Home / Romance / Pakawalan mo ako, Mr. Hill / Chapter 1181 - Chapter 1190

All Chapters of Pakawalan mo ako, Mr. Hill: Chapter 1181 - Chapter 1190

2346 Chapters

Kabanata 1181

”Sa halip ay hayaan mo na dapat ako lumabas,” Sinabi ni Freya sa mababang boses, “Hindi ako komportable manatili dito.”“Buntis ka. Maiintindihan ni mom kung mananatili ka rito. Pinagtakpan ka rin niya. Kung mananatili ako dito sa taas, papasok ang ibang tao para bisitahin ako.” Binigyan siya ni Ryan ng nanghihikayat na titig. “Good luck. Naranasan mo na 'yan dati. Iba ako. Inosenteng binata pa rin ako.”“...”Marahan na umubo si Freya.Ngumiti si Ryan. Tumalikod na siya at lumabas.Nasa bingit na ng pag-iyak si Freya. Nanatili siyang nakikipaglaban sa loob ng kwarto....Sa baba, naghanap na si Hannah sa buong gusali ngunit hindi niya pa rin makita si Shaun.Galit na galit na siya.Umepekto na siguro kay Shaun ang droga ngayon. Saan kaya siya tumakbo sa ganoon na estado?Kung hindi niya talaga ito kaya kontrolin at nakahanap ng ibang babae para maginhawahan, dudura si Hannah ng dugo.“Siya nga pala, nakita mo ba si Catherine?” Bigla niya tinanong.“Ah, ngayon at binanggit
Read more

Kabanata 1182

Ang ekspresyon sa magandang mukha ni Catherine ay unti-unti naging malamig. “Miss Mead, naiintindihan ko na gusto mo si Shaun. Kahit na ganon, wala siyang pakialam sa iyo. Hindi mo maaaring pilitin na sisihin ako. Pakiusap lang at tignan mo ang ugali mo”“Anong karapatan ng walang hiyang babae na tulad mo ang pangaralan ako?” Nagalit si Hannah.“Wala kaming karapatan, ngunit kaya ko hanapin ang mom o dad mo,” Galit na sinabi ni Freya, “Hahayaan namin sila na pangaralan ang anak nila.”Suminghal si Hannah. “Freya Lynch, nagpupumilit ka ba na kalabanin ako? Hayaan mo na ipaalala ko sa iyo. Sa totoo lang, inaanak ka lang ni Uncle Nathan. Hindi ka nga niya tunay na anak. Bakit ka nagyayabang? Lahat naman ng sa pamilyang Snow alam na inako ka lang nila bilang inaanak dahil lang sa awa dahil walang gusto kumuha ng responsibilidad pagkatapos makipagtalik sa iyo ni Rodney.”Namutla ang mukha ni Freya.“Itikom mo ang bibig mo!” Ang sigaw ni Senator Mead ay biglang narinig mula sa likod.N
Read more

Kabanata 1183

Walang ekspresyon na sinabi ni Catherine, “Miss Mead, may espesyal ka na katayuan, kaya maaari mo sabihin ang kahit ano na gusto mo. Gayon pa man, isinaalang-alang mo na ba na kasal na ako na babae? Kapag kumalat ang tsismis at pinaniwalaan lang ito ng lahat, ang reputasyon ko ay masisira dahil sa iyo.”Hindi inaasahan ni Senator Mead na hindi mapagpatawad si Catherine. Gayon pa man, si Heidi ay nasa tabi. Maaari lang siya humingi ng tawad. “Hindi ko inaasahan na ikaw ay napinsala ng husto. Tiyak na pahihingin ko ng tawad ang anak ko. Patatalsikin ko rin kaagad ang katulong na iyon. Walang lalabas na balita tungkol sa insidente ngayon.”“Dad…” Ang luha ni Hannah mula sa pagkamuhi ay bumagsak.“Hannah, humingi ka ng tawad. Kapag hindi ka humingi ng tawad ngayon, hindi na kita anak,” Nagbabala si Senator Mead.Nagngitngit si Hannah ng ngipin. Wala siyang ibang pagpipilian kundi pigilin ang poot na nararamdaman niya at sinabi kala Catherine at Freya, “Humihingi ako ng paumanhin.”“La
Read more

Kabanata 1184

Tumawa si Heidi. “Tama ka. Sa kasamaang palad, ang lohika na ito ay hindi makuha ng maraming tao. Huwag ka mag-alala, sa pagsasaalang-alang sa iyong tatay at relasyon ni Freya sa pamilyang Snow, poprotektahan ka namin kahit pa gusto ka tirahin ni Senator Mead.”“Salamat.” Tapat siyang pinasalamatan ni Catherine muli.Pagkatapos umalis ng kotse, pumunta na siyang kotse ni Wesley.Tinignan ni Wesley si Catherine. “Cathy, ano ang sinabi ni Madam Snow sa iyo?”Nagbuntong hininga si Catherine. “Sinabihan niya lang ako.”Nagbago ng kaunti ang ekspresyon ni Wesley. “Ano ba talaga ang nangyari ngayong gabi? Hindi pa natatapos ang party. Bakit hiniling ni Senator Mead na mauna na tayo umalis?”“Dahil siguro dating asawa ako ni Shaun, kaya ang tingin sa akin ni Hannah ay haka-haka na kaaway niya. Palagi niya ako ginugulo. Aksidente na nagkaroon kami ng hindi pagkakasundo,” Sinabi ni Catherine nang may mapait na ekspresyon, “Pasensya na at gumawa ako ng gulo para sa iyo.”Niyukom ni Wesley
Read more

Kabanata 1185

Hindi na siya matiis ni Catherine at sumagot: [Umalis ka nga.]Shaun: [Hindi ako aalis. Hinding-hindi ako aalis sa buhay na ito. Sinagip mo ako ulit. Ikaw ang tagapagligtas ko. Hindi ko mababayaran ang kabaitan mo, kaya maipepresenta ko lang sa iyo ang sarili ko.]"Walang hiya!"Pagkatapos pagalitan ni Catherine si Shaun, ang tunog ng tibok ng puso niya ay parang tunog ng tambol.Sa saglit na iyon, ang pinto ng kwarto ay biglang bumukas. Sumimangot si Catherine ng naglakad papasok si Wesley ng may malalaking hakbang. Mukhang kailangan na niya i-lock ang pinto sa susunod."Cathy, tinawagan ko ngayon si Senator Mead para humingi ng tawad sa kanya. Sabi niya… na huwag na siya gaano tawagan sa susunod."Ang ekspresyon sa eleganteng mukha ni Wesley ay mapangit. May hindi makontrol na galit sa mata nito. "Sinabi niya na agresibo ka, at hindi mo siya binigyan ng pagpipilian kundi saktan ang anak niya sa sarili niyang birthday party. Hindi na siya maglalakas loob galitin ka pa muli."Na
Read more

Kabanata 1186

Hindi na gusto pang makipagtalo ni Catherine kay Wesley, kaya’t matapos niyang itaboy ang lalaki ay agad niyang sinamantala ang pagkakataong damputin ang kanyang phone at tumakbo palabas ng villa nang hindi na pinapalitan ang kanyang suot na sapatos. Pagkapasok niya ng sasakyan ay agad niya rin itong sinimulan at umalis.Mula sa kanyang rear-view mirror ay nakikita niyang sinusundan siya ni Wesley.Kumirot lamang ang puso ni Catherine nang makita niya ang eksenang iyon.Marahil ito ay dahil sa hindi niya inaasahang darating ang araw na mag-aaway sila ni Wesley.Napakamahinhing tao ni Wesley. Matagal silang naging kasal ni Shaun, ngunit hindi sila nagtalo kayaga ng ginawa nila ni Wesley. Sumasakit ang kanyang mukha, mga braso, at mga balikat.Kinilabutan siya bigla nang maalala niya ang naging itsura ng lalaki.Noong huling beses sinubukan ng lalaking ipilit ang sarili nito kay Catherine, iyon din ang kanyang naging itsura. Noong una’y inakala ni Catherine na guni guni niya lamang
Read more

Kabanata 1187

“Ah, ‘wag mong sabihin ‘yan. Asawa mo rin naman dati si Shaun. Oo, kasal ka kay Wesley, ngunit hindi pa naman kayo nagtatalik dati. Marahil ay nasanay ka lamang kay Shaun. Gusto naman ng lahat na malinis ang lahat ng bagay,” Pag-aaliw ni Freya sa kaibigan.“Tigilan mo nga ‘yan.” Natutulalang muli si Catherine.Noong una’y sapilitan siyang nakikipagtalik kay Shaun noong sila’y nasa isla, ngunit noong gabing iyon… sumang-ayon siyang gawin iyon.Hindi niya mapigilan ang kanyang sarili noong makita niyang naghihirap ang lalaki.Marahil ay pinakulam nga talaga siya ni Shaun. L*ntik na lalaki.“Sige na, ititigil ko na. Ngunit palagay ko’y habambuhay nang may pagitan sa inyo ni Wesley. Bagama’t obligasyon kong ipayo sa’yong makipagbati sa lalaki upang hindi kayo maghiwalay, mahigpit akong tumututol sa mga lalaking sinasaktan ang kanilang mga asawa. Ikaw na ang bahala sa iyong gagawin.“Noong una’y akala ko kung sinong marahang tao ‘yang si Wesley. Nakakatakot ngang bigla-bigla niya na l
Read more

Kabanata 1188

Inaamin ni Catherine na maraming ginawa si Shaun na mga bagay kung saan nasaktan siya nito.Subalit hindi dapat ito ginagamit upang pwersahang ipagawa ng desisyon ang isang bata.Wala pang muang ang mga bata. Wala silang kapangyarihang mamili ng kanilang mga magulang.Likas sa mga batang hanapin ang kanilang mga ama; noong una’y hindi hinayaan ni Catherine na kilalanin ng kanyang mga anak si Shaun bilang kanilang ama sa takot na nasa ilalim pa rin ito ng hypnosis ni Sarah at gawin ng lalaki ang lahat upang mapasakanya ang mga bata. Bukod pa roon, nangangamba siyang magiging stepmother ng mga bata si Sarah at gawin itong pagkakataon ng babae upang saktan ang mga bata.Subalit hindi na mangyayari ang anuman sa mga bagay na iyon, kaya’t hindi na siya tutol sa ideyang ipakilala si Shaun sa mga bata.Walang higit na nakaiintindi kay Lucas bukod kay Catherine. Mapagmataas na bata si Lucas. Alam niyang kahihiyan at sama ng loob lamang ang dinadala ng mga salita ni Wesley sa bata.“Cathy
Read more

Kabanata 1189

Tinitigan ni Shaun ang paalis na sasakyan ni Wesley nang may mga nakakuyom na kamao.Alam niyang may kinalaman si Wesley sa pang-aatake sa kanya sa presinto kamakailan lamang....Inuwi ni Catherine ang dalawang bata sa villa ng mga Yule.Habang papunta sila roon, makikitang walang problema si Suzie habang nabibigo naman ang itsura ni Lucas. Makikita siyang tumitingin sa labas ng sasakyan nang may nanlalamig na itsura.“Lucas, huwag mo masyadong isipin ang lahat,” Pang-aaliw ni Catherine, “Huwag mo masyadong dibdibin ang sinabi sa’yo ng Uncle Wesley mo. Basta sundan mo lang kung ano palagi ang sinasabi ng puso mo.”“Pero Mama, parang tama nga si Uncle Wesley.”Nabibigong sumagot si Lucas. “Ilang beses tayong sinaktan ni Shaun, kaya hindi ko dapat siya kinikilala bilang ama sa buong buhay ko. Ngunit nitong mga nakaraang araw ay nakakailang balik na ako sa bahay ng mga Hill kasama siya.”Sinasamahan pa sila ni Shaun na maglaro ng basketball, football, at swimming.Hindi niya nam
Read more

Kabanata 1190

“Pero alam naming pagod na pagod ka noon kapag inaalagaan mo kami, Mama. Naaalala ko noong nilagnat ako noon, sinamahan mo pa kami kahit na kailangan mong magtrabaho. Hindi ka pa nga makatulog noon eh,” Malungkot na sinabi ni Suzie.“Tama ka, nakakapagod ang mga panahon na ‘yon, ngunit palagay ko’y sulit naman ang pagod kapag nakikita ko kayo ngayon,” Pagtitiyak ni Catherine.Pagkarinig niya ng sinabi ng kanilang ina, nanatiling tahimik si Lucas habang nakaupo sa likod.Pakiramdam niya’y may punto ang sinabi ni Suzie.Kung hindi niya hahayaang alagaan sila ni Shaun, hindi ba’t mas makikinabang doon si Shaun?Inilagay ni Suzie ang kanyang maliliit na mga kamay sa mga balikat ni Lucas. “Lucas, kailangan pa rin nating sulitin ang pagkakataong ilalabas tayo ng walang kwenta nating ama, para maabala siya masyado sa atin at hindi na siya lumapit sa iba sa susunod. Kailangan nating maging magsipag bilang mga third-wheelers upang lumaki at tumanda siyang mag-isa. Iyon ang pinakamabigat na
Read more
PREV
1
...
117118119120121
...
235
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status