BAGO TUMUNTONG SA edad na bente, kailangan na-isuko na ang pagkabirhen ng isang dalaga. Dahil kung hindi, maglalaho ito sa araw ng kanyang ika-dalawampung kaarawan. Iyon ang nakagisnang paniniwala ng mga taong naninirahan sa bayan ng San Andres, sa lalawigan ng Quirino.Dati itong parte ng capital ng lalawigan at malawak na sakahan. Nang dahil sa hindi mapigilang pag-unlad, bumukod ang lugar at tumayong mag-isa. Bagamat ilang taon pa lamang simula nang maihiwalay, nalagpasan na nito ang mga karatig na lugar pagdating sa ekonomiya.Ayon sa sabi-sabi, ilang mga negosyante ang nagtulong-tulong upang gawing sentro ng agricultural, commercial, at industrial businesses ang lugar na iyon sa buong lalawigan.Bagamat madami nang gusaling naipatayo dito, tulad ng paaralan, hospital, shopping malls, restaurants, hindi pa din iyon sapat upang punuin ang malawak na lupain.Patag ang mga konkretong daan mula sa sentro patungo sa labas kung saan nandoon pa
Read more