Home / Romance / Pakawalan mo ako, Mr. Hill / Chapter 611 - Chapter 620

All Chapters of Pakawalan mo ako, Mr. Hill: Chapter 611 - Chapter 620

2346 Chapters

Kabanata 611

“Okay, gagawin ko. Siya nga pala, tinatawagan kita nang hindi alam ni Miss Neeson. Sinabi niya sa akin na huwag sabihin sayo,” bulong ni Yael, “Nagsisisi siya nang sobra sa insidente tatlong taon na ang nakaraan. Naiintindihan niya na dumaan sa paghihirap si Miss Jones.”“Masyado siya mabait,” naaawa na sinabi ni Shaun. Nang maalala niya ang pagsuspetiya niya na nagsinungaling si Sarah sa depresyon ni Catherine, nakaramdam siya ng pagsisisi.“Sa sinabi ko na iyon, malayo ang isip ni Miss Neeson simula noong nakita niya si Miss Jones. Hula ko ay dahil ito sa sinabi ni Miss Jones na asawa ka niya ngayon na nakabalik na siya. Tinawag niya pa na kabit si Miss Neeson.”“Kakausapin ko si Sarah mamaya.”Galit na galit si Shaun sa walang hiyang ugali ni Catherine.Tiyaka lang binalik ni Yael ang tingin niya kay Sarah pagkatapos ibaba ang tawag “Magaling,” hinawakan ni Sarah ang mga kamay ni Yael at naaawa na sinabi, “Salamat sa pagtulong sa akin sa lahat, Yael.”“Wala iyon, Miss Neeson
Read more

Kabanata 612

‘Di nagtagal pagkatapos umalis ni Harvey, nag video call si Catherine sa dalawa niyang anak na nasa US.“Miss na kita, Mommy.” nagpakita si Suzie ng naiiyak na itsura sa cute na pabilog niya na mukha. Gayon pa man, nagalit si Catherine nang mapansin niya na may tsokolate sa bibig ni Suzie.“Suzan Jones, sinuyo mo ang ninang mo na bilhan ka ng tsokolate ulit, hindi ba?”Kumurap ang inosenteng mata ni Suzie. “Hindi, Mommy. Inaakusahan mo ako. Hindi ka makatwiran!”Walang imik na tinignan ni Lucas ang maliit na drama queen. “Pakiusap. Hindi mo nilinis ang tsokolate sa dulo ng bibig mo.”Nagulat si Suzie at mabilis na dinilaan ang dulo ng bibig niya. ‘Di kalaunan ay nalinis na niya ito at inosenteng sinabi, “Hindi ako kumain. Kumain si ninang ng tsokolate pagkatapos ay hinalikan niya ako.”“...”Hinimas ni Catherine ang noo niya, nagtataka kung bakit siya nagsilang sa matakaw na magaling magsinungaling.Aniya ni Lucas, “Sa tingin mo ba paniniwalaan ni Mommy ang b*bo mo na paliwanag
Read more

Kabanata 613

Mas lalong nagagalit si Catherine habang nagsasalita siya. Sa kabila ng natutunan niya sa pagkontrol ng emosyon niya sa loob ng ilang taon, hindi niya pa rin maiwasan na uminit ang ulo sa saglit na iyon.Si Shaun, na kumukulo na sa galit, ay hindi tiyak kung paano sagutin ang tanong niya. “Paano ko malalaman na ang kumpanya ay pamana ng nanay mo na iniwan para sayo?”Ngumiti si Catherine. “Oo, tama. Hindi mo iyon alam. Wala kang alam.”Sa totoo ay alam niya ito. Nakalimutan niya lang ito.Kahit na ganon, hindi niya papatawarin si Shaun dahil lang nakalimutan niya ito,‘Ayos lang kung nakalimutan mo, ngunit hindi posibile na iwan mo ako sa gilid para sa kapakanan ng isang babae.’“Gayon pa man, hindi mo pa rin dapat inatake si Sarah,”masungit na sinabi ni Shaun, “Kasalanan mo na pineke mo ang kamatayan mo. Nagsumikap si Sarah para mamahala sa Hudson at lubos na pinabuti ang takbo ng kompanya.”“Hindi ba at mayroon pa na ibang talentado sa Hudson Corporation? Noon, si General Mana
Read more

Kabanata 614

Nahirapan makaalis si Catherine kay Shaun nang hindi napagtanto na gumagalaw siya sa bisig niyo. Sa oras na napagtanto niya ang naiba kay Shaun, namula na ang mukha niya sa kahihiyan.“Shaun, g*go ka.”Halatang nahihiya, nagulat din si Shaun sa kaloob-looban niya.Ipinalagay niya na hindi na siya napupukaw. Kaya, sa tuwing nagkikita sila ni Sarah, hindi niya namamalayan na mandiri sa kanya. Sinuspetyahan niya pa na wala siyang kakayahan.Hindi niya inaasahan na mapupukaw siya mula sa pagyakap lang kay Catherine.Napahiya siya sa pakiramdam na iyon, at medyo nawalan din siya ng kontrol.Naiirita sa pagpuna ni Catherine, sinabi niya, “Paano ako naging g*go? Ikaw ang hindi disente. Normal ako na lalaki.”“Ikaw? Binista mo ang andrology unit ngayong umaga,” biglang sinabi ni Catherine.Sobrang nahihiya si Shaun at namula ang tainga niya. Muntik na na niya isipin na patayin si Catherine. "Sinabi ko na sayo na pumunta ako roon para samahan si Hadley."“Ginagawa mo ba ako na t*nga? B
Read more

Kabanata 615

Nagngitngit ang ngipin ni Shaun at naglakad papunta kay Catherine. Aniya ni Shaun, “Sinusubukan mo ako akitin.”“Huh?” Sobrang nagulat si Catherine. Ang madilim at maalindog niyang mata ay may bakas ng pagka-inosente at pagkagulat. Hindi niya namalayan kung gaano siya nakakaakit tignan sa saglit na iyon. “Anong ginawa ko?”“Alam mo iyon kaysa sa ibang tao.” nilgay ni Shaun ang titig niya sa nagliliwanag na mata ni Catherine at sininghalan siya kaloob-looban. Ganito talaga kung paano niya akitin si Shaun.Hindi makapagsalita si Catherine at ‘di namalayan tumingin pababa. “Natapos ka na rin, huh?”Nagalit si Shaun sa kanya, ang tainga niya ay namumula nang hindi niya namamalayan. “Catherine Jones, ano ang nasa isip mo? Wala ka na bang hiya?”Tinaas ni Catherine ang kilay niya. Siya ay isang g*go, ngunit bakit namumula ang tainga niya. Sinusubukan niya ba umarte na inosente? “Iniisip ko lang na hindi mo na kailangan bisitahin ang andrology unit at si Sarah dapat ang magpunta sa dokt
Read more

Kabanata 616

“...”Nakabibigo talaga minsang marinig magsalita si Shaun.Kung kaya’t hindi na lamang ito pinansin ni Catherine at tinuon na lamang ang kanyang pansin sa mga hinihiwa niyang gulay.Kahanga-hanga ang pag-julienne ni Catherine sa mga patatas.Kinibit ni Shaun ang kanyang mga kilay. “Maaari akong umapela sa korte kapag hindi mo pinirmahan ang divorce papers. Pwede namang umapela ang mag-asawa kapag higit dalawang taon na silang hindi naninirahan sa ilalim ng isang bubong.”“Tara, magkita tayo sa korte. Ngunit mukhang gaganda ang mga kwento ng media kapag nalaman nilang kasal pa rin tayo. Hindi ko na pasanin ang pagpapaganda ng reputasyon ng nobya mo.”Walang bahid ng pakialam ang tono ng boses ni Catherine.Siya naman itong ikinagalit ni Shaun. “Ano ba ang pwede kong gawin pirmahan mo lang ang mga papeles?”“Hmm, hindi ko pa napag-iisipan ‘yan.”Itinaboy muli ni Catherine ang lalaki at nagsimula itong painitin ang kawali.Nang uminit na ang mantika, inilagay niya rito ang mga
Read more

Kabanata 617

Seryoso ba itong lalaking ito?Ginutom ba niya ang kanyang sarili nitong makalipas na tatlong taon? Ganoon na lamang ba siyang kagutom upang kuhanin ang pinakamalaking mangkok na matatagpuan sa kanyang kusina?Ngayo’y nauunawaan na ni Catherine kung kanino namana ni Suzie ang gana nitong kumain.“Balak mo bang kainin ang lahat ng niluto ko?”Nairita lamang si Catherine sa napagtantuan nito. Nagkaroon siya sa wakas ng pagkakataong makapagluto matapos niyang makabalik sa Australia at pagkatapos ay ganito ang mangyayari? “Kulang ang niluto mo,” ‘Ika ng lalaki bago ito kumuha ng mga hipon. Matagal na panahon na mula noong huli siyang natakam sa pagkain.Kadalasa’y walang ganang kumain si Shaun. Lubos ito kung mamili pagdating sa mga putaheng kanyang kakainin. Ngunit sa mga sandaling iyon, walang-wala ang mga gawa ng mga sikat na chef sa lutong bahay ni Catherine.Kahit ang maasim-asim na julienned na patatas ay nakatatakam para sa lalaki.Bukod pa rito ang sausage na bahagyang sun
Read more

Kabanata 618

Bang! Bigla na lamang bumukas ang pinto. Napatingin si Liam na tahimik na nagtatrabaho sa kanyang lamesa. Bumalik ito sa kanyang katinuan nang makita ang maulap na itsura ni Shaun.“President Hill, may maipaglilingkod ba—”Bago pa man matapos ni Liam ang kanyang sinasabi ay agad na siyang sinuntok sa mukha ni Shaun.Natigilan naman si Liam dahil dito. Nagsimulang dumugo ang mga sulok ng kanyang labi.Agad namang tumawag nang patago ang secretary na nakaupo sa may pintuan kay Vice Director Hill.“Shaun, huwag mong isiping natatakot ako sa iyo dahil lamang kontrolado mo ang Hill Corporation. Bahagi rin ako ng pamilyang ito.” Nanginginig sa galit si Liam.“Sa palagay mo, bakit kita hinampas?” Hinawakan ni Shaun ang kwelyo ng suot ni Liam. “Niloko mo ako. Sinabi mong namatay si Catherine tatlong taon na ang nakalilipas. Liam, nagiging mabait ba ako sa’yo nitong mga nakaraang araw? Pinatawad na nga kita noong panahong sinet-up mo ako. Ngunit parang inuulit mo nanaman ngayon.”Kumurba
Read more

Kabanata 619

“Okay lang ako, ma. Huwag na kayong mag-alala. Hindi na niya ulit ako guguluhin.” Pilit na ngumiti si Liam. “Sige na.”Matapos umalis ni Lea ay niyuko ni Liam ang kanyang ulo upang titigan ang lapag. Muntikan na niyang sirain ang kanyang hawak na panulat.Sa totoo lang ay pikon na pikon siya dahil anuman ang kanyang gawin ay palagi na lamang siyang nalalamangan ni Shaun. Naalala niya ang maangas at mayabang nitong itsura noong pumasok na lamang ito bigla ng kanyang opisina upang suntukin siya.Oras na upang umuwi siya.Bigla siyang nakatanggap ng isang tawag mula kay Charlie. “Liam, balita ko’y nasapak ka raw?”“At kanino mo nanaman narinig ‘yan?” Naningkit ang mga mata ni Liam.Bumuntong hininga ang tao sa kabilang dulo ng linya. “Hindi lamang ako. Alam na ng halos lahat ng mga maharlika sa Canberra kung paanong pumasok na lamang bigla si Shaun sa iyong opisina upang suntukin ka. Wala kang maitatago sa mga tao rito.”Kinuyom ni Liam ang kanyang mga daliring nakahawak sa telepon
Read more

Kabanata 620

Marahil ay hindi sinasabi ni Sarah ang katotohanan kay Shaun tungkol sa depression na naranasan ni Catherine noong inirekomenda nito sa kanyang ipadala si Catherine sa isang mental hospital.Kung hindi pa ‘namatay’ si Catherine tatlong taon na ang nakalilipas, marahil ay ibinalik niya nga ito sa mental hospital at tiyak na mawawala ito sa katinuan.Sapat na ang mga pinag-iiisip niyang iyon upang kilabutan si Shaun.“Ano’ng iniisip mo? Bakit ganyan ka tumingin sa’kin?” Hindi kumportable si Sarah sa tingin ng lalaki.“Sarah, totoo bang depression ang nararanasan ni Catherine noon?” Biglang tinanong ni Shaun nang seryoso si Sarah.Natigilan ang babae ngunit agad itong bumalik sa katinuan. “Hindi ka naniniwala sa akin?”Niyuko ni Shaun ang kanyang ulo upang titigan ang lapag. “Hindi naman sa gano’n, ngunit ngayon kasi ay mukhang bumalik na siya sa normal, ‘di tulad noong dati na mukha talaga siyang may sakit. Sa totoo lang ay hindi ko maalala kung kinamusta ko siya simula noong ipina
Read more
PREV
1
...
6061626364
...
235
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status