Tumungo si Rebecca. Nagpanggap itong open-minded at sinabing, “Nalulungkot ako noon, ngunit naka-move on na ako. Hangga’t nandito ka, Mom, kampante ako. At isa pa, parang hindi ka rin naman hahayaan ni Uncle Titus na makipagkita pa kay Joel. Mabuti ang pagtrato sa’yo ni Uncle Titus, at tanggap niya rin ako. Ayaw ko na sanang mag-away pa kayo nang dahil sa akin. Kahit na si Catherine ang tinuturing na anak ni Joel, wala akong problema roon. Mababalikan ko rin naman si Catherine. Hindi ko rin kailangan ng sorry nila. Guguluhin lang nila tayo lalo.”Tumango si Sheryl, panatag. Kasabay nito, ang mga salita ni Rebecca ay nagpaalala sa kanya na dapat niyang layuan si Joel kung makikita niya ito sa susunod. Ayaw niyang magkaroon din ng alitan sa pagitan nila ni Titus.Pagkatapos ng ilang pag-iisip, sinabi niya sa bodyguard na nakaupo sa passenger seat, "Huwag mong sabihin kay Titus ang tungkol sa pangyayari ngayon.""Sige po." Magalang na tumango ang bodyguard.Subalit sinabi ni Rebecca,
Magbasa pa