Share

Epoch

last update Last Updated: 2021-07-12 11:13:38
 

 

Nagmamadaling tumatakbo si Euphie papunta sa istasyon ng LRT upang makauwi ng maaga. Kagagaling lang nito sa kaniyang unibersidad upang magpasa ng mga projects o tinatawag nilang Plates at kinailangan pa niyang dumaan muna sa dorm nila upang kumuha ng ilang gamit bago umuwi. Ngayong araw kasi ay ang anibersaryo ng pagkamatay ng kaniyang Lola at nakagawian na nilang magtipon-tipon muling magkaka-pamilya sa lumang bahay nila sa San Juan, Batangas.

Habang papaakyat na siya sa istasyon ay sakto namang tumunog ang kaniyang cellphone't nakitang tumatawag ang kaniyang pinsan na si Lawrence na tatlong buwan lang ang tanda sakaniya.

“Hello Euphie? Hello? Naririnig mo ba ako?” paulit ulit na tanong ng pinsan niyang si Lawrence sakaniya sa kabilang linya ng tawag.

Napabuntong hininga lang si Euphie't sumilip muna sa railway bago sumagot. “Oo naririnig kita.” Walang kabuhay buhay niyang tugon rito habang itina-tap ang beep card upang makapasok siya..

Nang dumating na ang tren ay nagmadali kaagad siyang pumasok at sumiksik sa gilid. Sumilip siya sa labas at pinagmasdan ang makulimlim na kalangitan na mukhang nagbabadya ng pag-ulan.

Uulan kaya? Sana naman hindi. Wala ata akong dalang payong eh.

 

“Where the hell are you? Kanina pa kaya ako naghihintay dito sa may bus station!” Iritadong sagot naman ni Lawrence sakaniya.

“Sorry Okay? Alam mo namang kailangan ko munang magpasa ng mga requirements ko bago umuwi diba? Para hindi na ako gagawa ng plates sa bahay. Wait lang, nasa may Vito Cruz Station na ako. Malapit na 'to! Easy ka lang!” sagot naman niya rito pagkatapos niyang makita ang puting gusali ng isang kilalang unibersidad dito sa pilipinas. Pagbukas ng pinto ay agad siyang gumilid upang makapagbigay daan sa mga pasaherong bababa.

“Okay isang station na lang. Nandito lang ako sa may baba ng LRT station. Hurry up okay? Iiwanan kita.” Pagbabanta ni Lawrence sakaniya.

Napa-rolyo lang ang mata ni Euphie sa sinabi nito't parang hindi man lang siya kinabahan sa sinabi ng pinsan niya.

“Whatever Lawrence. Sige na. Ba-bye.” ani nito saka niya pinatay ang tawag.

Ibinulsa niya ang kaniyang cellphone at Pumwesto sa may bandang pintuan. Alam niya kasi na mahihirapan lang siyang bumaba mamaya kapag nasa dulo pa rin siya.

Just great. Ngayon pa talaga umulan? Ugh. Bulong niya sa kaniyang sarili habang pinagmamasdan niya ang pagbuhos ng malakas na ulan. Mabuti na lang at nasa loob siya ng LRT ngayon at hindi na siya mamomoblema kung may dala ba siyang payong o wala.

One Station left. Bulong pa ulit niya sa sarili niya habang hinihintay na mag-sara ang mga pintuan ng trn nang bigla na namang humabol ng sakay ang isang matangkad na lalake sa harapan niya. At dahil masyado ng masikip sa likod ay wala nang nagawa si Euphie kundi’t umurong na lang ng kaunti para mabigyan ng space ang lalake. Pero kahit umurong na siya ay ang lapit pa rin ng distansya nila sa isa't isa. Hindi tuloy maiwasan ni Euphie ang hindi mailang at mamula sa mga nangyayari.

Don't look. Just act normal Euphie. Litanya nito sa sarili,

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla na lamang napadako ang mata ni Euphie sa lalake't halos tumigil ang tibok ng puso niya nang malamang nakatingin rin pala ito sakaniya!

Ekk! Mabilis niyang iniwas ang mga mata niya't tumingin sa labas. Mahirap na baka kung ano pang isipin niya diba? Pero ewan ko ba, hindi ko maintindihan kung bakit pakiramdam ko gusto ko ulit siyang tignan.

Dahan dahan niyang sinilip muli ang lalake't natigilan na naman siya nang muli na naman niyang nakita ang mga mata nitong nakatitig sakaniya.

Do I know him? or Kilala niya ba ako? Bakit pakiramdam ko matagal na kaming magkakilala? Weird. Sana lang hindi ko iniisip na siya na ang soulmate ko dahil lang sa gwapo at matangkad siya. Cut it off, Euphie. Hindi tayo ganun.

Napa-iling lang si Euphie't napatakip ng bibig gamit ng kamay niya. Nang mamataan na niya ang mga nagtataasang gusali ay inihanda na niya ang sarili niya sa pagbaba. Nang huminto na ang tren sa istasyon ng Gil Puyat ay dali dali kaagad siyang bumaba. Hindi na sana siya titingin pa muli sa binata ngunit hindi niya ito napigilan at kusa na siyang napalingon.

Napa-awang ang bibig ni Euphie nang makita niya ang mukha ng lalake na para siyang masaya ngunit malungkot. Agad nakaramdam ng kakaibang pagtibok ang puso niya at bagamat marami ang dumaraan sa harap nila ay pakiramdam niya na sila lang dalawa ang naroon ngayon.

Kung isa pa itong pelikula ay iisipin niya na isa itong, Slow motion scene with matching romantic background music pa. Yung tipong eksena kung saan nala-love at first sight ang dalawang tao sa isa't isa sa mga palabas.

Napa-iling lang si Euphie't pinili na lang na bumalik sa realidad. Tumalikod na siya't umalis kahit na hindi niya lubusang maintindihan kung bakit mukhang masyado siyang apektado sakaniya.

Wala lang iyon. Wag mong masiyadong bigyan ng pansin yung mga bagay na ganun. Iniisip mo lang yan kasi single ka at baka may chance na siya na pala ang matagal mo ng hinihintay pero hindi. Paulit ulit niyang sinasabi sa utak niya habang nagmamadaling bumaba sa istasyon at agad na hinanap si Lawrence.

Nang makita siya ni Euphie ay agad niyang tinawag ng buong lakas ang pangalan ni Lawrence na agad namang nagpalingon sa binata ngunit may bahid ng pagka-irita ang mukha.

“You're late. Bakit ba ang bagal mo palagi?” naiiritang sabi kaagad ni Lawrence sabay payong sakaniya.

“Chill Dude. Ang problema kasi sayo eh lagi kang nagmamadali. Easy lang okay? 3:35 PM pa lang. Maaga pa naman.” Sarkastikong tugon naman ni Euphie sakaniya.

“Yeah right. As if namang malapit lang yung pupuntahan natin? 4 hours ang byahe plus pa ang traffic!” kunot na noong tugon niya.

“Oo na oo na. Tara na nga diba?” saka niya kinuha ang braso ni Lawrence at hinila papunta sa Bus Station kung saan sila sasakay papuntang San Juan, Batangas kung saan nakatayo ang Ancestral House ng lolo’t lola nila.

2003 nang namatay ang kanilang Lola Louisana at ngayong araw ay ang ika-14 Death Anniversary nito. Kaya naman naisipan ng pamilya nila ang magkita-kita at magsalo-salong muli para naman alalahanin ang pagkamatay niya.

Nauna na ang mga magulang ni Euphie at ang iba pang kamag-anak nila simula kahapon pa at tanging silang dalawa na lang ni Lawrence ang naiwan dahil parehas pa silang may klaseng dapat pasukan.

Medyo matagal tagal na rin simula nung huli silang nakadalaw sa bahay ng kanilang Lola. Bukod pa roon ay namiss rin ni Euphie ang iba nilang kamag-anak dahil minsan na lang kasi itong umuwi dito sa Pilipinas. Umuuwi lang sila kapag may okasyon lang at mukhang ngayon na lang ata ulit sila magsasama sama lahat.

Ilang oras din ang naging byahe nila. Nakatulog si Euphie habang nakasandal sa may bintana samantalang abala naman sa pagce-cellphone si Lawrence, kausap ang kaniyang nobyang si Elaine.

Nagising lang si Euphie nang maramdaman niyang malapit na sila. Pagkababa nila ay agad silang sinalubong ng nakatatandang pinsan nilang si Dwaine na anak ng Tita Lucia nila na panganay sa tatlong magkakapatid.

“Weird. Sa Manila ang lakas ng ulan samantalang dito wala?” ani Euphie kay Lawrence habang pasakay sila ng kotse.

“Wait ka lang daw. Mamaya daw sila babanat dito.” Pabirong sagot naman ni Lawrence sakaniya. Napa-iling lang si Euphie sa sinagot niya't ngumisi na lang.

“Kamusta byahe?” tanong naman ni Dwaine sa kanila habang nagmamaneho papunta sa bahay.

“Boring. Naabutan kami ng traffic sa may papasok ng slex eh.” sagot naman ni Lawrence dito.

“I told you. Kung inagahan niyo sana diba?” tudyong wika ni Dwaine sa dalawa.

“Maaga sana. But then, thanks to our little princess.” sabay tingin ni Lawrence kay Euphie habang nakangiwi.

Tumingin lang si Euphie pabalik sakaniya't ngumiwi rin. Umiling lang siya't itinuon na lang ang sarili sa papadilim na daan sa labas. Pagkarating nila sa bahay ay kaagad silang sinalubong ng maingay na tawanan sa sala.

Masayang nagkwe-kwentuhan ang Mama ni Euphie, Ang Tita Lucia niya, at ang asawa ng Tito Zacharias niya na si Mildred habang nakaupo sa sofa. Samantalang kasama naman ng Papa niya ang mga tito niya na sina Jeremiah at Zacharias na mukhang nag-uumpisa na atang mag-inuman. Mukhang kumpleto na talaga silang lahat at mukhang silang dalawa na lang ni Lawrence ang kulang. Agad nagmano ang dalawa sa mga nakatatanda at binati ang ilang pinsan nilang mukhang kanina pa naghihintay sa kanila.

“Are you guys hungry already? Do you want to eat?” tanong agad ng kapatid ni Dwaine na si Analeigh na pinakamatanda sa kanilang magpipinsan.

“Kanina pa ate. Ano bang hinanda nila?” tanong naman ni Euphie sabay diretso sa may kusina.

“Well as usual. Same dishes na lagi nilang niluluto pag may okasyon.” sagot naman niya sabay ngiti nalang dito.

“Oh Euphie, Tandaan mo ha? Iba ang pagkain natin sa food offering para kay Lolo’t Lola ha?” nakangising sambit naman bigla ni Ryle na kapatid naman nitong si Lawrence.

“Very Funny Kuya.” umiling lang si Euphie hindi na ito pinansin.

Anu ba yan, Ang tatanda na namin pero hanggang ngayon pinapaalala pa rin nila sakin yung nakakahiyang bagay na ginawa ko noon.

“Euphie!” tawag naman bigla ni Madeline sakaniya na bunsong anak naman ni Tita Lucia.

“Mamaya ka na kumain! Come here! Hurry!” sigaw pa niya.

Napataas lang ng kilay si Euphie at agad na pinuntahan siya. Luminga linga muna si Madeline sa paligid at agad na hinila si Euphie papasok sa kwarto kung saan namalagi ang Lolo't Lola nila noon. Napakunot agad ang noo ni Euphie sakaniya at nagtaka sa ikinilos nito.

What's with her? Mukhang hindi maganda ang nararamdaman ko dito ah? Mukhang may pinaplano na naman ‘to. Tatanungin na sana siya ni Euphie kaya lang bigla siya nitong inunahan ng malaking ngiti na wari mo'y may masama siyang pinaplano.

I knew it! Agad na napa-atras si Euphie sakaniya.

“What is it? Don't tell me may ginawa ka na namang kalokohan ate? No..no.. No way! Ayoko na! Lagi na lang akong napapagalitan nila Mama eh!” mabilis niyang wika kaagad kay Madeline. Tatakas na sana siya kaya lang mabilis siyang napigilan nito

“No! Stop jumping into conclusion! Here..” sabay baba ni Madeline ng isang lumang kahon sa kama. “I was bored earlier na hindi ko napigilang manghalungkat ng gamit. And then I saw this.”

“What's this? Saan mo 'to nahanap?” mabilis na tanong naman ni Euphie sakaniya na kuryosong nakatitig sa may kahong punong puno ng alikabok.

“Sa may pinakailalim ng lumang kabinet nila Lola. Seems very important kaya naintriga ako. Kaya ayun, Kinuha ko kaagad.” sagot naman ni Madeline sabay ngisi ng malaki. “Wanna Open?”

“Hindi satin yan! Baka multuhin pa tayo ni Lola!” sagot naman niya kaagad.

“Oh please! I'm telling you mas matutuwa tayo kung mumultuhin talaga tayo ni Lola. Come on! Hindi ka ba nacu-curious?!”

Napatigil si Euphie't napatitig lang sa mukha ni Madeline. Napakamot tuloy siya sa batok niya't napa-isip. Pero sa huli ay wala rin siyang nagawa dahil siya rin mismo ay gusto ring malaman kung ano bang nasa loob nung kahon na iyun.

“Well.. If it's Lola's then.. Why not?” sagot ni Euphie na siyang unang nag-boluntaryong buksan kaagad yung kahon. Hinipan niya ito upang matanggal ang mga alikabok sa loob.

Isa lang itong ordinaryong kahon kung saan nakalagay ang mga lumang litrato ng Lolo't Lola na magkasama at mukhang bagong kasal pa lang sila.

“Hey, Do you think nandito yun?” pabulong na tanong bigla ni Madeline kay Euphie na dahilan para mapatigil sila sa pagtingin at napatingin sa isa't isa.

“Nandito ang alin?” nagtatakang tanong naman ni Euphie sa nakatatandang pinsan niya.

“You know. Those letters. Remember yung kwento ni Mama satin nung mga bata pa tayo?”

Kwento ni Tita Lucia? napayuko lang si Euphie habang pilit na inaalala ang kwento ni Lucia sakanila. Nai-kwento kasi nito sakanila na kahit naging masaya at mala-perpekto ang buhay ng Lola Louisana nila ay hindi pa rin naging masaya ang paglisan nito sa mundo. At yun ay dahil sa mga sulat na ipinatago sakaniya ng kaniyang matagal na kaibigan na kahit kailan ay hindi na muling nagpakita sakaniya pagkatapos ng gyera sa mga hapon.

Kung hindi raw dahil sa kaibigan ng lola nilang iyun ay hindi ito mabubuhay ng matagal kaya utang nito ang buhay niya sa kaniya. Bago sila naghiwalay ay nag-iwan ito ng sulat para sa lalakeng minamahal niya. Umaasa na sana kahit hindi ito makaligtas ay maipapahatid ni Lola ang sulat sa binatang minamahal niya.

Nagdaan ang maraming taon ngunit ni isa ay wala man lang nagpakita sa Lola Louisana nila. Kahit kailan ay hindi niya naibigay ang sulat dahil kahit anong pilit niyang paghahanap sa lalake ay hindi na niya ito nakita. Marahil ay namatay na rin ito sa gyera noon.

Kaya naman 'Patawad Kaibigan' ang mga huling katagang naisambit ng Lola nila bago ito nalagutan ng hininga. At sa ngayon, tanging ang lola lang nila ang nakakaalam kung saan nakatago ang mga sulat na mukhang hindi na maibibigay pa kahit na kailan.

“I think no. Puro pictures lang ang nandito eh.” sagot lang ni Euphie ng matauhan na siya.

“Boring.” napanguso lang si Madeline at nang mawalan na siya ng gana ay nilisan na niya ang silid at iniwang mag-isa si Euphie.

Dahil gustong gusto ni Euphie ang mga lumang litrato ay ipinagpatuloy na lang niya ang pagtingin kahit mag-isa lang siya. Patapos na siya nang bumungad sakaniya ang litrato ng isang lalakeng hindi pamilyar.

He's definitely not Lolo kasi Amerikano ang lolo ko. But this guy─ Meron akong kakaibang nararamdaman sakaniya. Hindi ko ma-gets kung ano pero kakaiba talaga eh..

But then, Just by looking at him and features, Euphie can totally tell that he really is a real handsome guy. Mestizo siya na parang may ibang lahi. Naka-brush up ang buhok niya. Deep set eyes. Mysterious Thick Eyebrows. Sharp nose. Thin lips, And that Jaw line!

Oh my. Mas gwapo pa' to kesa kay lolo ah! And by the look of his uniform, Walang duda na isa siyang sundalo. Wait –A Naval Officer? napanganga lang si Euphie sa nakita niya. She did not expect this. Hindi niya lubos maisip kung bakit may ganitong litrato ang Lola niya at hindi pa ito ang lolo niya.

Don't tell me.. He's an Ex? Baka ito yung first love ni Lola? Oh my god! Pag nakita 'to ng iba eh baka gawin pa nilang issue! Shocks! Ano 'tong nalaman ko?

“Euphie. Magbihis ka na daw sabi nila Mama.” Sigaw bigla ni Lawrence sakaniya galing sa labas.

“Okay okay. Magbibihis na.” natatarantang binalik niya kaagad ang mga litrato sa kahon saka ito ibinalik sa loob ng kabinet.

I'll keep this one. Mahirap na kapag nakita pa ng iba. sabay itinago ang ang picture ni Mr. Ex Who knows sa likod ng case ng cellphone niya.

At dahil Death Anniversary ng lola niya ngayon ay nagbihis lang siya ng simpleng Navy blue trouser pants at half sleeve white blouse. Pagkatapos ay inilugay niya ang kaniyang mahabang buhok saka lumabas upang maumpisahan na ang seremonya. Sabay sabay at taitim muna silang nagdasal sa harap ng altar para sa kanilang Lola bago sila nagpatuloy sa kasiyahan.

Masaya silang nagkwe-kwentuhan sa harap ng hapag-kainan habang kumakain at inaalala yung mga panahon ng kanilang kabataan. Hindi tuloy maiwasang hindi ma-miss ni Euphie ang Lola't lolo niya. Kahit na limang taong gulang lang siya nung namatay ito ay pakiramdam niya na siya talaga ang naging paborito nilang apo hindi lang dahil sa siya ang pinaka bunso sa mga magpipinsan ay mas naging malapit pa siya sakanila.

“Since hindi mo kinain ang food offering para kala Mama, Why don't you play us a song Euphie?” sabi bigla ni Zacharias na ama nina Lawrence at Ryle kay Euphie na dahilan upang mapatawa silang lahat. Bumagsak ang mukha ni Euphie't ngumuso sa sinabi ng Tito niya sakaniya.

“Nice one Tito ha! Mga dahilan mo.” napa-iling lang ito sakanila. Sige na nga. Since this is a good evening. Ngumiti na lang ito't tumayo saka umupo sa harap ng lumang kulay puting piano.

“Last nyo na 'to ha!” puna pa niya bago niya sila tinugtugan ng Je Te Veux, isang pyesa na nilkiha ni Erik Satie.

Malayang dumadaloy ang musika sa paligid at nagbibigay ng magaan at masayang pakiramdam sa bawat isa. Hindi tuloy maialis ng mga nakikinig kay Euphie ang mga ngiti nila sa labi habang tahimik silang nakikinig sakaniya.

Naalala tuloy niya ang naikwento ng Mama niya dati. Madalas kasi na ang Lolo nila ang tumutugtog dito. Kukuha sila ng upuan at uupo sa tabi ng ama nilang masayang tumutugtog sa harap ng piano gamit ang parehas na pyesang ito. Mabuti na lang raw ay kahit isa man lang sa pamilyang ito ay may nag-mana sa talento ng kaniyang lolo. At mabuti na lamang na siya yun.

“Very good! Ang galing mo talaga Euphie.” Masayang bati agad ng Tita Mildred niya sakaniya pagkatapos niyang tumugtog.

“That's my girl..” proud na sambit naman ng Papa niya sabay ngiti ng malaki at halik sa noo niya. Agad namang napa-kurba ang labi niya sa ngiti at napailing. Mambobola talaga 'to si Papa kahit kailan. Palibhasa, Only daughter niya ako.

“Okay! Buksan na ang Champagne!” sigaw naman ni Lucia na nagpangisi sa kanilang lahat.

“Yun oh! Kanina ko pa yan hinihintay.” Masayang sabi naman ni Damien sabay angat ng baso niya.

“What a drunkard, Kuya.” At napa-iling lang si Madeline sakaniya. Natawa na lang sila at hinayaan na lang ang mga sariling magpakasaya.

Habang hawak hawak ang isang baso na may lamang champagne, Mag-isang lumabas si Euphie sa may hardin kung saan tanaw ang malawak na dagat ng Batangas tuwing umaga. Malamig ang simoy ng hangin at mukhang nagbabadya ng pag-ulan mamaya. Pero hindi niya iyun pinansin, sa halip ay napangiti lang siya habang tahimik na pinapakinggan ang musikang pinapatugtog nila.

Napapikit siya nang biglang tumugtog sa loob ang isa sa pinaka-paboritong kanta ng lola niya na Bewitched, Bothered and Bewildered ni Ella Fritzgerald. Mas lalo pa siyang napangiti nang makita niyang niyaya ng papa niya ang mama niya na sumayaw sa gitna.

Ganito rin kaya sina Lolo't lola noon? Parang ang sarap isipin.

Kinuha niya ang kaniyang cellphone sa loob ng bulsa ng kaniyang pantalon at pinicturan sila. What a nice and refreshing view. Seeing these people smile and laugh like there is no tomorrow makes me think how lucky I'am in this kind of life.

Napangiti lang si Euphie at agad itong inupload sa Instagram at nilagyan ng caption na 'Living in the Moment' saka ibinalik ang cellphone niya sa bulsa.

Babalik na sana siya sa loob nang bigla naman niyang mapansin ang isang babaeng may dala dalang lampara sa malayo. Agad siyang kinilabutan sa kaniyang nakita. Para itong isang scene sa isang horror movie. Hindi na sana niya ito papansinin ngunit napansin niyang Iwinawasiwas ng babae yung lampara na parang sume-senyas siya at humihingi ng tulong.

“Ven a mi” bigkas nung babae na hindi maunawaan ni Euphie.

Napakagat ng labi si Euphie dahil sa pangamba. Gusto man niyang baliwalain na lang ang kaniyang nakita ngunit hindi naman niya kakayanin na hayaan na lang ang babae nang mag-isa at hindi siya tinutulungan.

Tatawagin sana niya ang kaniyang Papa at Kuya para humingi ng tulong pero masyado silang abala sa mga pinangagawa nila kaya walang pagaatubili ay agad tumakbo si Euphie papunta dun sa babae.

Habang tumatakbo siya papunta sa dalampasigan kung saan niya nakita yung babae ay sakto naman na biglang bumuhos ang malakas na ulan na dahilan upang mawalan siya ng paningin sa kaniyang dinadaanan.

“Miss!? Miss!?” paulit ulit niyang sigaw habang pilit na ibinubuka ang kaniyang mga mata at sinusuong ang malakas na ulan. “Asan ka na??”

Napatigil si Euphie saglit nang makita niya ang patuloy pa rin ang pagliwanag ng ilaw ng lampara. Nilakasan na niya ang loob niya't sinuong ang malakas na ulan masundan lang ang ilaw.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, sa isang hakbang niya ay bigla na lang naglaho ang ulan. Nagdilim ang paligid at Tumahimik ang lahat. Wala siyang nakikita ni-katiting. Maging ang ilaw na kaniyang sinusundan ay naglaho rin na parang bula.

Luminga linga siya sa paligid at umasang may makikita siyang kahit na ano nang bigla namang nagsibukasan ang maraming ilaw na nagpasilaw sakaniya.

Ikinusot niya ang kaniyang mga mata upang makatingin ng maayos. Hindi pa man ito nakakamulat ng husto ay unti unti naman siyang nakarinig ng kakaibang musika galing sa saxophone. Isa itong Jazz na madalas naririnig sa mga café bars.

Nang imulat niya ang kaniyang mata ay agad nanlaki ang mga ito dahil sa gulat. Maraming ilaw sa paligid. Puno ng mga mesa at upuan. May banda sa gilid ng stage at mga waiters. At kung iisiping mabuti ay para itong isang kabaret na may lumang disenyo ngunit bago. Pero ang tanong, Anong nangyayari? at bakit siya nandirito ngayon?

Agad na napanganga si Euphie sa kaniyang mga nakikita. Mabilis ang tibok ng kaniyang puso at hindi niya maunawaan kung siya ba ay mamamangha o matatakot sa mga nangyayari.

Kanina lang umuulan at nasa dalampasigan ako ah? Bakit ngayon─ Bakit pakiramdam ko nasa ibang lugar at panahon ako?

At napalunok na lang siya habang patuloy na pinagmamasdan ang kakaibang lugar na kaniyang napuntahan.

 

 

 

Related chapters

  • The Rain That Reminds of You   Paroxysm

    Noong bata pa lang si Euphie ay madalas ikwento sakaniya ng kaniyang ama na ang Maynila raw ay isa sa pinakamagandang syudad sa buong mundo. Tinawag siyang “The Pearl of the Orient” o Perlas ng Silangan dahil sa unti unting pag-usbong nito. Bukod pa roon, Pagkatapos ihabilin ng mga espanyol ang Pilipinas sa Amerika ay nasanay na rin ang mga pilipino na makisalamuha sa mga banyaga at tanggapin na rin ang kultura nila.Katulad ngayon. Naibulong niya habang inililibot niya ang kaniyang mata sa paligid.“Aba'y mabuti naman at narito ka na! Kanina ka pa namin hinihintay!” tawag bigla ng isang babae kay Euphie sabay hila ng braso nito papunta sa isang kwarto sa likod ng stage.“Po?” gulat niyang naisigaw nang hawakan nito ang kaniyang braso. Agad niyang tinitigan ang babae at nagulat nang mapansin niya ang ayos ng buhok at pananamit nito. Kakaiba ito at sa pagkaka-tanda niya ay ganito ang ayos ng mga kakababaihan sa panahon ng kaniyang Lola.Panahon ni Lola.. Wait.. What

    Last Updated : 2021-07-12
  • The Rain That Reminds of You   Oblivion

    Nagising si Euphie dahil sa mainit na palad na naramdaman niyang humahaplos sa kaniyang noo. Malakas ang hinala niya na iyun ang kaniyang ina kaya napangiti kaagad siya.I knew it. Everything is just a dream. Baka nalasing ako sa champange kagabi kaya kung ano ano ang napanaginipan ko. Oh well, Masaya na ako kahit medyo naintriga ako kung bakit ko ba nakita yung lalake na yun. Na-curious lang siguro ako sakaniya kaya unconciously siya yung lumabas sa panaginip ko. Tama tama. Anyway, It's all Ate Madeline's fault!“Mama..” mahinang bigkas niya habang patuloy pa rin sa pag ngiti kahit na nakapikit pa rin siya. Handa na sana niyang imulat ang kaniyang mga mata't ikwento kung ano ang kaniyang napanaginipan nang sa pagmulat niya ay iba ang kaniyang nasilayan.“I-Ikaw!?” napahiyaw agad niya sa gulat. Agad itong napatayo sa higaan at umatras palayo sa lalakeng huli niyang nakausap kagabi. “Anong ginagawa mo dito!?”“Paumanhin Binibini kung biglaan ang aking pagpasok sa iyo

    Last Updated : 2021-07-12
  • The Rain That Reminds of You   Selcouth

    Pagkatapos mag-agahan ni Euphie ay bigla niyang naisipang maglibot libot sa paligid upang makita ang 'dating' Maynila na hindi pamilyar sakaniya. Ngunit hindi akma ang kaniyang ayos at kasuotan dahil nga sa galing siya sa modernong panahon, kaya naman kinausap niya si Isa kung maaring manghiram siya ng isang bestida niya kahit pansamantala lang.“Walang problema po sakin. Binibining Euphie.” sagot naman ni Isa sakaniya kaagad. Ngumiti lang si Euphie sakaniya't tinanggap ang kulay asul na bistida na ipinahiram sakaniya. Bumalik siya sa silid niya upang magbihis nang mapansin niya ang lumang suot niyang blusa at pantalon.Nandito pala 'to? Nakalimutan ko na ganto nga pala yung suot ko kagabi. Kinuha niya ang mga damit niya't napatigil siya nang bigla siyang may makapang matigas na bagay sa pantalon niya. Mabilis niya itong kinuha upang tignan at nang makita niya kung ano ito ay agad siyang nagulat at napangiti ng malaki.My Cellphone! Oh my god! I can't believe it! Nak

    Last Updated : 2021-07-12
  • The Rain That Reminds of You   Peculiar

    “Ho? Trabaho?” at napakagat labi lang si Euphie sa sinabi ng babae sakaniya. Mukhang eto na ang trabahong hinihintay ko ah?“Ayaw mo ba? Malaki ang suweldo ng isang mang-aawit kumpara mo sa mga serbidora. At huwag kang mag-alala. Aalagaan ka naman naming mabuti.” Paghihikayat pa ni Esperanza sakaniya.Napa-isip si Euphie sandali sa sinabi niya. Kanina lang ay namomoblema siya sa paghahanap ng maari niyang maging trabaho rito at sumakto naman na dumating si Esperanza sa harap niya upang alukin siya ng trabahong hinahanap niya. Bilang isang taong walang kamag-anak, walang mapagkakakitaan at tunay na banyaga sa lugar na ito kaya sino ba siya para tumanggi diba?“Saan kita maaring puntahan kung gusto ko man ng trabaho?” tanong ni Euphie sakaniya kaagad.“Sa may Santa Cruz. Ilang lakad paglagpas mo sa may Plaza Goiti, makikita mo ang isang gusaling may nakapaskil na 'Femme Fatale' sa labas.” Pagtuturo ni Esperanza sakaniya. Napataas bigla ang kilay nito't napatingin kay

    Last Updated : 2021-07-12
  • The Rain That Reminds of You   Kismet

    “Oo nga pala, Gusto kong sabihin na may nag-alok nga pala sakin ng trabaho.” Wika ni Euphie bago umalis ng silid si Leonard. Agad napalingon ang binata dahil sa sinabi niya't mabilis siyang hinarap.“Trabaho? Saan?” tanong naman niya kay Euphie habang nakataas ang kilay nito.“Naalala mo ba yung lugar kung saan ako kumanta? Naghahanap kasi sila ng bagong mang-aawit at mukhang nagustuhan ng mga tao ang boses ko kaya inalok nila ako.” Nahihiyang paliwanag naman niya.“Sa Kabaret?” naibulalas lang ni Leonard kasabay ng pagkunot ng noo niya.“Oo. Bakit may problema ba? Dun?” tanong naman ni Euphie sakaniya.Napahawi ng buhok si Leonard saka ito umiling-iling kay Euphie. “Wala naman. Iniisip ko lang, Hindi ba masyadong delikado para sayo ang magtrabaho sa isang lugar katulad nun?”Napakunot lang ng noo si Euphie't napataas ng kilay sakaniya. “Wala naman akong nakikitang masama roon. At tsaka, Kakanta lang naman ako. Maliit na bagay. At teka nga, Hindi ba nandun ka rin

    Last Updated : 2021-07-12
  • The Rain That Reminds of You   Depaysement

    “Sa tingin mo, parang hindi ata akma pag ganito yung ayos ng buhok ko. Napansin ko kasi na halos lahat ng mga kababaihan rito ay kulot at nakarolyo ang mga buhok eh. Kumpara mo naman sa buhok kong nakalugay lang.” wika ni Euphie kay Isa habang nakaharap ito sa salamin suot suot ang simpleng puting blusa at itim na paldang hiniram na naman niya.Umiling iling agad si Isa at ngumiti kay Euphie. “Hindi na po kailangan, para sa akin ay napakaganda na po ng ayos ng iyong buhok, binibini.”“Talaga?” saka siya muling tumalikod upang masuklayan muli ni Isa ang mahaba niyang buhok.“Binibini, Nais ko nga po palang magpasalamat sa iyong kabutihang ginawa. Kung hindi dahil sa pagtatanggol mo sakin ay marahil wala na siguro ako ngayon dito. Maraming salamat po, Utang ko po sa inyo ang buhay ko.” wika bigla ni Isa habang nakayuko sa harap ni Euphie.Napa-awang lang ang bibig ni Euphie dahil hindi niya alam kung anong ire-reaksyon niya sa sinabi ni Isa. Napa-iling lang siya't ina

    Last Updated : 2021-07-12
  • The Rain That Reminds of You   Nightingale

    Kasabay ng pagbukas ng mga ilaw sa taas ng entablado ay ang pagsi-simula rin ng pagkanta ni Euphie sa harap ng maraming taoNgayong gabi hindi muna siya ang pangkarinawang Euphie na madalas pag-guhit at pagtugtog lang ng piano ang alam. Dahil sa panahong ito, binigyan siya ng isang panibagong pangalan upang itago ang totoo niyang pagkatao at yun ay si.. Agatha.Suot ang isang magarang damit at makikinang na alahas ay mas lalong umangat ang kaniyang kagandahan at mas nagpakinang sa kaniya ngayong gabi. Ang kaniyang boses na lubhang bumabagay sa kantang may mahinahon at malumanay na pakiramdam ay wari mo'y umaakit sayo papalapit sakaniya. Para bang pinanganak talaga siya sa panahon na ito ngayon at nagagawa niyang makibagay sakanila ng walang kahirap hirap.Isa isang nagsisitayuan ang bisita upang sumayaw at sumabay sa malumanay na romantikong tugtugin sa bumabalot sa silid ngayon. Nang matapos na ang kantang may pamagat na The Nearness Of You ay sinundan na naman niya

    Last Updated : 2021-07-12
  • The Rain That Reminds of You   Je Te Veux

    Hindi maipinta ang mukha ni Euphie habang naglalakad sila ni Isa papunta sa may palengke upang mamili ng mga kakailanganin sa pagluluto. Mukhang may darating kasi na bisita si Leonard kaya kailangan nilang maghanda at dahil rin dun eh hindi tuloy siya maka-tyempo ng tanong sa binata na dahilan upang maurat siya ng ganito. Sa totoo lang, kagabi pa niya talaga sana nalaman ang kasagutan na hinahanap niya kung hindi lang sana sa mga nagiging sagabal sa mga plano niya.Bago matulog ay nakita niyang kausap pa rin ni Leonard si Hans at pagkagising naman niya ay nakita naman niyang may kausap ito sa telepono. Buong araw niya sana balak hintayin ang binata kaya lang mukhang hindi niya ito makakayanan lalo pa't mabilis siyang mabagot kahit sa kaunting bagay. Mabuti na lamang at inaya siya ni Isa sa pamamalengke't gumaan gaan ang pakiramdam niya.“Kanina ko pa po napapansin ang pag-seryoso ng iyong mukha, Binibini. May problema ho ba kayo?” tanong ni Isa sakaniya habang tumitin

    Last Updated : 2021-07-12

Latest chapter

  • The Rain That Reminds of You   About the Author

    About the AuthorChristine Polistico also known as “chiharabanana” is an Illustrator and Graphic Designer based in the Philippines. Aside from her hobby which is writing, she is also an artist, and aspiring photographer.

  • The Rain That Reminds of You   Glossary

    GlossaryEpoch - A period of time in history or a person's life, typically one marked by notable events or particular characteristics.Paroxysm - a sudden burst of emotion.Oblivion -The state of being unaware or unconcious of what is happening.Selcouth - Marvelous, wonderfulPeculiar - Strange or odd; unusualKismet - Destiny or fate.Dépaysement - The feeling that comes from not being in one's home county; disorentation due to experience of unfamiliar surroundings.Nightingale -any of various other birds noted for their sweet song or for singing at night.Je te veux – “I want you” in french, a musical piece by Erik SatieNuminous -Having the power to invoke fear and trembling, yet create fascination and attraction, transcendent, suggesting the presence of divinity.Tacenda-Things better left unsaid; matters to be passed over in silence.Eccedentesiast -Someone who fakes a smile, when all they want to do is cry, disappear and/or die.Ellipsism - The sadness that

  • The Rain That Reminds of You   Jade

    Sa totoo lang, hindi ako naniniwala sa mga paranormal things na nangyayari sa mundo simula pa noong bata ako. After all, pangarap kong maging isang doktor kaya mas naniniwala ako sa sensya. Pero nagbago ang lahat ng iyun nung dumating ang araw na natanggap ko ang mga lumang liham na nakapangalan mismo sakin.Taong 2003, Iniabot sakin ng isang kartero ang isang package na para sa akin. Hindi para sa magulang ko, hindi para sa kuya ko o sa kahit na sino man kundi para sakin. At dahil isa akong bata noong mga panahon na yun ay naisip ko kaagad na baka isa itong laruan na iniregalo sakin. Nagkamali ako dahil pagbukas ko nito ay nakita ko kaagad ang tatlong liham na mukhang nilipas na ng panahon.“Ma, hindi po ba para sayo 'to?” naalala kong tanong ko kaagad sa mama ko.Napakunot ang noo niya't agad tinignan ang mga sulat na hawak ko sa kamay ko. Tumingin siya sakin't mabilis na umiling.“Paano magiging akin kung sayo nakapangalan?” sagot niya sabay ngiti ng bahagya.“T

  • The Rain That Reminds of You   Katapusan

    Buong atensyong nagmamaneho si Jade papunta sa lugar kung nasaan si Euphie ngayon. Magkahalong kaba at saya ang nararamdaman niya ngayon marahil na rin siguro ay alam at sigurado siya na gusto siyang makita at makausap ni Euphie ng personal. Na handa na itong makipag-usap at harapin ang lahat sa pagitan nilang dalawa.Sa totoo lang ay umpisa pa lang ay alam na niyang mangyayari ito. Alam niyang maguguluhan si Euphie sa lahat at tiyak na hindi pa ito sigurado sakaniya lalo na ang puso niya lalo pa't tiyak siyang si Leonard na dati niyang katauhan pa rin ang tinitibok ng puso niya. Pero matibay si Jade at buo ang loob nitong angkinin talaga ng buo ang puso ng dalaga sa sarili niyang paraan at katauhan. Kahit alam niyang mahirap ay heto pa rin siya't patuloy at pilit pa ring kinukuha ng buo ang babaeng matagal na niyang minamahal.Kaunti na lang at malapit na si Jade sa bayan kung saan nakatayo ang bahay ng lolo at lola ni Euphie ngayon. Ang lugar na ilang beses nagpauli

  • The Rain That Reminds of You   Evanescent

    Ilang sandali lang ay pinaandar na ni Jade ang makina ng kotse niya't umalis na. binuksan niya ang radyo upang magkaroon naman ng ingay ang paligid saka siya tumingin sa tahimik na si Euphie.“Ayos ka lang? Parang kanina ka pa ata tahimik eh.” Nag-aalalang tanong niya kay Euphie.“Ayos lang ako.” maikling sagot naman ni Euphie sakaniya.“Really? Para kasing hindi eh.”Napakagat lang ng labi si Euphie ng madiin para mapigilan ang luha niyang kanina pa gustong tumulo. Sumandal siya sa bintana upang maitago ang mukha niya kay Jade“Euphie, talk to me. May problema ba? Are you crying?” nagaalala niyang tanong.“Could you.. please stop the car?”At kaagad namang inihinto ni Jade yung kotse para sakaniya.“Ano ba kasi yun? Ano bang nangyayari sayo?” tanong niya kaagad.“I need air.” sagot lang ni Euphie saka niya binuksan ang pinto at lumabas.“What the heck Euphie! Ano ba kasing nangyayari sayo? Bakit ayaw mong sabihin sakin? You need to tell me para alam ko!” siga

  • The Rain That Reminds of You   Imbroglio

    “Saan nga pala tayo pupunta? Akala ko ba kikitain natin si Margarette?” tanong kaagad ni Euphie nang mapansin niyang lumalayo na sa Maynila ang sinasakyan niyang kotse kasama si Jade.“Well yes. Sadyang gusto lang ni Marg na sa Pinto pumunta para daw hindi tayo ma-bored.” sagot naman ni Jade sakaniya habang nakatuon ang atensyon nito sa daan.“Oh? I see..” at natahimik na lang si Euphie sa tabi niya at napasilip na lang sa labas ng bintana.Ngayong araw nga pala eh kikitain nila ang kababata at kaibigan ni Jade na si Margarette. Kahit hindi alam at sigurado si Euphie sa kung anong pwedeng maging kalabasan ng pagkikita nilang yun ay susubukan niya pa ring pakisamahan ito dahil sa tingin niya eh yun din naman ang gustong mangyari ni Jade sa pagitan nilang dalawa.Pagkatapos ng mahabang byahe ay nakarating na rin sila sa wakas. Kilala ang Pinto Art Museum hindi lang dahil sa mga kilalang likhang sining na nakalagay rito kundi na rin dahil sa napakagandang arkitektura a

  • The Rain That Reminds of You   Carnival

    “D o I really have to wear this? I mean.. kailangan ba talaga nating magsuot ng ganto kabongga? Sobrang flashy naman nito.” tanong ni Euphie sa mga kaibigan niya matapos siya nitong hilahin at bihisan ng kung ano ano.“Well yeah duh! Malamang party yun eh. It's a sem-ender party! Kahit ngayon man lang eh magpabongga naman tayo!” sagot naman ni Reina sakaniya habang abala ito sa pagaayos ng damit niya.“Oo nga pala, Rave muna tayo ha!” sabad naman ni Hyacinth habang naglalagay naman ng make up sa mukha niya.“Rave? Ba't naman tayo pupunta dun?!” gulat na tanong kaagad ni Euphie sakaniya.“Well, syempre. Makiki-mingle. Kailangan rin naming lumandi kahit paminsan minsan okay?” sagot naman ni Hyacinth sakaniya.“Ehh. Paano naman ako? May boyfriend na ako remember?” paalala ni Euphie.“Ikaw yun, Eh kami wala!”“Speaking of.. Nasaan na nga pala yung boyfriend mo?” tanong naman bigla ni Reina sakaniya.“Hmm.. Ewan. Sabi niya may kikitain lang daw siyang kaibigan eh.” s

  • The Rain That Reminds of You   Sonder

    “Ano ready ka na?” tanong ni Euphie kay Jade habang naglalakad sila papasok sa isang kilalang restaurant sa Tagaytay. Mahigpit ang hawak ng kamay niya sa binata at halatang medyo nag-aalala siya rito.“Medyo..” mahinang sagot lang ni Jade sakaniya sabay ngiti lang ng bahagya.“Oy grabe ha! Namamawis yung kamay mo! Kinakabahan ka talaga noh?” natatawang wika ni Euphie sakaniya.“Hindi ako sanay sa mga gantong bagay kaya Oo, medyo kinakabahan nga ako. Pero ayos lang. Kakayanin.” sagot naman nito sakaniya.“Don't worry, mababait silang lahat. Wala kang dapat na ikabahala!” sagot naman ni Euphie sakaniya.“Opo opo.” ngumiti lang si Jade at hinalikan ang kamay ni Euphie saka sila dumiretso na sa loob. Pag-akyat nila sa taas ng Diner's Restaurant ay kaagad nilang nakita ang mga pinsan ni Euphie na sama sama nang nakaupo sa isang mahabang mesa at maiingay na naguusap sa bawat isa.“Oh! Andito na sila!” napasigaw kaagad ni Anastasia nang mapansin niya ang papalapit na sin

  • The Rain That Reminds of You   Collywobbles

    “Look! Yan yung girlfriend raw ni Jade oh!”“Patingin nga! Ay iba, maganda infernes.”“No I think she looks normal.”“Wag nga kayong bitter, Admit it.. maganda nga siya.”Napabuntong hininga na lang ng malakas si Euphie sa mga paulit ulit niyang naririnig pagkatapos malaman ng lahat na boyfriend na niya ang isa sa hinahangaang estudyante sa unibersidad nila at yun ay walang iba kundi si Jade. Hindi man siya sanay ay hinayaan na lang niya ang mga ito, sa halip ay umakto lang siyang normal tulad pa rin ng dati.“Oy! Euphie right?” tawag bigla sakaniya ng isang lalake sa likod niya. Agad siyang napalingon at nakita ang nakangiting si Claude sakaniya.“Oy Claude! Musta? Anong ginagawa mo dito? Wala ka bang klase?” natanong kaagad ni Euphie sakaniya.“Uhm.. medyo late eh. Na-stuck ako sa traffic. Ikaw? Wala ka bang klase?” tanong naman ni Claude sakaniya pabalik.“Actually, katatapos lang.”“Oh? Nice! Tara samahan mo muna ako. Tutal hindi na rin naman ako aabot sa k

DMCA.com Protection Status