Home / All / Lies of Eyes / Kabanata 5

Share

Kabanata 5

Author: dinoshaur
last update Last Updated: 2021-12-14 15:53:29

“Class dismissed. Don’t forget to submit your Chapter 1 tomorrow and please use A4 paper”

Bilin sa’min ng Prof namin sa Society and Culture subject. Yes, thesis na ito. Jusko! Puyatan na naman, rejection na naman. Thou ‘di pa naman nare-reject mga research or thesis papers ko, I love researching, I love digging informations just to know sort of details in regards of something.

I was fixing my things nang makaramdam ako ng gutom. Syet, ‘di pala ako nag breakfast saka lunch. Goods lang, hindi ko pa ‘to ikakamatay. Kinuha ko nalang water bottle ko sa bag saka uminom.

“Badi! Gagu, pare! Dumaan crush ko!” Napalingon ako kina Alistair na nasa bintana, nakadungaw. Sinundan ko naman kung saan sila tumitingin.

Ah, ‘yung Querra. Kasama din ‘yung tatlong lalaki na friends niya. Which is andon din si guy na tumingin sa’kin ‘nung inuman namin sa Lao-Lao. Kinuha ko ang phone ko sa bag dahil nag vibrate.

1 new message

Kuya Zeke:

Prem! Saan ka? Uwi ka muna bilis!

Walang pasubaling akong kumilos agad, tumayo ako sa kinauupuan ko saka nilagay ang water bottle sa bag at dali-daling tumakbo. Rinig ko pa ang sigaw nina Reyn dahil sa hindi ko pagpaalam. Mag-aalala ang mga ‘yun sa’kin.

Nasa 2nd floor palang ako, hinihingal na ako. Pero mas binilisan ko pa kahit na may nababangga na akong ibang estudyante. Pagkalabas ko ng Univ, pumara agad ako ng taxi. Taxi na naman, sabog wallet ko nito.

“Kuya, Liberty Heights po, pwede po ba natin pakibilisan?” Hinihingal ‘kong pakiusap kay kuyang driver ng makasakay ako.

“Sige po”

Nag-aalala na ako, hindi ko ‘din matawagan si kuya since wala akong load.Wala na kasi akong pang plan. Kaya naisipan ko nalang i-chat, buti naka active now.

Prem: Kuya, pauwi na ako. Anong nangyayari ba?

Zacharius: typing…

Zacharius: Basta umuwi kana muna.

Seen

Ano ba kasing nangyari, kapag ka nag-aaway sila ni papa hindi naman ganon reactions niya. Kapag ka pasaway sina kuya, hindi din naman. Isa lang ang sure ako, yung mga kamag-anak namin. Nanggagalaiti ako sa galit, iniisip ko palang. ‘Yung kapatid kasi ni papa, nakapangasawa ng demonyo, este walang modo. Kung ano-anong issue ang ginagawa sa amin kaya pati sila lola at lolo na brainwashed na nila kaya kami dumistansya na sa kanila.

Huminto na ang taxi kaya magbabayad na ako kay kuya. “Magkano po?”

“250 ma’am” Gulat akong napatingin kay kuya. Shocks, 250. Pagkatingin ko sa wallet ko, ‘yung ipon ko ang magagamit. Bahala na. Inabot ko na kay kuya saka bumaba na, dali-daling tumakbo sa bahay.

Pagkapasok ko,napalingon agad sila at si mama nakita ko, umiiyak at habol habol ang hininga habang si kuya pinapaypayan siya at pinagpapawisan na. Si weweng naman, umiiyak na sa gilid at pilit pinapatahan si mama.

“Ano ba nangyari?!” bungad ko kina kuya

“Hindi ko din alam Prem,” Kumunot naman ang noo ko sa sinabi saka nilagay ang bag sa kung saan.

“Anong hindi mo alam?! Kayo lang ang nandito tapos hindi niyo alam?!” Sigaw ko sa kanya, umiinit na ang ulo ko. Panong hindi alam e mas mauna pa ‘to dumadating sa’kin tapos hindi alam?

“Bakit ba parang ako pa ang sinisisi mo?! Pagdating ko dito, umiiyak na si mama at ‘di ko makausap! Kita mo naman siguro oh, naka ID pa nga ako!” Ngayon ko lang napansin na naka ID pa pala siya. Hindi ko nalang siya sinagot pa at lumapit nalang kay mama.

Naiiyak na din ako, ayaw na ayaw ko talagang nakikita si mama na ganito.

“Ma, tahan na muna ma,” sabi ko habang inaalo ang likod niya. Nilingon ko ang kapatid ko, siguro alam niya ang nangyari. “Weng, ano ba nangyari?”

Humihikbi pa siya at nagkatinginan sila ni mama na para bang ayaw pang sabihin. “Kasi ate, pumunta dito sina lolo at-” Hindi ko na siya pinatapos ng tinaas ko ang mga palad ko para patigilin siya. Parang alam ko na nga.

Napatayo ako sa pagkakaluhod sa harap ni mama at napatingala nalang dahil pabagsak na ang mga luha ko. Agad akong napalingon ng maramdaman ang mga kamay ni mama sa mga balikat ko.

“Prem” Mugto ang mga mata ni mama, halos basa na nga ang buong mukha sa pawis at luha.

“Ma, ano ba hindi pa kayo okay, umupo na muna kayo,” sinunod niya naman ako.

“Ano na naman ba ang issue ma?” nakapameywang akong nakaharap kay mama na humihikbi at putlang-putla.

“May pamigay na bigas kasi sina Governor kanina tapos si lolo niyo ang kumuha sa share natin at hinatid dito sa bahay, bali tatlong half-sack ‘yun tapos atin ang isa,” Hindi pa tapos si mama, napatigil siya ng huminga siya ng malalim, tumutulo pa din ang mga luha.

“Pagkapunta ko kina tita mo, sinabi niya sa’kin na pinaparinggan daw ako ng biyenan ng lolo mo na kumuha-kuha daw ako ng share natin, e hindi naman daw tayo kasali, wala man daw’ng atin ‘don, napaka patay gutom daw,” Napasipa ako sa sofa sa sinabi ni mama, si kuya naman nakatunganga sa sahig at nanginginig na ang mga kamay sa galit habang si mama umiiyak na naman.

“Piste! Nasan ang bigas ma?! Ibalik natin! Sana pala hindi mo nalang tinanggap!”

“Alam niyo naman na hindi ako tumatanggap, kaso Prem wala na tayong bigas at atin naman talaga ‘yun.” Dugtong pa ni mama.

“Hindi ma! Kung ganyan lang din namang mga salita ang matatanggap natin, ibalik nalang natin! Kaya natin mabuhay na walang tulong galing sa kanila!” Pawis na pawis na ako dahil ramdam ko ang init sa katawan dahil sa galit.

“Anong sinabi ni lolo tungkol dyan ma?” Bigla tanong ni kuya kay mama na ikinalingon ko.

“Sabi niya, hayaan nalang daw natin si Maddy,”

Napahuntong hininga nalang ako dahil hindi kami makapaniwala sa sinabi ni lolo. Yan lang ‘din yung sinabi niya nung last na may binatong issue din samin yang si Maddy na yan.

“Hayaan? Ah, hayaan.” Malumanay na sabi ni kuya pero mabilis na lumakad papunta sa kusina.

“Ito ba yung bigas ma?” napalingon kami kay kuya na dala-dala ang bigas.

“Oo yan nga, bakit?” sagot ni mama

Natinag kami ng mabilis na kinuha ni kuya ang susi ng motor niya at lumabas. “Pupunta ka kina lolo? Sasama ako” desidido ‘kong sabi at nilingon si mama na nasapo ulit ang ulo at umiiyak padin.

Agad pinaandar ni kuya ang motor at ako naman nasa may gate at bitbit na ang bigas. Alam ‘kong grasya ‘to at hindi na pwedeng ibalik kasi binigay na, kung ganito lang din pala ang maririnig namin, huwag nalang. Salamat nalang.

Huminto si kuya saglit para hintayin ako habang sinasarado ko ang gate. Pagkatapos ay sumakay na ako. Malayo-layo pa kina lolo, sa kabilang barangay. Kabilang barangay pa yan ha pero ang issue abot-abot sa’min. Hindi pa naman ako pwedeng magalit ng sobra kasi baka manigas na naman ang katawan ko at kaposin ako sa paghinga. Pero kapag ka pamilya mo na ang pinupuntirya, wala ka talagang masasanto kahit kanino.

Pagkadating namin, kitang-kita ko na agad ang lecheng babae na nagsasampay sa labas ng bahay. Mas lalo lang gumulo ang labas ng bahay nila, andaming mga tanim, hindi naman magaganda, pandagdag lang sa lamok. Nakabukas lang ang gate tapos si lola nasa tindahan niya, yung kotse nila nasa labas so nandito sila lahat.

Titig na titig ako sa maganda nilang biyenan, sarap niyang sabunutan. Pagkababa ko sa motor, diretso ako sa kanya na mukhang nagulat pa.

Binigay ko sa kanya ang bigas, na may buong pwersa, halong galit yan. “Oh! Ayan na ang bigas, half-sack na pinagpuputok ng atay mo, i*****k mo yan sa baga mo! Kapal kapal ng mukha mong sabihin kami na patay gutom! Bakit ikaw?! Anong tingin mo sa sarili mo?! Kasado na kayo, may anak na tapos nakaasa pa din sa magulang?! Galing mong gumawa ng issue pero hindi niyo magawang bumili ng sariling kaldero at plato?! Hoy! Mahiya naman kayo!” sunod-sunod ‘kong sigaw, pinagtitinginan na kami ng mga tao pero wala akong pakealam, masasabihan na ako na walang respeto nito kasi ginaganto ko lang ang mas matanda sa’kin.

Magsasalita na sana siya ng lumabas ang asawa niya which is kapatid ni papa.

“Anong sabi mo Prem?” inis naman akong lumingon, ipapaulit niya ba? Sana pala ni-record ko nalang.

“Bakit niya pa uulitin? Once is enough, hindi niyo ba alam ‘yun?” pilosopong sagot ni kuya habang chill lang na nakasandal sa motor. Alam niya kasi na kapag galit ako, kaya ko na ang sarili ko.

“Ang bastos na ng bunganga mo Prem, ah?” napalingon ako sa nagsalita, si lolo na kakalabas ng gate.

“Bakit parang kasalanan ko?”

“Saan mo natutunang magsalita ng ganyan sa mas nakakatanda sayo? Wala ka bang respeto? Hindi naman ganyan ang mga magulang mo” basing-basa ko sa mukha ni lolo kung gaano siya ka-disappointed sa’kin.

Hinarap ko ulit si Maddy. “Bakit ko naman rerespetuhin ang mga taong hindi deserve respetuhin? At oo, hindi nga ganto sina mama, alam niyo naman pala pero kung tapak tapakan niyo kami parang ang laki ng kasalanan namin sa inyo. Porket marunong na sumagot sagot sa mas nakakatanda, bastos na agad? O hindi lang kayo makapaniwala na may ganto palang mga anak na ipagtatanggol ang mga magulang? Hindi ba kabastusan din ang ginawa niyo? Hindi naman pala kinukulang sa bigas itong biyenan niyo, e pero halos lumuwa na ang mata sa sobrang payat,” paiyak na si Maddy pero hindi pa ako tapos.

“Oh, wag kang umiyak, AUNTIE. Saka kana umiyak kapag ka naibalik mo lahat ng iniyak ng mama ko.” Inem-phasize ko talaga yung auntie, para may respeto slight.

“Tara na, Prem,” aya sa’kin ni kuya.

Inisa-isa ko silang tignan. “Ulitin niyo pa ang ginawa niyo, magkakalimutan talaga tayo.” Sabay talikod ko at lakad papunta sa motor na nakaandar na.

“Grabe, kapatid ko pa ba ‘yung kanina? Iba ka talaga lodicakes!”

Kakarating lang namin ni kuya sa bahay tapos ‘yun ang bungad niya pagkatapos hinubad ang helmet sa ulo. Halos wala akong maramdamang energy after that scene. Drain na drain ata ko since wala akong nakain ngayong araw tapos ‘yun lang ata ang natitira ‘kong lakas.

Nginitian ko lang si kuya tapos nilagpasan na siya at pumasok sa bahay. Nakakunot noo niya akong sinundan ng tingin.

“Okay ka lang, Prem?” Tumango lang ako habang naglalakad papasok sa bahay.

Pagkapasok ko sa bahay napansin agad ako ni mama, nag-aalala siyang tumayo. Lalapit na sana siya nang nagsalita ako. Pagod akong tumingin sa kanya.

“Ma, wag na kayong tumanggap ng kahit ano galing sa kanila, kahit si lolo o lola pa ang magbigay, hindi natin sila kailangan, please lang”

“Pero Prem, sayang din ‘yun, sa gobyerno naman ‘yun galing,e. Wala na tayong bigas, Prem,” Paiyak na sabi ni mama.

Napahilot ako sa sentido ko. “Ako na bibili,” naglakad ako papunta sa sofa para kunin ang wallet ko sa bag. Mukhang mauubos talaga ‘tong ipon ko pero okay lang, kami-kami din naman ang makikinabang. “Weng, bili ka muna ‘don sa tindahan nang 5 kilos lang muna na bigas, may sukli pa nyan, wag mo kalimutan.” Utos ko kay weweng na nasa tabi ni mama, tinanggap niya naman agad ang pera saka naglakad palabas. Sinundan ko ng tingin at nakita din si kuya na papasok.

“Oh, saan ‘yun pupunta si weweng?” tanong niya na nasa may pintuan bitbit pa din ang helmet niya.

“Bibili ng bigas,” simpleng sagot ko at naglakad na ako para umakyat na sa kuwarto. Pagod na talaga ako. Hindi ko na alam kung anong kakainin namin sa susunod pa na mga araw. Napahinto ako nang nasa may hagdan na ako, muli ‘kong tinignan sina mama na nasa sala. Si mama na nakatingin lang labas, malalim ang iniisip, si kuya na balik sa paglalaro ng ML. Oh, diba, wala talaga akong maaasahan sa kanya, dapat siya ‘yung may ginagawa na ngayon,e. Dapat hindi lang kami ni mama ang namomroblema sa sitwasyon ngayon. Pagod akong napailing at nagpatuloy na sa paglalakad.

Pagkapasok ko sa kuwarto, agad akong napaupo. Nakatungo lang ako sa sahig, naisip ko bigla na mag-phone nalang, manonood ako ng Run BTS sa youtube, pampawala ng stress. Minsan pini-play ko lahat ng mga music nila para kumalma ako, minsan din mapapalaro ako ng call of duty. May limit ako sa mga ganyang bagay para maiwasan na din na maadik. Nasa bag pala ang phone ko. Nakakapagod naman bumaba ulit. Hihiga na sana ako ng mapa-aray ako sa may puwetan ko. Pagkapa ko, phone ko pala.

Pagka-open ko, bumungad sa’kin ang messages nina Reyn. Sabi na e, mag-aalala ang mga ‘yun.

Reyn: HOY! PREM SIA SHUTANGINA BAT  KA NAGMAMADALI?!

Reyn: YAWA PREM SUMAGOT KA O SASAGOT KA

Reyn: Prem! Gagang ‘to akala ko ba fr3ns for3vs tayo! Bat ka umuwi agad!

Pauline: Tih, ocakes ka lang?

Reyn: NATURA NA BA DIS?!

Pauline: Tih, andito lang ako para sayo ang laban nato

Pauline: Tih, what’s the tea?

Kino: Hoy Prem, okay ka lang? bat ka nagmamadali kanina?

Alistair: Hoy, update ka daw

Kino: Should I call my tito na sa Police station?

Unknown Number: Prem, is everything’s good?

Kahit natakot na ako sa mga messages nila Reyn, mas natakot naman ako sa unknown number na ‘to. Kaya siya una kong nireplyan, dahil special ka, may pa sobra. Charot! Rebisco pala ‘yun. Baka kasi soulmate ko na ‘to.

To Unknown number:

Ahm, hi? Who’s this, pls?

Curious ka gurl? Ilang sandali lang, nagreply agad.

Unknown Number: You don’t need to know.

Gagi, edi wag. Sino ka ba? Bahala na nga. Humiga nalang ako at napa-scroll sa tiktok. Ang sasakit sa mata ng mga videos, puro mga couples, pinapasayaw ng mga girls ang jowa nila ng ‘What is love’ ng Twice. Edi kayo na. I stopped scrolling nalang, saka humiga ng matiwasay sa kama, nakatitig lang sa kisame.

Maya-maya may kumatok sa pintuan kaya napalingon ako. “Ate, nakabili na ako ng bigas, ‘di ka pa ba magluluto?” Sabi ni weweng, na nasa labas lang ng kuwarto.

“Nasaan ba si mama? Si kuya?”

“Wala si mama ‘te, may binili sa tindahan, si kuya naman sabi niya ikaw daw magluto kasi naglalaro pa siya” Napabuntong-hininga nalang ako, ba’t ba kasi ako nage-expect na magluluto si kuya? E never naman yan nagluto. Tamad akong bumangon at napatingin sa may study table ko sa may bintana, mas lalo lang ako napagod ng makita ang sticky note na may sulat na ‘CHAPTER1’ bukas na pala ‘yun dapat masubmit. Mukha mapupuyat talaga ako ngayon, may nasimulan na mana ako pero mataas taas pa din ang kulang ‘non saka kailangan ko pang e-review para sure na sure na walang sabit kay prof.

“Sige weng, bababa na.” sabi ko sa kapatid ko at tuluyan ng tumayo, napainat pa ako para mabuhayan ng konti ang sarili dahil pagod na talaga ako, kung nagtagal pa ako sa kama baka nga nakatulog na ako.

Pagkababa ko, si kuya agad ang napansin ko na maingay na naglalaro ng ml, ilang ulit na yan nagreklamo na masakit ang mata pero sige pa din sa paglalaro. Ewan ko ba kung ano ang plano nyan sa buhay, ni hindi nga makatulong sa gawaing bahay, e. Kaya itong si Weweng sinisigurado ko na may malaman din sa gawaing bahay para hindi lumaking tamad.

Dumeritso ako sa kusina para magsaing. Kinuha ko ang kaldero na nakapatong sa stove para mahugasan at ang bigas naman ay binuhos ko sa lalagyan namin sa cabinet, nagkuha lang din ako ng tatlong cups na bigas at nilagay sa kaldero. Hinugasan saka isinaing. Nagpupunas na ako ng kamay sa pants ko nang mag-vibrate ang phone ko.

Si papa tumatawag. “Hello pa? Kumusta?”

“Okay lang nak, kayo dyan?”

“Okay lang din pa,” Naisip ko bigla yung nangyari kanina kila lola, hindi pa pala ‘yun alam ni papa. Sasabihin ko sana sa kanya kaso naisip ko magagalit lang si papa kina lola, baka mas lumayo pa ang loob niya, iba kasi ang treatment nina lola sa mga anak nila, kung sino lang ‘yung may maibibigay na pera, ‘yun lang ang mas malapit sa puso nila. Si papa kasi minsan lang nakakapagbigay kasi ano naman ang ibibigay diba? E, kulang nga lang sa’min. Kahit naman daw noon pa na nag-aaral pa si papa, malayo talaga ang loob niya sa mga magulang niya, hindi ba pantay ‘yung pagmamahal nila sa mga anak nila, anim na magkakapatid kasi sina papa. Pangalawa si papa.

“Nak, paki sabi nalang sa mama mo ha na hindi pa talaga ako makakapagpadala ngayong buwan kasi kakasimula ko lang sa trabaho, yung tuition mo nak, pwede bang uunahan nalang ng 5,000? Ito nalang kasi natira sa ipon ko, e” 5,000? ‘yun nalang natira sa ipon niya? Tapos ipapadala niya pa? anong kakainin niya ‘don?

“Ano ba pa, okay lang. Ako na bahala sa tuition ko, saka wag kang mag-aalala, may madi-diskartehan kami dito para may makain, isipin mo nalang sarili mo dyan kasi ikaw lang mag-isa,” Kawawa naman kasi kung pipilitin pa na may maipadala, wala pa naman kaming kamag-anak ‘don sa Manila, wala kaming pwedeng malapitan kung ano man.

“Sure ka ba, Prem? Baka magpart-time job ka ha? Naku, hindi talaga ako papayag dyan, mag-focus kayo magkapatid sa pag-aaral, ako na bahala sa lahat. Sige na, ibababa ko na ‘to kasi may trabaho pa ako, mag-iingat kayo dyan. Yung mga kapatid mo Prem, ha” Bilin ni papa.

“Sige pa, ikaw din dyan, mag-iingat ka.”

Napasandal nalang ako sa sink. Mapapahilot nalang sa sentido. Pano na kami nito? I mean, si mama hindi naman talaga ‘yun papayag na wala kaming makain pero ako ang napapagod kay mama, kung ano-ano nalang maibenta, nililibot sa buong barangay para kahit papaano may mabenta tapos uuwi sa bahay na pawis na pawis, hinihilot ang mga paa kasi masakit. Hindi ko kinakayang makitang ganon si mama. Kahit na obligasyon nila na buhayin kami, masakit parin sa akin bilang anak na kahit anong hirap kakayanin para lang sa’min.

Kaya minsan naiinis ako sa iba na sinasabi na wala tayong utang na loob sa mga magulang natin kasi hindi natin piniling mabuhay, sila ang may utang na loob sa atin kasi sila ang naghanap ng anak. Like, oo naman wala nga tayong utang na loob sa part na yan pero sa part na binuhay tayo, naipakita sa atin kung ano ang tunay na mundo, we got to see things, to experience things, we are more than blessed with that at utang na loob natin ‘yun sa mga magulang natin. Hindi natin piniling mabuhay pero bilang anak hindi naman siguro tama na magpapakabulag tayo sa sakripisyo din ng mga magulang natin.

Palabas ako sa kusina ng makita ko si Weweng na umiiyak habang papasok ng pintuan.

“Napano ka?” Tanong ni kuya ng mapansin din si Weweng.

Humihikbi pa si Weweng at pawis na pawis nasa may pintuan pa din, nakatayo. “Sinabihan kasi nila ako na mataba mukhang baboy daw,” mas sumakit ulo ko sa narinig.

“Prem, punasan mo oh, pawis na pawis, saka pagsabihan mo mga kaibigan nyan, away bata lang yan,e”  Utos ni kuya, na hanggang ngayon naglalaro pa din ng ml. Yung helmet nga nasa center table lang nilagay,e. May baso at plato pa, hindi man lang nilagay sa lababo para hugasan.

Ako na naman. Ako nalang lagi. Punyetang buhay ‘to.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
John Hart
ANG SAKIT YAWA...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Lies of Eyes   Kabanata 6

    1 new messageUnknown number: Prem, okay ka lang?Naglalakad ako sa may simbahan, may gate din kasi ‘dun sa dulo papasok sa school namin. Binasa ko ang message naman ng kung sino. Napalingon-lingon tuloy ako sa paligid kasi mukha nakita niya akong mukhang tanga naglalakad, naligo naman ako pero inaantok parin ako dahil nga tinapos ko pa yung Chapter 1 na ipapasa ngayon.To Unknown number:Kung pinadala ka ni satanas, sa iba ka nalang manggulo.Reply ko ‘dun at nilagay na ang phone sa bulsa ng pants ko. Pagkapasok ko ng gate, pagsinu-swerte ka nga naman, nakita ko si Kino sa canteen, kumakain ng brownies saka may hawak na lemon juice habang kausap ito si, Querra? Nanliit ang mata ko habang nakatingin sa kanila, naka side view kasi si Kino hanggang sa umalis na din si Querra. Ang aga naman ng recess niya, kaya ‘di ‘to pumapayat,e. Tumakbo ako papunta sa kanya hinila ng mahina

    Last Updated : 2021-12-14
  • Lies of Eyes   Kabanata 7

    I still can’t get over how my Kuya betrayed us. Char. Betrayed agad. Parang ganon lang din kasi ‘yun, nanggaling mismo sa mga bibig niya ‘nun na hinding-hindi niya magawang mag-cutting classes. Mas lalo niya lang akong nabigo, I am expecting an older sibling na pwede ‘kong makapitan pero hindi ko lubos maisip na mukhang sila pa ata ang kumakapit sa’kin. I mean, it’s fine thou kasi family kami pero I am vulnerable than what they think. Ewan ko kung paano ko narating ang theatre room sa lagay ‘kong ‘to. Ewan ko din kung ilang oras na akong nakatunganga, nakaupo sa center aisle ng stage. Saka lang ako nabalik sa wisyo nang maingay na pumasok ang mga members ng org. at natahimik nang makita akong nakaupo dito sa stage. Tumayo na rin ako at sinabihan sila na magsiupo dito, agad naman silang umakyat at nagsiupuan. I told them to make a circle para magkakitaan lang kami at marinig ang pag-uusapan sa meeting. “Let’s

    Last Updated : 2021-12-14
  • Lies of Eyes   Kabanata 8

    Mama: Prem gabi na ako makakauwi ha? Ikaw na muna bahala sa mga kapatid mo, hahanap muna ako ng mapaghihiraman ng pera, due date na kasi ng kuryente natin. Napahilot ako sa sentido ko sa text na natanggap galing kay mama. Naglalakad na din kasi ako papuntang Robinsons ng makauwi na pero napagdesisyonan ko na pumunta nalang ng city, maghahanap ako ng trabaho. Kailangan ko ng kumilos, bahala na kung magkanda leche leche na ang schedule ko, kahit part time job lang papatusin ko na. Dumiretso pa din ako sa Rob, ‘dun ako sa pedestrian nila tatawid saka sasakay ng jeep papuntang city. Magbabakasali lang ako. Nang makasakay na, kinuha ko na muna ang pamasahe ko sa bag saka ang phone ko para tignan kung anong oras na, 6:30 na din pala, matagal pala natapos ang practice namin kanina. Bumaba ako sa Jollibee sa Aguinaldo Street, ang gilid kasi ‘nun ay mga boutique, susubuka

    Last Updated : 2021-12-16
  • Lies of Eyes   Kabanata 9

    Nagising ako na puro puti ang nasa paligid. Patay na ba ako? Nilibot ko ang mga mata ko, may nurse sa gilid may kung inaano sa, dextrose? Teka, tinignan ko ang kamay ko at may nakaturok nga na dextrose. Napansin ako ng nurse at kinausap. Akala ko ba patay na ako?“Kumusta ang pakiramdam mo?” Kumunot ang noo ko.“May nurse pala sa langit?” Tumawa naman siya sa sinabi ko. Anong nakakatawa ‘dun? Hindi pa ba ako patay?“Miss Tanjuarez, hindi ka pa patay, okay? Nahimatay ka lang” At doon ko lang napagtanto at naalala ang nangyari.Wala naman na akong nararamdaman. Umayos na ang pakiramdam ko. Dahan-dahan akong bumangon at ang nurse naman ay inayos ang unan sa likuran ko para makasandal ako ng maayos. Napatingin ako sa wall clock sa may gilid, 5 pm na. Pupunta pa ako ng city, maghahanap pa ako ng trabaho, jusk

    Last Updated : 2021-12-16
  • Lies of Eyes   Kabanata 10

    Hindi ko na alam kung ano na ang nangyari habang pauwi ako. Nakarating ako sa bahay na tulala,namamaga ang mata, yakap yakap ang jacket sa balikat. Narinig ko pa si kuya na nagtanong kung okay lang ba ako. Hindi ko na nakita kung nandon ba si mama. Hindi ako kumain. Pagkapasok ko lang sa kuwarto ay agad akong napaupo sa may pintuan, umiiyak. Palaging nagfa-flash sa’kin ang nangyari. Hindi ko lubos maisip na mangyayari ‘yun sa akin. Ilang oras din akong nakasandal sa pintuan habang patuloy na tumutulo ang luha ko. Kinakatok din ako nila Weweng, ni mama saka kuya pero wala silang sagot na nakukuha sa akin.Siguro naririnig nila ‘yung pag-iyak ko. Ni hindi ko maalala kung ano ng nangyari sa gagong ‘yun at wala akong pakealam, tangina niya lang. I swear, hindi na ako pupunta sa mga ganong kanto. Kung walang dumating, ano kayang nangyari sa akin? Kung walang humila sa kanya, nasaksak na siguro ako. Utang ko sa kanya ang b

    Last Updated : 2021-12-16
  • Lies of Eyes   Kabanata 11

    “Wag na wag na kayong tumapak sa pamamahay na ‘yun! Anong karapatan nilang bastusin kayo ng ganon sa pamamahay pa mismo ng mga magulang ko!” Galit na galit sina papa sa nangyari. Paano ba naman, umuwi kaming luhaan imbis na tumulong lang kay lola. Si mama halos sugurin niya na sila ‘dun,e. Sino ba kasing matutuwa ‘dun. ‘Yung Ciousia naman hindi na talaga natuto, sinupalpal ko na nga the last time na pumunta ako ‘dun. Kaya yan, hindi kami makaimik sa galit ni papa, tumawag kasi siya kay mama kasi hindi ako sumasagot ‘nung sa akin siya tumatawag. Nagalit din si papa kina lolo, alam kasi pala ni papa na pupunta kami ‘dun kasi nagpaalam si lolo sa kanya at bilin pa nito na po-protektahan niya kami kung magkagulo man. Pero ‘asan siya kanina? Wala. Walang nagtanggol. Nanggagalaiti talaga ako sa galit kasi si Weweng umiiyak pa din. Sabi niya natakot talaga daw siya. Wala naman kasi ‘to

    Last Updated : 2022-01-03
  • Lies of Eyes   Kabanata 12

    “Bumabagal ang ikot ng mundo..kapag ika’y nariyan..oh aking tahanan..” Pagkanta ng mga kaibigan ko habang ako gulat parin, malay ko ba nasa paligid lang pala siya. Saka, hoy! ‘di ko siya hinahanap ‘no. Pinasandahan ko din ng tingin ang mga kasama niya na nasa likuran niya, I don’t really know them. I only know, Isia. Isia Fran Mondevar. “Kapal mo naman, hoy!” “Ikaw talaga hinahanap niya, badi,” pagsambat ni Pau kaya nilingon ko saka masamang tinignan. “Masarap daw kasi ‘yung bj mo, pre.” Pagdudugtong pa ni Paul. Alam ko namang ‘di ko talaga ‘to sila mapipigilan. Nakangisi lang si Isia, saka ‘yung mga kaibigan ko tawa parin ng tawa pati na din ‘yung mga kaibigan ni Isia. Pero mas napansin ng mga mata ko ‘yung babae na kasama nila, I bet this is Querra, ang arte ng aura, curly ‘yung buhok na

    Last Updated : 2022-01-05
  • Lies of Eyes   Kabanata 13

    Nagising ako sa ingay ng aso naming sa labas, isang chow chow si Babol. Humikab lang at nag inat-inat, ramdam na ramdam ko ‘yung pagod mga ‘teh tapos mamaya practice na naman. I check my clock in my bed side table, saktong 6 ng umaga pa.Pagkatapos ng konting tulala, isip-isip sa buhay. Kung bakit ang tawag sa kutsara ay kutsara kung pwede naman tinidor, chariz. Makabangon na nga lang. Kinuha ko na muna ‘yung towel ko sa cabinet, bagong laba ‘to tol. Pero nahagip ng mata ko ang paperbag na nasa gilid ng cabinet, ‘yung pinaglagyan ko ng jacket. Shuta, dadalhin ko na naman yan tapos hindi ko na naman alam kanino ibibigay. Bahala na nga.“Ano na, Prem? Nagdadasal ka pa dyan sa cr?” Rinig ‘kong sigaw ni mama sa labas, lakas ng boses talaga kahit napaka distansya ng sala sa kwarto ko. Ganyan yan si mama, kapag ka nasa mood mag-ingay. Yan ‘yung alarm clock na makakapagpadali sayo.

    Last Updated : 2022-01-07

Latest chapter

  • Lies of Eyes   Kabanata 34

    “Alam mo Kino, maawa ka sa atay mo.”Hindi makapaniwalang napatingin si Kino at Paul sa akin. Nag-iinuman kasi kami dito sa Lao-Lao, nanghinayang nga kami e kasi wala na pala dito si Aling Marites kasi nagpunta daw nang Iloilo dun na daw titira kaya anak niya nalang nagbabantay nitong tindahan ngayon.“Sus, ang yabang nang responsible drinker oh,” Pang-aasar naman ni Kino. I flipped my hair because of being proud, sus! Responsible drinker? Ako? Matagal na, small things! Char.I jokingly rolled my eyes. “Ano ba kayo, ako lang ‘to!”Responsible drinker ako, minsan! Pero si Kino talaga grabe, ang tigas ng atay hindi natatakot mamatay halos gawin ng tubig ang alak e, itong si Paul naman adik din sa wine, jusko napadaan nga kami sa kanila saka tumambay sa kwarto niya, yung ref niya puro wine ang laman.“Sus, hilong-hilo ka nga’ng u

  • Lies of Eyes   Kabanata 33

    Tanaw ko si Isia sa dagat na nakikipagsabayan sa alon habang nag je-jetski, he keeps on looking at me whenever he stands up and show some drift. Ang yabang. Napanguso ako dahil muli siyang tumingin sa’kin ng mas maangas niyang sinalubong ang alon at buma-bounce na yung jetsking sakay niya. He’s not wearing a life vest kasi nga sabi niya sa akin sanay naman na daw siya at marunong naman daw siyang lumangoy thou hindi naman masyadong malakas yung alon. This would be our last day here in Midway at himala hindi ako hinanap ni mama. And I want to end this day memorable thou I still have those thoughts in my mind if all the actions and words from him are true, what happened that night flashes in my mind, napapailing nalang ako para hindi ko yun ma-overthink. Bumababa na siya ngayon sa jetski, naumay na din siguro, pinipilit niya nga akong sumama sa kanya pero umayaw ako kasi natatakot ako sumakay, enough na sa akin na tinatanaw lang siya sa ma

  • Lies of Eyes   Kabanata 32

    Tanging hampas ng alon, huni ng mga ibon at ang paghikbi ko ang naririnig ko. Tumambay ako sa pangatlong cottage mula sa amin kanina, hindi na ako tumuloy pang bumalik kanina doon kina Levi dahil sa sobrang galit ko kay Isia. I can see the light in his cottage from here, hindi niya siguro din alam na nandito ako since lahat nang cottage ay walay ilaw except doon nga kay Isia. Mas mabuti na din para hindi niya ako makita dito, malabo din na marinig niya ang bawat hikbi ko kasi malalaking spaces yung cottages dito, dinaig pa ang one seat apart. Gutom ako na hindi masyadong gutom dahil siguro to sa sobrang alak, ang hard kasi ng mga inumin nila doon pero infairness ang saya nila kasama, mas namimiss ko lang sina Kino sa kanila.Naiinis akong isipin yung kabastosan na ginawa niya kanina, ni hindi ko alam kung nakita din ba yun nina Tifi dahil si Levi lang yung naaninag ko na bagsak sa upuan na buhangin dahil nga sa balikat ko yun nakasandal. Nag fa-flash din sa utak

  • Lies of Eyes   Kabanata 31

    Napag-isipan naming pumasok na sa loob ng cottage para kumain muna. I wonder if they really loved each other, maybe Isia loved her very much to the point that he can’t afford to forgive her. And maybe, Reyn really loved him also bit she was blinded that time and found someone else. At siguro hindi ko pa nga kilala masyado si Reyn. I can’t judge them both, overall they don’t deserve their kind of love.Tumayo ako sa pagkakaupo para tulungan si Isia sa paglagay ng pagkain sa plato, bigla naman siyang lumagpas sa akin at kinuha ang mga kutsara sa bag niya I bit my lower lip when I inhaled his perfeum. Bango naman nang bebe na yan. I laughed at my thoughts.“What’s funny, love?” That made me stop from laughing. Tulala akong umupo sa upuan at hinayaan siyang kumilos kung ano man ang ginagawa niya.Did I heard him wrong? Did he just call me love?“Kain na!” B

  • Lies of Eyes   Kabanata 30

    “Saan ba kasi tayo pupunta?! Iuwi mo na ako, ayokong sumama sayo!”Bulyaw ko kay Isia. Kanina pa siya tumatawa sa akin, nasa sasakyan niya kami at hindi ko alam kung saan kami pupunta. Naramdaman ko lang na may kumarga sa akin pero hindi ko naman alam na si Isia pala yun, kakagising ko lang saka malaman-laman ko na nandito ako sa loob na nang sasakyan niya at ang mas nakakagalit ay nakapantulog pa ako!Pamilyar naman ako sa kalsada na dinadaanan namin, sa Iligan malamang. He was just keep on answering ‘Basta, tiwala ka lang’. Hindi man lang ako ginising muna para makapagbihis! Sasama naman ako voluntarily! Char. Bwesit kasi yung tsinelas ko pa e yung panda tapos gagi na yan naka pajymas ako na spongebob tapos puting oversized shirt. Wala pa akong bra!“Sana naman hinayaan mo ‘kong magbihis kanina! Wala pa akong hilamos! Wala man lang…”“Walang? W

  • Lies of Eyes   Kabanata 29

    “Jusko, kung sino pa yung president yun pa yung wala sa meeting.”Humalakhak ako nang makitang busangot ang mukha ni Pam tapos nakapameywang pa. Hinihingal pa nga si ate niyo gurl, hinanap nga niya ako siguro sa buong univ.Dahan-dahan akong tumayo para hindi masagi yung sugat ko. Hindi siya malaki pero sumasakit siya kapag nakilos ako. Sinundan ako ng tingin ni Cheevy na lutang pa din dahil sa sinabi ko.“Atin na muna yun ha?” Sabi ko kay Cheevy saka pinapagpag ko yung likod ko baka may mga damo.He sighed. “Oo na”I smiled. “Goods ka.” Inayos ko yung bag ko, nagsuklay while Pam is patiently waiting. “Pakitapon na din ng basure ko, Chib! Thanks!” Habol kong sabi habang palakad na kami paalis ni Pam.Hindi na ako paika-ikang naglakad pero may preno pa din sa bawat lakad ko para di mabinat yung sa tuh

  • Lies of Eyes   Kabanata 28

    “Thank you, chib ha. Dito na ako liliko.”Pagpapaalam ko kay Cheevy, nasa dulo kami ng hallway sa theatre since lumabas na kami dun, narinig kasi namin yung bell sa senior high, recess time nila so we need to stay put na sa booth, invited and allowed kasi silang mag roam around sa college department since may booths naman at para masala sa evaluation. Si Cheevy naman pumunta na din sa booth nila.Napaisip din naman ako sa napag-usapan naming kanina, napalapit na sa akin si Isia e, kahit nakapa poker face lang lagi, nagtatagpo din naman vibes namin pero yun nga hindi ko din namamalayan na baka nasasaktan din pala si Reyn. Hindi din naman kasi nabanggit sa amin ni Reyn, wala akong matandaan na nasabi niya sa amin na ex niya si Isia kasi hindi din talaga halata e, kaya naman pala nung sa Cagayan mukhang close sila, baka isa din yun sa rason na close ni Reyn yung tita ni Isia dahil may nakaraan pala sila.“

  • Lies of Eyes   Kabanata 27

    Naiwan ako mag-isa sa hapag kainan, malinis na din ang lamesa. Si weweng nag ta-tablet na tapos si kuya nag mo-mobile legends na naman, si mama naman ay naghuhugas ng pinggan, siya na nag insist. Aside sa busog na busog ako at ayoko pa tumayo, pinag-iisipan ko din yung usapan namin kanina. Tinitimbang ko lahat ng possibilities, sinasabayan pa ng what if’s. Iniisip ko kasi kapag ka nandun ako, si weweng at kuya nalang ang iisipin ni mama, mababawasan ang gastusin tapos doon naman makakapag diskarte lang ako kasi ako lang mag-isa tapos hindi naman siguro din ako pababayaan ni ate Denze and then if totoo nga wala akong babayarang tuition, makukuhaan ang aalahanin ko dun, pangkain ko nalang talaga.Mas lalo lang akong napapaisip lalo na umuulan pa din, comfort weather ko pa naman ang ulan. Maya-maya natapos na maghugas si mama. Inubos ko lang ang natitirang tubig sa baso ko, si mama naman kinuha ang phone na nakalapag sa lamesa saka umupo na din dun sa sofa.

  • Lies of Eyes   Kabanata 26

    “Goods na lahat, Pres. Tapos yung last set-up natin is ikaw at saka si Isia.” Nakangiting sabi ni Pam sa akin.“Anong kami?” Kuryoso kong tanong sa kanya habang naglalakad na kami sa hallway.“Nag-suggest kasi sila na kayo yung last mag pe-perform. Kakanta ganon”Tumigil ako sa paglalakad saka humarap sa kanya. “Teka ha, anong kakanta? Gagi sintunado ako.” Tapos tumawa si Pam.“Sus, maganda boses mo, mahiyain ka lang sa ganyan.” Luh“Hoy bahala talaga kayo dyan, wag niyo akong idamay dyan”Bahala talaga kayo dyan, hindi ako gorabels sa ganyan. Sa kanta? Jusko ayoko. Goods nalang sa akin tumugtog. Tapos na kasi sila magpractice, habang kumakain kami kanina ni Isia nagpa-practice lang sila, yun yung ikinaganda ng org ko e, hindi naghihintay ng president o ano, initiative lang ganon.

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status