“Last flight mo na yon ngayong araw, Prem?” Buntong hininga ko pagkatapos inayos ang maleta ko na nasira ang gulong sa padabog kong paghila. Bakit naman kasi lubak lubak yung daan ‘don e malapit na yun sa railway. Jusko, ha! “Oo te, binitin pa nila, e halos mag 6am na oh,” Sagot ko kay Reyn, ang kaibigan ko na pinanganak sa pagiging maswerte. Pano ba naman kasi, sa aming dalawa ako lagi yung pang-gabi lagi yung flight. Sayang kasi talaga, gusto ko pa naman ng pang umaga lang na flight tapos hanggang hapon, saya kaya makakita ng sunrise saka sunset kapag ka nasa eroplano ka. Hindi naman sa ayaw ko din sa gabi, maganda din naman like city lights ganon pero nakakaumay na, ayaw kasi ako ilipat ng head namin. “Te, galing pala sa condo ko ‘yung mama mo, nakahanap na daw sila ng Architect para sa ipapagawa mong bahay.” Habol ni Reyn sakin ng malagpasan ko na siya,
Последнее обновление : 2021-07-15 Читайте больше