayong araw. Hindi ito tumitigil kahit na gustuhin niya!At saka, may naisip si Alex na isa pang posibilidad.‘Di kaya nakahanap si Giovanni ng mapagkukunan ng Black Spirit Crystal?‘Sobra naman ata iyon, ‘di ba?’Gayunpaman, nang maisip niya ang gayong posibilidad, si Alex ay napuno ng pananabik. Agad niyang gustong humanap ng matatanungan kung saan ang pinanggagalingan ng mga ores. Kung talagang merong mapagkukunan ng Black Spirit Crystal, maaari niyang dalhin ang kanyang mga tauhan sa mas bagong taas.Nakita niya ang isang travelling bag sa gilid.Inabot ni Alex upang kunin ito, inilalagay ang dalawang piraso ng Black Spirit Crystal sa loob nito, at pagkatapos ay kumuha ng ilan sa mga mas mahuhusay na kalidad ng mga esmeralda. Pakiramdam niya ay magulo ang iba pang gamit sa kwarto, kaya hinayaan na lang niya ang mga iyon.Medyo may kaunting ginto at perang papel na nakaimbak dito.Gayunpaman, ang lahat ng ito ay walang pinagkaiba sa basura sa kanyang mga ma
“Mukhang napakaluma ng mapang ito na gawa sa balat ng tupa!” sabi ni Cheryl habang tinitingnang mabuti ang mapa.Bilang resulta, napagtanto niya na hindi niya alam ang alinman sa mga salita dito. “Kakaiba ‘to. Anong klaseng mga teksto ito? Hindi ko maintindihan.”Kinuha ni Alex ang mapa at tiningnan ito ngunit masasabi niya ang pagkakaiba. “Hindi ito balat ng tupa. Balat ‘to ng dragon.”“D-dragon?” Natigilan si Cheryl. Sa kanyang isipan, sa alamat lamang makikita ang mga nilalang na tulad ng mga dragon. Maaari kayang meron talagang mga dragon?“Ang mga teksto dito ay nabibilang sa mga sinaunang teksto ng golden era,” patuloy ni Alex ngunit hindi nagtagal ay umiling siya. “Hindi kumpleto ang mapang ito. Parte lang ito nung buo.”Tanong ni Cheryl, “Alam mo rin ba ang mga sinaunang teksto? Anong klaseng mga teksto ang mga ito? Mga Olmec hieroglyph ba ang mga ito?”Umiling si Alex.Natutunan din niya ang mga tekstong ito sa pamamagitan ng pamana ng Ultimate Book of Medicine. Halimbawa, ang
Maingat nilang binibitbit ang ilang mga kahon. Nang huminto sa paglalakad sina Alex at Cheryl ay sabay din silang huminto at matiyagang naghintay.“Naku, naantala kami dahil sa agarang sitwasyon!” Nakangiting sabi ni Alex, “Ayos ka lang ba? Kailangan mong magpahinga kaagad!”Kinagat ni Thea ang kanyang mga labi at sinabing, “Nag-alala si Hubert sa’yo. Buti na lang, magsalita ka nga? Ano ang nasa mga kahon na ito?”Isang ungol ang pinakawalan ni Cheryl.Kung hindi lang dahil kay Alex na nagligtas kay Hubert, mahirap sabihin kung makakalabas ba si Hubert nang buhay!Gayunpaman, talagang sayang ang hininga kung makikipagtalo sa babaeng ito, kaya hindi na siya nag-abalang magpaliwanag.Bukod pa doon, parang ayaw ibunyag ni Alex ang tungkol sa mga pinatay niya.Sabi ni Alex, “Hindi ba nakita mo na kanina? Mga jade ko iyan.”Pagkatapos, lumingon siya sa mga taong nasa likuran niya at sinabing, “Sige, ipasok ninyo na! Room 206 sa ikalawang palapag!”Agad na sumagot ang pinuno ng mga tauhang i
“Lush Cosmetics?”Nang marinig nina Hubert at Thea ang pangalan, naging kakaiba ang kanilang mga ekspresyon.Sinabi ni Hubert, “Napakapopular ng Lush Cosmetics ngayon ngunit hindi nila ini-export ang kanilang mga produkto. Sa totoo lang, gusto kong masilbing sales channel para sa Lush Cosmetics noong una ngunit hindi ito gumana! Tinanggihan nila agad ang alok ko. Ayon sa impormasyong nakuha ko, ang Lush Cosmetics ay nagbibigay na lamang ng mga produkto sa dalawang salon sa California. Ngunit, sa loob ng dalawang salon, umabot na sa mahigit tatlumpung libo ang mga miyembrong nakapila para sa pagpapareserba ng mga produkto. Hindi namin makukuha ang aming pagkakataon.”Sa kabilang banda, galit na sinabi ni Thea, “Alam mo ba kung gaano kasakim ang Lush Cosmetics? Personal akong pumunta sa Michigan para makipagkita sa amo nila. Ayaw akong makita ng amo at sinabihan pa ang mga security guard na paalisin ako. Hmph! Makitid ang utak ng boss ng Lush Cosmetics na iyan. Kung ako ang boss, gagawin
“Ikaw...loko! Hoy, Rockefeller, ibenta mo sa akin ang isang daang porsyentong purong Spiritual Demon Pills. Bibigyan kita ng dalawang daan at limampung bato para sa isang tableta.”“Tatlong daan!”Nagsimula agad ang dalawa sa pakikipagtawaran.Sumigaw si Danseur, “Hoy! Seryoso ba kayong dalawa dito? Nasa akin na ang pressure ngayon!”Pagkatapos nito, sumigaw siya, “Brother Miracle Doctor, bibigyan kita ng tatlong daan at limampung bato!”Pak!Inihagis sa harap ni Alex ang isang storage purse. Si Vulcan ang naghagis nito. “Narito ang dalawang daang libong espirituwal na bato para sa limang daan ng iyong Spiritual Demon Pills. Bigyan mo muna ako ng tatlong daang pills at bumawi ka na lang mamaya para sa dalawang daang pills.”Hindi nakaimik si Alex.Naisip niya, ‘Nasiraan na ba ng bait ang mga taong ito? Isa lang itong Spiritual Demon Pill!’Sa pagtingin sa mga ito, pakiramdam niya ay ibinebenta niya ang mga ito nang napakamura dati.Matapos matanggap ni Vulcan ang Spiritual Demon Pills,
Medyo hinihingal si Danseur. Masakit ang magkabilang kamay niya sa pagpatay at basang-basa na siya sa dugo. Sa oras na ito, sinabi niya, “Brother Miracle Doctor, anong magandang solusyon ang meron ka? Gawin mo agad, iko-cover ka namin... Aray! Pahirap nang pahirap na kalabanin ang mga g*gong ito. Maging ang aking espada ay malapit nang mabali.”Sabi ni Bunty, “Tama. Gagawin namin ang sasabihin mo at susunugin natin ang lugar na ito.”Sabi ni Martiny, “Kailangan mo ba ng tulong namin sa anumang bagay?”Sinabi ni Alex, “Kailangan kong mag-set up ng isang formation para gumawa ng mga pagbabago sa malaking formation circle na ito, ngunit kailangan kong magkaroon ng siyam na spiritual tools para sa pinakabuod ng formation... At, sa totoo lang, mawawala ang siyam na spiritual tools na ito magpakailanman. Ang mga espirituwal na kagamitang ito ay sasabog kasabay ng pagpapasabog ng malaking formation circle.”Bam!Kaswal na ikinaway ni Martiny ang kanyang kamay at inihagis ang napakaraming espi
Napasigaw si Danseru sa sakit.Katabi niya si Butcher. Inilabas na niya ang kanyang palakol upang hatiin sa kalahati ang katawan ng Forerunner.Pinaalalahanan sila ni Alex, “Naalala ko na! Kailangan mong putulin ang ulo ng Forerunner para tuluyan itong mamatay.”Itinaas ni Butcher ang kanyang palakol at pinutol ang ulo.Palit ng eksena—Hinubad ni Danseur ang kanyang pantalon at napansin niyang umitim na ang kanyang sugat. Nagulat siya, napabulalas siya, “Lason ‘to. Oh p*ta, hindi ako magiging isa sa mga hukbong Shura, tama ba?”Nagmukhang labis na nanlumo ang lahat. Pagkatapos ay gumawa si Alex ng anting-anting sa kanyang kamay at tumalon sa Zharvakko formation circle na kakagawa lang niya.Shing—Ang mga sinag ng pulang ilaw ay kumikinang habang nabuo ang isang formation circle na may mga anting-anting na lumulutang sa paligid na nabuo sa lupa.Sabi ni Alex, “Huwag kang mag-alala, tumayo ka lang dito, at magiging maayos ka sa loob ng ilang sandali.”Tumalon kaagad si Danseur sa bilog
Raawwrrrr!!!Biglang isang mahaba at nakakatakot na sigaw ang nagmula sa loob ng palasyo.Umalingawngaw ang mga dayandang sa buong lugar, na nagpaputla sa mukha ni Alex at ng iba pa.“Narinig ninyo ba iyon?” tanong ni Nora.“Oh sh*t! Nagising na ba sila ngayon?” Malaki ang mga mata ni Butcher, kaya’t ang paglaki ay nagmukhang nakaumbok.“Hala, lagot!” Tumingin si Dawn sa palasyo habang ang kanyang puso ay lumubog sa ilalim ng dagat.Sabi ni Martiny, “Hindi natin puwedeng hayaan na makaalis sila sa lugar na ito. Hindi lamang Japan ang babagsak, ngunit maaari rin silang makarating sa Amerika, pagkatapos ay kumalat sa buong mundo.”Tumango si Alex. “Punta tayo sa entrance. Hangga’t magbabantay tayo, baka makayanan naman natin ito.”Naisip ng lahat na ito ay isang magandang ideya. Ang pagbabantay sa bukana ay nangangahulugan na hindi nila kailangang harapin ang napakaraming Forerunner sa isang bagsakan.Inilabas nila ang kanilang mga sandata at sumugod sa pasukan ng palasyo.Tawag ni Alex
“Divinity, sa pagkakaalala ko!” sagot ni Alex.Napasinghap ang lahat sa takot.Medyo mahirap nang makarating sa yugto ng Immortalization, at ang Divinity ay umiiral lamang sa mga sinaunang talaan.Marami ang hindi naniniwala na ang Divinity ay umiral sa unang lugar. Isa lamang itong hindi maisip na konsepto.Matalino si Fairy Doctor at ikinonekta ang ilan sa mga tuldok. “Sinasabi mo ba na ang Undying Clan at ang Shuras ay nagtulungan upang salakayin ang ating kaharian, dahilan para mabuo ang sinaunang boundary, at... ang defense border na itinakda ng mga Supremo noong Panahon ng Bato ay upang protektahan tayo, mga mortal?”Tumango si Alex. “Iyon din ang naisip ko.”Nagpatuloy ang Fairy Doctor, “Bale hindi lang mga demonyo ang nakatira sa boundary, nandoon din ang mga Shuras at ang Undying Clan?”“Hindi ako sigurado diyan.” Umiling si Alex.Pagkatapos ay itinuro niya ang shrine. “Nasa loob ang Forerunners, mga demonyong bagay na ginawa ng Hukbong Shura. Pangunahing ginagamit ang mga ito
Tahimik silang luminga-linga sa paligid ngunit hindi na sila nangahas na pumasok pa sa lugar. Pagkatapos noon, umatras sila nang hindi gumagawa ng anumang ingay.Bawat isa sa kanila ay nagpipigil ng hininga sa kaba, hindi nangangahas na huminga nang napakalakas, natatakot na baka magising ang mga nilalang na iyon.Para sa kanila, ang lahat ng ito ay masyadong nakakagulat.Matapos umatras sa kinaroroonan ng formation circle, nagpakawala sila ng malalim na buntong-hininga.Sinabi ng isa sa babaeng ex-Flying Eagles, “Ano ang mga iyon?”Dinadala ang pangalang Stella Soo, ang kanyang palayaw ay Bunty, pangunahin dahil ang kanyang balat ay kasing-kinis ng balahibo ng isang maliit na tupa.Sa totoo lang, may lahi nga siya, ang lola niya ay Koreano.Medyo makapangyarihan din siya, na nakamit ang unang antas ng Spirit Severing.“Ang mga Hapon ay palaging lubos na ambisyoso. Kaya hinuhulaan ko na ito ang kanilang sikretong base, at naghahanda silang makipagdigma laban sa ating mga Amerikano. Nag
“Eh anong dapat nating gawin?”Sumagot si Alex. “Kasing tigas ‘yan ng yelo, kaya hindi tayo maaaring gumamit ng puwersa.”Tumingin siya sa paligid at hinanap ang pinagmulan ng lahat ng ito. Ito ay isang kristal na may taas na tatlong talampakan na kilala bilang Ice Crystal Marrow.Tuwang-tuwa si Alex nang makita ito. Ito ay isang materyal na mas makapangyarihan kaysa sa regular na spiritual ice stones.Ang mga batong iyon ay maaaring makatulong sa mga martial artist na may mga elemento ng yelo sa kanilang pagsasanay, ngunit ang marrow na ito ay makakatulong sa kanila na mabilis mapunta sa sukdulan ng kanilang makakaya.Sina Brittany at Maya, na sinasanay ang Silver Frost, ay tiyak na bubuti nang husto pagkatapos masipsip ang marrow na ito.‘Ayos ‘to ahh!’‘Di ako makapaniwala na ginagamit ang mga iyon bilang central formation stone. Hindi dapat ganiyan ang trato sa gayong kayamanan. Sino kaya ang naglagay ng formation na ito? Napakasayang!’Ang tanging dahilan kung bakit naging estatwa
Pagkapasok sa kweba, biglang lumiwanag ang lahat. Nakaalis na rin sila sa tubig.Ang lugar na ito ay nagmistulang isang palasyong gawa sa yelo, na puno ng malalaki at kumikinang na mga kristal. Laking gulat ni Alex at ng Fairy Doctor nang makita ang kanilang paligid dahil ito ang unang beses na pumunta sila rito.“Saan ang lugar na ito? At ano… ang mga batong ito?” tanong ni Fairy Doctor habang hinawakan ang kristal na pader sa gilid. Ito ay... abnormal na malamig.“Grabe, ang lamig!” napaurong siya.Hinawakan din ito ni Alex. Napakalamig talaga noon. Naramdaman pa niya ang kaunting yelong Chi dito.Pagkatapos ay ipinahayag niya ang kanyang pagkagulat. “Ito ay dahil ito ay mga spiritual ice stones. Ang mga ito ay isang magandang materyal sa pagsasanay para sa sinumang nagsasanay sa martial arts na binubuo ng yelo o niyebe. Dahil napakarami dito, ang mga martial artist na iyon ay lubos na nagpapabuti ng kanilang kapangyarihan kung sila ay uupo at magmumuni-muni dito.”Nagulat si Martiny
Marahang pinindot ni Martiny ang kanyang kampana, pilit na pinapaatras ang ulo ng ahas papunta sa kanya bago ito agad na sumugod kay Alex.“Alex, hayaan mong tulungan kita!”“Dragon God Edict, Exorcist Lightning Sword Formation, patayin ang lahat ng kasamaan at angkinin ang espadang ito!”Pagkatapos ay nilaslas niya ang dulo ng kanyang daliri at hinayaan ang espada na sumipsip ng kanyang dugo.Sa isang segundo, ang espada ay agad na kumikinang, napuno ng purong dragon Chi. Ito ay naging isang maalamat na espada na may napakalaking kapangyarihan.“Martiny, ito ay...”“Ipapaliwanag ko sa’yo mamaya, ngunit tapusin muna natin ang isa sa mga ulo. Kukunin ko ang atensyon nito habang umaatake ka!”Sa sandaling iyon, ang Ancestor Dragon sa likod ni Martiny ay umungal habang gumagawa siya ng anting-anting gamit ang dalawang kamay—“Nawa ang lahat ng namumuno sa mga mandirigma ay maging aking taliba!”“Nine Dragons Ghost Binding Curse, set!”“Alex... atakehin mo na!”Itinuon ni Alex ang Chi sa l