Home / Other / Lies of Eyes / Kabanata 4

Share

Kabanata 4

Author: dinoshaur
last update Last Updated: 2021-08-24 14:27:35

Nagising ako sa sinag ng araw galing sa bintana ko, ang sakit ng ulo ko lakas ng hangover. Nasa kanya-kanyang kwarto sila kagabi pag-uwi ko, hindi ako naamoy ni mama. Hindi naman sa pinagbabawalan akong uminom, ayaw lang talaga ni mama na gabi na ako makakauwi.

Bumangon ako habang hinihilot ang ulo, masakit parin talaga. Syet, ayoko na talaga uminom. Tinignan ko ang suot ko, ganon parin, gagi hindi pala ako nagbihis kagabi. At ang sapatos saka medyas ko nakakalat pa sa sahig. Tumunog bigla ang phone ko kaya napalingon ako sa side table, ah alarm.

S***a! May pasok pala!

Agad akong tumayo at dumiretso sa cr at naligo. Sana 7 am ‘yun na alarm, ayoko ng tumakbo, nakakahingal tapos masakit pa ulo ko. Pagkatapos na pagkatapos ko maligo, chineck ko muna ‘yung phone ko kung anong oras ‘yun nag alarm. Buti naman at 7 am nga, napaupo ako sa kama sapo sapo ang ulo.

Maya-maya nagbihis na ako, grey t-shirt at stripes na skirt, sabay suot sa ID. Hanap-hanap ko pa ang bag ko dahil wala sa kuwarto, dala ko naman ‘yun pag-uwi ah. Biglang bumukas ang pintuan kaya napatayo ako sa pagluhod paharap sa cabinet, si mama pala.

“Yung bag mo nasa sala, maaga ka ba nakauwi kagabi? Hindi na kita napansin, maaga kasi ako natulog,” bungad ni mama habang nakahawak lang sa door knob.

Tumango ako. “Oo ma, mga around 8:30 siguro ‘yun” Syet ito na ‘yun ang paghuhukom kasi nakakunot na ang noo ni mama.

“Ah uwian pala yan ng babaeng matino?” Afatay kang atabs ka. Katakot naman ‘to si mama. Kaya dahan-dahan akong lumapit sa kanya at nang makalapit ay inakbayan ko si mama, niyuyugyog pa ang mga balikat niya.

“Ma, 8:30 lang ‘yun, sa susunod isaktong alas dose na. HAHA!” Kinurot niya naman ang tagiliran ko dahil ‘don. Kaya lumayo ako sa kanya at baka mabatukan pa.Biro nga lang, e.

“Oh siya, sige na, bilisan mo na dyan at baka ma-late ka pa,”

“Sige ma” Sinarado ni mama ang pintuan at bumaba na. Napabuntong-hininga ako bigla at kumuha nalang ng medyas sa cabinet. At umupo ulit sa kama para suotin na ‘yun.

Pagkababa ko nakita ko si mama na nagluluto sa kusina, nakapameywang. Nilibot ko ang paningin at walang nakitang Kuya at Weweng, tulog pa siguro, sana ol hindi takot ma-late. Dumiretso ako sa sala at nakita ko nga andon ang bag ko, maliit na bagpack yung sa anello, pinaghalong peach at pink ang kulay. Binitbit ko ‘to tapos dinungaw si mama sa kusina at naglakad papunta ‘don.

“Ma,” tawag ko sa kanya, sumilip ako ng konti sa niluluto niya at nakitang scrambled egg. Lumingon naman siya sa’kin.

“Oh? ‘di ka mag-aagahan? Magbaon ka nalang, e check mo ‘don sa rice cooker na nasa lamesa, nag iwan ako ng kainin para sayo” Kaya pumunta agad ako sa lamesa at binuksana ng rice cooker, konti nalang ‘yung kanin.

“Kumain kana ma?” tanong ko habang dumungaw sa kanya ‘don sa may kusina.

“Hindi na, busog pa naman ako. At saka konti nalang din bigas natin, hanggang kinabukasan nalang yan, ibaon mo na ‘yan” Muli ‘kong tinignan ang kanin, so ‘di siya kakain? Ayoko, ‘di nalang ako magbabaon, okay pa naman ako. Binalik ko nalang ang pantakip. At aalis na sana nang tinawag ako ni mama na palabas na ng kusina.

“Prem,” napahinto ako sa paglalakad saka humarap sa kanya na nilalapag ang plato na may scrambled egg na niluto niya.

“Hindi kana muna makakapagbayad ng tuition fee mo ha? Hindi mo pa naman mid-term diba? Next month pa naman, ‘no? Hindi pa kasi makakapagpadala papa niyo since kaka-start niya palang sa trabaho, saka ang naipon niyang pera, pinag-down niya sa apartment na tutuluyan niya, may pera ako dito pero para lang ‘to sa pangkain natin at sa outreach program na sasalihan ng kuya mo, may project din si weweng,” sunod-sunod na sabi ni mama.

Ngumiti ako kay mama. “Okay lang ma, naiintindihan ko naman,” Bumuntong-hininga naman si mama, aalis nalang ako baka umiyak pa ‘to. “Ah, sige ma, pasok na ako.” Lumapit ako sa kanya saka nagmano.

Lumabas ako sa kinuha ang white shoes sa may shoe rack dito sa terrace namin. At inayos na ang bag sa pagsuot.

“Prem! Baon mo!” sigaw ni mama sa’kin kaya lumingon ako at nakita siya sa may pintuan, palabas na din kasi ako ng gate para makatawid na sa kalsada at maghintay ng sasakyan.

“Hindi na ma! Meron pa ako!” Saka tuluyan na akong lumabas sa gate. Nakita ‘kong may mga estudyante ng naglalakad papunta sa school nila, tumawid na din ako para makapag-antay ng sasakyan, buti maaga pa, hindi pa puno ang mga sasakyan.

Maya-maya may jeep na, sakto diretso Robinsons ang routa, hindi na ako makakapag double rides. Madalas lang kasi yung jeep na didiretso sa syudad, ang karamihan kasi sa Terminal lang saka ulit sasakay ng jeep na papunta sa syudad ng Iligan. Outside sa City kasi kami nakatira kaya hassle talaga, mapapatanong nga ‘yung kung bakit malayo yung school namin.

Sumakay na ako at halos mga estudyante din ang mga kasabayan ko, may sa Saint Michaels College, St. Peters College saka sa Colegio de Iligan. Kumuha na agad ako ng pamasahe, at inabot sa katabi ko para maiabot kay Kuyang driver. Malayo pa yung byahe kaya may time pa para magdrama. Hindi ko kasi alam pano makakabayad sa tuition fee ko, exam na namin nextweek. Hays.

“Para po, kuya” ‘don lang nagising ulirat ko nang mapagtanto na sa traffic light ng Petron na pala kami, si ate gurl na katabi ko ang pumara, kaya bumaba na din ako. As usual, tatawid ako sa pedestrian lane saka maglalakad ng konti papuntang Univ na.

Mapayapa akong naglalakad nang may umakbay bigla sakin.

“yawa!” gulat akong napamura sabay tingin sa gilid ko.

“Yawa ka, Cheevy! Lakas talaga ng amats mo, mag jowa kana nga ng tumigil ka kakahithit ng katol!” Tumawa lang siya sa sinabi ko. Habang ako nakakunot ang noo. Umirap nalang ako at tumingin na ulit sa dinadaanan.

“Self-love ako, woy! Hard pass sa jowa”

“Tanga! Wala lang talagang nagkakagusto sayo kaya self-love nalang”

“Aray naman,Prem. Ang aga mo naman manakit,” Nilingon ko siya at nakalagay pa ang kamay sa d****b na akala mo’y nasasaktan.

“Ang aga din para mukha ni Maui ang makita ko” Palihim akong natawa. Mukha kasi talaga siyang si Maui, ‘yung sa Moana, kulot kasi ang buhok nito na makapal tapos pandak siya na mataba. Cute niya nga,e. Sarap gawing teddy bear sa bahay.

“Ang sama mo naman sa’kin, kaya wala kang jowa,e” ay wow mamshie, may pag atake.

Huminto ako sa paglalakad at nilingon siya sa gilid ko.“Alam mo, mauna kana maglakad, please,” tapos siya mukhang tangang nakatitig lang. “Easyhan mo lang ang pagtitig badi, baka ma-fall ka, ‘di pa naman kita sasaluhin kasi mabigat ka HAHA!” naglakad nalang ako ulit, papasok nalang naman sa gate, nakatanga ko siyang iniwan ‘don.

Pero ang tuition fee ko parin talaga. Syet, nakakadistract.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
John Hart
:<<<<<<<<<
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Lies of Eyes   Kabanata 5

    “Class dismissed. Don’t forget to submit your Chapter 1 tomorrow and please use A4 paper”Bilin sa’min ng Prof namin sa Society and Culture subject. Yes, thesis na ito. Jusko! Puyatan na naman, rejection na naman. Thou ‘di pa naman nare-reject mga research or thesis papers ko, I love researching, I love digging informations just to know sort of details in regards of something.I was fixing my things nang makaramdam ako ng gutom. Syet, ‘di pala ako nag breakfast saka lunch. Goods lang, hindi ko pa ‘to ikakamatay. Kinuha ko nalang water bottle ko sa bag saka uminom.“Badi! Gagu, pare! Dumaan crush ko!” Napalingon ako kina Alistair na nasa bintana, nakadungaw. Sinundan ko naman kung saan sila tumitingin.Ah, ‘yung Querra. Kasama din ‘yung tatlong lalaki na friends niya. Which is andon din si guy na tumingin sa’kin ‘nung inuman

    Last Updated : 2021-12-14
  • Lies of Eyes   Kabanata 6

    1 new messageUnknown number: Prem, okay ka lang?Naglalakad ako sa may simbahan, may gate din kasi ‘dun sa dulo papasok sa school namin. Binasa ko ang message naman ng kung sino. Napalingon-lingon tuloy ako sa paligid kasi mukha nakita niya akong mukhang tanga naglalakad, naligo naman ako pero inaantok parin ako dahil nga tinapos ko pa yung Chapter 1 na ipapasa ngayon.To Unknown number:Kung pinadala ka ni satanas, sa iba ka nalang manggulo.Reply ko ‘dun at nilagay na ang phone sa bulsa ng pants ko. Pagkapasok ko ng gate, pagsinu-swerte ka nga naman, nakita ko si Kino sa canteen, kumakain ng brownies saka may hawak na lemon juice habang kausap ito si, Querra? Nanliit ang mata ko habang nakatingin sa kanila, naka side view kasi si Kino hanggang sa umalis na din si Querra. Ang aga naman ng recess niya, kaya ‘di ‘to pumapayat,e. Tumakbo ako papunta sa kanya hinila ng mahina

    Last Updated : 2021-12-14
  • Lies of Eyes   Kabanata 7

    I still can’t get over how my Kuya betrayed us. Char. Betrayed agad. Parang ganon lang din kasi ‘yun, nanggaling mismo sa mga bibig niya ‘nun na hinding-hindi niya magawang mag-cutting classes. Mas lalo niya lang akong nabigo, I am expecting an older sibling na pwede ‘kong makapitan pero hindi ko lubos maisip na mukhang sila pa ata ang kumakapit sa’kin. I mean, it’s fine thou kasi family kami pero I am vulnerable than what they think. Ewan ko kung paano ko narating ang theatre room sa lagay ‘kong ‘to. Ewan ko din kung ilang oras na akong nakatunganga, nakaupo sa center aisle ng stage. Saka lang ako nabalik sa wisyo nang maingay na pumasok ang mga members ng org. at natahimik nang makita akong nakaupo dito sa stage. Tumayo na rin ako at sinabihan sila na magsiupo dito, agad naman silang umakyat at nagsiupuan. I told them to make a circle para magkakitaan lang kami at marinig ang pag-uusapan sa meeting. “Let’s

    Last Updated : 2021-12-14
  • Lies of Eyes   Kabanata 8

    Mama: Prem gabi na ako makakauwi ha? Ikaw na muna bahala sa mga kapatid mo, hahanap muna ako ng mapaghihiraman ng pera, due date na kasi ng kuryente natin. Napahilot ako sa sentido ko sa text na natanggap galing kay mama. Naglalakad na din kasi ako papuntang Robinsons ng makauwi na pero napagdesisyonan ko na pumunta nalang ng city, maghahanap ako ng trabaho. Kailangan ko ng kumilos, bahala na kung magkanda leche leche na ang schedule ko, kahit part time job lang papatusin ko na. Dumiretso pa din ako sa Rob, ‘dun ako sa pedestrian nila tatawid saka sasakay ng jeep papuntang city. Magbabakasali lang ako. Nang makasakay na, kinuha ko na muna ang pamasahe ko sa bag saka ang phone ko para tignan kung anong oras na, 6:30 na din pala, matagal pala natapos ang practice namin kanina. Bumaba ako sa Jollibee sa Aguinaldo Street, ang gilid kasi ‘nun ay mga boutique, susubuka

    Last Updated : 2021-12-16
  • Lies of Eyes   Kabanata 9

    Nagising ako na puro puti ang nasa paligid. Patay na ba ako? Nilibot ko ang mga mata ko, may nurse sa gilid may kung inaano sa, dextrose? Teka, tinignan ko ang kamay ko at may nakaturok nga na dextrose. Napansin ako ng nurse at kinausap. Akala ko ba patay na ako?“Kumusta ang pakiramdam mo?” Kumunot ang noo ko.“May nurse pala sa langit?” Tumawa naman siya sa sinabi ko. Anong nakakatawa ‘dun? Hindi pa ba ako patay?“Miss Tanjuarez, hindi ka pa patay, okay? Nahimatay ka lang” At doon ko lang napagtanto at naalala ang nangyari.Wala naman na akong nararamdaman. Umayos na ang pakiramdam ko. Dahan-dahan akong bumangon at ang nurse naman ay inayos ang unan sa likuran ko para makasandal ako ng maayos. Napatingin ako sa wall clock sa may gilid, 5 pm na. Pupunta pa ako ng city, maghahanap pa ako ng trabaho, jusk

    Last Updated : 2021-12-16
  • Lies of Eyes   Kabanata 10

    Hindi ko na alam kung ano na ang nangyari habang pauwi ako. Nakarating ako sa bahay na tulala,namamaga ang mata, yakap yakap ang jacket sa balikat. Narinig ko pa si kuya na nagtanong kung okay lang ba ako. Hindi ko na nakita kung nandon ba si mama. Hindi ako kumain. Pagkapasok ko lang sa kuwarto ay agad akong napaupo sa may pintuan, umiiyak. Palaging nagfa-flash sa’kin ang nangyari. Hindi ko lubos maisip na mangyayari ‘yun sa akin. Ilang oras din akong nakasandal sa pintuan habang patuloy na tumutulo ang luha ko. Kinakatok din ako nila Weweng, ni mama saka kuya pero wala silang sagot na nakukuha sa akin.Siguro naririnig nila ‘yung pag-iyak ko. Ni hindi ko maalala kung ano ng nangyari sa gagong ‘yun at wala akong pakealam, tangina niya lang. I swear, hindi na ako pupunta sa mga ganong kanto. Kung walang dumating, ano kayang nangyari sa akin? Kung walang humila sa kanya, nasaksak na siguro ako. Utang ko sa kanya ang b

    Last Updated : 2021-12-16
  • Lies of Eyes   Kabanata 11

    “Wag na wag na kayong tumapak sa pamamahay na ‘yun! Anong karapatan nilang bastusin kayo ng ganon sa pamamahay pa mismo ng mga magulang ko!” Galit na galit sina papa sa nangyari. Paano ba naman, umuwi kaming luhaan imbis na tumulong lang kay lola. Si mama halos sugurin niya na sila ‘dun,e. Sino ba kasing matutuwa ‘dun. ‘Yung Ciousia naman hindi na talaga natuto, sinupalpal ko na nga the last time na pumunta ako ‘dun. Kaya yan, hindi kami makaimik sa galit ni papa, tumawag kasi siya kay mama kasi hindi ako sumasagot ‘nung sa akin siya tumatawag. Nagalit din si papa kina lolo, alam kasi pala ni papa na pupunta kami ‘dun kasi nagpaalam si lolo sa kanya at bilin pa nito na po-protektahan niya kami kung magkagulo man. Pero ‘asan siya kanina? Wala. Walang nagtanggol. Nanggagalaiti talaga ako sa galit kasi si Weweng umiiyak pa din. Sabi niya natakot talaga daw siya. Wala naman kasi ‘to

    Last Updated : 2022-01-03
  • Lies of Eyes   Kabanata 12

    “Bumabagal ang ikot ng mundo..kapag ika’y nariyan..oh aking tahanan..” Pagkanta ng mga kaibigan ko habang ako gulat parin, malay ko ba nasa paligid lang pala siya. Saka, hoy! ‘di ko siya hinahanap ‘no. Pinasandahan ko din ng tingin ang mga kasama niya na nasa likuran niya, I don’t really know them. I only know, Isia. Isia Fran Mondevar. “Kapal mo naman, hoy!” “Ikaw talaga hinahanap niya, badi,” pagsambat ni Pau kaya nilingon ko saka masamang tinignan. “Masarap daw kasi ‘yung bj mo, pre.” Pagdudugtong pa ni Paul. Alam ko namang ‘di ko talaga ‘to sila mapipigilan. Nakangisi lang si Isia, saka ‘yung mga kaibigan ko tawa parin ng tawa pati na din ‘yung mga kaibigan ni Isia. Pero mas napansin ng mga mata ko ‘yung babae na kasama nila, I bet this is Querra, ang arte ng aura, curly ‘yung buhok na

    Last Updated : 2022-01-05

Latest chapter

  • Lies of Eyes   Kabanata 34

    “Alam mo Kino, maawa ka sa atay mo.”Hindi makapaniwalang napatingin si Kino at Paul sa akin. Nag-iinuman kasi kami dito sa Lao-Lao, nanghinayang nga kami e kasi wala na pala dito si Aling Marites kasi nagpunta daw nang Iloilo dun na daw titira kaya anak niya nalang nagbabantay nitong tindahan ngayon.“Sus, ang yabang nang responsible drinker oh,” Pang-aasar naman ni Kino. I flipped my hair because of being proud, sus! Responsible drinker? Ako? Matagal na, small things! Char.I jokingly rolled my eyes. “Ano ba kayo, ako lang ‘to!”Responsible drinker ako, minsan! Pero si Kino talaga grabe, ang tigas ng atay hindi natatakot mamatay halos gawin ng tubig ang alak e, itong si Paul naman adik din sa wine, jusko napadaan nga kami sa kanila saka tumambay sa kwarto niya, yung ref niya puro wine ang laman.“Sus, hilong-hilo ka nga’ng u

  • Lies of Eyes   Kabanata 33

    Tanaw ko si Isia sa dagat na nakikipagsabayan sa alon habang nag je-jetski, he keeps on looking at me whenever he stands up and show some drift. Ang yabang. Napanguso ako dahil muli siyang tumingin sa’kin ng mas maangas niyang sinalubong ang alon at buma-bounce na yung jetsking sakay niya. He’s not wearing a life vest kasi nga sabi niya sa akin sanay naman na daw siya at marunong naman daw siyang lumangoy thou hindi naman masyadong malakas yung alon. This would be our last day here in Midway at himala hindi ako hinanap ni mama. And I want to end this day memorable thou I still have those thoughts in my mind if all the actions and words from him are true, what happened that night flashes in my mind, napapailing nalang ako para hindi ko yun ma-overthink. Bumababa na siya ngayon sa jetski, naumay na din siguro, pinipilit niya nga akong sumama sa kanya pero umayaw ako kasi natatakot ako sumakay, enough na sa akin na tinatanaw lang siya sa ma

  • Lies of Eyes   Kabanata 32

    Tanging hampas ng alon, huni ng mga ibon at ang paghikbi ko ang naririnig ko. Tumambay ako sa pangatlong cottage mula sa amin kanina, hindi na ako tumuloy pang bumalik kanina doon kina Levi dahil sa sobrang galit ko kay Isia. I can see the light in his cottage from here, hindi niya siguro din alam na nandito ako since lahat nang cottage ay walay ilaw except doon nga kay Isia. Mas mabuti na din para hindi niya ako makita dito, malabo din na marinig niya ang bawat hikbi ko kasi malalaking spaces yung cottages dito, dinaig pa ang one seat apart. Gutom ako na hindi masyadong gutom dahil siguro to sa sobrang alak, ang hard kasi ng mga inumin nila doon pero infairness ang saya nila kasama, mas namimiss ko lang sina Kino sa kanila.Naiinis akong isipin yung kabastosan na ginawa niya kanina, ni hindi ko alam kung nakita din ba yun nina Tifi dahil si Levi lang yung naaninag ko na bagsak sa upuan na buhangin dahil nga sa balikat ko yun nakasandal. Nag fa-flash din sa utak

  • Lies of Eyes   Kabanata 31

    Napag-isipan naming pumasok na sa loob ng cottage para kumain muna. I wonder if they really loved each other, maybe Isia loved her very much to the point that he can’t afford to forgive her. And maybe, Reyn really loved him also bit she was blinded that time and found someone else. At siguro hindi ko pa nga kilala masyado si Reyn. I can’t judge them both, overall they don’t deserve their kind of love.Tumayo ako sa pagkakaupo para tulungan si Isia sa paglagay ng pagkain sa plato, bigla naman siyang lumagpas sa akin at kinuha ang mga kutsara sa bag niya I bit my lower lip when I inhaled his perfeum. Bango naman nang bebe na yan. I laughed at my thoughts.“What’s funny, love?” That made me stop from laughing. Tulala akong umupo sa upuan at hinayaan siyang kumilos kung ano man ang ginagawa niya.Did I heard him wrong? Did he just call me love?“Kain na!” B

  • Lies of Eyes   Kabanata 30

    “Saan ba kasi tayo pupunta?! Iuwi mo na ako, ayokong sumama sayo!”Bulyaw ko kay Isia. Kanina pa siya tumatawa sa akin, nasa sasakyan niya kami at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Naramdaman ko lang na may kumarga sa akin pero hindi ko naman alam na si Isia pala yun, kakagising ko lang saka malaman-laman ko na nandito ako sa loob na nang sasakyan niya at ang mas nakakagalit ay nakapantulog pa ako!Pamilyar naman ako sa kalsada na dinadaanan namin, sa Iligan malamang. He was just keep on answering ‘Basta, tiwala ka lang’. Hindi man lang ako ginising muna para makapagbihis! Sasama naman ako voluntarily! Char. Bwesit kasi yung tsinelas ko pa e yung panda tapos gagi na yan naka pajymas ako na spongebob tapos puting oversized shirt. Wala pa akong bra!“Sana naman hinayaan mo ‘kong magbihis kanina! Wala pa akong hilamos! Wala man lang…”“Walang? W

  • Lies of Eyes   Kabanata 29

    “Jusko, kung sino pa yung president yun pa yung wala sa meeting.”Humalakhak ako nang makitang busangot ang mukha ni Pam tapos nakapameywang pa. Hinihingal pa nga si ate niyo gurl, hinanap nga niya ako siguro sa buong univ.Dahan-dahan akong tumayo para hindi masagi yung sugat ko. Hindi siya malaki pero sumasakit siya kapag nakilos ako. Sinundan ako ng tingin ni Cheevy na lutang pa din dahil sa sinabi ko.“Atin na muna yun ha?” Sabi ko kay Cheevy saka pinapagpag ko yung likod ko baka may mga damo.He sighed. “Oo na”I smiled. “Goods ka.” Inayos ko yung bag ko, nagsuklay while Pam is patiently waiting. “Pakitapon na din ng basure ko, Chib! Thanks!” Habol kong sabi habang palakad na kami paalis ni Pam.Hindi na ako paika-ikang naglakad pero may preno pa din sa bawat lakad ko para di mabinat yung sa tuh

  • Lies of Eyes   Kabanata 28

    “Thank you, chib ha. Dito na ako liliko.”Pagpapaalam ko kay Cheevy, nasa dulo kami ng hallway sa theatre since lumabas na kami dun, narinig kasi namin yung bell sa senior high, recess time nila so we need to stay put na sa booth, invited and allowed kasi silang mag roam around sa college department since may booths naman at para masala sa evaluation. Si Cheevy naman pumunta na din sa booth nila.Napaisip din naman ako sa napag-usapan naming kanina, napalapit na sa akin si Isia e, kahit nakapa poker face lang lagi, nagtatagpo din naman vibes namin pero yun nga hindi ko din namamalayan na baka nasasaktan din pala si Reyn. Hindi din naman kasi nabanggit sa amin ni Reyn, wala akong matandaan na nasabi niya sa amin na ex niya si Isia kasi hindi din talaga halata e, kaya naman pala nung sa Cagayan mukhang close sila, baka isa din yun sa rason na close ni Reyn yung tita ni Isia dahil may nakaraan pala sila.“

  • Lies of Eyes   Kabanata 27

    Naiwan ako mag-isa sa hapag kainan, malinis na din ang lamesa. Si weweng nag ta-tablet na tapos si kuya nag mo-mobile legends na naman, si mama naman ay naghuhugas ng pinggan, siya na nag insist. Aside sa busog na busog ako at ayoko pa tumayo, pinag-iisipan ko din yung usapan namin kanina. Tinitimbang ko lahat ng possibilities, sinasabayan pa ng what if’s. Iniisip ko kasi kapag ka nandun ako, si weweng at kuya nalang ang iisipin ni mama, mababawasan ang gastusin tapos doon naman makakapag diskarte lang ako kasi ako lang mag-isa tapos hindi naman siguro din ako pababayaan ni ate Denze and then if totoo nga wala akong babayarang tuition, makukuhaan ang aalahanin ko dun, pangkain ko nalang talaga.Mas lalo lang akong napapaisip lalo na umuulan pa din, comfort weather ko pa naman ang ulan. Maya-maya natapos na maghugas si mama. Inubos ko lang ang natitirang tubig sa baso ko, si mama naman kinuha ang phone na nakalapag sa lamesa saka umupo na din dun sa sofa.

  • Lies of Eyes   Kabanata 26

    “Goods na lahat, Pres. Tapos yung last set-up natin is ikaw at saka si Isia.” Nakangiting sabi ni Pam sa akin.“Anong kami?” Kuryoso kong tanong sa kanya habang naglalakad na kami sa hallway.“Nag-suggest kasi sila na kayo yung last mag pe-perform. Kakanta ganon”Tumigil ako sa paglalakad saka humarap sa kanya. “Teka ha, anong kakanta? Gagi sintunado ako.” Tapos tumawa si Pam.“Sus, maganda boses mo, mahiyain ka lang sa ganyan.” Luh“Hoy bahala talaga kayo dyan, wag niyo akong idamay dyan”Bahala talaga kayo dyan, hindi ako gorabels sa ganyan. Sa kanta? Jusko ayoko. Goods nalang sa akin tumugtog. Tapos na kasi sila magpractice, habang kumakain kami kanina ni Isia nagpa-practice lang sila, yun yung ikinaganda ng org ko e, hindi naghihintay ng president o ano, initiative lang ganon.

DMCA.com Protection Status