“Euphie..” tawag bigla sakaniya ni Leonard habang nakatitig pa rin ito sa kaniyang mga mata. “Naiintindihan mo ba ang gusto kong iparating sayo?”“Oo.. oo..” tulalang sagot naman niya. Napakagat siya ng labi at napayuko. Hindi niya kasi alam kung paano aakto sa ganitong sitwasyon. Buong buhay niya ngayon lang siya nakaranas ng ganito.“Gusto mo ako.. tama?” nalilitong tanong pa niya.“Oo. Pero hindi pa sapat yung salitang gusto lang para mailarawan ng buo ang nararamdaman ko para sayo.” seryosong sagot naman ni Leonard sakaniya.“Ah―” at napa-awang lang ang bibig ni Euphie't tuluyan na ngang nawala sa normal na katinuan ang utak niya. Pulang pula na ang kaniyang pisngi at nag-umpisa na siyang mautal. “Pe-pero.. Ano kasi.. Uhmm.”Huminga muna siya ng malalim saka tumingin muli ng diretso kay Leonard. Ipinikit niya ang kaniyang mata at biglang hinawakan ang dalawang kamay ng binata sabay sabi ng..“Paumanhin kung hindi ko pa masasagot ang nararamdaman mo sa ngayon.
“Ang ganda dito! Paano nyo po ito nalaman, Binibini?” tanong kaagad ni Isa habang umiikot ang paningin niya sa paligid.“Mahabang kwento.” sagot naman ni Euphie habang nakangiti at nakatingin rin sa kulay asul na karagatan.“Tama ang ganda nga dito. At bukod pa run, Mabuti na lang at mayroon rin ditong malapit na bahay panuluyan. Pwede pa tayong manatili ng mga ilang araw.” ani Dan habang nakapamaywang at pinagmamasdan rin ang paligid.“Mag-aayos muna kami ng gamit sandali. Magkita na lang tayo maya maya..” wika naman ni Euphie sabay pasok sa kwarto nila ni Isa. Maliit lang ang kwarto ngunit napa-presko naman ang dating nito. Puti ang mga sapin ng higaan maging ang mga kumot nito. Kulay asul naman ang mga kurtina nito at matatanaw mo kaagad ang malawak na karagatan sa labas ng binata nito.Nang maayos na nila ang kanilang mga gamit maging ang sarili nila ay nagkita kita sila sa baba upang mananghalian muna.“Oh my god, Bulalo!” napakagat lang ng labi si Euphie nang
“Si-sino kayo?” kinakabahan ngunit matapang na tanong ni Euphie sa tatlong lalakeng hindi niya kilala.“Aba aba. Sinasabi ko na nga ba't hindi nagkakamali ang mga mata ko. Mukhang panalo tayo dito sa isang 'to ah?” nakangising sabi ng isang lalake sa mga kasamahan niya.“Akalain mong nakita pa natin ang isang 'to.” sagot naman nung isa sakaniya.“Sino ba kayo? Anong kailangan niyo sakin?” nauutal na sabad naman ni Euphie sakanila. Ngumisi muna silang tatlo habang unti-unting pinapalibutan si Euphie.“Marami.” maikli at nakangising sagot nung pangatlong lalake. Agad na na-alarma si Euphie't tatakbo sana siya papalayo ngunit nahabol kaagad siya ng mga lalake.“Leonard!!! Leonard!!” sigaw ni Euphie habang pilit na kumawala sa tatlong lalake ngunit mabilis siyang nahawakan ng mga ito't sinuntok ang sikmura niya upang mawalan ng malay.Binuhat nila si Euphie at isinakay sa isang malaking sasakyan kasama ang ilang babaeng nabiktima rin nila. Hindi lingid sa kaalaman ng
“Welcome back, Euphie.” sabi kaagad ni Dan kay Euphie pagkatapos nilang hilain papataas sa barko silang dalawa ni Leonard.“Salamat Dan..” napangiti at napaluha kaagad si Euphie at napayakap kay Dan.“Nag-alala kaming lahat sayo. Lalo na siya..” sabay ngiti niya at tingin kay Leonard na abala sa pakikipag-usap sa mga tauhan sa barko. “I admit. That was the first time I saw Leonard act like that. It was rather interesting.. especially for a composed guy like him.”Napatingin lang si Euphie kay Leonard at napangiti. “Nagulat nga rin ako. Hindi ko aakalain na mahahanap niyo ako. Lalo pa't naisakay na kami sa barko.”Napatawa bigla si Dan ng malakas. “You didn't know? The sea is our jurisdiction! Maaring mukhang ordinaryo lang kami kapag nasa lupa ngunit pagdating sa karagatan.. nasa amin lahat ng kapangyarihan.”“H'wag nyong sabihing..” at napanganga lang si Euphie sabay tingin sa tatlong naglalakihang barko na nandito ngayon.“Tama. Lahat ng ito ay dahil sa tulong n
Nagising si Euphie sa kwarto niya na madilim at wala man lang kasama kahit na isa. Napaupo siya sa kama't napasilip sa labas ng bintana. Gabi na pala't unti unti nang lumalamig ang paligid. Napatayo siya't mas lumalapit pa sa bintana. Hinawi niya ang mga kurtina't sumilip sa labas. Napasandal siya't napaupo habang nag-iisip ng malalim.Ang daming nangyari kanina. Mga bagay na hindi ko akalaing mangyayari sakin sa ganitong edad at sa ganitong lugar. Pero habang iniisip ko yun bigla kong naalala kung paano muntik ng mapahamak ang buhay ko. Kung hindi dahil kay Leonard.. wala na siguro ako ngayon. Naipadala na siguro ako ngayon sa kung saang lugar. Mas malayo sa pamilya ko at sa taong mahal ko. Utang ko sakaniya ang lahat lalo na ang buhay ko. Hindi ko na alam kung ilang beses na ba niya akong tinulungan pero gusto kong may gawin naman sakaniya.Gusto kong tanggapin sa sarili ko na siya ang dahilan kung bakit ako napunta ako dito. Na dinala ako dito nung kung sino mang
Bigla na lang sumagi sa utak ni Euphie yung mga bagay na pinangarap niya nung una. Dahil umabot siya sa ganitong edad na wala pa siya ni isang nagiging karelasyon ay nangarap siya na sana kapag dumating na yung taong para sakaniya ay sana maging masaya talaga siya ng lubusan.Kahit sa mga simpleng bagay na gagawin nilang dalawa. Yung tipong sabay sila ng hakbang tuwing maglalakad. Magtatawanan at mag-aasaran. Makikita niya ang taong iyun sa isang lugar kung saan hihintayin niya si Euphie at ihahatid pauwi sa sakanila. Mga bagay na pinangarap niyang mangyari sa unang taong mamahalin niya ng totoo.At ngayon, nakakatawa mang isipin na Oo, malaki nga ang pagkakataon na magawa niya ang mga ito ngayon ngunit hindi naman sumagi sa isip niya na sa ganitong panahon ito mangyayari. Hindi man perpekto at hindi man sumakto sa iniisip niya ay masaya na rin siya dahil kasama niya ngayon si Leonard.“Nasiyahan ka ba sa pinanuod natin?” tanong bigla sakaniya ni Leonard pagkatapos nilang ma
Maayos na dumaan ang ilang buwan na magkakasama sila at sa bawat araw na iyun ay sinigurado nila na magiging maayos at tatatak sa mga ala-ala nila ang bawat sandali nang sa gayun ay wala silang pagsisihan sa huli.Ganun pa rin ang takbo ng buhay ni Euphie. Nagtatrabaho pa rin siya sa Femme Fatale tuwing sabado kung saan mas dumoble pa ang kaniyang mga taga-hanga. Naging kilala siya na pati sa kalsada at kilala at tinatawag siya ng ibang tao. Samantalang dumami rin ang nais hingin ang kamay niya ngunit mabilis naman niyang ipinapahayag na pagmamay-ari na ni Leonard ang puso niya. Maging si Analiza na mukhang may pagtingin kay Leonard ay wala ring nagawa sakanila kundi ang tanggapin na lang ang lahat at maging masaya para sakanila.Desyembre na ngayon't puno na ng mga palamuti ang bawat bahay at mga kalsada ng mga nagliliwanag na ilaw at mga parol. Ang lahat ng tao ay sabik na sabik na talaga sa pagrating ng kapaskuhan ngunit lingid sa kaalaman nila na bago mangyari yun
Noong buwan ng Disyembre taong 1941, ay itinalaga ng gobyerno ang Maynila bilang isang “Open City” upang maiwasan ang pagkawasak nito mula sa gyera laban sa mga hapon.Ngunit ayon sa pagkakaalala ni Euphie ay hindi naman ito naging isang solusyon upang maging ligtas na ang Maynila. Marami pa rin ang mawawasak at masisira sa hinaharap. At kung tatanungin siya kung ano na ang lagay nila ni Isa ngayon ay.. takot ang unang nangingibabaw sakanila ngayon.Gabi-gabi siyang hindi natutulog mabantayan at masigurado lang na magiging ligtas sila rito sa loob ng bahay. At kung maari lang sana ay hindi na sila lumabas maprotektahan lang nila ang kanilang mga sarili, ngunit hindi naman ito maari dahil kailangan pa rin nilang humanap ng makakain.“Hindi natin alam kung anong pwedeng mangyari satin ngayon. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nandito si Hans para protektahan tayo. Kailangan nating maging matatag kung gusto nating mabuhay.” pangaral ni Euphie kay Isa habang nakaupo silan
About the AuthorChristine Polistico also known as “chiharabanana” is an Illustrator and Graphic Designer based in the Philippines. Aside from her hobby which is writing, she is also an artist, and aspiring photographer.
GlossaryEpoch - A period of time in history or a person's life, typically one marked by notable events or particular characteristics.Paroxysm - a sudden burst of emotion.Oblivion -The state of being unaware or unconcious of what is happening.Selcouth - Marvelous, wonderfulPeculiar - Strange or odd; unusualKismet - Destiny or fate.Dépaysement - The feeling that comes from not being in one's home county; disorentation due to experience of unfamiliar surroundings.Nightingale -any of various other birds noted for their sweet song or for singing at night.Je te veux – “I want you” in french, a musical piece by Erik SatieNuminous -Having the power to invoke fear and trembling, yet create fascination and attraction, transcendent, suggesting the presence of divinity.Tacenda-Things better left unsaid; matters to be passed over in silence.Eccedentesiast -Someone who fakes a smile, when all they want to do is cry, disappear and/or die.Ellipsism - The sadness that
Sa totoo lang, hindi ako naniniwala sa mga paranormal things na nangyayari sa mundo simula pa noong bata ako. After all, pangarap kong maging isang doktor kaya mas naniniwala ako sa sensya. Pero nagbago ang lahat ng iyun nung dumating ang araw na natanggap ko ang mga lumang liham na nakapangalan mismo sakin.Taong 2003, Iniabot sakin ng isang kartero ang isang package na para sa akin. Hindi para sa magulang ko, hindi para sa kuya ko o sa kahit na sino man kundi para sakin. At dahil isa akong bata noong mga panahon na yun ay naisip ko kaagad na baka isa itong laruan na iniregalo sakin. Nagkamali ako dahil pagbukas ko nito ay nakita ko kaagad ang tatlong liham na mukhang nilipas na ng panahon.“Ma, hindi po ba para sayo 'to?” naalala kong tanong ko kaagad sa mama ko.Napakunot ang noo niya't agad tinignan ang mga sulat na hawak ko sa kamay ko. Tumingin siya sakin't mabilis na umiling.“Paano magiging akin kung sayo nakapangalan?” sagot niya sabay ngiti ng bahagya.“T
Buong atensyong nagmamaneho si Jade papunta sa lugar kung nasaan si Euphie ngayon. Magkahalong kaba at saya ang nararamdaman niya ngayon marahil na rin siguro ay alam at sigurado siya na gusto siyang makita at makausap ni Euphie ng personal. Na handa na itong makipag-usap at harapin ang lahat sa pagitan nilang dalawa.Sa totoo lang ay umpisa pa lang ay alam na niyang mangyayari ito. Alam niyang maguguluhan si Euphie sa lahat at tiyak na hindi pa ito sigurado sakaniya lalo na ang puso niya lalo pa't tiyak siyang si Leonard na dati niyang katauhan pa rin ang tinitibok ng puso niya. Pero matibay si Jade at buo ang loob nitong angkinin talaga ng buo ang puso ng dalaga sa sarili niyang paraan at katauhan. Kahit alam niyang mahirap ay heto pa rin siya't patuloy at pilit pa ring kinukuha ng buo ang babaeng matagal na niyang minamahal.Kaunti na lang at malapit na si Jade sa bayan kung saan nakatayo ang bahay ng lolo at lola ni Euphie ngayon. Ang lugar na ilang beses nagpauli
Ilang sandali lang ay pinaandar na ni Jade ang makina ng kotse niya't umalis na. binuksan niya ang radyo upang magkaroon naman ng ingay ang paligid saka siya tumingin sa tahimik na si Euphie.“Ayos ka lang? Parang kanina ka pa ata tahimik eh.” Nag-aalalang tanong niya kay Euphie.“Ayos lang ako.” maikling sagot naman ni Euphie sakaniya.“Really? Para kasing hindi eh.”Napakagat lang ng labi si Euphie ng madiin para mapigilan ang luha niyang kanina pa gustong tumulo. Sumandal siya sa bintana upang maitago ang mukha niya kay Jade“Euphie, talk to me. May problema ba? Are you crying?” nagaalala niyang tanong.“Could you.. please stop the car?”At kaagad namang inihinto ni Jade yung kotse para sakaniya.“Ano ba kasi yun? Ano bang nangyayari sayo?” tanong niya kaagad.“I need air.” sagot lang ni Euphie saka niya binuksan ang pinto at lumabas.“What the heck Euphie! Ano ba kasing nangyayari sayo? Bakit ayaw mong sabihin sakin? You need to tell me para alam ko!” siga
“Saan nga pala tayo pupunta? Akala ko ba kikitain natin si Margarette?” tanong kaagad ni Euphie nang mapansin niyang lumalayo na sa Maynila ang sinasakyan niyang kotse kasama si Jade.“Well yes. Sadyang gusto lang ni Marg na sa Pinto pumunta para daw hindi tayo ma-bored.” sagot naman ni Jade sakaniya habang nakatuon ang atensyon nito sa daan.“Oh? I see..” at natahimik na lang si Euphie sa tabi niya at napasilip na lang sa labas ng bintana.Ngayong araw nga pala eh kikitain nila ang kababata at kaibigan ni Jade na si Margarette. Kahit hindi alam at sigurado si Euphie sa kung anong pwedeng maging kalabasan ng pagkikita nilang yun ay susubukan niya pa ring pakisamahan ito dahil sa tingin niya eh yun din naman ang gustong mangyari ni Jade sa pagitan nilang dalawa.Pagkatapos ng mahabang byahe ay nakarating na rin sila sa wakas. Kilala ang Pinto Art Museum hindi lang dahil sa mga kilalang likhang sining na nakalagay rito kundi na rin dahil sa napakagandang arkitektura a
“D o I really have to wear this? I mean.. kailangan ba talaga nating magsuot ng ganto kabongga? Sobrang flashy naman nito.” tanong ni Euphie sa mga kaibigan niya matapos siya nitong hilahin at bihisan ng kung ano ano.“Well yeah duh! Malamang party yun eh. It's a sem-ender party! Kahit ngayon man lang eh magpabongga naman tayo!” sagot naman ni Reina sakaniya habang abala ito sa pagaayos ng damit niya.“Oo nga pala, Rave muna tayo ha!” sabad naman ni Hyacinth habang naglalagay naman ng make up sa mukha niya.“Rave? Ba't naman tayo pupunta dun?!” gulat na tanong kaagad ni Euphie sakaniya.“Well, syempre. Makiki-mingle. Kailangan rin naming lumandi kahit paminsan minsan okay?” sagot naman ni Hyacinth sakaniya.“Ehh. Paano naman ako? May boyfriend na ako remember?” paalala ni Euphie.“Ikaw yun, Eh kami wala!”“Speaking of.. Nasaan na nga pala yung boyfriend mo?” tanong naman bigla ni Reina sakaniya.“Hmm.. Ewan. Sabi niya may kikitain lang daw siyang kaibigan eh.” s
“Ano ready ka na?” tanong ni Euphie kay Jade habang naglalakad sila papasok sa isang kilalang restaurant sa Tagaytay. Mahigpit ang hawak ng kamay niya sa binata at halatang medyo nag-aalala siya rito.“Medyo..” mahinang sagot lang ni Jade sakaniya sabay ngiti lang ng bahagya.“Oy grabe ha! Namamawis yung kamay mo! Kinakabahan ka talaga noh?” natatawang wika ni Euphie sakaniya.“Hindi ako sanay sa mga gantong bagay kaya Oo, medyo kinakabahan nga ako. Pero ayos lang. Kakayanin.” sagot naman nito sakaniya.“Don't worry, mababait silang lahat. Wala kang dapat na ikabahala!” sagot naman ni Euphie sakaniya.“Opo opo.” ngumiti lang si Jade at hinalikan ang kamay ni Euphie saka sila dumiretso na sa loob. Pag-akyat nila sa taas ng Diner's Restaurant ay kaagad nilang nakita ang mga pinsan ni Euphie na sama sama nang nakaupo sa isang mahabang mesa at maiingay na naguusap sa bawat isa.“Oh! Andito na sila!” napasigaw kaagad ni Anastasia nang mapansin niya ang papalapit na sin
“Look! Yan yung girlfriend raw ni Jade oh!”“Patingin nga! Ay iba, maganda infernes.”“No I think she looks normal.”“Wag nga kayong bitter, Admit it.. maganda nga siya.”Napabuntong hininga na lang ng malakas si Euphie sa mga paulit ulit niyang naririnig pagkatapos malaman ng lahat na boyfriend na niya ang isa sa hinahangaang estudyante sa unibersidad nila at yun ay walang iba kundi si Jade. Hindi man siya sanay ay hinayaan na lang niya ang mga ito, sa halip ay umakto lang siyang normal tulad pa rin ng dati.“Oy! Euphie right?” tawag bigla sakaniya ng isang lalake sa likod niya. Agad siyang napalingon at nakita ang nakangiting si Claude sakaniya.“Oy Claude! Musta? Anong ginagawa mo dito? Wala ka bang klase?” natanong kaagad ni Euphie sakaniya.“Uhm.. medyo late eh. Na-stuck ako sa traffic. Ikaw? Wala ka bang klase?” tanong naman ni Claude sakaniya pabalik.“Actually, katatapos lang.”“Oh? Nice! Tara samahan mo muna ako. Tutal hindi na rin naman ako aabot sa k