Home / All / The Rain That Reminds of You / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of The Rain That Reminds of You: Chapter 21 - Chapter 30

41 Chapters

Sunset

 Bigla na lang sumagi sa utak ni Euphie yung mga bagay na pinangarap niya nung una. Dahil umabot siya sa ganitong edad na wala pa siya ni isang nagiging karelasyon ay nangarap siya na sana kapag dumating na yung taong para sakaniya ay sana maging masaya talaga siya ng lubusan.Kahit sa mga simpleng bagay na gagawin nilang dalawa. Yung tipong sabay sila ng hakbang tuwing maglalakad. Magtatawanan at mag-aasaran. Makikita niya ang taong iyun sa isang lugar kung saan hihintayin niya si Euphie at ihahatid pauwi sa sakanila. Mga bagay na pinangarap niyang mangyari sa unang taong mamahalin niya ng totoo.At ngayon, nakakatawa mang isipin na Oo, malaki nga ang pagkakataon na magawa niya ang mga ito ngayon ngunit hindi naman sumagi sa isip niya na sa ganitong panahon ito mangyayari. Hindi man perpekto at hindi man sumakto sa iniisip niya ay masaya na rin siya dahil kasama niya ngayon si Leonard.“Nasiyahan ka ba sa pinanuod natin?” tanong bigla sakaniya ni Leonard pagkatapos nilang ma
last updateLast Updated : 2021-07-12
Read more

Lacuna

  Maayos na dumaan ang ilang buwan na magkakasama sila at sa bawat araw na iyun ay sinigurado nila na magiging maayos at tatatak sa mga ala-ala nila ang bawat sandali nang sa gayun ay wala silang pagsisihan sa huli.Ganun pa rin ang takbo ng buhay ni Euphie. Nagtatrabaho pa rin siya sa Femme Fatale tuwing sabado kung saan mas dumoble pa ang kaniyang mga taga-hanga. Naging kilala siya na pati sa kalsada at kilala at tinatawag siya ng ibang tao. Samantalang dumami rin ang nais hingin ang kamay niya ngunit mabilis naman niyang ipinapahayag na pagmamay-ari na ni Leonard ang puso niya. Maging si Analiza na mukhang may pagtingin kay Leonard ay wala ring nagawa sakanila kundi ang tanggapin na lang ang lahat at maging masaya para sakanila.Desyembre na ngayon't puno na ng mga palamuti ang bawat bahay at mga kalsada ng mga nagliliwanag na ilaw at mga parol. Ang lahat ng tao ay sabik na sabik na talaga sa pagrating ng kapaskuhan ngunit lingid sa kaalaman nila na bago mangyari yun
last updateLast Updated : 2021-07-12
Read more

Absquatulate

  Noong buwan ng Disyembre taong 1941, ay itinalaga ng gobyerno ang Maynila bilang isang “Open City” upang maiwasan ang pagkawasak nito mula sa gyera laban sa mga hapon.Ngunit ayon sa pagkakaalala ni Euphie ay hindi naman ito naging isang solusyon upang maging ligtas na ang Maynila. Marami pa rin ang mawawasak at masisira sa hinaharap. At kung tatanungin siya kung ano na ang lagay nila ni Isa ngayon ay.. takot ang unang nangingibabaw sakanila ngayon.Gabi-gabi siyang hindi natutulog mabantayan at masigurado lang na magiging ligtas sila rito sa loob ng bahay. At kung maari lang sana ay hindi na sila lumabas maprotektahan lang nila ang kanilang mga sarili, ngunit hindi naman ito maari dahil kailangan pa rin nilang humanap ng makakain.“Hindi natin alam kung anong pwedeng mangyari satin ngayon. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nandito si Hans para protektahan tayo. Kailangan nating maging matatag kung gusto nating mabuhay.” pangaral ni Euphie kay Isa habang nakaupo silan
last updateLast Updated : 2021-07-12
Read more

Nepenthe

  “Hindi mo pa nga pala nasasabi sakin ang iyong buong pangalan, Ginoo.” wika ni Euphie kay Matteo pagkatapos niya silang dalhin sa maliit na ospital na pagmamay-ari niya.“Hindi pa ba? Kung gayun, hayaan niyo akong magpakilala sa inyo mga binibini. Ako nga pala si Matteo Natividad at isa akong doktor.” magalang na sagot naman ni Matteo sakanila.“Ikinagagalak ko ang makilala ka Ginoong Matteo. Ako naman ho si Isa.”sagot naman ni Isa sakaniya.“Hindi mo na kailangang maging pormal, Matteo na lang.”“Tutal tinulungan mo kami ay nais kong magpakilala rin ng pormal sayo. Ang totoo ko nga palang pangalan ay Euphemia.. o Euphie at hindi Agatha.” tapat na pakilala naman ni Euphie sakaniya.“Euphie..” paguulit ni Matteo habang nakatingin sakaniya. Ngumiti ito't tumango. “Walang anuman sa akin iyun. Ang mahalaga ay ligtas kayong dalawa.”“Pero ano nang plano? Wala akong alam sa pag-aalaga ng tao.” tapat na sagot naman ni Euphie sakaniya.“H'wag kang mag-alala dahil tutulun
last updateLast Updated : 2021-07-12
Read more

Quietus

  “Binibini, hindi ko ho maintindihan ang nais niyong sabihin. Seryoso po ba kayo na gusto niyong iligtas ang ginoo?” tanong sakaniya ng lalake sakaniya.“Mukha bang nagbibiro lang ako? Teka sandali, ano nga bang pangalan mo?” tanong niya habang seryoso silang naglalakad papunta sa kuta ng mga hapones.“Diego ho, binibini.” sagot naman nito kaagad.“Diego..” at tumango tango lang si Euphie sakaniya saka nagpatuloy muli sa paglalakad. Dinala siya ni Diego sa isang bahay kung saan nakalagay ang isang malaking bandila ng hapon sa labas ng bintana. Nang makita niya na may ilang nagbabantay na sundalo sa labas ay agad silang nagtago sa malayo at nagmasid muna. Tumingin muna siya sa orasan at nakinig ng maiigi sa mga nangyayari sa paligid.“Eksatong alas sais ng gabi ay sigurado akong aalis muna sila upang pumatrol. Base sa bahay na 'to ay mayroong dalawang pinto rito. Isa sa harap at isa sa likod. At kung magtatago man sila ng mga bihag ay tsak akong ilalagay nila ang mga
last updateLast Updated : 2021-07-12
Read more

Hiraeth

 “Napatingin si Euphie sa kulay pulang kalangitan habang tahimik at nakapaang siyang naglakad habang pinagmamasdan naman niya ang mga sirang gusali, ang maruming kalsada at ang madilim na ulap na wari mo'y bubuhos ang malakas na ulan ano mang oras.Napatigil siya saglit at napatingin sa mga kamay niyang puno ng galos at kalyo. Ang kamay na nagpapakita kung gaano siya naghirap sa mundong ito. Dahan dahan niyang ibinaba ang kaniyang kamay at muling napalingon sa walang katao-taong kalye. Bigla siyang nakaramdam ng kung anong kalungkutan na wari niya'y unti unting dinudurog ang puso niya.Nakakalungkot isipin na ang dating masigla at mataong lugar kagaya nito ay ngayo'y nagmistulang abandonadong lugar na. At ang mas ikinalulungkot pa niya ay mukhang wala talaga siyang ibang magagawa kundi ang tignan at magbigay simpatya lang. Dahil una sa lahat, Hindi naman siya nararapat sa lugar na 'to at mukhang hanggang dito na lang talaga siya. Tapos na ang tungkulin niya. Nagawa na niya ang
last updateLast Updated : 2021-07-12
Read more

Orphic

  “May ideya ba kayo sa kung anong nangyayari kay Euphie? Mukha namang maayos siya pero lagi ko naman siyang naririnig na umiiyak tuwing gabi. At lagi pa siyang nakatulala. Nag-aalala na ako.” nag-aalalang wika ni Veronica na mama ni Euphie sa mga pamangkin niyang sina Lawrence at Madeline.“I don't know Tita. Di ko rin alam kung ba't siya nagkakaganyan.” Tahimik na sagot naman ni Lawrence sakaniya.“After that incident.. Naging ganun na siya. Para siyang ibang tao..”“Don't worry, I'll talk to her Tita. Baka may nangyari lang sakaniya.. Maybe she's stressed or something. Lalo na baka marami siyang plates..” sagot naman ni Madeline sa Tita Veronica niya.“Sana nga ganun. Kayo na sana ang bahala sa kaniya okay? Salamat sa inyong dalawa..” at ngumiti na lang si Veronica sakanila bago siya umalis at iwan ang dalawa. Nagkatinginan si Lawrence at Madeline sa isa't isa.“I'll talk to her, pero please pakibantayan na rin siya Lawrence okay?” seryosong sabi ni Madeline sa pi
last updateLast Updated : 2021-07-12
Read more

Commuovere

  “Wow. I didn't know you look good at wearing long skirts. Bagay pala sayo yung mga vintage fashion eh!” sabi ni Hyacinth matapos niyang makita ang kaibigan niya na nakasuot ng Brown long skirts at White long-sleeve blouse.“Talaga?” at napangiti lang si Euphie saka siya humarap sa salamin upang tignan ang sarili niya.Tinignan niya ang sarili niya mula ulo hanggang paa. Parang bumalik lang siya sa 1941 dahil sa ayos niya ngayon. Gustuhin man niyang magsuot ng mga usong damit ngayon ay para bang mas komportable siya pag ganito ang ayos niya. Marahil na rin siguro ay dahil sa nakasanayan na niya ang ganito.“Oo nga pala, medyo maulan ulit sa labas. Sigurado ka bang okay lang?” nag-aalalang tanong bigla ni Hyacinth sakaniya.“Oo. Ayos lang ako..” matamlay na sagot niya.“Okay. Sinabi mo eh. Magdala na lang tayong payong okay? Pero nasa loob naman pala yung booth nila eh.”“Okay.”“Oo nga pala, Euphie..” dugtong pa ni Hyacinth sakaniya.“Ano yun?” sabay lingon niya
last updateLast Updated : 2021-07-12
Read more

Solicitous

  “Kanina ka pa tahimik ah? May nangyari na naman ba?” tanong kaagad ni Madeline kay Euphie habang bumabyahe sila papunta sa Tagaytay kung saan nakatira ang kuya ni Lawrence na si Ryle.“Wala, wala naman..” mahinang sagot lang niya habang nakatingin sa kawalan.“May nangyari. Alam ko yan. Kilala kita. So tell me, ano ba yun?” pangungulit na tanong ni Madeline. Napabuntong hininga lang si Euphie saka umayos ng upo at tumingin sakaniya.“Kanina kasi.. may isang lalake nagtanong sakin kung ano raw pakiramdam ng mawalan. Sumagot naman ako ng 'Hurts like hell' tapos nung tinignan ko siya.. ewan ko para ang sakit bigla. Weird right? Eh hindi ko naman siya kilala.” sagot naman ni Euphie sakaniya.“Ah. Yung guy na kausap mo kanina? Yung may itim na payong?”“Oo. Siya nga..”“Hmm..” at napa-isip muna si Madeline ng matagal bago nakasagot. “Baka naman.. siya na?”“Imposible. Nahanap ko na ang para sakin kaya lang nabitawan ko lang. Kaya naniniwala ako na.. Hindi siya yun.” s
last updateLast Updated : 2021-07-12
Read more

Saudade

  “Euphie.. Euphie..” malambing na bigkas ng isang boses kay Euphie habang siya'y mahimbing na natutulog.Napangiti siya nang bigla niyang maramdaman ang mainit na kamay na humahaplos sa mukha niya. Unti unti niyang idinilat ang kaniyang mata at nakita ang isang binatang nakangiti sa tabi niya.Tinignan niya ang paligid at nakita niya ang sarili niyang nakahiga sa tabi ng piano sa gilid ng hardin sa bahay ni Leonard. Nakaupo ang binata sa tabi niya habang may hawak itong isang libro. Mukhang nakatulog ata siya sa binti nito.“Nandito ka..” sambit ni Euphie na punong puno ng iba't ibang emosyon.“Oo naman. Ang lalim ng tulog mo kanina, Mukhang maganda ata ang napanaginipan mo ah?” malumanay na wika ni Leonard naman sakaniya.“Hindi..” at umiling-iling lang siya. “Sa totoo lang, Isa iyong bangungot.”“Bangungot? Bakit? Paano mo naman nasabi?”“Kasi.. Pumunta raw ako sa isang lugar na hindi na kita kasama. Hindi na kita makita. Hindi na kita makausap at hindi ka na da
last updateLast Updated : 2021-07-12
Read more
PREV
12345
DMCA.com Protection Status