Sa huli ay pinitas ko ang kulay pulang-pula na zinnia. Nakamasid lang sa akin si Karl, huminga ako ng malalim bago isa-isang tanggalin ang talutot nito. "He loves me, he loves me not. He loves me, he loves me not." Dire-diretsong chant ko. Narinig ko ang mahinang mura ni Karl at sinabing hindi naman daw totoo ito pero tinuloy ko pa rin. "Damn baby. I love you, hindi ang mga talutot ng bulaklak na iyan ang magdedesisyon para sa akin," aniya, kinukumbinsi pa rin ako na tumigil. Umiling ako bago huminto saglit sa ginagawa ko para masagot siya. "Ito ang pagbabasehan ko kung totoo ang sinabi mo," saad ko. Alam kong mababaw ang dahilan pero who cares? Gusto ko lang naman itry at isa pa, chinacharot ko lang naman si Karl. Syempre mas naniniwala ako sa kaniya kesa sa bulaklak na ito. Kulang sampong talutot na lang ang natitira. Sinulyapan ko si Karl, hindi siya mapakali at medyo may pa
Last Updated : 2021-07-24 Read more