Napabulalas si Anna.Sabi ni Alex, “Hindi kita matatawagan ngayon kung may nangyari sa akin. Pinatay ko si Giovanni Winn. Bilang karagdagan, nakapatay din ako ng mga dalawampung gangster mula sa Golden Tower.”“Napakahusay, Master! Buweno, nailigtas mo ba ang operation team mula sa Divine Constabulary?”“Nagawa ko lang iligtas ang kapitan. Patay na lahat ng iba.”“Diyos ko!”Hindi maipapaliwanag ng mga salita ang pagkagulat ni Anna. Buweno, ang operasyon ng Divine Constabulary ay karaniwang binubuo ng anim na tao na nagtutulungan. Siyempre, ang mga misyon ay nahahati din sa malaki o maliit na sukat. Maraming mga koponan ang magtutulungan at magkakasamang kikilos para sa malalaking misyon. Para naman sa mga misyon na isa o dalawang tao lang ang ipinapadala, hindi tatawaging misyon ang mga iyon, kundi pagpapatrolya.“Ilan ang namatay?”“Lima!”Natahimik si Anna.Paano niya magagawang maging masaya kapag lima sa kanyang mga kasamahan mula sa Divine Constabulary ang namatay?Pagkalipas ng
Nanatiling naguguluhan si Soraya kahit pinag-isipan niya na itong mabuti.Sa kasamaang palad, hindi niya nagawang makahanap ng higit pang mga detalye tungkol sa misyon na natapos ng ibang tao.Sa sandaling ito, tumunog ang kanyang phone.Sa isang sulyap, tawag ito mula kay Shaun Baker, isa sa Four Great Guardians ng Divine Constabulary.“Bro Shaun!” Sinagot ni Soraya ang phone. Parang maiiyak na siya.Sa katunayan, sa edad ni Shaun, sapat na para sa kanya ang maging ama nito. Mas matanda pa siya sa tatay nito. Gayunpaman, gaya ng kasabihan, sinong babae ang hindi gugustuhing mahalin? Iilan lamang ang mga batang Grandmaster mula sa Divine Constabulary sa buong America. Maraming dalaga ang may gusto sa kanya.Samantala, isa rin si Soraya sa mga miyembro. Isa pa, mas magaling siya sa ibang babae.Sabi ni Shaun, “Soraya, ngayon ko lang narinig ang balita. Tinapos ng ibang tao ang misyon na tinanggap mo. Anong nangyayari?”Sabi ni Soraya, “Bro Shaun, kakatanggap ko lang din ng notification.
Sa ganitong paraan, magiging lohikal para sa kanya na maging susunod na presidente ng Divine Constabulary.Kaya naman, hindi kailanman ibubunyag ni Zachary ang pagkakakilanlan ni Alex sa taong ito.Nagawa niyang protektahan ang pagkakakilanlan ni Alex ngayon, kahit ang mga datos nito ay inilihim. Kung wala ang kanyang pahintulot, walang sinuman ang maaaring tumingin sa impormasyon ni Alex, kabilang ang presidente ng Divine Constabulary.“Ehem, Shaun Baker, bakit bigla kang nag-aalala tungkol sa mga miyembro sa dibisyon ng South California? Meron bang partikular na tao na pumukaw sa iyong interes at gusto mo siyang sungkitin? Pero, hindi ko pa naririnig ang pangalang binanggit mo... Hay, tumatanda na talaga ako at lumalala na ang aking memorya. Minsan, hindi ko na maalala ang mga bagay na nabanggit ko noong nakaraang araw. Hindi ko maitatangging matanda na talaga ako!”Kumunot ang noo ni Shaun. Hindi siya nandito para makinig ng kalokohan.“Buweno, hindi mo rin alam kung sino itong Alex
Nakatutok si Alex.Hindi niya pinansin ang mga nakakasilaw na hita na abot-kamay lang habang unti-unti niyang inukit ang jade gamit ang butong karayom ng dragon sa kanyang kamay na nagtipon ng kanyang espirituwal na kapangyarihan, na para bang kasing bigat ng isang libong kilo ang butong karayom ng dragon.Sa sandaling ito, ang tanging bagay na nasa kanyang mga mata ay ang jade at ang formation blueprint.Ang prosesong ito ay kailangang kumpletuhin sa isang bagsakan. Habang isinasagawa, ang espirituwal na kapangyarihan ay hindi dapat maantala at ang ugnayan ay kailangang panatilihin.Napansin ni Cheryl na hindi siya pinagtutuunan ng pansin ni Alex. Sa sandaling iyon, medyo nagalit siya. ‘Hindi ba gumagana ang alindog ko? Nagkusa na akong umupo sa harap mo. Halos wala nang saplot yung baba ko, pero hindi ka pa rin natitinag?’‘Sige, lalapit ako.’Inilapit niya nang kaunti ang sarili. Dumampi rin ang kanyang balat sa kamay ni Alex.Agad na iniusog ni Alex ang kamay niya sa gilid at sinab
“Saan ka galing?” Galit na tumingin sa kanya si Cheryl. “Akala ko iniwan mo na ako at tumakas!”“Um… Nag-check out na ako at kumuha ng almusal habang nasa daan. Nagmamadali tayo ngayon, kaya aalis na tayo pagkatapos kumain.”Pinakamahalaga, nakatanggap siya ng tawag mula kay Anna Coleman para sabihan siya nitong iwasan si Shaun Baker hangga’t maaari.Medyo galit pa rin si Cheryl sa kanyang puso.Pagkatapos niyang maghilamos ay tahimik niyang kinain ang kanyang almusal.Maya-maya pa ay lumabas na ang dalawang tao sa kwarto ng bahay-panuluyan.“Kailangan mo bang magpaalam sa kaibigan mo?” Tanong ni Cheryl nang makarating sila sa unang palapag.“Hindi na kailangan. Ipinaalam ko na sa mga receptionist ng bahay-panuluyan. Sila na ang bahalang magsabi sa kanya. Bihira talaga yung ganitong engkwentro. Ang dami nang nangyari kahapon, sana naman maging okay na ang lahat sa biyahe natin ngayon,” sabi ni Alex habang umiiling.Gayunpaman, habang naglalakad sila palabas ng bahay-panuluyan, nakasalu
“Huh? Galit ka?”Napatulala si Alex. Nanlalaki ang mga mata niya at may inosenteng ekspresyon nang tumingin siya kay Cheryl. “Ikaw... Kanino ka nagagalit? Dahil ba kay Soraya Melvis?”Walang imik si Cheryl sa mga sandaling iyon. ‘May topak ka ba?’‘Pinapahalata ko nang galit ako, hindi mo pa rin napapansin. Paano nga ba kayo nagkasundo ng asawa mo dati? Nasa negative spectrum ba ang EQ mo?’“Ikaw, ikaw!”“Galit ako sa’yo. Hindi mo ba nararamdaman?”Mas natulala ngayon si Alex. Sinabi niya, “Bakit ka nagagalit sa akin?”Pakiramdam ni Cheryl ay nanghina ang buong katawan niya. “Walang dahilan!”‘Di ko kayang sabihin sa’yo na galit ako dahil ayaw mong makipagtalik sa’kin kagabi. Nakakahiya talaga!’Sa sandaling ito, biglang naalala ni Alex na hindi niya pa inilalabas ang ginawang anting-anting para kay Cheryl. Agad niyang hinubad ang backpack sa kanyang likuran. Matapos itong buksan, merong kabuuang walong jade na kwintas para sa proteksyon sa sarili: ito ang resulta pagkatapos nang magda
Naging malamig ang ekspresyon ni Cheryl. “Huwag mong babanggitin ang taong iyon.”Sabi ni Alex, “Sinusubukan ko lang sabihin na katulad lang ako ng tatay mo.”“Anong ibig mong sabihin?”“Hindi ako yung tipong matapat sa relasyon.”“Ikaw... anong gusto mong sabihin?” Bahagyang nanginginig ang katawan niya na para bang alam niya na ang sasabihin nito sa kanya.Dahil umabot na dito ang usapan, inilahad na ni Alex sa kanya at sinabing, “Alam mo naman yung tungkol kay Zendaya Stoermer, ‘di ba? Siya ang mukha ng Lush Cosmetics. Nag-post siya sa Instagram ilang araw na ang nakakaraan. Nakita mo ba?”“Nakita ko! Buweno, ikaw pala yung asawang tinutukoy niya! Kasal na ba kayo?”“Hindi kami kasal pero babae ko nga siya.”Natahimik siya.Maya-maya, tumango si Cheryl. “Naiintindihan ko.”Napatulala si Alex. Lumingon siya at tumingin kay Cheryl habang nakakunot ang noo. “Nariyan din ang kasalukuyang CEO ng Thousand Miles Conglomerate, si Waltz Fleur!”Sinabi ni Cheryl, “Nakita ko na iyon noong medi
Ayaw lang talaga bumaba ng magandang doktor mula sa likuran ni Alex dahil sa wakas ay nagkaroon siya ng pagkakataong mapalapit dito.Natural, mararamdaman ni Alex ang hubog ng dakilang pigurang iyon sa likuran niya. Magagamit lang niya ang kanyang sobrang lakas na paghahangad para sugpuin ang saloobing iyon sa kanyang isipan. Sabi niya, “Magpakabait ka at hintayin mo ako dito. Meron kang jade na kwintas bilang sa proteksyon sa sarili. Hindi mo mararamdaman ang anumang sakit kahit na mahulog ka pa sa puwitan mo.”“Puwede akong bumaba kung gusto mo, ngunit kailangan mo muna akong halikan.”“Um—”Bumaling ang ulo ni Alex sa pagtataka na para bang walang kabuluhan yung mga salitang binitawan niya tungkol sa relasyon nila kanina.“Hindi ka ba natatakot na iiwan ko ang asawa at mga anak ko tulad ng ginawa ng ama mo?”“Anong dapat kong katakutan kung kabit lang naman ako?”“...”“Hahalikan mo ba ako o hindi?”“Doctor Coney, nagsisimula na akong maghinala na impostor ka. Isang taon na kitang k
“Ikaw...loko! Hoy, Rockefeller, ibenta mo sa akin ang isang daang porsyentong purong Spiritual Demon Pills. Bibigyan kita ng dalawang daan at limampung bato para sa isang tableta.”“Tatlong daan!”Nagsimula agad ang dalawa sa pakikipagtawaran.Sumigaw si Danseur, “Hoy! Seryoso ba kayong dalawa dito? Nasa akin na ang pressure ngayon!”Pagkatapos nito, sumigaw siya, “Brother Miracle Doctor, bibigyan kita ng tatlong daan at limampung bato!”Pak!Inihagis sa harap ni Alex ang isang storage purse. Si Vulcan ang naghagis nito. “Narito ang dalawang daang libong espirituwal na bato para sa limang daan ng iyong Spiritual Demon Pills. Bigyan mo muna ako ng tatlong daang pills at bumawi ka na lang mamaya para sa dalawang daang pills.”Hindi nakaimik si Alex.Naisip niya, ‘Nasiraan na ba ng bait ang mga taong ito? Isa lang itong Spiritual Demon Pill!’Sa pagtingin sa mga ito, pakiramdam niya ay ibinebenta niya ang mga ito nang napakamura dati.Matapos matanggap ni Vulcan ang Spiritual Demon Pills,
Medyo hinihingal si Danseur. Masakit ang magkabilang kamay niya sa pagpatay at basang-basa na siya sa dugo. Sa oras na ito, sinabi niya, “Brother Miracle Doctor, anong magandang solusyon ang meron ka? Gawin mo agad, iko-cover ka namin... Aray! Pahirap nang pahirap na kalabanin ang mga g*gong ito. Maging ang aking espada ay malapit nang mabali.”Sabi ni Bunty, “Tama. Gagawin namin ang sasabihin mo at susunugin natin ang lugar na ito.”Sabi ni Martiny, “Kailangan mo ba ng tulong namin sa anumang bagay?”Sinabi ni Alex, “Kailangan kong mag-set up ng isang formation para gumawa ng mga pagbabago sa malaking formation circle na ito, ngunit kailangan kong magkaroon ng siyam na spiritual tools para sa pinakabuod ng formation... At, sa totoo lang, mawawala ang siyam na spiritual tools na ito magpakailanman. Ang mga espirituwal na kagamitang ito ay sasabog kasabay ng pagpapasabog ng malaking formation circle.”Bam!Kaswal na ikinaway ni Martiny ang kanyang kamay at inihagis ang napakaraming espi
Napasigaw si Danseru sa sakit.Katabi niya si Butcher. Inilabas na niya ang kanyang palakol upang hatiin sa kalahati ang katawan ng Forerunner.Pinaalalahanan sila ni Alex, “Naalala ko na! Kailangan mong putulin ang ulo ng Forerunner para tuluyan itong mamatay.”Itinaas ni Butcher ang kanyang palakol at pinutol ang ulo.Palit ng eksena—Hinubad ni Danseur ang kanyang pantalon at napansin niyang umitim na ang kanyang sugat. Nagulat siya, napabulalas siya, “Lason ‘to. Oh p*ta, hindi ako magiging isa sa mga hukbong Shura, tama ba?”Nagmukhang labis na nanlumo ang lahat. Pagkatapos ay gumawa si Alex ng anting-anting sa kanyang kamay at tumalon sa Zharvakko formation circle na kakagawa lang niya.Shing—Ang mga sinag ng pulang ilaw ay kumikinang habang nabuo ang isang formation circle na may mga anting-anting na lumulutang sa paligid na nabuo sa lupa.Sabi ni Alex, “Huwag kang mag-alala, tumayo ka lang dito, at magiging maayos ka sa loob ng ilang sandali.”Tumalon kaagad si Danseur sa bilog
Raawwrrrr!!!Biglang isang mahaba at nakakatakot na sigaw ang nagmula sa loob ng palasyo.Umalingawngaw ang mga dayandang sa buong lugar, na nagpaputla sa mukha ni Alex at ng iba pa.“Narinig ninyo ba iyon?” tanong ni Nora.“Oh sh*t! Nagising na ba sila ngayon?” Malaki ang mga mata ni Butcher, kaya’t ang paglaki ay nagmukhang nakaumbok.“Hala, lagot!” Tumingin si Dawn sa palasyo habang ang kanyang puso ay lumubog sa ilalim ng dagat.Sabi ni Martiny, “Hindi natin puwedeng hayaan na makaalis sila sa lugar na ito. Hindi lamang Japan ang babagsak, ngunit maaari rin silang makarating sa Amerika, pagkatapos ay kumalat sa buong mundo.”Tumango si Alex. “Punta tayo sa entrance. Hangga’t magbabantay tayo, baka makayanan naman natin ito.”Naisip ng lahat na ito ay isang magandang ideya. Ang pagbabantay sa bukana ay nangangahulugan na hindi nila kailangang harapin ang napakaraming Forerunner sa isang bagsakan.Inilabas nila ang kanilang mga sandata at sumugod sa pasukan ng palasyo.Tawag ni Alex
“Divinity, sa pagkakaalala ko!” sagot ni Alex.Napasinghap ang lahat sa takot.Medyo mahirap nang makarating sa yugto ng Immortalization, at ang Divinity ay umiiral lamang sa mga sinaunang talaan.Marami ang hindi naniniwala na ang Divinity ay umiral sa unang lugar. Isa lamang itong hindi maisip na konsepto.Matalino si Fairy Doctor at ikinonekta ang ilan sa mga tuldok. “Sinasabi mo ba na ang Undying Clan at ang Shuras ay nagtulungan upang salakayin ang ating kaharian, dahilan para mabuo ang sinaunang boundary, at... ang defense border na itinakda ng mga Supremo noong Panahon ng Bato ay upang protektahan tayo, mga mortal?”Tumango si Alex. “Iyon din ang naisip ko.”Nagpatuloy ang Fairy Doctor, “Bale hindi lang mga demonyo ang nakatira sa boundary, nandoon din ang mga Shuras at ang Undying Clan?”“Hindi ako sigurado diyan.” Umiling si Alex.Pagkatapos ay itinuro niya ang shrine. “Nasa loob ang Forerunners, mga demonyong bagay na ginawa ng Hukbong Shura. Pangunahing ginagamit ang mga ito
Tahimik silang luminga-linga sa paligid ngunit hindi na sila nangahas na pumasok pa sa lugar. Pagkatapos noon, umatras sila nang hindi gumagawa ng anumang ingay.Bawat isa sa kanila ay nagpipigil ng hininga sa kaba, hindi nangangahas na huminga nang napakalakas, natatakot na baka magising ang mga nilalang na iyon.Para sa kanila, ang lahat ng ito ay masyadong nakakagulat.Matapos umatras sa kinaroroonan ng formation circle, nagpakawala sila ng malalim na buntong-hininga.Sinabi ng isa sa babaeng ex-Flying Eagles, “Ano ang mga iyon?”Dinadala ang pangalang Stella Soo, ang kanyang palayaw ay Bunty, pangunahin dahil ang kanyang balat ay kasing-kinis ng balahibo ng isang maliit na tupa.Sa totoo lang, may lahi nga siya, ang lola niya ay Koreano.Medyo makapangyarihan din siya, na nakamit ang unang antas ng Spirit Severing.“Ang mga Hapon ay palaging lubos na ambisyoso. Kaya hinuhulaan ko na ito ang kanilang sikretong base, at naghahanda silang makipagdigma laban sa ating mga Amerikano. Nag
“Eh anong dapat nating gawin?”Sumagot si Alex. “Kasing tigas ‘yan ng yelo, kaya hindi tayo maaaring gumamit ng puwersa.”Tumingin siya sa paligid at hinanap ang pinagmulan ng lahat ng ito. Ito ay isang kristal na may taas na tatlong talampakan na kilala bilang Ice Crystal Marrow.Tuwang-tuwa si Alex nang makita ito. Ito ay isang materyal na mas makapangyarihan kaysa sa regular na spiritual ice stones.Ang mga batong iyon ay maaaring makatulong sa mga martial artist na may mga elemento ng yelo sa kanilang pagsasanay, ngunit ang marrow na ito ay makakatulong sa kanila na mabilis mapunta sa sukdulan ng kanilang makakaya.Sina Brittany at Maya, na sinasanay ang Silver Frost, ay tiyak na bubuti nang husto pagkatapos masipsip ang marrow na ito.‘Ayos ‘to ahh!’‘Di ako makapaniwala na ginagamit ang mga iyon bilang central formation stone. Hindi dapat ganiyan ang trato sa gayong kayamanan. Sino kaya ang naglagay ng formation na ito? Napakasayang!’Ang tanging dahilan kung bakit naging estatwa
Pagkapasok sa kweba, biglang lumiwanag ang lahat. Nakaalis na rin sila sa tubig.Ang lugar na ito ay nagmistulang isang palasyong gawa sa yelo, na puno ng malalaki at kumikinang na mga kristal. Laking gulat ni Alex at ng Fairy Doctor nang makita ang kanilang paligid dahil ito ang unang beses na pumunta sila rito.“Saan ang lugar na ito? At ano… ang mga batong ito?” tanong ni Fairy Doctor habang hinawakan ang kristal na pader sa gilid. Ito ay... abnormal na malamig.“Grabe, ang lamig!” napaurong siya.Hinawakan din ito ni Alex. Napakalamig talaga noon. Naramdaman pa niya ang kaunting yelong Chi dito.Pagkatapos ay ipinahayag niya ang kanyang pagkagulat. “Ito ay dahil ito ay mga spiritual ice stones. Ang mga ito ay isang magandang materyal sa pagsasanay para sa sinumang nagsasanay sa martial arts na binubuo ng yelo o niyebe. Dahil napakarami dito, ang mga martial artist na iyon ay lubos na nagpapabuti ng kanilang kapangyarihan kung sila ay uupo at magmumuni-muni dito.”Nagulat si Martiny
Marahang pinindot ni Martiny ang kanyang kampana, pilit na pinapaatras ang ulo ng ahas papunta sa kanya bago ito agad na sumugod kay Alex.“Alex, hayaan mong tulungan kita!”“Dragon God Edict, Exorcist Lightning Sword Formation, patayin ang lahat ng kasamaan at angkinin ang espadang ito!”Pagkatapos ay nilaslas niya ang dulo ng kanyang daliri at hinayaan ang espada na sumipsip ng kanyang dugo.Sa isang segundo, ang espada ay agad na kumikinang, napuno ng purong dragon Chi. Ito ay naging isang maalamat na espada na may napakalaking kapangyarihan.“Martiny, ito ay...”“Ipapaliwanag ko sa’yo mamaya, ngunit tapusin muna natin ang isa sa mga ulo. Kukunin ko ang atensyon nito habang umaatake ka!”Sa sandaling iyon, ang Ancestor Dragon sa likod ni Martiny ay umungal habang gumagawa siya ng anting-anting gamit ang dalawang kamay—“Nawa ang lahat ng namumuno sa mga mandirigma ay maging aking taliba!”“Nine Dragons Ghost Binding Curse, set!”“Alex... atakehin mo na!”Itinuon ni Alex ang Chi sa l