Home / Romance / Pakawalan mo ako, Mr. Hill / Chapter 1511 - Chapter 1520

All Chapters of Pakawalan mo ako, Mr. Hill: Chapter 1511 - Chapter 1520

2346 Chapters

Kabanata 1511

”Pfft. Nagseselos ako?”Nagalit si Rodney. “Anong problema kung nagseselos ako? Bawal ba ako magselos dahil sa asawa ko?”“...”Natulala si Freya.Kasalungat ito ng inaasahan niya. Akala niya ay ikakaila ito ni Rodney, ngunit…Ang mukha niya ay namumula sa kahihiyan.Noong una ay nakaramdam ng hiya si Rodney, ngunit noong nakita niya na namula si Freya nang hindi nagsasalita, nawala na ang kahihiyan na nararamdaman niya. “Kahit papaano, itatak mo sa utak mo ang sinabi ko. Kapag nangyari ulit ito, hahanapin ko si Patrick at sasabihin ko sa kanya na pinagsasamantalahan mo siya.”Nakaramdam si Freya ng emosyon sa dibdib niya. “Ewan. Umalis ka na. Tatawagan ko si Cathy.”“Hindi ako aalis. Sino ang nakakaalam kung kukunin mo ang tiyansa na ito para tawagan si Patrick pagtalikod ko.” Humila ng upuan si Rodney at inupuan niya ito.Naalala niya na narinig niya si Freya na kinakausap nito si Patrick ng malumanay sa phone ngayon lang.Ngunit kapag siya ang kausap nito, siya ay sinisiga
Read more

Kabanata 1512

”Kaibigan mo si Shaun. Ngayon at gusto siya puntiryahin ni Rebecca, panonoorin mo ba siya bumagsak at mamatay?” Tanong ni Freya.Mabilis na natahimik si Rodney.Pagkatapos pumasok ni Freya sa bahay at tinapos ang kinakain niya at tyaka lang siya nagsalita, “Maaari ka pumunta, ngunit kailangan mo ako isama.”Tinignan siya ni Freya at tumango na lang ito sa huli.…Makalipas ang 40 na minuto, si Catherine ay nagmaneho papunta sa villa ni Freya.Pagpasok nila sa kotse, kumunot ang noo ni Rodney. “Bakit ka mag-isa? Hindi ba pupunta si Shaun?”“Nasa Hill Corporation muli ang mga pulis, at hindi siya makakagalaw sa kasalukuyan. Hindi ko sinabi sa kanya upang hindi siya mag-alala dito,” Sagot ni Catherine.“Kapag hindi mo sinabi sa kanya, mas lalo siya mag-aalala kapag may mangyari,” Ani ni Rodney.“Well, kasama ko naman kayong dalawa.” Ngumisi si Catherine. “Kahit ano pa ang tahakin ni Rebecca, sa tingin ko ay hindi pa siya ganoon katapang para atakihin ang pamilyang Snow. At saka,
Read more

Kabanata 1513

Hindi komportable si Freya sa kung gaano siya kalapit akapin ni Rodney sa publiko. Gayon pa man, alam niya na ang galaw ni Rodney ay isang palabas lang, kaya hindi niya ito tinulak palayo. “Sobrang mahal mo talaga ang asawa mo, Young Master Snow.” Matalinong tao ang babaeng manager. Sinabi niya habang nakangiti, “Ikaw ay tunay na pinagpala, Young Madam Snow.”Ngumisi si Freya nang hindi nagsasalita.Ang mga tao na katulad ng babaeng manager ay may alam sa nangyari sa pagitan nina Rodney at Sarah noon, ngunit matamis niya pa rin na kinakausap si Freya. Wala masyado pakialam si Freya sa kanila.“Siya nga pala, nakita ko yung kotse ni Master Zeller sa baba. Dahil andito na ako, dapat ko siya puntahan at batiin. Nasaan siya?” Nagsinungaling si Rodney, sinusubukan niya siyasatin ang manager. Sa totoo lang, hindi niya nakita ang sasakyan ni Bryce.Sinabi ng babaeng manager habang nakangiti, “Ang ilan sa mga kaibigan niya andito, kaya pinuntahan niya ito para batiin.”“Oh, tama. Maaari
Read more

Kabanata 1514

”Young Master Snow, anong nagdala sa iyo sa Zenith ngayon?” Tinapik ni Bryce si Rodney sa balikat habang nakangiti. Mukhag magkaibigan sila. “Sa tingin ko ay si Young Master Snow at ang asawa niya ay nagpunta dito para hanapin ako.”Ngumiti si Rebecca. Habang may hawak ng baso ng wine, tumingin siya kay Catherine at tinanong siya. “Nagtataka ako kung paano niyo nalaman na nandito ako.”Nanigas ang mukha ni Bryce. Pagkatapos ay nilipat nya ang titig niya kay Rodney. “Young Master Snow, ito…”“Young Master Zeller, mukhang kilala ng kaibigan mo ang aswa ko.” Nagpanggap na nagulat si Rodney.“Young Master Snow, tigilan mo na ang pagpapanggap. Hindi lang natin kilala ang isa’t-isa, ngunit nagkamabutihan din tayo nang malalim dati.” Hidni na naabala makisakay si Rebecca sa kanya at diretsong sinabi. “My dear cousin, natanggap mo na ba ang sulat na pinadala ko sa iyo?”“Oo. Hindi ko inaasahan na magiging masama ka para sirain ang puntod ng biyolohikal mong tiyahin.” Lumapit si Catherin
Read more

Kabanata 1515

Nakausap na niya si Shaun ng dalawang bese, at masasabi ni Bryce na malupit siyang tao. Ito ay kitang-kita dahil kamakailan lang ay kinalaban ni Shaun ang Campos Corporation at parang kumurap lang siya.Noong una ay tinanggihan ng lolo ni Bryce ang kahilingan na kalabanin si Shaun dahil ang Hill Corporation ay ang pinakamahalaga sa ekonomiya ng Australia. Pumayag lang siya na umaksyon dahil ang tao na iyon ay may hindi karaniwan na pagkakakilanlan.Gayon pa man, si Shaun ay laging maingat. Pagkatapos ng dalawang araw ng imbestigasyon, walang importanteng koneksyon sa Hill Corporation ang nahanap.Nasa likod din ng Hill Corporation ang Liona. Kapag sinaktan ni Bryce ang babae na ito, maaaring bumagsak din siya kasama si Shaun, dahil sa sobrang brutal nito.Siyempre, dahil hiniling ito ng tao na iyon, ilang oras na lang bago bumagsak ang Hill Corporation. Gayon pa man, hindi ngayon ang tamang oras para magkaroon sila ng lagas.Sinunggaban ni Rodney ang tiyansa na ito at sinabi, “A
Read more

Kabanata 1516

Walang laban si Bryce kina Shaun at Chester. Gayunpaman, tapatan pa rin siyang lumaban kay Rodney.Walang naglakas-loob sa mga bodyguard na tulungan si Bryce lalo na’t kakaiba ang kinatatayuan ng lalaki. Kung may bubugbugin silang nagmumula sa mga Snow, mahihirapan silang linisin ang kalat na iyon.Napanganga si Freya sa eksena. “Hindi ko inaasahang marunong din palang lumaban si Rodney. Parang masyado kasi siyang marangya.”“Tingin mo ba’y magkakasundo sila nina Shaun at Chester kung wala siyang alam?” Matalas ang mga mata ni Catherine, at nasasabi niya agad na patas lamang sina Rodney at Bryce sa laban.At kagaya nga ng kanyang inaasahan ay agad na naging bugbog-sarado ang dalawa. Sugatan ang mukha ng dalawang lalaki.Unti-unting lumapit si Catherine kay Rebecca sa pagnanais na hindi na lumaki pa ang gulo. “Sa katunayan nga’y sakto ang pagbabalik mo. Ang tagal kitang hinanap. Tapusin natin kung ano man ang naiwan apat na taon na ang nakakaraan. May sapat tayong oras para roon.”
Read more

Kabanata 1517

Iyon nga ang punto. Sino itong pinaglaruan ni Rebecca?Hindi rin lubos na maisip ni Catherine ang sagot. Nakita na kaya nito ang kanyang mga tunay na magulang kagaya ng mga napapanood sa TV? Subalit si Jeffery ang tunay na ama ni Rebecca.“Tumungo muna tayo sa ospital.” Ang tanging sinabi ni Catherine.Itinakbo si Rodney sa isa sa mga ospital ng mga Jewell.Direktang sinabi ni Freya, “Pwede mong hanapin si Shaun upang ikwento sa kanya ang mga nangyari ngayong gabi. Sasamahan ko muna si Rodney sa ospital.”“Oo nga, sabihan mo si Shaun. Ipatatawag na lang namin ang aming chauffeur upang ihatid kami mamaya pauwi.” Dagdag ni Rodney.Tumango si Catherine. Marami talaga siyang iniisip. Kaya pagkatapos magpasalamat sa kanila, nagmamadali siyang umalis.Doon sa emergency room.Nakasuot ng puting coat, pumasok si Chester at sinulyapan si Rodney, na siyang nilalagyan ng bandage ang mga sugat. Pagkatapos ay nasulyapan niya si Freya na kasama ng lalaki, na bihirang mangyari. “Ikaw ba a
Read more

Kabanata 1518

Gumalaw ang manipis na labi ni Rodney habang binubulong ang mga salita. Matapos huminto sandali, sinabi niya, “Hindi mo na kailangang magpasalamat muli sa akin. Hindi ba’t kakasabi mo lang din?”Dahil doon, tumigil si Freya sa pagiging mahiyain. Ngayong ikinasal na siya kay Rodney, pakiramdam niya ay para na silang magkakampi, at hindi na nila kailangang magpanggap na magkaaway.…Balak pa sanang tumungo ni Catherine sa Hill Corporation ngunit nalaman niya mula sa isang tawag na nakauwi na pala si Shaun.Tumungo siya sa villa. Doon niya nalamang nasa lugar ni Old Madam Hill sina Suzie at Lucas samantalang kumakain ng pasta si Shaun.Wala siyang gana kumain, marahil ay dahil wala siya sa mood.Nang mapansin ni Shaun na nakabalik na si Catherine ay itinigil nito ang kanyang pagkain. “Saan ka nanggaling? Nabalitaan ko kay Aunty Yasmine na nagmamadali ka raw umalis pagkatapos maghapunan.”“May inimbestigahan lang.” Umupo si Catherine at kinuwento sa lalaki ang lahat.Nang marinig n
Read more

Kabanata 1519

Nag-ring ang phone ni Matthew bago niya ito sinagot.Mukhang nagulat siya, pero nanatiling mahina ang boses niya. “Hi. Hindi ko ine-expect na magkukusa ka para tawagan ako.""Naiistorbo ko ba ang date niyo?" Bilang isang matalas na tao, nahulaan ni Catherine na maaaring mahirapan ang lalaki na magsalita ngayon.“Wala akong date. Nakikipag-usap lang ako sa pamilya ko.” Paliwanag ni Matthew na may mahinang ngiti, "Gaya ng sinabi ko, wala akong girlfriend.""Nasa Canberra ba ang mga magulang mo?" Medyo nagulat si Catherine. Hindi nakapagtataka na bihira siyang makipag-ugnayan sa kanya.Sa katunayan, madalas itong nakipag-ugnayan sa kanya noon upaang magtanong tungkol sa villa at maging pamilyar sa Canberra.“Dumating sila ilaw araw lamang ang nakalilipas.”Sa gitna ng kanyang pag-iisip, napagtanto ni Catherine na iyon mismo ang nangyari sa Hill Corporation. “Libre ka ba ng tanghalian bukas? May itatanong sana ako sayo."“Bihira lang yan. Parang ako palagi ang may itatanong sa’yo.”
Read more

Kabanata 1520

Naisip ni Rebecca na higit na makapangyarihan ang mga Costner kaysa sa inaakala niya.Sa kabilang banda, sumakit ang ulo ni Matthew sa nakikitang gawi ng kanyang ama. “Dad, kalimutan mo na. Alam kong makapangyarihan tayo, ngunit nasa Australia tayo, Sina Shaun at ang susunod na prime minister ang binabangga natin. Ang dalawang lalaking ito ang pinaka-maimpluwensyang tao sa Australia. Kung magsasama silang dalawa na patumbahin tayo, baka hindi tayo makaalis ng Australia dahil kahit gaano tayo kalakas, wala tayong makukuhang tulong sa labas.”“Pfft. Kapag may gusto akong ipatumba, wala na akong pakialam sa iba.” Masungit na sinabi ni Titus, na parang napahiya sa harap ng asawa.“Sige. May sense din naman ang sinabi ni Matthew.” Nanatiling kalmado si Sheryl. “Nasabi ko lang iyon dahil sa galit. Hindi ko sisirain ang isang taong bahagyang nakakasakit sa akin."Agad namang nanahimik si Titus.Gusto ni Rebecca na turuan ng leksyon si Freya. Gayunpaman, pagkatapos nitong marinig ang mga
Read more
PREV
1
...
150151152153154
...
235
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status