“Last flight mo na yon ngayong araw, Prem?”
Buntong hininga ko pagkatapos inayos ang maleta ko na nasira ang gulong sa padabog kong paghila. Bakit naman kasi lubak lubak yung daan ‘don e malapit na yun sa railway. Jusko, ha!“Oo te, binitin pa nila, e halos mag 6am na oh,” Sagot ko kay Reyn, ang kaibigan ko na pinanganak sa pagiging maswerte. Pano ba naman kasi, sa aming dalawa ako lagi yung pang-gabi lagi yung flight.Sayang kasi talaga, gusto ko pa naman ng pang umaga lang na flight tapos hanggang hapon, saya kaya makakita ng sunrise saka sunset kapag ka nasa eroplano ka. Hindi naman sa ayaw ko din sa gabi, maganda din naman like city lights ganon pero nakakaumay na, ayaw kasi ako ilipat ng head namin.
“Te, galing pala sa condo ko ‘yung mama mo, nakahanap na daw sila ng Architect para sa ipapagawa mong bahay.” Habol ni Reyn sakin ng malagpasan ko na siya, ambagal kasi maglakad. “Tawagan mo lang daw sila para ikaw na mag contact don sa Archi ng makapagset na daw ng schedule for meeting,” dugtong niya pa.
“Okay.” Simpleng sagot ko. Close kasi yan sila nina mama kesa sa iba kong mga kaibigan, madaldal kasi ‘tong si Reyn, siya nga ginagamit ko kapag may galaan tapos ‘di ako pinapayagan.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad papuntang parking lot, nag part ways na kami ni bruhilda since may flight din yon maya maya. Diretso na ako agad sa kotse ko, kina mama nalang siguro ako tutuloy ngayon para mapag-usapan namin yung about sa Architect. Magpapatayo na ako ng bahay halos 6 years na din akong flight attendant pero wala pa akong napapatayo para kina mama, sa mga lumipas kasi na taon puro ako travel, paraan ko yon para makalimutan siya.
Pagkadating ko sa bahay nakabukas na ang gate kaya diretso ko nalang pinark ang kotse ko. Maya-maya lumabas si mama para batiin ako, naka apron pa, halatang nagluluto pa siya.
“Premmmmm! Ano? Kumusta ang byahe?”
“Okay lang ma,” Sagot ko at niyakap na rin siya. Ginaya niya na din ako papasok ng bahay, nasa pintuan palang kami, amoy na amoy ko na ang adobo.
Ginala ko ang mga mata ko sa loob dahil na rin matagal tagal din kasi ako ‘di nadalaw dito, gaya ng sabi ko puro travel ginawa ko, kung ‘di naman nasa condo lang ako. Hindi ako umuuwi, iniiwisan kong mapag-usapan na naman naming yung nakaraan.
“Magbihis kana muna,Prem. Ihahanda ko muna yung agahan natin,” sabi ni mama ng papasok na siya sa kusina. Gutom na din kasi ako. “Yung mga kapatid mo nasa tindahan pa yun, inutusan kong bumili ng coke, yung papa mo naman nandyan sa likod may ginagawa na naman sa sasakyan.” Dugtong ni mama.
Tumango lang ako saka umakyat na sa kuwarto ng makapagbihis. Pagbukas ko sa pintuan, bumungad ang alikabok, talagang ‘di nila ginalaw yung kuwarto ko gaya ng bilin ko sa kanila. Yung kama ko na nasa gilid pa din ng bintana tapos sa paahan ko yung study table ko, na may picture frame naming dalawa. Yung mga libro sa cabinet ganon pa din ang ayos, yung unan na bigay niya andon pa din sa kama. Namumuo na naman ang luha sa mata ko kaya minabuti ko nalang pumasok agad sa cr, ‘di ako dito matutulog sa kuwarto, sa sala lang ako, hindi ko pa kaya.
“Oh Prem, nandito kana pala.” Bati ni papa ng pababa nako sa hagdan.
“Kakadating lang pa, kumusta ka po?” sabi ko, sabay upo sa hapag kainan.
“Okay lang din, pag-usapan natin maya yung Architect na nahanap namin, swak na swak daw ‘yun, sabi ng kaibigan mong si Wayner.” Nanliit ang mata ko sa sinabi ni papa.
“Wayner? Hernandez ba pa?”
“Oo, Prem. Yan nga siya.”
Sa dinami rami ba naman, bat si Wayner pa? Hindi pa nga ako fully recovered sa nangyari, wala na ba talaga bagay o tao hindi makakapagpapaalala sakin sa kanya? Ilang taon na din ang lumipas pero may kirot pa din e.
“Ba’t ang tagal ata nina kuya, ma?” tanong ko kay mama na nasa kusina pa din, ‘di pa tapos magluto. “Malapit na 'yun, alam mo naman yung mga kapatid mo, nabibigitan lagi kapag ka inuutusan.” Dugtong ni mama na ikinatawa ko.
Maya-maya inihanda na ni mama yung agahan. May adobong manok which is my favorite one, may lumpia saka ginataan at may pinakbet..
“Pasensya na, Prem kung may pinakbet, request kasi ng kuya mo,” Nag-aalalang sabi ni mama. “Kung ayaw mo talaga pwede ko naman isantabi tapos mamaya ko nalang ipapakain sa kuya mo.” Dugtong pa niya.
Magsasalita na sana ako ng dumating na ang magagaling kong kapatid. Si Kuya Zeke na may dala sa isang coke, Zacharius talaga siya, Zeke lang tinatawag namin sa kanya. Saka yung bunso naming si Anwayn na may dalang juice. Ang aga-aga yata ng UTI ngayon.
“Oy, Prem! Kanina ka pa?”“Hm, kind of” kibit balikat ko.“Hilas, englisher kana pala.” Nang-aasar na naman siya, si kuya lang talaga yung mapang-asar na matitiis ko. Minsan talaga din ansarap niyang itapon sa ilog.
Inirapan ko nalang siya saka yumakap sa bunso namin. “Kumusta naman si weweng namin?” sumimangot siyang tumingala sakin, ayaw niyang tinatawag siyang weweng pero wala siyang choice.
“Oh, taman na yan, kain muna tayo.”Aya ni mama at nagsimula na kaming magdasal para kumain na din. Konting rice kinuha ko, saka nagsabaw ng ginataan at syempre yung adobo. Ito talaga din iniiwasan ko kapag umuwi dito e, baka kasi tumaba ako sa dami ng pagkain lagi dito.
“So, ayun na nga Prem. Nakausap namin yung si Wayner, na may kakilala daw siyang Architect. Madalas kasi 'yung batang ‘yun dito kahit na walang kailangan, kinakamusta kami at ikaw din e kaso hindi ka naman lagi dito.” Paliwanag ni mama, syempre may kakilala yung Architect kasi Engineer ‘yon e.
“Ganon ba ma? Then should we set a meeting na? Si Wayner nalang din kunin nating Engineer,” Ganon nalang siguro ‘no? I am curious with that Architect. Baka si Alistair? Pauline? Kino? Ah, ewan.
“Sige ganon nalang, Prem. Ikaw lang gusto naming makipag-communicate sa mga ganyang bagay tapos kami na bahala ni mama mo sa pagcheck ‘don.”
“Kunin ko yung number ni Wayner ma, patapos na din ako kumain kaya tatawagan ko yon after,” Kailangan ko na madaliin to ng masimulan na yung pagpapagawa, baka magalaw ko na naman yung ipon ko.
Inubos ko na yung natitirang adobo, sina mama kumakain pa din, si kuya naman tapos na at nakahilata na, si weweng naman kumakain pa din. Kaya tumayo na ako at kinuha ang phone ni mama sa center table sa sala ng matawagan si Wayner.
“Hello? Who’s this?,” bungad ng gongong sakin.
“Tangek, si Prem to”
“Oy! Prem! Kumusta?!” sa lakas ng boses niya parang anlayo ng phone, jusko.
“Pwede ba, can you minimize your voice?” irap ko sa kawalan
“Sorry naman, ano ba kasi ‘yon?”
“Wow ha? Mukhang naistorbo pa ata kita?”
“Ano nga?”
“Can you set a meeting please for whoever that Architect na sinabi mo kina mama”
“Ehem. Okay, I’ll send you his number nalang tapos kayo na mag-usap” His? So he is a boy.
“Ikaw nalang kas—“ Hindi pa ako tapos pero sumabat na agad siya.
“Prem, mas mabuti ng kayo ang mag-usap.” Bat ang seryoso niya ata? Sino ba kasi yon? “I can hear you mumbling Prem” dugtong niya pa na ikinagulat ko, akala ko pa naman sarili ko kausap ko.
“Okay,” Saka pinutol ko na ang tawag.I should agree nalang, papahabain pa e.
Hindi pa nag baynte kuwatro oras, natanggap ko na agad ang number at tinawagan ko na din, ano pang hihintayin, pasko? Pero ha, kinakabahan ako, ewan ko kung bakit.
“Hello? This is Prem Tanjuarez, ikaw ba yung Architect na sinasabi ni Eng. Wayner?” bungad ko agad. Pero walang sumasagot, ang tahimik. “Hello? Is anyone there?” multo ata to, ayaw sumagot.
Pero tumigil ata paghinga ko ng nagsalita yung sa kabilang linya.
“Sia…”
He called me Sia. Isa lang ang taong alam ko na tumatawag sakin nyan and his voice is very familiar that it makes my heart in pain again and I don’t know why.
Minumulto ba ako? Hindi ko na siya nasagot. I am hang in shock. Hindi ako pwedeng magkamali pero patay na siya, matagal na. Ba’t ganito. Hindi, imposible talaga.
Naglalakad lang ako sa may hallway ng Senior Highschool dito sa Ateneo de Iligan, ewan ko ba kung ba’t ako dito napunta. Nakakamiss pala yung higschool pa ‘no? Pinagmamasdan ko din kasi ‘tong mga higschool students na nakaupo sa mga upuan sa gilid, chill lang, nag-uusap, yung iba nagja-jamming pa, tapos wow ha? Naka liptint na ‘te, natawa tuloy ako kasi kami noon, maski pulbo hindi kami naglalagay, mukhang hindi mga dalaga at binata pero itong mga ‘to ngayon marunong na maglagay ng kung anek anek sa mukha. Malapit na ako sa dulo ng hallway which is papuntang covered court, kahit ang init may naglalaro parin pala. “Hoy! Ang drama naman oh, haha!” Inis ‘kong nilingon sa likod ko si Cheevy, siya lang naman kasi ang laging nanggugulat sakin dito. Mag blockmates kasi kami nito at ako ang lagi niyang trip, same lang din kasi ng circle of friends.
“Sige, hon. Okay lang, wala naman akong choice,e” Tumango at ngumiti ako kay mama pagbukas ko ng pintuan ng mapansin niya akong papasok na, nasa may sala kasi siya. May kausap si mama sa phone, halatang si papa. Mukhang problemado nga ang mukha,e. Lumapit ako sa kanya at nagmano na, saka umupo katapat niya. “Yung papa mo, uuwi na sa susunod na araw” Kakababa lang ng tawag, hawak-hawak lang ni mama ang phone habang nakatingin sa’kin. “Oh? What’s seems to be the problem, Mrs. Jelyan Tanjuarez?” May pangiti-ngiti pa ako while crossing my arms to enlighten the atmosphere, habang nakahalumbaba sa sofa. “Uuwi na ang papa mo at hindi na mag-aabroad ulit” Lumungkot ang mukha ni mama na parang ewan ko ba. Tumaas ang kilay ko. “Edi mabuti, hindi na siya malayo sa’tin” sabi ko.
“Lao-Lao tayo mga gawi after mid-term, G?” Feel ko talaga atay ikakamatay nitong si Kino, kakainom lang nito last week kasama mga barkada niya tapos ngayon inom na naman. Punyawang yan. Pero oo nga, ansarap uminom, ‘di na ako makakapaghintay hanggang mid-term, gusto ko na ngayon. Hindi naman ako hardcore kung uminom, tama lang na umikot yung paningin ganon. Palabas na kasi kami ngayon kasi dismissal na, nasa may gate na kami at pahirapan lagi ang paglabas kasi nga madaming estudyante ang kasabayan namin lagi. “Pwede bang ngayon nalang?” Mahina ‘kong suggest sa kanila. Napatingin tuloy sina Kino. “G! Lao-Lao lang muna tayo, sa Natura after mid-term!” Ang lakas ng boses, baka mareport pa kami. Ang saya masyado ni Kino, kapag ka group study tumatanggi pero kapag inom, gora agad ang tukmol. "Hin
Nagising ako sa sinag ng araw galing sa bintana ko, ang sakit ng ulo ko lakas ng hangover. Nasa kanya-kanyang kwarto sila kagabi pag-uwi ko, hindi ako naamoy ni mama. Hindi naman sa pinagbabawalan akong uminom, ayaw lang talaga ni mama na gabi na ako makakauwi. Bumangon ako habang hinihilot ang ulo, masakit parin talaga. Syet, ayoko na talaga uminom. Tinignan ko ang suot ko, ganon parin, gagi hindi pala ako nagbihis kagabi. At ang sapatos saka medyas ko nakakalat pa sa sahig. Tumunog bigla ang phone ko kaya napalingon ako sa side table, ah alarm. S***a! May pasok pala! Agad akong tumayo at dumiretso sa cr at naligo. Sana 7 am ‘yun na alarm, ayoko ng tumakbo, nakakahingal tapos masakit pa ulo ko. Pagkatapos na pagkatapos ko maligo, chineck ko muna ‘yung phone ko kung anong oras ‘yun nag alarm. Buti naman at 7 am nga, napaup
“Class dismissed. Don’t forget to submit your Chapter 1 tomorrow and please use A4 paper”Bilin sa’min ng Prof namin sa Society and Culture subject. Yes, thesis na ito. Jusko! Puyatan na naman, rejection na naman. Thou ‘di pa naman nare-reject mga research or thesis papers ko, I love researching, I love digging informations just to know sort of details in regards of something.I was fixing my things nang makaramdam ako ng gutom. Syet, ‘di pala ako nag breakfast saka lunch. Goods lang, hindi ko pa ‘to ikakamatay. Kinuha ko nalang water bottle ko sa bag saka uminom.“Badi! Gagu, pare! Dumaan crush ko!” Napalingon ako kina Alistair na nasa bintana, nakadungaw. Sinundan ko naman kung saan sila tumitingin.Ah, ‘yung Querra. Kasama din ‘yung tatlong lalaki na friends niya. Which is andon din si guy na tumingin sa’kin ‘nung inuman
1 new messageUnknown number: Prem, okay ka lang?Naglalakad ako sa may simbahan, may gate din kasi ‘dun sa dulo papasok sa school namin. Binasa ko ang message naman ng kung sino. Napalingon-lingon tuloy ako sa paligid kasi mukha nakita niya akong mukhang tanga naglalakad, naligo naman ako pero inaantok parin ako dahil nga tinapos ko pa yung Chapter 1 na ipapasa ngayon.To Unknown number:Kung pinadala ka ni satanas, sa iba ka nalang manggulo.Reply ko ‘dun at nilagay na ang phone sa bulsa ng pants ko. Pagkapasok ko ng gate, pagsinu-swerte ka nga naman, nakita ko si Kino sa canteen, kumakain ng brownies saka may hawak na lemon juice habang kausap ito si, Querra? Nanliit ang mata ko habang nakatingin sa kanila, naka side view kasi si Kino hanggang sa umalis na din si Querra. Ang aga naman ng recess niya, kaya ‘di ‘to pumapayat,e. Tumakbo ako papunta sa kanya hinila ng mahina
I still can’t get over how my Kuya betrayed us. Char. Betrayed agad. Parang ganon lang din kasi ‘yun, nanggaling mismo sa mga bibig niya ‘nun na hinding-hindi niya magawang mag-cutting classes. Mas lalo niya lang akong nabigo, I am expecting an older sibling na pwede ‘kong makapitan pero hindi ko lubos maisip na mukhang sila pa ata ang kumakapit sa’kin. I mean, it’s fine thou kasi family kami pero I am vulnerable than what they think. Ewan ko kung paano ko narating ang theatre room sa lagay ‘kong ‘to. Ewan ko din kung ilang oras na akong nakatunganga, nakaupo sa center aisle ng stage. Saka lang ako nabalik sa wisyo nang maingay na pumasok ang mga members ng org. at natahimik nang makita akong nakaupo dito sa stage. Tumayo na rin ako at sinabihan sila na magsiupo dito, agad naman silang umakyat at nagsiupuan. I told them to make a circle para magkakitaan lang kami at marinig ang pag-uusapan sa meeting. “Let’s
Mama: Prem gabi na ako makakauwi ha? Ikaw na muna bahala sa mga kapatid mo, hahanap muna ako ng mapaghihiraman ng pera, due date na kasi ng kuryente natin. Napahilot ako sa sentido ko sa text na natanggap galing kay mama. Naglalakad na din kasi ako papuntang Robinsons ng makauwi na pero napagdesisyonan ko na pumunta nalang ng city, maghahanap ako ng trabaho. Kailangan ko ng kumilos, bahala na kung magkanda leche leche na ang schedule ko, kahit part time job lang papatusin ko na. Dumiretso pa din ako sa Rob, ‘dun ako sa pedestrian nila tatawid saka sasakay ng jeep papuntang city. Magbabakasali lang ako. Nang makasakay na, kinuha ko na muna ang pamasahe ko sa bag saka ang phone ko para tignan kung anong oras na, 6:30 na din pala, matagal pala natapos ang practice namin kanina. Bumaba ako sa Jollibee sa Aguinaldo Street, ang gilid kasi ‘nun ay mga boutique, susubuka
“Alam mo Kino, maawa ka sa atay mo.”Hindi makapaniwalang napatingin si Kino at Paul sa akin. Nag-iinuman kasi kami dito sa Lao-Lao, nanghinayang nga kami e kasi wala na pala dito si Aling Marites kasi nagpunta daw nang Iloilo dun na daw titira kaya anak niya nalang nagbabantay nitong tindahan ngayon.“Sus, ang yabang nang responsible drinker oh,” Pang-aasar naman ni Kino. I flipped my hair because of being proud, sus! Responsible drinker? Ako? Matagal na, small things! Char.I jokingly rolled my eyes. “Ano ba kayo, ako lang ‘to!”Responsible drinker ako, minsan! Pero si Kino talaga grabe, ang tigas ng atay hindi natatakot mamatay halos gawin ng tubig ang alak e, itong si Paul naman adik din sa wine, jusko napadaan nga kami sa kanila saka tumambay sa kwarto niya, yung ref niya puro wine ang laman.“Sus, hilong-hilo ka nga’ng u
Tanaw ko si Isia sa dagat na nakikipagsabayan sa alon habang nag je-jetski, he keeps on looking at me whenever he stands up and show some drift. Ang yabang. Napanguso ako dahil muli siyang tumingin sa’kin ng mas maangas niyang sinalubong ang alon at buma-bounce na yung jetsking sakay niya. He’s not wearing a life vest kasi nga sabi niya sa akin sanay naman na daw siya at marunong naman daw siyang lumangoy thou hindi naman masyadong malakas yung alon. This would be our last day here in Midway at himala hindi ako hinanap ni mama. And I want to end this day memorable thou I still have those thoughts in my mind if all the actions and words from him are true, what happened that night flashes in my mind, napapailing nalang ako para hindi ko yun ma-overthink. Bumababa na siya ngayon sa jetski, naumay na din siguro, pinipilit niya nga akong sumama sa kanya pero umayaw ako kasi natatakot ako sumakay, enough na sa akin na tinatanaw lang siya sa ma
Tanging hampas ng alon, huni ng mga ibon at ang paghikbi ko ang naririnig ko. Tumambay ako sa pangatlong cottage mula sa amin kanina, hindi na ako tumuloy pang bumalik kanina doon kina Levi dahil sa sobrang galit ko kay Isia. I can see the light in his cottage from here, hindi niya siguro din alam na nandito ako since lahat nang cottage ay walay ilaw except doon nga kay Isia. Mas mabuti na din para hindi niya ako makita dito, malabo din na marinig niya ang bawat hikbi ko kasi malalaking spaces yung cottages dito, dinaig pa ang one seat apart. Gutom ako na hindi masyadong gutom dahil siguro to sa sobrang alak, ang hard kasi ng mga inumin nila doon pero infairness ang saya nila kasama, mas namimiss ko lang sina Kino sa kanila.Naiinis akong isipin yung kabastosan na ginawa niya kanina, ni hindi ko alam kung nakita din ba yun nina Tifi dahil si Levi lang yung naaninag ko na bagsak sa upuan na buhangin dahil nga sa balikat ko yun nakasandal. Nag fa-flash din sa utak
Napag-isipan naming pumasok na sa loob ng cottage para kumain muna. I wonder if they really loved each other, maybe Isia loved her very much to the point that he can’t afford to forgive her. And maybe, Reyn really loved him also bit she was blinded that time and found someone else. At siguro hindi ko pa nga kilala masyado si Reyn. I can’t judge them both, overall they don’t deserve their kind of love.Tumayo ako sa pagkakaupo para tulungan si Isia sa paglagay ng pagkain sa plato, bigla naman siyang lumagpas sa akin at kinuha ang mga kutsara sa bag niya I bit my lower lip when I inhaled his perfeum. Bango naman nang bebe na yan. I laughed at my thoughts.“What’s funny, love?” That made me stop from laughing. Tulala akong umupo sa upuan at hinayaan siyang kumilos kung ano man ang ginagawa niya.Did I heard him wrong? Did he just call me love?“Kain na!” B
“Saan ba kasi tayo pupunta?! Iuwi mo na ako, ayokong sumama sayo!”Bulyaw ko kay Isia. Kanina pa siya tumatawa sa akin, nasa sasakyan niya kami at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Naramdaman ko lang na may kumarga sa akin pero hindi ko naman alam na si Isia pala yun, kakagising ko lang saka malaman-laman ko na nandito ako sa loob na nang sasakyan niya at ang mas nakakagalit ay nakapantulog pa ako!Pamilyar naman ako sa kalsada na dinadaanan namin, sa Iligan malamang. He was just keep on answering ‘Basta, tiwala ka lang’. Hindi man lang ako ginising muna para makapagbihis! Sasama naman ako voluntarily! Char. Bwesit kasi yung tsinelas ko pa e yung panda tapos gagi na yan naka pajymas ako na spongebob tapos puting oversized shirt. Wala pa akong bra!“Sana naman hinayaan mo ‘kong magbihis kanina! Wala pa akong hilamos! Wala man lang…”“Walang? W
“Jusko, kung sino pa yung president yun pa yung wala sa meeting.”Humalakhak ako nang makitang busangot ang mukha ni Pam tapos nakapameywang pa. Hinihingal pa nga si ate niyo gurl, hinanap nga niya ako siguro sa buong univ.Dahan-dahan akong tumayo para hindi masagi yung sugat ko. Hindi siya malaki pero sumasakit siya kapag nakilos ako. Sinundan ako ng tingin ni Cheevy na lutang pa din dahil sa sinabi ko.“Atin na muna yun ha?” Sabi ko kay Cheevy saka pinapagpag ko yung likod ko baka may mga damo.He sighed. “Oo na”I smiled. “Goods ka.” Inayos ko yung bag ko, nagsuklay while Pam is patiently waiting. “Pakitapon na din ng basure ko, Chib! Thanks!” Habol kong sabi habang palakad na kami paalis ni Pam.Hindi na ako paika-ikang naglakad pero may preno pa din sa bawat lakad ko para di mabinat yung sa tuh
“Thank you, chib ha. Dito na ako liliko.”Pagpapaalam ko kay Cheevy, nasa dulo kami ng hallway sa theatre since lumabas na kami dun, narinig kasi namin yung bell sa senior high, recess time nila so we need to stay put na sa booth, invited and allowed kasi silang mag roam around sa college department since may booths naman at para masala sa evaluation. Si Cheevy naman pumunta na din sa booth nila.Napaisip din naman ako sa napag-usapan naming kanina, napalapit na sa akin si Isia e, kahit nakapa poker face lang lagi, nagtatagpo din naman vibes namin pero yun nga hindi ko din namamalayan na baka nasasaktan din pala si Reyn. Hindi din naman kasi nabanggit sa amin ni Reyn, wala akong matandaan na nasabi niya sa amin na ex niya si Isia kasi hindi din talaga halata e, kaya naman pala nung sa Cagayan mukhang close sila, baka isa din yun sa rason na close ni Reyn yung tita ni Isia dahil may nakaraan pala sila.“
Naiwan ako mag-isa sa hapag kainan, malinis na din ang lamesa. Si weweng nag ta-tablet na tapos si kuya nag mo-mobile legends na naman, si mama naman ay naghuhugas ng pinggan, siya na nag insist. Aside sa busog na busog ako at ayoko pa tumayo, pinag-iisipan ko din yung usapan namin kanina. Tinitimbang ko lahat ng possibilities, sinasabayan pa ng what if’s. Iniisip ko kasi kapag ka nandun ako, si weweng at kuya nalang ang iisipin ni mama, mababawasan ang gastusin tapos doon naman makakapag diskarte lang ako kasi ako lang mag-isa tapos hindi naman siguro din ako pababayaan ni ate Denze and then if totoo nga wala akong babayarang tuition, makukuhaan ang aalahanin ko dun, pangkain ko nalang talaga.Mas lalo lang akong napapaisip lalo na umuulan pa din, comfort weather ko pa naman ang ulan. Maya-maya natapos na maghugas si mama. Inubos ko lang ang natitirang tubig sa baso ko, si mama naman kinuha ang phone na nakalapag sa lamesa saka umupo na din dun sa sofa.
“Goods na lahat, Pres. Tapos yung last set-up natin is ikaw at saka si Isia.” Nakangiting sabi ni Pam sa akin.“Anong kami?” Kuryoso kong tanong sa kanya habang naglalakad na kami sa hallway.“Nag-suggest kasi sila na kayo yung last mag pe-perform. Kakanta ganon”Tumigil ako sa paglalakad saka humarap sa kanya. “Teka ha, anong kakanta? Gagi sintunado ako.” Tapos tumawa si Pam.“Sus, maganda boses mo, mahiyain ka lang sa ganyan.” Luh“Hoy bahala talaga kayo dyan, wag niyo akong idamay dyan”Bahala talaga kayo dyan, hindi ako gorabels sa ganyan. Sa kanta? Jusko ayoko. Goods nalang sa akin tumugtog. Tapos na kasi sila magpractice, habang kumakain kami kanina ni Isia nagpa-practice lang sila, yun yung ikinaganda ng org ko e, hindi naghihintay ng president o ano, initiative lang ganon.