Lahat ng Kabanata ng The Vampire who will fall inlove with me: Kabanata 1 - Kabanata 6

6 Kabanata

01: Pagtatagpo

 "Tama na, maaawa kayo sakin" pagsusumamo ng isang lalaking estudyante na nakalugmok sa lupa habang nakatali ang mga kamay at maging ang mga paa nito. Nagtawanan naman ang tatlong binatang lalaking estudyante na pinagmamasdan ang nakalugmok nilang kaeskwela, na tila aliw na aliw sila sa sinasapit nitong paghihirap. Kung titignan ang mga lalaking ito, ay masasabi na nasa secondarya na ang antas nila sa kanilang pinapasukang eskwelahan. "bakit di ka sumigaw? humingi ka ng tulong! sigaw na dali!!" saad ng isang lalaking estudyante na hinablot ng pasabunot ang buhok ng nagmamakaawang nilang kaeskwela na nakalugmok sa lupa. Gustuhin man sumigaw nito upang humingi ng tulong ay alam niyang wala itong saysay dahil wala ng tao sa paligid ng madilim na eskenita na iyon na malapit sa kanilang pinapasukang eskwelahan. Ang tanging magagawa nalang niya ay umiyak at magmakaaw
Magbasa pa

02: Pagsisimula ng ugnayan

Labis na kinabahan si Erinn sa pagsulpot sa kanyang harapan ng isang lalaking duguan na kakikitaan ng punit punit na damit na kasuotan nito. 'baka eto yung sinasabi na halimaw nung mga estudyante dito, patay! ano ng gagawin ko?' sa isip ni Erinn na tila naging estatwa na sa labis na pagkatakot at pagkagulat. Dahan dahan ang duguang lalaki sa paglapit sa kanya, kitang kita ang pagpatak ng mga dugo nito sa lupa na dumadaloy sa buong katawan nito. Di gaanong maaninag ni Erinn ang mukha nito dahil may dugo din ito sa mukha at may labis din na kadiliman ang paligid samahan pa ng patay sindi na ilaw sa poste. "wag!... wag kang lalapit!" sigaw ni Erinn at agad siyang nakakita ng patpat sa kanyang gilid at agad niyang kinuha ito bilang pang depensa. "yung..... Palaso...." saad ng duguang lalaki at bigla nalang itong natumba palagapak sa lupa na lalong ikinabigla ni Erinn. 
Magbasa pa

03: Balita ni Briston

Di gaanong nakatulog ng maayos si Erinn dahil sa pag ala-ala niya sa lalaking kanyang tinulungan. Madami siyang gustong malaman tungkol sa lalaki, pero kahit nga ang pangalan nito ay di man lang niya naitanong. Isa pa, ramdam niya kasi na may kakaiba sa pagkatao nung kanyang lalaking tinulungan at talagang sa kaibuturan ng kanyang isip, masasabi niya na hindi ito ordinaryong tao batay na din sa kanyang mga nasaksihan ukol dito. Tutal ay maaga pa naman para pumasok sa eskwela, naisipan munang kunin ni Erinn ang kanyang cellphone. Naisip niya kasi na baka matulungan siya, sa kanyang mga agam-agam ng babaeng nakilala niya sa chat nung sumali siya sa hidden mysteries group sa fadebook. Mahilig kasi ang babae na yun sa mga topic na patungkol  sa mga supernatural at mga kakaibang nilalang, kaya mas lalo siyang naging interesadong makipag kaibigan kay Erinn ng malaman niya na sa ba
Magbasa pa

04: Volt

  Mabilis na tinatakbo ni Volt ang malawak na kagubatan papunta sa hile-hilerang bundok na milya milya ang kalayuan sa bayan ng Miserya.Sa takbong 90 mph na mas mabilis pa sa isang cheetah na tinaguriang fastest land animal at may panaka naka pang pagtalon talon sa mga matataas na puno na walang kahirap hirap ay agad na narating ni Volt ang kanyang destinasyon.Huminto si Volt sa pintuan ng isang grey na mansyon na nakatayo malapit sa paanan ng ilang kabundukan at halos napapalibutan din ng mga nagtataasang puno at malinis na ilog. Kung titignan ang mansyon na ito, ay tila iginaya ito sa disenyo sa mga sinaunang kastilyo sa pransiya at masasabing maraming dekada na ang pinaglipasan nito dahil sa kalidad ng hitsura nito mula sa labas.Mula dito ay humugot muna ng lakas ng loob si Volt bago pumasok sa mansyon na iyon.Malinis, maluwang at maayos ang loob ng mansyon na iyon, mamahalin ang mga naka display na babasagin
Magbasa pa

05: new friend

Nakakapanibago ang buong araw na ito para kay Erinn sa eskwelahan. Nagpunta na kasi si Briston kasama ang buong basketball team sa inihandang training camp ng kanilang coach kaya isang linggo din niya itong di makakasama. Sanay naman nang mag-isa si Erinn pero siyempre nasanay na din siya na nasa tabi niya parati ang kanyang kaibigan na si Briston kaya napakalaking pagbabago pa din ang kanyang nararamdaman. Gaya ng dati ay mga mapanuri at mapanghusgang mga mata pa din ang ginagawad sa kanya ng mga kapwa niya estudyante. Pilit na lang iniiwasan ni Erinn ang mga ito para na din hindi makaakit ng kaguluhan, baka kasi mamaya ay may makaisip na bigla nalang siyang pagtripan lalo na at wala sa kanyang tabi ang tigapag tanggol niyang si Briston. Habang mag-isang binabaybay ni Erinn ang kahabaan ng hallway sa kanilang eskwelahan papunta ng labasan ay napagpasyahan muna nitong dumaan sa b
Magbasa pa

06: Saved by the bell

  Walang kamalay malay si Erinn sa nangyari kay Chester, nagulat na lamang ito ng bigla itong bumulagta sa kanyang likuran at nawalan ng malay. Labis na nabahala si Erinn sa kung ano ang nangyari sa kanyang kaibigan, kaya agad niya itong nilapitan. "Chester! anong nangyari sayo?!" pag alala ni Erinn na pilit ginigising ang nawalan ng malay na si Chester. Ilang alog at tapik pa ay nagulat nalang si Erinn ng biglang bumukas ang mga mata ni Chester at gumalaw ng mabilis ang mga kamay nito para siya ay sakalin. Agad nagpumiglas si Erinn sa tindi ng pagkakasakal sa kanya ni Chester, na tila pursigido itong bawian siya ng buhay. "Ches...ter!! a-a-anong... gina...gawa mo?!" si Erinn na pilit kinokontra ang mga kamay ni chester sa pagkakasakal sa kanya. Di tumugon si Chester bagkus ay bigla nalang pumula ang mga mata nito at unti unting nang
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status