Home / All / The Rain That Reminds of You / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of The Rain That Reminds of You: Chapter 1 - Chapter 10

41 Chapters

Simula

  Tahimik at nakapaang naglalakad ang dalaga sa kawalan habang pinagmamasdan niya ang mga sirang gusali, ang maruming kalsada at ang madilim na ulap na wari mo'y bubuhos ang malakas na ulan ano mang oras.Napatigil siya saglit at napatingin sa mga kamay niyang puno ng galos at kalyo. Ang kamay na nagpapakita kung gaano siya naghirap sa mundong ito. Dahan dahan niyang ibinaba ang kaniyang kamay at muling napalingon sa walang katao-taong kalye. Bigla siyang nakaramdam ng kung anong kalungkutan na wari niya'y unti unting dinudurog ang puso niya.Nakakalungkot isipin na ang dating masigla at mataong lugar kagaya nito ay ngayo'y nagmistulang abandonadong lugar na. At ang mas ikinalulungkot pa niya ay mukhang wala talaga siyang ibang magagawa kundi ang tignan at magbigay simpatya lang. Dahil una sa lahat, Hindi naman siya nararapat sa lugar na 'to at mukhang hanggang dito na lang talaga siya. Tapos na ang tungkulin niya. Nagawa na niya ang lahat ng makakaya niya upang mabuhay
last updateLast Updated : 2021-07-12
Read more

Epoch

  Nagmamadaling tumatakbo si Euphie papunta sa istasyon ng LRT upang makauwi ng maaga. Kagagaling lang nito sa kaniyang unibersidad upang magpasa ng mga projects o tinatawag nilang Plates at kinailangan pa niyang dumaan muna sa dorm nila upang kumuha ng ilang gamit bago umuwi. Ngayong araw kasi ay ang anibersaryo ng pagkamatay ng kaniyang Lola at nakagawian na nilang magtipon-tipon muling magkaka-pamilya sa lumang bahay nila sa San Juan, Batangas.Habang papaakyat na siya sa istasyon ay sakto namang tumunog ang kaniyang cellphone't nakitang tumatawag ang kaniyang pinsan na si Lawrence na tatlong buwan lang ang tanda sakaniya.“Hello Euphie? Hello? Naririnig mo ba ako?” paulit ulit na tanong ng pinsan niyang si Lawrence sakaniya sa kabilang linya ng tawag.Napabuntong hininga lang si Euphie't sumilip muna sa railway bago sumagot. “Oo naririnig kita.” Walang kabuhay buhay niyang tugon rito habang itina-tap ang beep card upang makapasok siya..Nang dumating na ang tren a
last updateLast Updated : 2021-07-12
Read more

Paroxysm

  Noong bata pa lang si Euphie ay madalas ikwento sakaniya ng kaniyang ama na ang Maynila raw ay isa sa pinakamagandang syudad sa buong mundo. Tinawag siyang “The Pearl of the Orient” o Perlas ng Silangan dahil sa unti unting pag-usbong nito. Bukod pa roon, Pagkatapos ihabilin ng mga espanyol ang Pilipinas sa Amerika ay nasanay na rin ang mga pilipino na makisalamuha sa mga banyaga at tanggapin na rin ang kultura nila.Katulad ngayon. Naibulong niya habang inililibot niya ang kaniyang mata sa paligid.“Aba'y mabuti naman at narito ka na! Kanina ka pa namin hinihintay!” tawag bigla ng isang babae kay Euphie sabay hila ng braso nito papunta sa isang kwarto sa likod ng stage.“Po?” gulat niyang naisigaw nang hawakan nito ang kaniyang braso. Agad niyang tinitigan ang babae at nagulat nang mapansin niya ang ayos ng buhok at pananamit nito. Kakaiba ito at sa pagkaka-tanda niya ay ganito ang ayos ng mga kakababaihan sa panahon ng kaniyang Lola.Panahon ni Lola.. Wait.. What
last updateLast Updated : 2021-07-12
Read more

Oblivion

  Nagising si Euphie dahil sa mainit na palad na naramdaman niyang humahaplos sa kaniyang noo. Malakas ang hinala niya na iyun ang kaniyang ina kaya napangiti kaagad siya.I knew it. Everything is just a dream. Baka nalasing ako sa champange kagabi kaya kung ano ano ang napanaginipan ko. Oh well, Masaya na ako kahit medyo naintriga ako kung bakit ko ba nakita yung lalake na yun. Na-curious lang siguro ako sakaniya kaya unconciously siya yung lumabas sa panaginip ko. Tama tama. Anyway, It's all Ate Madeline's fault!“Mama..” mahinang bigkas niya habang patuloy pa rin sa pag ngiti kahit na nakapikit pa rin siya. Handa na sana niyang imulat ang kaniyang mga mata't ikwento kung ano ang kaniyang napanaginipan nang sa pagmulat niya ay iba ang kaniyang nasilayan.“I-Ikaw!?” napahiyaw agad niya sa gulat. Agad itong napatayo sa higaan at umatras palayo sa lalakeng huli niyang nakausap kagabi. “Anong ginagawa mo dito!?”“Paumanhin Binibini kung biglaan ang aking pagpasok sa iyo
last updateLast Updated : 2021-07-12
Read more

Selcouth

  Pagkatapos mag-agahan ni Euphie ay bigla niyang naisipang maglibot libot sa paligid upang makita ang 'dating' Maynila na hindi pamilyar sakaniya. Ngunit hindi akma ang kaniyang ayos at kasuotan dahil nga sa galing siya sa modernong panahon, kaya naman kinausap niya si Isa kung maaring manghiram siya ng isang bestida niya kahit pansamantala lang.“Walang problema po sakin. Binibining Euphie.” sagot naman ni Isa sakaniya kaagad. Ngumiti lang si Euphie sakaniya't tinanggap ang kulay asul na bistida na ipinahiram sakaniya. Bumalik siya sa silid niya upang magbihis nang mapansin niya ang lumang suot niyang blusa at pantalon.Nandito pala 'to? Nakalimutan ko na ganto nga pala yung suot ko kagabi. Kinuha niya ang mga damit niya't napatigil siya nang bigla siyang may makapang matigas na bagay sa pantalon niya. Mabilis niya itong kinuha upang tignan at nang makita niya kung ano ito ay agad siyang nagulat at napangiti ng malaki.My Cellphone! Oh my god! I can't believe it! Nak
last updateLast Updated : 2021-07-12
Read more

Peculiar

  “Ho? Trabaho?” at napakagat labi lang si Euphie sa sinabi ng babae sakaniya. Mukhang eto na ang trabahong hinihintay ko ah?“Ayaw mo ba? Malaki ang suweldo ng isang mang-aawit kumpara mo sa mga serbidora. At huwag kang mag-alala. Aalagaan ka naman naming mabuti.” Paghihikayat pa ni Esperanza sakaniya.Napa-isip si Euphie sandali sa sinabi niya. Kanina lang ay namomoblema siya sa paghahanap ng maari niyang maging trabaho rito at sumakto naman na dumating si Esperanza sa harap niya upang alukin siya ng trabahong hinahanap niya. Bilang isang taong walang kamag-anak, walang mapagkakakitaan at tunay na banyaga sa lugar na ito kaya sino ba siya para tumanggi diba?“Saan kita maaring puntahan kung gusto ko man ng trabaho?” tanong ni Euphie sakaniya kaagad.“Sa may Santa Cruz. Ilang lakad paglagpas mo sa may Plaza Goiti, makikita mo ang isang gusaling may nakapaskil na 'Femme Fatale' sa labas.” Pagtuturo ni Esperanza sakaniya. Napataas bigla ang kilay nito't napatingin kay
last updateLast Updated : 2021-07-12
Read more

Kismet

  “Oo nga pala, Gusto kong sabihin na may nag-alok nga pala sakin ng trabaho.” Wika ni Euphie bago umalis ng silid si Leonard. Agad napalingon ang binata dahil sa sinabi niya't mabilis siyang hinarap.“Trabaho? Saan?” tanong naman niya kay Euphie habang nakataas ang kilay nito.“Naalala mo ba yung lugar kung saan ako kumanta? Naghahanap kasi sila ng bagong mang-aawit at mukhang nagustuhan ng mga tao ang boses ko kaya inalok nila ako.” Nahihiyang paliwanag naman niya.“Sa Kabaret?” naibulalas lang ni Leonard kasabay ng pagkunot ng noo niya.“Oo. Bakit may problema ba? Dun?” tanong naman ni Euphie sakaniya.Napahawi ng buhok si Leonard saka ito umiling-iling kay Euphie. “Wala naman. Iniisip ko lang, Hindi ba masyadong delikado para sayo ang magtrabaho sa isang lugar katulad nun?”Napakunot lang ng noo si Euphie't napataas ng kilay sakaniya. “Wala naman akong nakikitang masama roon. At tsaka, Kakanta lang naman ako. Maliit na bagay. At teka nga, Hindi ba nandun ka rin
last updateLast Updated : 2021-07-12
Read more

Depaysement

  “Sa tingin mo, parang hindi ata akma pag ganito yung ayos ng buhok ko. Napansin ko kasi na halos lahat ng mga kababaihan rito ay kulot at nakarolyo ang mga buhok eh. Kumpara mo naman sa buhok kong nakalugay lang.” wika ni Euphie kay Isa habang nakaharap ito sa salamin suot suot ang simpleng puting blusa at itim na paldang hiniram na naman niya.Umiling iling agad si Isa at ngumiti kay Euphie. “Hindi na po kailangan, para sa akin ay napakaganda na po ng ayos ng iyong buhok, binibini.”“Talaga?” saka siya muling tumalikod upang masuklayan muli ni Isa ang mahaba niyang buhok.“Binibini, Nais ko nga po palang magpasalamat sa iyong kabutihang ginawa. Kung hindi dahil sa pagtatanggol mo sakin ay marahil wala na siguro ako ngayon dito. Maraming salamat po, Utang ko po sa inyo ang buhay ko.” wika bigla ni Isa habang nakayuko sa harap ni Euphie.Napa-awang lang ang bibig ni Euphie dahil hindi niya alam kung anong ire-reaksyon niya sa sinabi ni Isa. Napa-iling lang siya't ina
last updateLast Updated : 2021-07-12
Read more

Nightingale

  Kasabay ng pagbukas ng mga ilaw sa taas ng entablado ay ang pagsi-simula rin ng pagkanta ni Euphie sa harap ng maraming taoNgayong gabi hindi muna siya ang pangkarinawang Euphie na madalas pag-guhit at pagtugtog lang ng piano ang alam. Dahil sa panahong ito, binigyan siya ng isang panibagong pangalan upang itago ang totoo niyang pagkatao at yun ay si.. Agatha.Suot ang isang magarang damit at makikinang na alahas ay mas lalong umangat ang kaniyang kagandahan at mas nagpakinang sa kaniya ngayong gabi. Ang kaniyang boses na lubhang bumabagay sa kantang may mahinahon at malumanay na pakiramdam ay wari mo'y umaakit sayo papalapit sakaniya. Para bang pinanganak talaga siya sa panahon na ito ngayon at nagagawa niyang makibagay sakanila ng walang kahirap hirap.Isa isang nagsisitayuan ang bisita upang sumayaw at sumabay sa malumanay na romantikong tugtugin sa bumabalot sa silid ngayon. Nang matapos na ang kantang may pamagat na The Nearness Of You ay sinundan na naman niya
last updateLast Updated : 2021-07-12
Read more

Je Te Veux

  Hindi maipinta ang mukha ni Euphie habang naglalakad sila ni Isa papunta sa may palengke upang mamili ng mga kakailanganin sa pagluluto. Mukhang may darating kasi na bisita si Leonard kaya kailangan nilang maghanda at dahil rin dun eh hindi tuloy siya maka-tyempo ng tanong sa binata na dahilan upang maurat siya ng ganito. Sa totoo lang, kagabi pa niya talaga sana nalaman ang kasagutan na hinahanap niya kung hindi lang sana sa mga nagiging sagabal sa mga plano niya.Bago matulog ay nakita niyang kausap pa rin ni Leonard si Hans at pagkagising naman niya ay nakita naman niyang may kausap ito sa telepono. Buong araw niya sana balak hintayin ang binata kaya lang mukhang hindi niya ito makakayanan lalo pa't mabilis siyang mabagot kahit sa kaunting bagay. Mabuti na lamang at inaya siya ni Isa sa pamamalengke't gumaan gaan ang pakiramdam niya.“Kanina ko pa po napapansin ang pag-seryoso ng iyong mukha, Binibini. May problema ho ba kayo?” tanong ni Isa sakaniya habang tumitin
last updateLast Updated : 2021-07-12
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status