Share

Kabanata 617

Seryoso ba itong lalaking ito?

Ginutom ba niya ang kanyang sarili nitong makalipas na tatlong taon? Ganoon na lamang ba siyang kagutom upang kuhanin ang pinakamalaking mangkok na matatagpuan sa kanyang kusina?

Ngayo’y nauunawaan na ni Catherine kung kanino namana ni Suzie ang gana nitong kumain.

“Balak mo bang kainin ang lahat ng niluto ko?”

Nairita lamang si Catherine sa napagtantuan nito. Nagkaroon siya sa wakas ng pagkakataong makapagluto matapos niyang makabalik sa Australia at pagkatapos ay ganito ang mangyayari?

“Kulang ang niluto mo,” ‘Ika ng lalaki bago ito kumuha ng mga hipon. Matagal na panahon na mula noong huli siyang natakam sa pagkain.

Kadalasa’y walang ganang kumain si Shaun. Lubos ito kung mamili pagdating sa mga putaheng kanyang kakainin. Ngunit sa mga sandaling iyon, walang-wala ang mga gawa ng mga sikat na chef sa lutong bahay ni Catherine.

Kahit ang maasim-asim na julienned na patatas ay nakatatakam para sa lalaki.

Bukod pa rito ang sausage na bahagyang sun
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status