Nagngitngit ang ngipin ni Shaun at naglakad papunta kay Catherine. Aniya ni Shaun, “Sinusubukan mo ako akitin.”“Huh?” Sobrang nagulat si Catherine. Ang madilim at maalindog niyang mata ay may bakas ng pagka-inosente at pagkagulat. Hindi niya namalayan kung gaano siya nakakaakit tignan sa saglit na iyon. “Anong ginawa ko?”“Alam mo iyon kaysa sa ibang tao.” nilgay ni Shaun ang titig niya sa nagliliwanag na mata ni Catherine at sininghalan siya kaloob-looban. Ganito talaga kung paano niya akitin si Shaun.Hindi makapagsalita si Catherine at ‘di namalayan tumingin pababa. “Natapos ka na rin, huh?”Nagalit si Shaun sa kanya, ang tainga niya ay namumula nang hindi niya namamalayan. “Catherine Jones, ano ang nasa isip mo? Wala ka na bang hiya?”Tinaas ni Catherine ang kilay niya. Siya ay isang g*go, ngunit bakit namumula ang tainga niya. Sinusubukan niya ba umarte na inosente? “Iniisip ko lang na hindi mo na kailangan bisitahin ang andrology unit at si Sarah dapat ang magpunta sa dokt
“...”Nakabibigo talaga minsang marinig magsalita si Shaun.Kung kaya’t hindi na lamang ito pinansin ni Catherine at tinuon na lamang ang kanyang pansin sa mga hinihiwa niyang gulay.Kahanga-hanga ang pag-julienne ni Catherine sa mga patatas.Kinibit ni Shaun ang kanyang mga kilay. “Maaari akong umapela sa korte kapag hindi mo pinirmahan ang divorce papers. Pwede namang umapela ang mag-asawa kapag higit dalawang taon na silang hindi naninirahan sa ilalim ng isang bubong.”“Tara, magkita tayo sa korte. Ngunit mukhang gaganda ang mga kwento ng media kapag nalaman nilang kasal pa rin tayo. Hindi ko na pasanin ang pagpapaganda ng reputasyon ng nobya mo.”Walang bahid ng pakialam ang tono ng boses ni Catherine.Siya naman itong ikinagalit ni Shaun. “Ano ba ang pwede kong gawin pirmahan mo lang ang mga papeles?”“Hmm, hindi ko pa napag-iisipan ‘yan.”Itinaboy muli ni Catherine ang lalaki at nagsimula itong painitin ang kawali.Nang uminit na ang mantika, inilagay niya rito ang mga
Seryoso ba itong lalaking ito?Ginutom ba niya ang kanyang sarili nitong makalipas na tatlong taon? Ganoon na lamang ba siyang kagutom upang kuhanin ang pinakamalaking mangkok na matatagpuan sa kanyang kusina?Ngayo’y nauunawaan na ni Catherine kung kanino namana ni Suzie ang gana nitong kumain.“Balak mo bang kainin ang lahat ng niluto ko?”Nairita lamang si Catherine sa napagtantuan nito. Nagkaroon siya sa wakas ng pagkakataong makapagluto matapos niyang makabalik sa Australia at pagkatapos ay ganito ang mangyayari? “Kulang ang niluto mo,” ‘Ika ng lalaki bago ito kumuha ng mga hipon. Matagal na panahon na mula noong huli siyang natakam sa pagkain.Kadalasa’y walang ganang kumain si Shaun. Lubos ito kung mamili pagdating sa mga putaheng kanyang kakainin. Ngunit sa mga sandaling iyon, walang-wala ang mga gawa ng mga sikat na chef sa lutong bahay ni Catherine.Kahit ang maasim-asim na julienned na patatas ay nakatatakam para sa lalaki.Bukod pa rito ang sausage na bahagyang sun
Bang! Bigla na lamang bumukas ang pinto. Napatingin si Liam na tahimik na nagtatrabaho sa kanyang lamesa. Bumalik ito sa kanyang katinuan nang makita ang maulap na itsura ni Shaun.“President Hill, may maipaglilingkod ba—”Bago pa man matapos ni Liam ang kanyang sinasabi ay agad na siyang sinuntok sa mukha ni Shaun.Natigilan naman si Liam dahil dito. Nagsimulang dumugo ang mga sulok ng kanyang labi.Agad namang tumawag nang patago ang secretary na nakaupo sa may pintuan kay Vice Director Hill.“Shaun, huwag mong isiping natatakot ako sa iyo dahil lamang kontrolado mo ang Hill Corporation. Bahagi rin ako ng pamilyang ito.” Nanginginig sa galit si Liam.“Sa palagay mo, bakit kita hinampas?” Hinawakan ni Shaun ang kwelyo ng suot ni Liam. “Niloko mo ako. Sinabi mong namatay si Catherine tatlong taon na ang nakalilipas. Liam, nagiging mabait ba ako sa’yo nitong mga nakaraang araw? Pinatawad na nga kita noong panahong sinet-up mo ako. Ngunit parang inuulit mo nanaman ngayon.”Kumurba
“Okay lang ako, ma. Huwag na kayong mag-alala. Hindi na niya ulit ako guguluhin.” Pilit na ngumiti si Liam. “Sige na.”Matapos umalis ni Lea ay niyuko ni Liam ang kanyang ulo upang titigan ang lapag. Muntikan na niyang sirain ang kanyang hawak na panulat.Sa totoo lang ay pikon na pikon siya dahil anuman ang kanyang gawin ay palagi na lamang siyang nalalamangan ni Shaun. Naalala niya ang maangas at mayabang nitong itsura noong pumasok na lamang ito bigla ng kanyang opisina upang suntukin siya.Oras na upang umuwi siya.Bigla siyang nakatanggap ng isang tawag mula kay Charlie. “Liam, balita ko’y nasapak ka raw?”“At kanino mo nanaman narinig ‘yan?” Naningkit ang mga mata ni Liam.Bumuntong hininga ang tao sa kabilang dulo ng linya. “Hindi lamang ako. Alam na ng halos lahat ng mga maharlika sa Canberra kung paanong pumasok na lamang bigla si Shaun sa iyong opisina upang suntukin ka. Wala kang maitatago sa mga tao rito.”Kinuyom ni Liam ang kanyang mga daliring nakahawak sa telepon
Marahil ay hindi sinasabi ni Sarah ang katotohanan kay Shaun tungkol sa depression na naranasan ni Catherine noong inirekomenda nito sa kanyang ipadala si Catherine sa isang mental hospital.Kung hindi pa ‘namatay’ si Catherine tatlong taon na ang nakalilipas, marahil ay ibinalik niya nga ito sa mental hospital at tiyak na mawawala ito sa katinuan.Sapat na ang mga pinag-iiisip niyang iyon upang kilabutan si Shaun.“Ano’ng iniisip mo? Bakit ganyan ka tumingin sa’kin?” Hindi kumportable si Sarah sa tingin ng lalaki.“Sarah, totoo bang depression ang nararanasan ni Catherine noon?” Biglang tinanong ni Shaun nang seryoso si Sarah.Natigilan ang babae ngunit agad itong bumalik sa katinuan. “Hindi ka naniniwala sa akin?”Niyuko ni Shaun ang kanyang ulo upang titigan ang lapag. “Hindi naman sa gano’n, ngunit ngayon kasi ay mukhang bumalik na siya sa normal, ‘di tulad noong dati na mukha talaga siyang may sakit. Sa totoo lang ay hindi ko maalala kung kinamusta ko siya simula noong ipina
”Wala akong ideya na ginagawa moito para sa akin. Pasensya.” Mukhang natuwa si Sarah pero naiinis din.Sa totoo lang, siya ay galir na galit.Hindi niya kailangman inasahan na ang desisyon niya tatlong taon na ang nakalipas na nang pilitin niya si Catherine na sabihin sa publiko na divorce na sila ni Shaun ay babalik sa kanya ngayon.“Kung ganoon, itutuloy niya ba ang pagbabanta sa’yo nito? Talaga bang hihiwalayan ka nito noon?” Bumagsak bigla ang luha niya sa pisngi. “Mas matagal pa sa 20 taon tayong magkakilala at magnobyo na ng lampas 10 tao. Kailan… ba kita mapapakasalan?”“Gagawin ko ang lahat para lang hiwalayan siya.” Inabutan siya ni Shaun ng tisyu, ramdam na ramdam ang pagkakasala dito. “Mayroon na akong plano, kaya huwag ka na masyado mag-isip.”“Osige. Oo nga pala, kamusta… sa ospital?” mahinang tanong niya.Dahan-dahan silang hinayaan ni Yael.Ang kanyang gwapong mukha ay naka baba lang. “Umiinom na ako ng gamot para dito.” “Mabuti.” Saya ang makikita sa buong pa
Lumingon si Catherine ng may matalim na tingin sa taong nagkomento n’un. Nakakatawa dahil isa itong babaeng shareholder na nagngangalang Woofe.“Director Woofe, isinasabuhay mo ata ang pangalan mo sa mga tahol mo,” sarkastikong sabi nito.Nagalit si Director Woofe nang maintindihan niya ang dalawang kahuluguhan nito. “Chairwoman Jones, anong ibig mong sabihin? Mali ba akong mas gusto ng lalaki ang mahinhin at magandang babae?”“Tatlong taon lang akong nawala pero sa tingin ng lahat pwede na silang maging bastos sa’kin, huh? Huwag niyong kalimutan kung sino ang nag-utos sa inyong lahat na pumunta sa board meeting na ito,” Pinaalalahanan ni Catherine ang silid na puno ng tao.Si Shaun ito.Tumahimik ang lahat. “Sarah, sa tingin ko kailangan mo nang umalis ngayon o kailangan ko pang utusan si Harvey na hatakin ka palabas,” malamig niyang pagbabala. “Isa pa, hindi pa sinasabi ni Shaun sa’yo? O kailangan kong ipaalala sa’yo ang estado ko?”Kaagad namutla ang magandang mukha ni Sarah