Home / All / The Rain That Reminds of You / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of The Rain That Reminds of You: Chapter 11 - Chapter 20

41 Chapters

Numinous

  “Si Isa. Wala nang iba. Lou-Isa-Na.. Sebastiano. Tama? Si Isa nga yun. Bakit? May problema ba?” tanong ni Leonard sa walang imik na si Euphie. Napa-iling lang siya at nanatiling tikom ang bibig.“Wala. walang problema.” Umiling at ngumiti lang siya ng bahagya kay Leonard at muling itinuon ang tingin sa dalawang taong nasa harapan nila ngayon.Ngayong araw, Hindi niya aakalain na makilala at makikita niya ang Lolo Dan niya na nagkataon namang kaibigan pala nitong si Leonard na suspetya naman niyang dating karelasyon ng Lola niya.. at nagkataon naman ding si Isa pala.Hindi man siya makapaniwala sa mga nangyayari ay naintindihan niya na rin sa wakas ang ilang mga bagay. Tulad na lang siguro ng dahilan kung bakit magaan ang loob niya kay Isa at parang pamilyar ito sakaniya ay dahil siya pala ang Lola Louisana niya na matagal na niyang hinahanap.Ngunit akala ni Euphie ay mabibigyan na ng linaw ang dahilan kung bakit siya napunta dito kapag nakita na niya ang Lola niya.
last updateLast Updated : 2021-07-12
Read more

Tacenda

  “So tell me, how did you two met by the way?” tanong bigla ni Dan kanila Euphie at Leonard habang nasa harap kami ng hapag-kainan at sabay sabay na kumakain.“Actually, We met at the.. Femme Fatale.” nag-aalanganin na sagot naman ni Euphie sakaniya.“Femme Fatale? That cabaret?” at napataas siya agad ng kilay sakanilang dalawa.“She's a singer actually.” Mabilis na sabat naman ni Leonard sakaniya.“You're a singer!? Wow! That's amazing! Isn't it alright If I ask you to sing for us right now?” masaya at nasasabik na ani agad ni Dan kay Euphie.“Right now? Uhm.. but we're still eating. So, maybe.. later?” sabay ngiti na lang niya ng bahagya. Ba't ba kami nag-eenglish. Dudugo na ilong ko dito. Anyway, parang hindi naman ako sanay mag-english. Like duh.“Uhm.. can I ask a question?” tanong bigla ni Euphie kay Dan para maiba yung usapan at hindi siya nito kulitin sa pagkanta.“Oh sure. Ask me anything you want.” sabay ngiti naman niya.“Saan ka nakatira noon bago ka
last updateLast Updated : 2021-07-12
Read more

Eccedentesiast

  Makalipas ang ilang linggo, Setyembre na rin sa wakas. Ibig sabihin rin nun ay ang pag-umpisa ng paglamig ng panahon dahil sa papalapit na kapaskuhan. Nag-umpisa ng lumiwanag ang mga kalsada tuwing gabi at marami na ring tao ang nasasabik sa pagdating nito.Samantalang katatapos lang ni Euphie sa trabaho niya sa Femme Fatale at kasalukuyan na siyang nagbibihis at nagtatanggal ng mga palamuti niya sa katawan. Masaya siyang nagagampanan niya ng maayos ang trabaho niya rito't bukod pa roon, Mas lalo na rin siyang nakikilala ng ilan. Kahit na maglakad lang siya sa labas ay maraming titigil upang tawagin at magbigay galang sakaniya. Siguro nga kahit gaano niya ipilit na itago ang pagkatao niya ay hindi pa rin maiiwasan na makilala siya ng iba.At gaya ng unang araw niya sa trabaho ay palagi pa rin siyang sinusundo ni Leonard sa labas. Hindi naman niya masabihan ang binata dahil nahihiya rin siya at takot na masaktan ang damdamin nito. Kaya sa halip na pagbawalan ito ay pin
last updateLast Updated : 2021-07-12
Read more

Ellipsism

  Napakagat ng labi si Euphie habang nakatingin kay Leonard na abala sa pakikipag-usap sa babaeng tinatawag na Analiza. Napangiti siya at iniwas ang tingin niya papunta kanila Isa.“Sino siya?” tanong niya upang hindi magtaka ang dalawa pa niyang kasama sakaniya.“Ay siya nga po pala, Matagal na 'yang kaibigan ng Ginoo. Siya ho si Binibining Analiza, Ang anak ni Ginoong Alonzo.” Sagot naman ni Isa sakaniya.“Ohh.. Bagay sila..” sabay pilit na ngiti niya.Napatingin sakaniya si Dan at napataas ng kilay. “Are you jealous?”Napataas rin ng kilay si Euphie at napatawa ng malakas.“No! Why should I?” tanggi niya kaagad.“Because..” at napa-iling nalang si Dan sakaniya. “Nevermind. Do you want to meet other guys tonight? I could introduce you if you want.” sabay ngisi niya.“No need.” sabay iling niya. “Besides.. It doesn't matter anyway. I'm just gonna have fun by myself.. I think?” sabay ngiti niya ng bahagya.Nag-aalalang tumingin sakaniya si Dan at tinapik ang ulo
last updateLast Updated : 2021-07-12
Read more

Limerence

  “I see you're playing again.” bigkas bigla ni Dan kay Euphie habang nakatuon ang atensyon nito sa pagtugtog ng piano. Napatigil kaagad ang dalaga't napatingin sakaniya.“Yeah. I have to learn this piece for the next performance.” sagot naman niya saka muling itinuon ang atensyon sa harap ng piano.“I didn't know you like Je te veux too.” ani Dan saka umupo sa isang tabi ng pintuan habang pinapanuod si Euphie.“It's a family favorite actually.” at napangiti sandali si Euphie. “My mother told me that grandpa used to play it a lot. Too bad that I didn't get the chance to meet him, and maybe that's the reason why I learned to love this song, so that I can feel a little closer to him even though he's already gone.”“I'm sure that your grandpa is very proud of you wherever he is right now.” Nakangiting sagot lang ni Dan sabay haplos lang ulo ni Euphie.Natigilan lang si Euphie at napayuko habang pinipigilan niya ang mga luhang unti unting nabubuo sa gilid ng kanyang mata
last updateLast Updated : 2021-07-12
Read more

Alexithymia

  “Euphie..” tawag bigla sakaniya ni Leonard habang nakatitig pa rin ito sa kaniyang mga mata. “Naiintindihan mo ba ang gusto kong iparating sayo?”“Oo.. oo..” tulalang sagot naman niya. Napakagat siya ng labi at napayuko. Hindi niya kasi alam kung paano aakto sa ganitong sitwasyon. Buong buhay niya ngayon lang siya nakaranas ng ganito.“Gusto mo ako.. tama?” nalilitong tanong pa niya.“Oo. Pero hindi pa sapat yung salitang gusto lang para mailarawan ng buo ang nararamdaman ko para sayo.” seryosong sagot naman ni Leonard sakaniya.“Ah―” at napa-awang lang ang bibig ni Euphie't tuluyan na ngang nawala sa normal na katinuan ang utak niya. Pulang pula na ang kaniyang pisngi at nag-umpisa na siyang mautal. “Pe-pero.. Ano kasi.. Uhmm.”Huminga muna siya ng malalim saka tumingin muli ng diretso kay Leonard. Ipinikit niya ang kaniyang mata at biglang hinawakan ang dalawang kamay ng binata sabay sabi ng..“Paumanhin kung hindi ko pa masasagot ang nararamdaman mo sa ngayon.
last updateLast Updated : 2021-07-12
Read more

Trouvaille

  “Ang ganda dito! Paano nyo po ito nalaman, Binibini?” tanong kaagad ni Isa habang umiikot ang paningin niya sa paligid.“Mahabang kwento.” sagot naman ni Euphie habang nakangiti at nakatingin rin sa kulay asul na karagatan.“Tama ang ganda nga dito. At bukod pa run, Mabuti na lang at mayroon rin ditong malapit na bahay panuluyan. Pwede pa tayong manatili ng mga ilang araw.” ani Dan habang nakapamaywang at pinagmamasdan rin ang paligid.“Mag-aayos muna kami ng gamit sandali. Magkita na lang tayo maya maya..” wika naman ni Euphie sabay pasok sa kwarto nila ni Isa. Maliit lang ang kwarto ngunit napa-presko naman ang dating nito. Puti ang mga sapin ng higaan maging ang mga kumot nito. Kulay asul naman ang mga kurtina nito at matatanaw mo kaagad ang malawak na karagatan sa labas ng binata nito.Nang maayos na nila ang kanilang mga gamit maging ang sarili nila ay nagkita kita sila sa baba upang mananghalian muna.“Oh my god, Bulalo!” napakagat lang ng labi si Euphie nang
last updateLast Updated : 2021-07-12
Read more

Ineffable

  “Si-sino kayo?” kinakabahan ngunit matapang na tanong ni Euphie sa tatlong lalakeng hindi niya kilala.“Aba aba. Sinasabi ko na nga ba't hindi nagkakamali ang mga mata ko. Mukhang panalo tayo dito sa isang 'to ah?” nakangising sabi ng isang lalake sa mga kasamahan niya.“Akalain mong nakita pa natin ang isang 'to.” sagot naman nung isa sakaniya.“Sino ba kayo? Anong kailangan niyo sakin?” nauutal na sabad naman ni Euphie sakanila. Ngumisi muna silang tatlo habang unti-unting pinapalibutan si Euphie.“Marami.” maikli at nakangising sagot nung pangatlong lalake. Agad na na-alarma si Euphie't tatakbo sana siya papalayo ngunit nahabol kaagad siya ng mga lalake.“Leonard!!! Leonard!!” sigaw ni Euphie habang pilit na kumawala sa tatlong lalake ngunit mabilis siyang nahawakan ng mga ito't sinuntok ang sikmura niya upang mawalan ng malay.Binuhat nila si Euphie at isinakay sa isang malaking sasakyan kasama ang ilang babaeng nabiktima rin nila. Hindi lingid sa kaalaman ng
last updateLast Updated : 2021-07-12
Read more

Vorfreude

  “Welcome back, Euphie.” sabi kaagad ni Dan kay Euphie pagkatapos nilang hilain papataas sa barko silang dalawa ni Leonard.“Salamat Dan..” napangiti at napaluha kaagad si Euphie at napayakap kay Dan.“Nag-alala kaming lahat sayo. Lalo na siya..” sabay ngiti niya at tingin kay Leonard na abala sa pakikipag-usap sa mga tauhan sa barko. “I admit. That was the first time I saw Leonard act like that. It was rather interesting.. especially for a composed guy like him.”Napatingin lang si Euphie kay Leonard at napangiti. “Nagulat nga rin ako. Hindi ko aakalain na mahahanap niyo ako. Lalo pa't naisakay na kami sa barko.”Napatawa bigla si Dan ng malakas. “You didn't know? The sea is our jurisdiction! Maaring mukhang ordinaryo lang kami kapag nasa lupa ngunit pagdating sa karagatan.. nasa amin lahat ng kapangyarihan.”“H'wag nyong sabihing..” at napanganga lang si Euphie sabay tingin sa tatlong naglalakihang barko na nandito ngayon.“Tama. Lahat ng ito ay dahil sa tulong n
last updateLast Updated : 2021-07-12
Read more

Ataraxia

  Nagising si Euphie sa kwarto niya na madilim at wala man lang kasama kahit na isa. Napaupo siya sa kama't napasilip sa labas ng bintana. Gabi na pala't unti unti nang lumalamig ang paligid. Napatayo siya't mas lumalapit pa sa bintana. Hinawi niya ang mga kurtina't sumilip sa labas. Napasandal siya't napaupo habang nag-iisip ng malalim.Ang daming nangyari kanina. Mga bagay na hindi ko akalaing mangyayari sakin sa ganitong edad at sa ganitong lugar. Pero habang iniisip ko yun bigla kong naalala kung paano muntik ng ­mapahamak ang buhay ko. Kung hindi dahil kay Leonard.. wala na siguro ako ngayon. Naipadala na siguro ako ngayon sa kung saang lugar. Mas malayo sa pamilya ko at sa taong mahal ko. Utang ko sakaniya ang lahat lalo na ang buhay ko. Hindi ko na alam kung ilang beses na ba niya akong tinulungan pero gusto kong may gawin naman sakaniya.Gusto kong tanggapin sa sarili ko na siya ang dahilan kung bakit ako napunta ako dito. Na dinala ako dito nung kung sino mang
last updateLast Updated : 2021-07-12
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status