Walang laban si Bryce kina Shaun at Chester. Gayunpaman, tapatan pa rin siyang lumaban kay Rodney.Walang naglakas-loob sa mga bodyguard na tulungan si Bryce lalo na’t kakaiba ang kinatatayuan ng lalaki. Kung may bubugbugin silang nagmumula sa mga Snow, mahihirapan silang linisin ang kalat na iyon.Napanganga si Freya sa eksena. “Hindi ko inaasahang marunong din palang lumaban si Rodney. Parang masyado kasi siyang marangya.”“Tingin mo ba’y magkakasundo sila nina Shaun at Chester kung wala siyang alam?” Matalas ang mga mata ni Catherine, at nasasabi niya agad na patas lamang sina Rodney at Bryce sa laban.At kagaya nga ng kanyang inaasahan ay agad na naging bugbog-sarado ang dalawa. Sugatan ang mukha ng dalawang lalaki.Unti-unting lumapit si Catherine kay Rebecca sa pagnanais na hindi na lumaki pa ang gulo. “Sa katunayan nga’y sakto ang pagbabalik mo. Ang tagal kitang hinanap. Tapusin natin kung ano man ang naiwan apat na taon na ang nakakaraan. May sapat tayong oras para roon.”
Iyon nga ang punto. Sino itong pinaglaruan ni Rebecca?Hindi rin lubos na maisip ni Catherine ang sagot. Nakita na kaya nito ang kanyang mga tunay na magulang kagaya ng mga napapanood sa TV? Subalit si Jeffery ang tunay na ama ni Rebecca.“Tumungo muna tayo sa ospital.” Ang tanging sinabi ni Catherine.Itinakbo si Rodney sa isa sa mga ospital ng mga Jewell.Direktang sinabi ni Freya, “Pwede mong hanapin si Shaun upang ikwento sa kanya ang mga nangyari ngayong gabi. Sasamahan ko muna si Rodney sa ospital.”“Oo nga, sabihan mo si Shaun. Ipatatawag na lang namin ang aming chauffeur upang ihatid kami mamaya pauwi.” Dagdag ni Rodney.Tumango si Catherine. Marami talaga siyang iniisip. Kaya pagkatapos magpasalamat sa kanila, nagmamadali siyang umalis.Doon sa emergency room.Nakasuot ng puting coat, pumasok si Chester at sinulyapan si Rodney, na siyang nilalagyan ng bandage ang mga sugat. Pagkatapos ay nasulyapan niya si Freya na kasama ng lalaki, na bihirang mangyari. “Ikaw ba a
Gumalaw ang manipis na labi ni Rodney habang binubulong ang mga salita. Matapos huminto sandali, sinabi niya, “Hindi mo na kailangang magpasalamat muli sa akin. Hindi ba’t kakasabi mo lang din?”Dahil doon, tumigil si Freya sa pagiging mahiyain. Ngayong ikinasal na siya kay Rodney, pakiramdam niya ay para na silang magkakampi, at hindi na nila kailangang magpanggap na magkaaway.…Balak pa sanang tumungo ni Catherine sa Hill Corporation ngunit nalaman niya mula sa isang tawag na nakauwi na pala si Shaun.Tumungo siya sa villa. Doon niya nalamang nasa lugar ni Old Madam Hill sina Suzie at Lucas samantalang kumakain ng pasta si Shaun.Wala siyang gana kumain, marahil ay dahil wala siya sa mood.Nang mapansin ni Shaun na nakabalik na si Catherine ay itinigil nito ang kanyang pagkain. “Saan ka nanggaling? Nabalitaan ko kay Aunty Yasmine na nagmamadali ka raw umalis pagkatapos maghapunan.”“May inimbestigahan lang.” Umupo si Catherine at kinuwento sa lalaki ang lahat.Nang marinig n
Nag-ring ang phone ni Matthew bago niya ito sinagot.Mukhang nagulat siya, pero nanatiling mahina ang boses niya. “Hi. Hindi ko ine-expect na magkukusa ka para tawagan ako.""Naiistorbo ko ba ang date niyo?" Bilang isang matalas na tao, nahulaan ni Catherine na maaaring mahirapan ang lalaki na magsalita ngayon.“Wala akong date. Nakikipag-usap lang ako sa pamilya ko.” Paliwanag ni Matthew na may mahinang ngiti, "Gaya ng sinabi ko, wala akong girlfriend.""Nasa Canberra ba ang mga magulang mo?" Medyo nagulat si Catherine. Hindi nakapagtataka na bihira siyang makipag-ugnayan sa kanya.Sa katunayan, madalas itong nakipag-ugnayan sa kanya noon upaang magtanong tungkol sa villa at maging pamilyar sa Canberra.“Dumating sila ilaw araw lamang ang nakalilipas.”Sa gitna ng kanyang pag-iisip, napagtanto ni Catherine na iyon mismo ang nangyari sa Hill Corporation. “Libre ka ba ng tanghalian bukas? May itatanong sana ako sayo."“Bihira lang yan. Parang ako palagi ang may itatanong sa’yo.”
Naisip ni Rebecca na higit na makapangyarihan ang mga Costner kaysa sa inaakala niya.Sa kabilang banda, sumakit ang ulo ni Matthew sa nakikitang gawi ng kanyang ama. “Dad, kalimutan mo na. Alam kong makapangyarihan tayo, ngunit nasa Australia tayo, Sina Shaun at ang susunod na prime minister ang binabangga natin. Ang dalawang lalaking ito ang pinaka-maimpluwensyang tao sa Australia. Kung magsasama silang dalawa na patumbahin tayo, baka hindi tayo makaalis ng Australia dahil kahit gaano tayo kalakas, wala tayong makukuhang tulong sa labas.”“Pfft. Kapag may gusto akong ipatumba, wala na akong pakialam sa iba.” Masungit na sinabi ni Titus, na parang napahiya sa harap ng asawa.“Sige. May sense din naman ang sinabi ni Matthew.” Nanatiling kalmado si Sheryl. “Nasabi ko lang iyon dahil sa galit. Hindi ko sisirain ang isang taong bahagyang nakakasakit sa akin."Agad namang nanahimik si Titus.Gusto ni Rebecca na turuan ng leksyon si Freya. Gayunpaman, pagkatapos nitong marinig ang mga
”Alam ko. Nasa ilalim ng imbestigasyon ang Hill Corporation.” Humigop si Matthew sa kape niya bago siya muling natahimik. Pinirmi ni Catherine ang mga mata niya sa lalaki. Ang lalaki ay ilang taong nakababata sa kanya, at dati pa ay iniisip niya na ang lalaki ay isang brat. Gayunpaman, napagtanto niya ngayon na lahat ay may talino at hindi simple.“Matthew, sa totoo lang…” mahigpit na hinawakan ni Catherine ang tasa ng kape. Kahit pa parang nakakahiya para sa kanya, nagtanong pa rin siya, “Alam kong ang background mo ay kakaiba. Pero naisip ko na baka may mga koneksyon ka na… makakatulong sa Hill Corporation? Kagaya ng nakikita mo, may magandang kinabukasan ang Hill Corporation, at si Shaun ay talagang may kakayahan. Ang kompanya niya ay siguradong makakaabot sa top 30 enterprises sa mundo sa loob ng dalawang taon. Pwede tayong magtulungan at talagang magbenefit mula rito.”Sa oras na nagsimula siyang magsalita, ang mukha niya ay namula sa kahihiyan.Inangat ni Matthew ang kilay n
Sa pagkakabanggit sa mga bata, nagdilim ang mukha ni Catherine. "Hahanap ako ng paraan para mapadala ang mga anak ko. Ang taong naoffend ko ay masama, at sa tingin ko ay hindi niya pakakawalan ang mga anak ko. Pero para sa usaping ito, siguradong maaayos ko 'to sa paggamit ng ibang paraan."Natigilan si Matthew.Tinatakan ni Catherine si Rebecca bilang sobrang sama. Paano nangyari 'yun? Hindi ba si Catherine ang masama?May pakiramdam si Matthew na may hindi tama."Hindi mo ba iiwan ang mga anak mo?"Umiling si Catherine. "Mauna na 'ko."Pinirmi ni Matthew ang mga mata niya sa anino ng babae. Sa loob looban niya, mas lalo siyang nakakaramdam ng simpatya at pagkalito. Hindi siya makapag heads or tails sa babaeng ito. "Sandali."Nalilitong lumingon si Catherine."Sa totoo lang… May paraan na makatakas." Biglang sinabi ni Matthew, "Baka hindi kita matulungan, pero kapag nagawa kong kumbinsihin ang dad ko, maisasalba niya ang Hill Corporation."Nanigas si Catherine.Awkward na um
Ang balita ay nagdulot ng matinding komosyon sa Australia.Nang magbukas ang market sa tanghali, ang stock ng Hill Corporation ay bumagsak ng 20 puntos.Hindi maisip ni Catherine kung gaano nagkakagulo ang Hill Corporation ngayon.Sinubukan niyang tawagan si Shaun, pero hindi niya sinagot ito. Kaya naman, tinawagan niya si Hadley. ‘Dun niya nalaman na si Shaun ay inaresto ng mga awtoridad para imbestigahan.“Miss Jones, sabi ni Young Master Hill na huwag ka muna pupunta sa opisina namin. Ang opisina namin ngayon ay binabaha ng mga tagapagbalita, pati na rin mga grupo ng business partners, na nagsisimula ng kaguluhan,” walang magawang sabi ni Hadley.“Ano sa mundong ‘to ang mali sa produkto?” Balisa na tanong ni Catherine.“Sa totoo lang, walang mali rito. Tila pagkukunwari lamang ito na ginagamit para pabagsakin ang stock prices ng Hill Corporation para bumagsak ito.” Malungkot na paliwanag ni Hadley, “Pwede mong tanungin si Young Master Hill para sa karagdagang detalye.” Wala
Ng ibaba ni Freya ang kanyang tingin, napagtanto niyang may nilagay na diamond necklace si Ryan sa kanyang leeg."Ikaw…""Ito ay isang regalo para sayo." Hinalikan siya ni Ryan sa noo. "Hindi pa kita nabibigyan ng regalo kahit na matagal na tayong nagde date.""Hindi iyan totoo. Lagi kang bumibili ng mga regalo ni Dani…”“Walang kwenta iyan. Ang pagbili ng mga regalo para sa aking anak na babae ay natural. Ang pagbili ng mga ito para sayo ay isang bagay din siyempre."Labis na naantig si Freya. Si Dani ay hindi anak ni Ryan, ngunit sinabi pa rin niya ang mga salitang iyon…Minahal niya talaga siya.Gayunpaman, siya ay napakahina at mahiyain."Kailan mo balak umalis? Ihahatid na kita sa bago mong tahanan," Sabi ni Ryan.“Balak ko lumipat bukas. Pupunta ang mga magulang ko sa Canberra kinabukasan. Magkakaroon tayo ng family dinner sa gabi."“Mm. Sasamantalahin ko ang pagkakataong manatili at kumain kapag pinapunta na kita, okay?" Hinawakan ni Ryan ang mukha niya at nagtanong.
Ibinaba ni Freya ang mga bagay na hawak niya. Lumingon siya at umikot sa baywang ni Ryan gamit ang dalawang kamay. "Walang tutulong dito. Kung patuloy akong mananatili dito, at patuloy kang... ganito, matutuklasan din tayo sa madaling panahon.""Tulad ng ano?" Ang malungkot na boses ni Ryan ay umalingawngaw mula sa kanyang leeg.“Basta... ganito. Gaya ng ginagawa mo ngayon." Namula si Freya. "Palagi kang naghahanap ng mga dahilan upang mapunta ako sa iyong lugar sa umaga o pumunta sa aking lugar pagkatapos ng trabaho sa gabi. May makakahanap na kakaiba sa madaling panahon. Kung lilipat ako, walang mga taong tumitingin sa bawat galaw namin. Magiging mas maginhawang mag date din sa labas."Ilang oras ding tinitigan ni Ryan si Freya. Siya ay napabuntong hininga. “Pero kailangan kong magtrabaho ng dagdag na oras ng madalas. Malalaman ng tatay ko kung hindi ako babalik pagkatapos ng trabaho. Kung madalas akong lumabas, maghihinala sila."“Huh?”Napakurap si Freya. "Anong gagawin natin?
...Sa parking lot sa ibaba.Nag thumbs up si Freya kay Catherine dahil sa paghanga. "President Jones, ang iyong dominanteng aura ay nag uumapaw ngayon lang. Napakasatisfying panoorin.”“Naiinis din ako kay Rodney. Hindi pa rin siya malinaw sa kanyang sitwasyon hanggang ngayon. Siya ay kumikilos na parang salamat sa kanya na nakuha namin ang Osher Corporation." Binuksan ni Catherine ang pinto ng kotse at pumasok."Tama iyan. Gusto niyang magpakita tayo ng respeto sa kanya? Sino siya sa tingin niya?"Isang harrumph ang pinakawalan ni Freya. Pagkasuot pa lang niya ng seatbelt ay tinawag siya ni Forrest. “Nakatakda na ang petsa ng paglipat sa villa. Sa susunod na Lunes na. Ang pamilya Lynch ay magkakaroon ng piging sa isang hotel at mag iimbita ng ilang kamag anak at kaibigan sa Canberra."Malapit na yan..." Nagulat si Freya."Diba sabi mo gusto mong umalis sa lalong madaling panahon? Kaya naman pinatrabaho ko ang mga contractor ng overtime. Ang pagsasaayos ay natapos na sa loob ng
Makalipas ang limang minuto, bumalik si Freya. Si Catherine at ang abogado ay tapos ng tingnan ang mga dokumento. "Walang problema. Pirmahan natin."Pagkatapos maglagay ng pirma nina Freya, Catherine, at Rodney, nagmamadaling sinabi ni Rodney, “Malaking araw ngayon. Payagan akong imbitahan kayong lahat na kumain sa malapit na restaurant. Kunin natin ito bilang isang pagdiriwang para sa tagumpay ng pagkuha ng Freycatheli—”“Sasamahan ka ni General Manager Hoffman mula sa aming kumpanya, President Snow. Si President Lynch at ako ay may ilang iba pang mahahalagang bagay na aasikasuhin mamaya." Magalang na tumanggi si Catherine ng hindi hinintay na matapos ni Rodney ang kanyang pangungusap."President Jones, ginagawa mo akong masama." Hindi masyadong maganda ang ekspresyon ni Rodney. "Dapat mong malaman na maraming mga lokal at overseas na kumpanya ang interesado sa pagkuha ng Osher Corporation. Gayunpaman, hindi ko sila pinansin. Unang pumasok sa isip ko si Freycatheli, at hindi ko sin
“Magaling iyan.”Naghiyawan ang lahat ng nasa meeting room.Sinabi ng tagapamahala ng departamento ng marketing, "Naisip pa namin na ang pagkuha ay tatagal ng ilang buwan. Hindi ako makapaniwala na makukumpleto sa loob ng isang linggo. Masyadong nakakagulat.""Ang Osher Corporation ay isang ginugol na puwersa. Ang paghawak ay magiging isang pag aaksaya lamang ng pera." Ngumiti ng mahina si Catherine. "Sige. Kapag matagumpay nating nakuha ang Osher Corporation, magkakaroon ng malaking pagbabago sa loob ng mga panloob na empleyado ng kumpanya. Syempre, tataas din ang katayuan ng Freycatheli sa Australia, kaya dapat maghanda ang marketing department. Ipaalam sa mga tagalabas ang tungkol sa pagkuha na ito, at linawin sa kanila na ang magiging boss ng Osher Corporation ay hindi na si Rodney kundi ang Freycatheli.""Pagkatapos ng acquisition, dapat bang tanggalin ang shop-in-shop ng Osher Corporation sa mga mall?""Hindi, ngunit baguhin ang lahat ng mga signage sa Freycatheli."“...”
Pagsakay ni Freya sa sasakyan ay nakonsensya pa rin siya.Ang pakiramdam ng pagiging malihim sa The Lodge ay tiyak na magpapahirap sa kanya sa kabaliwan maaga o huli.Hindi nagtagal, pinadalhan siya ni Ryan ng isang mensahe sa WhatsApp: [I miss you…]Halos itapon ni Freya ang phone niya sa message na iyon. Binabaliw siya nito.Pagkarating niya sa kumpanya, isang katulong ang nagdala ng bouquet sa kanya. "Manager Lynch, may nagpadala sayo ng bouquet."Ibinaba ni Freya ang test tube sa kanyang kamay, tinanggal ang kanyang gloves, at kinuha ang mga bulaklak na nakabalot sa pink na wrapping paper. Hindi lamang isang uri ng bulaklak ang naroroon. Sa katunayan, ang mga hydrangea, bellflower, tulips, at marami pang ibang uri ng magagandang bulaklak ay pinagsama sama. Ito ay napakarilag at mabango.May maliit na card sa bouquet. Binuksan ni Freya ang card, na nakasulat, "I miss you, my princess..."Wala siyang maisip na iba pang magsusulat ng ganoong katamis na salita maliban sa isang t
Laking gulat ni Freya kaya bumilis ang tibok ng puso niya. Napasilip siya sa pintuan ng kwarto. Ng mapagtanto niyang nakasara na ang pinto ay nakahinga siya ng maluwag.Gayunpaman, hindi siya ganap na komportable. Medyo kinakabahan pa rin siya.Paano kung biglang umakyat ang katulong?Paano kung…"Mangyaring manatiling nakatutok."Ang malalim at mahinang boses ni Ryan ay narinig mula sa kanilang manipis na mga labi.Hindi nakaimik si Freya. Paano siya mananatiling nakatutok?Palusot sila at nagmukha siyang magnanakaw.“Halika na. Na miss kita." Binigyan siya ni Ryan ng mahaba at malalim na halik habang kinulong ang mukha niya. Sa gitna ng mapusok na halik, paos ang boses ng lalaki na para bang may dumaan na kuryente sa kanya. Namamanhid ang buong katawan niya. “Na miss mo ba ako?”"...Bilisan mo."Hindi mapakali si Freya."Tinatanong kita kung na miss mo ba ako." Kinagat ni Ryan ang kanyang labi. "Kung hindi ka tapat sa akin, hindi kita bibitawan.""Namiss kita. Namiss kita
Matagal na rin simula nang makatanggap ng ganoong sampal si Heidi. Siya ay lumipad sa matinding galit. “Oo, problema ito ng iyong pamilya, pero si Freya ay aking goddaughter. Mangyaring umalis sa aming bahay ngayon din."Ng matapos siyang magsalita, kinaladkad ng ilang bodyguard sa likod niya si Rodney palabas ng The Lodge.Nagbabala si Heidi, “Tandaan mo siya. Hindi ko na siya gusto sa The Lodge."Galit na galit si Rodney. "Aunty Heidi, huwag kang snob.""Snob ako?" Si Heidi ay nadala sa pagkagalit.Sa kabutihang palad, hindi nagtagal ay naalis si Rodney.Medyo natulala sina Freya at Ryan. Hindi nila inaasahan na magiging ganoon ang mga bagay.Si Nathan, na napahawak sa gitna, ay nakaramdam ng pinaka naiilang. "Bakit galit na galit ka sa isang bata?""Hindi mo ba narinig kung gaano siya sarcastic?" Galit na sinabi ni Heidi, "Sapat na ako sa kanya. Ang ginawa niya ay nagdulot ng napakaraming problema para sa amin, ngunit kailangan naming ayusin ang kanyang gulo. Bukod dito, ang
Dinala nina Freya at Ryan si Dani sa harap ng bakuran para mag almusal.Si Dani, na nasa yakap ni Ryan, ay tumingin sa paligid gamit ang malaki at maitim niyang mga mata.Walang kahihiyang sumama si Rodney. "Dani, ihahatid kita sa bahay ni Lola, okay?"Agad na napalingon si Dani. Pinulupot niya ang kanyang mga kamay sa leeg ni Ryan na para bang si Ryan ang kanyang biological father.Nagseselos si Rodney. “Ryan, ibalik mo sa akin ang anak ko. Ibinabalik ko siya sa dating tirahan, at ngayon lang sinang ayunan ni Freya.""Maaari mo siyang dalhin doon pagkatapos kong umalis para sa trabaho." Seryosong sabi ni Ryan, “Ayokong makipaghiwalay si Dani sa akin ngayon. Kung pilit ko siyang ibibigay sayo, iiyak siya. Hindi na siya ang sanggol na walang alam. Maaari na siyang gumulong, at mayroon siyang sariling mga opinyon. Naiintindihan mo ba?""Naiintindihan ko, at iyon ang dahilan kung bakit gusto kong makipag bonding sa kanya." Naiinip na sinabi ni Rodney, “Ryan, sinusubukan mong maging