Share

Kabanata 622

Lumingon si Catherine ng may matalim na tingin sa taong nagkomento n’un. Nakakatawa dahil isa itong babaeng shareholder na nagngangalang Woofe.

“Director Woofe, isinasabuhay mo ata ang pangalan mo sa mga tahol mo,” sarkastikong sabi nito.

Nagalit si Director Woofe nang maintindihan niya ang dalawang kahuluguhan nito. “Chairwoman Jones, anong ibig mong sabihin? Mali ba akong mas gusto ng lalaki ang mahinhin at magandang babae?”

“Tatlong taon lang akong nawala pero sa tingin ng lahat pwede na silang maging bastos sa’kin, huh? Huwag niyong kalimutan kung sino ang nag-utos sa inyong lahat na pumunta sa board meeting na ito,” Pinaalalahanan ni Catherine ang silid na puno ng tao.

Si Shaun ito.

Tumahimik ang lahat.

“Sarah, sa tingin ko kailangan mo nang umalis ngayon o kailangan ko pang utusan si Harvey na hatakin ka palabas,” malamig niyang pagbabala. “Isa pa, hindi pa sinasabi ni Shaun sa’yo? O kailangan kong ipaalala sa’yo ang estado ko?”

Kaagad namutla ang magandang mukha ni Sarah
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status