”Wala akong ideya na ginagawa moito para sa akin. Pasensya.” Mukhang natuwa si Sarah pero naiinis din.Sa totoo lang, siya ay galir na galit.Hindi niya kailangman inasahan na ang desisyon niya tatlong taon na ang nakalipas na nang pilitin niya si Catherine na sabihin sa publiko na divorce na sila ni Shaun ay babalik sa kanya ngayon.“Kung ganoon, itutuloy niya ba ang pagbabanta sa’yo nito? Talaga bang hihiwalayan ka nito noon?” Bumagsak bigla ang luha niya sa pisngi. “Mas matagal pa sa 20 taon tayong magkakilala at magnobyo na ng lampas 10 tao. Kailan… ba kita mapapakasalan?”“Gagawin ko ang lahat para lang hiwalayan siya.” Inabutan siya ni Shaun ng tisyu, ramdam na ramdam ang pagkakasala dito. “Mayroon na akong plano, kaya huwag ka na masyado mag-isip.”“Osige. Oo nga pala, kamusta… sa ospital?” mahinang tanong niya.Dahan-dahan silang hinayaan ni Yael.Ang kanyang gwapong mukha ay naka baba lang. “Umiinom na ako ng gamot para dito.” “Mabuti.” Saya ang makikita sa buong pa
Lumingon si Catherine ng may matalim na tingin sa taong nagkomento n’un. Nakakatawa dahil isa itong babaeng shareholder na nagngangalang Woofe.“Director Woofe, isinasabuhay mo ata ang pangalan mo sa mga tahol mo,” sarkastikong sabi nito.Nagalit si Director Woofe nang maintindihan niya ang dalawang kahuluguhan nito. “Chairwoman Jones, anong ibig mong sabihin? Mali ba akong mas gusto ng lalaki ang mahinhin at magandang babae?”“Tatlong taon lang akong nawala pero sa tingin ng lahat pwede na silang maging bastos sa’kin, huh? Huwag niyong kalimutan kung sino ang nag-utos sa inyong lahat na pumunta sa board meeting na ito,” Pinaalalahanan ni Catherine ang silid na puno ng tao.Si Shaun ito.Tumahimik ang lahat. “Sarah, sa tingin ko kailangan mo nang umalis ngayon o kailangan ko pang utusan si Harvey na hatakin ka palabas,” malamig niyang pagbabala. “Isa pa, hindi pa sinasabi ni Shaun sa’yo? O kailangan kong ipaalala sa’yo ang estado ko?”Kaagad namutla ang magandang mukha ni Sarah
Isang nakakabinging katahimikan ang maririnig sa meeting room. Sa tono ni SHaun, mukhang binibigyan niya si Catherine ng espesyal na trato. Dahil ba dati niya itong asawa?Isa pa, sa paraan ng pakikipag-usap ni Catherine dito parang may kung anong namamagitan sa kanila.Makalipas ang ilang minuto, ang mga shareholder ay naguluhan at nagsisi sa pagtatanggol nila kay Sarah.Nako, nakakatakot kung sila ang dadalhin kay Shaun para ‘kausapin’ ito.Umubo ng tuyo si Director Irvine. “Um… rerespetuhin namin ang desisyon ni President Hill.”“Tama, gagawin namin ang kung ano mang sabihin ni President Hill,” sabi naman ng iba at tumango kaagad.Namutla si Sarah kaagad. Naghihintay lang siya sa harap ng pintuan para makitang napapahiya si Catherine pero ngayon parang siya ang napahiya.“Bakit narito ka pa?” Biglang lumingon si Catherine at winagayway ang phone sa babae. “Hindi mo ba narinig ang sabi ni Shaun? Dalian mo at ayusin ang gamit mo. Ayaw talaga kitang makita sa kumpanya ko.”“...
Sinara ni Catherine ang laptop niya, handa nang umuwi.Tatlong taon ang nakalipas mula nang iwan niya ang kumpanya pero isang araw lang ang kailangan niya para makasabay sa mga bagay.Bubuksan niya na ang harap na pinto ng kanyang tahanan nang isang itim na anino ang biglang nagtakip sa kanya.Instinctively, nag-angat siya ng isang binti at sumipa palikod.Isang malaking kamay ang agad na humablot sa kanya. Ang gwapong mukha ni Shaun ay nagmukhang kasing lamig ng yelo. “Saan mo pinaplanong sipain ako?”Inosente siyang kumurap pabalik na may magandang mga mata bago niya ilipat ang tingin niya sa pundya ng lalaki. “Hulaan mo?”“Sa tingin ko humihiling ka ng kamatayan.”Naging sobrang lapit na ng lalaki sa kamatayan na walang mga tagapagmana.Matapos pigilin ang ang galit na dumadaluyong sa loob niya, hinila niya ang binti na hawak niya.Si Catherine, na nakatayo sa isang paa, ay nawalan ng balanse at agad na hinablot ang kurbata ng lalaki para sa suporta.Hindi ito inasahan ni
”Shaun, anong gusto mo? Hindi ba’t kailangan mong umuwi kasama si Sarah ng ganitong oras?”“Sa tingin ko ba gusto ko rin ‘yun? Pero pagkatapos ng tawag mo kaninang umaga… Catherine, may balak ka ring babae ka. Pinahiya mo si Sarah at pinaiyak.”Inis na si Shaun simula ng tawag na iyon, lalo na nung sinabihan siya ng isa sa mga shareholder para sabihan na umalis si Sarah nang umiiyak sa meeting dahil pinahiya ni Catherine. Gustong gusto niya talagang sakalin ang babae hanggang mamatay.“O, naaawa ka sa kanya?” Pinagkrus ni Catherine ang braso niya sa dibdib nito. “Hindi ko sinabi sa’yo iyon ang sabihin mong mga salita, ha.”“Ikaw… Huwag mong isipin na natatakot ako dahil hawak mo ang marriage certificate natin.” Ang madili niyang mata ay naningkit. “Ang pinaka huling taong pumukaw sa’kin ay nawala na sa mundo.”“Si Caharity ba ang sinasabi mo?” biglang sabi niya sa kawalan.Mukhang gulat siya pero kaagad niya rin namang naalis ang pagkagulat. “Nararapat lang sa kanya ‘yun dahil si
”Sir, gaano karami ang gusto mo?”Nagisip si Shaun tungkol dito ng ilang segundo. “30.”Sapat na siguro iyon para sa isang taon. “Kuhanan mo din ako ng 30 na mga bra.”Sa wakas, nagbayad na siya at umalis sa store na may dalang ilang mga shopping bag.Nagkataon, si Joanne Harlow, ang dalaga ng pamilya Harlow, ay nagshopping malapit at kumuha ng litrato niya para ipadala kay Sarah gamit ang WhatsApp. “Tignan mo kung gaano karami ang binili ni Shaun sayo mula sa lingerie store. Naiinggit ako sayo.”...Sa parehong oras.Si Sarah ay nagsasaya kasama si Lucifer sa kanyang personal na apartment.20 na minuto makalipas, tumayo siya para tignan ang kanyang phone. Ang gilid ng kanyang labi ay naging ngiti matapos mabasa ang text ni Joanne.Hindi kailanman gumawa si Shaun ng ganoong bagay. Mukhang sinusubukan niya siyang icomfort sa kahihiyan ni Catherine ngayon.“Ano ang tinitignan mo diyan? Samahan mo pa ako ng mas matagal,” Sabi ni Lucifer bago hatakin siya sa kanyang yakap muli.
Kinain ni Shaun ang pasta ng isahan pero nagugutom pa rin siya.Naglakad siya papunta sa banyo para lang makita na si Catherine na naglalaba ng kanyang damit sa lababo. Sa pangalawa niyang pagiisip, nagdesisyon siya na umalis.Ang lalaki ay nagmaneho sa abalang kalsada at nakita ang restaurant na specialized sa pasta. Pumasok siya ay nagorder mula sa menu pero dinura niya ang pagkain matapos ang isang kagat. “Ang pasta na inyong ginawa ay pangit ang lasa,” Galit siyang sumigaw.“Nandito ka ba para makipagaway?” Ang may ari ng tindahan ay nagalit. “Pinatatakbo ko ang aking restaurant ng higit sa isang dekada at ang lahat ng nandito ay gusto ang aking pasta. Ikaw ang unang nagreklamo.”“Tamaa iyan. Ang pasta dito ay ang pinaka masarap sa buong lugar na ito.” Ang isa sa mga customer ay hindi napigilang sabihin.“...”Hindi alam ni Shaun kung ano ang sasabihin.Ano ang ginawa ni Catherine sa kanyang appetite?Ano ngayon kung ang may ari na ito ay nagpapatakbo ng restaurant ng higit
Sa sumunod na madaling araw.Patagong kinuha ni Sarah ang susi ng kotse ni Shaun at pumuslit sa garahe para silipin ang dashcam footage.Sa loob ng ilang segundo, nakita niya na ito ay nagmaneho sa lugar na may pangalang Hackett Institute ng dalawang beses kagabi.Sa parehong umaga, nagmaneho siya sa parehong lugar at ngumiti ng makita si Catherine na nagmaneho paalis doon.Ito ay talagang si Catherine.Ito ay lampas na sa kanyang inaasahan.Ano ang problema? Ginamitan na niya ng hipnotismo si Shaun para kagalitan si Catherine.Siguro si Catherine ang siyang tumatanggi na tumigil na akitin siya.Ang p*ta!...8:30 a.m.Naglakad si Catherine sa kumpanya para makita si Director Irvine, Director Williams at iba pang miyembro ng board ay naghihintay para sa kanya. Si General Manager Wolfe ay mukhang hindi makapag hintay habang nakatayo sa gilid.“Kayong lahat ay maaga ngayon.”Sabi ni Director Irvine matapos siyang umupo sa kanyang lamesa, “Sa tingin mo ba nakakatulog kami ng