Home / Romance / Pakawalan mo ako, Mr. Hill / Chapter 1521 - Chapter 1530

All Chapters of Pakawalan mo ako, Mr. Hill: Chapter 1521 - Chapter 1530

2346 Chapters

Kabanata 1521

”Alam ko. Nasa ilalim ng imbestigasyon ang Hill Corporation.” Humigop si Matthew sa kape niya bago siya muling natahimik. Pinirmi ni Catherine ang mga mata niya sa lalaki. Ang lalaki ay ilang taong nakababata sa kanya, at dati pa ay iniisip niya na ang lalaki ay isang brat. Gayunpaman, napagtanto niya ngayon na lahat ay may talino at hindi simple.“Matthew, sa totoo lang…” mahigpit na hinawakan ni Catherine ang tasa ng kape. Kahit pa parang nakakahiya para sa kanya, nagtanong pa rin siya, “Alam kong ang background mo ay kakaiba. Pero naisip ko na baka may mga koneksyon ka na… makakatulong sa Hill Corporation? Kagaya ng nakikita mo, may magandang kinabukasan ang Hill Corporation, at si Shaun ay talagang may kakayahan. Ang kompanya niya ay siguradong makakaabot sa top 30 enterprises sa mundo sa loob ng dalawang taon. Pwede tayong magtulungan at talagang magbenefit mula rito.”Sa oras na nagsimula siyang magsalita, ang mukha niya ay namula sa kahihiyan.Inangat ni Matthew ang kilay n
Read more

Kabanata 1522

Sa pagkakabanggit sa mga bata, nagdilim ang mukha ni Catherine. "Hahanap ako ng paraan para mapadala ang mga anak ko. Ang taong naoffend ko ay masama, at sa tingin ko ay hindi niya pakakawalan ang mga anak ko. Pero para sa usaping ito, siguradong maaayos ko 'to sa paggamit ng ibang paraan."Natigilan si Matthew.Tinatakan ni Catherine si Rebecca bilang sobrang sama. Paano nangyari 'yun? Hindi ba si Catherine ang masama?May pakiramdam si Matthew na may hindi tama."Hindi mo ba iiwan ang mga anak mo?"Umiling si Catherine. "Mauna na 'ko."Pinirmi ni Matthew ang mga mata niya sa anino ng babae. Sa loob looban niya, mas lalo siyang nakakaramdam ng simpatya at pagkalito. Hindi siya makapag heads or tails sa babaeng ito. "Sandali."Nalilitong lumingon si Catherine."Sa totoo lang… May paraan na makatakas." Biglang sinabi ni Matthew, "Baka hindi kita matulungan, pero kapag nagawa kong kumbinsihin ang dad ko, maisasalba niya ang Hill Corporation."Nanigas si Catherine.Awkward na um
Read more

Kabanata 1523

Ang balita ay nagdulot ng matinding komosyon sa Australia.Nang magbukas ang market sa tanghali, ang stock ng Hill Corporation ay bumagsak ng 20 puntos.Hindi maisip ni Catherine kung gaano nagkakagulo ang Hill Corporation ngayon.Sinubukan niyang tawagan si Shaun, pero hindi niya sinagot ito. Kaya naman, tinawagan niya si Hadley. ‘Dun niya nalaman na si Shaun ay inaresto ng mga awtoridad para imbestigahan.“Miss Jones, sabi ni Young Master Hill na huwag ka muna pupunta sa opisina namin. Ang opisina namin ngayon ay binabaha ng mga tagapagbalita, pati na rin mga grupo ng business partners, na nagsisimula ng kaguluhan,” walang magawang sabi ni Hadley.“Ano sa mundong ‘to ang mali sa produkto?” Balisa na tanong ni Catherine.“Sa totoo lang, walang mali rito. Tila pagkukunwari lamang ito na ginagamit para pabagsakin ang stock prices ng Hill Corporation para bumagsak ito.” Malungkot na paliwanag ni Hadley, “Pwede mong tanungin si Young Master Hill para sa karagdagang detalye.” Wala
Read more

Kabanata 1524

Dahil sina Suzie at Lucas ay mga apo niya, nakita ni Brennan ang kahalagahan na bantayan sila. Gayunpaman, hindi siya obligado na gawin din ito sa ibang miyembro ng mga Hills. Pumunta siya rito ngayon para sa kapakanan ng anak niya.“Dad…” Tumayo si Valerie na may bahid ng hindi pagkasaya.“Tama na. Kayo ay nagpakasaya na ng higit sa kalahati ng buhay niyo. Ang nawalang pera ay pwede pang kitain muli. Ang mahalaga ay buhay pa kayo,” si Old Master Hill ay sumagot na may malalim na buntong hininga.Matapos ang ilang oras, si Valerie, na nasa main hall, ay nagsalita, “Iniisip ko kung sino kaya ang makapangyarihang kaaway ang naoffend ng pamilyang Hill.”Sumingkit ang mga mata ni Catherine. Hindi niya mapigilan na higpitan ang hawak sa mga kamay ni Shaun.…Nanatiling tahimik si Catherine sa buong pagkakabay pabalik sa villa kasama si Shaun nung gabi.“Cathy, huwag mong damdamin ang mga salita ng aunty ko.” Biglang tumigil si Shaun at hinaplos ang kanyang malambot, at makinis na muk
Read more

Kabanata 1525

Sobrang walang hiya si Shaun na inakbayan niya pa si Catherine. “Walang mali rito. Gagawin din nila ‘yun paglaki nila.”“Sinong gugustuhin na umasta kagaya mo, bastos?” panunuya ni Suzie.Matapos ay nangutya si Lucas, “Sabi ni Grandma na ang pamilyang Hill ay hindi magtatagal ay babagsak na, tapos kayo ay nasa mood pa rin para maghalikan?”Walang pakialam na sumagot si Shaun, “Pero kayo ay nasa mood para panoorin kami?”Mahinang tanong ni Suzie, “Gusto ko lang malaman kung makakakain pa ‘ko ng sweets kapag bumagsak ang pamilyang Hill.”Lahat ay walang masabi.Talagang foodie siya.Inirapan ni Lucas ang babae. “Huwag kang mag-alala. Kahit na bumagsak ang pamilyang Hill, magsisimula ako ng negosyo at gagawa ng maraming pera para sayo para wala ka nang iisipin bukod sa kung paano ito gagastusin.”“Maganda ‘yan,” Sabi ni Suzie habang inaangat ang kanyang chubby at cute na mukha.Sa pagkakakita sa eksena, hindi mapigilan nina Catherine at Shaun na matawa kahit na sila ay medyo stre
Read more

Kabanata 1526

Akala ni Titus ay isa itong senior manager mula sa bangko. Kaya tumalikod na siya, ngunit siya ay nagulat. Hindi siya gumalaw ng ilang segundo.Ang babae, na kakalabas lang mula sa bangko, ay mukhang nasa twenties lang. May suot siya na matingkad na yellow knitted na damit na may A-line na maxi skirt. Nagpapakita siya ng malinis at elegante na aura. Ang mahaba niyang buhok ay nakatali ng perpekto. Ang mas nakakapigil hininga ay ang kanyang mukha.Marami nang nakita si Titus na magandang babae sa buong buhay niya. Gayon pa man, isa lang ang nagpapatibok ng puso niya, at ito ay si Sheryl. Maganda si Sheryl noon sa kakaibang paraan.Ang babae sa harap niya ngayon, na tulala, ay nagpaalala sa kanya ng batang Sheryl.Magkamukha sila. Ang mga labi na iyon. Ang ilong na iyon.Kahit na hindi parehas ang kanilang mga mata, ang kinang sa mata ni Catherine ay tulad mismo noong kay Sheryl.Pakiramdam niya nga ay para bang naiba ang oras at napunta muli siya sa mahigit 20 na taon ang nakalipa
Read more

Kabanata 1527

"..."Parang hindi na matutuloy ang usapan nila.Gayon pa man, may paghanga si Catherine sa mga ganoon na klase ng lalaki."President Costner, kung ipipilit mo isipin na may relasyon kami ng anak mo, hindi lang ako ang pinapahiya mo. Pinapahiya mo rin ang anak mo at minamaliit mo rin ang anak mo."Mabilis na umaksyon si Catherine at sumagot, "Kahit na ito ang unang beses ko na makita si President Costner, nakikita ko na isa kang matalino at kalmadong tao. Ang anak mo na pinalaki ng matagumpay na tao na tulad mo ay siguradong matalino at napipigilan. Hindi siya dapat madali maakit sa mga magaganda o mapunta sa malabong sitwasyon kasama ang isang tao na alam niyang kasal na at may mga anak na."May bakas ng pagkatuwa sa gwapong mukha ni Titus.Naisip niya ulit ang ugali noon ni Sheryl. Siya ay magaling magsalita at matalas.Kung ipipilit niya na inakit ni Catherine si Matthew, parang inaamin niya na rin ng hindi direkta ang katalinuhan at pagkatao ni Matthew."May matalas ka na b
Read more

Kabanata 1528

"Wala ka ba pakialam… o natatakot ka lang pumalpak?"Matapang na nagsalita si Catherine. Pagkatapos niya magsalita, naramdaman niya ang titig ni Titus na tumatagos hanggang sa buto niya.Nakaramdam talaga siya ng peligro at pananakot na hindi niya pa nararamdaman dati.“Sinusubukan mo ako galitin.” Malamig na ngumiti si Titus. Bigla siyang yumuko at ang tono niya ay naging malupit. “Sa totoo lang, kung hahayaan mo na makikiapagtalik sa iyo ng isang gabi ang anak ko, maaari ko tanggapin ang inaalok mo.”Sumimangot si Catherine. “Paumanhin, ngunit nandito ako para makipagsundo hindi para pag-usapan ang pakikipagtalik. Sa tingin ko ay nagkakamali ka.”“Ikaw ang nagkakamali. Ikaw ang nagmamakaawa sa aking ngayon.” Walang ekspresyon si Titus.“Oo, nagmamakaawa ako, ngunit may prinsipyo ako. Maaari kitain ang pera kung ito ay nalugi, ngunit kung mawawala lahat ng prinsipyo mo, hindi mo na iyon masasalba.”Kahit na nagsisisi si Catherine na nagpunta siya doon, sinubukan niya ang lahat,
Read more

Kabanata 1529

”Matthew, naghihinala ka ba sa mga sinabi ng kapatid mo para sa kapakanan ng isang taga-labas?”Tinitigan ni Titus si Matthew. “Kapag nalaman iyan ng mom mo…”“Hindi ko pinaghihinalaan si Rebecca. Sa tingin ko lang… na baka may hindi pagkakaunawaan lang.” Sabi ni Matthew sa mahinang boses, “Kahapon, hinanap ako ni Catherine para makita kung makakatulong ako. Hindi ako pumayag noong una, ngunit sinubukan ko siya sa pamamagitan ng pagsabi na ipapadala ko siya sa ibang bansa. Gayon pa man, hindi niya ito tinanggap. Masasabi ko na mahal talaga niya si Shaun. Mula sa pananaw ng isang manonood, siya ay mabait at tapat. Ang ganoon na klase ng tao ba ay sasaktan ang biyolohikal nilang lola at magulang?”“Matthew, siya ay nadakip ng mahigit sampung taon at nakita lang siya noong nakaraan. Hindi imposible na gagawin niya ang mga bagay na iyon kung wala siyang nararamdaman para sa miyembro ng pamilyang Jones. Maaaring niloloko ka niya. Ang babae na iyon ay sobrang tuso.”Hindi nagbago ang tit
Read more

Kabanata 1530

Siyempre, kung hindi hinanap ni Catherine si Matthew, iba ang pagtingin sa kanya ni Titus.Pagkatapos niya magsabi ng utos, tinawagan ni Titus si Sheryl. Ang tono niya ay malumanay. “Wifey, kailan ka babalik?”“Namimili pa ako.” Si Sheryl ay katulad ng ibang babae pagdating sa pamimili. “Hindi ba at mananatili tayo sa Canberra ng medyo matagal? Plano ko bumili ng mga damit at skincare na produkto kasama si Rebecca.”“Bilhan mo rin ako ng mga damit.” Dali-daling sinabi ni Titus sa cute na paraan, “Bilisan mo bumalik. Hihintayin kita para mag hapunan.”Walang masabi si Sherryl sa 40-year-old na lalaki na iyon sa pag-arte ng cute.“Mom, sa tingin ko ay bagay sa iyo ang dress na ito,” Ani ni Rebecca habang nakangiti habang hawak niya ang isang kulay asul na embroidered na bestida.Tinignan ito ni Sheryl at inisip niya na ang estilo nito ay ordinaryo lang. Gayon pa man, pagkakita na masaya itong inirekomenda ni Rebecca, sinabi niya, “Bilhin natin kung gayon.” “Hindi mo ba ito susubu
Read more
PREV
1
...
151152153154155
...
235
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status