Share

CHAPTER 3

Author: Cupid
last update Last Updated: 2021-06-29 17:24:47

BAGO TUMUNTONG SA edad na bente, kailangan na-isuko na ang pagkabirhen ng isang dalaga. Dahil kung hindi, maglalaho ito sa araw ng kanyang ika-dalawampung kaarawan. Iyon ang nakagisnang paniniwala ng mga taong naninirahan sa bayan ng San Andres, sa lalawigan ng Quirino.

Dati itong parte ng capital ng lalawigan at malawak na sakahan. Nang dahil sa hindi mapigilang pag-unlad, bumukod ang lugar at tumayong mag-isa. Bagamat ilang taon pa lamang simula nang maihiwalay, nalagpasan na nito ang mga karatig na lugar pagdating sa ekonomiya.

Ayon sa sabi-sabi, ilang mga negosyante ang nagtulong-tulong upang gawing sentro ng agricultural, commercial, at industrial businesses ang lugar na iyon sa buong lalawigan.

Bagamat madami nang gusaling naipatayo dito, tulad ng paaralan, hospital, shopping malls, restaurants, hindi pa din iyon sapat upang punuin ang malawak na lupain.

Patag ang mga konkretong daan mula sa sentro patungo sa labas kung saan nandoon pa din ang mga ilang natural na yaman na hindi pa nagagalaw.

Bukod sa mga pinatayong parke na naging pasyalan, madami na ding natutuklasang hidden wonders of nature na pati mga turista ay gustong makita. Minsan pa nga, na-feature na din ang ilan sa mga ito sa TV, kung saan nag-shooting na din ng palabas ang ilang artista dito.

Maliban doon, may iba pang lihim ang bayan ng San Andres.

Ang mga tao ay parehas sa hitsura o kalagayan ng lugar. Maituturing na moderno na ang paraan ng pamumuhay ng mga tao rito ngunit patuloy pa din silang binabagabag ng isang paniniwalang hindi nila alam kung kailan pa nagsimula. Sinasabing madami na ang nawalang mga dalaga sa kanila. Dahil doon, madami ang natatakot lumipat upang manirahan doon. Tanging matatapang at mga hindi naniniwala sa makalumang sabi-sabi ang kayang manirahan doon. Kaya naman, hindi maituturing na over-populated ang lugar.

Sa paglipas ng panahon, sumabay sa pagbabago ang mga pag-uugali ng mga tao. Dahil na rin sa paniniwala kadalasan ng mga matatanda, lumaking liberated ang mga kabataan. Pagtuntong pa lang sa edad na thirteen hanggang fifteen ay namumulat na ang mga isip nila sa mga bagay na hindi pa dapat nilang inuunawa. Bata pa lamang ay hinahayaan na silang makipagrelasyon. Hinahayaan lang din sila ng kanilang mga magulang dahil na rin sa takot na mawala ang kanilang mga anak.

Paliit nang paliit nga ang bilang ng mga nawawalang kabataan. Hanggang sa hindi na din nababanggit kung minsan ang rason kung bakit sila lumaking ganoon.

Walang may alam kung totoo nga ang paniniwalang iyon o sadyang rason lang upang bigyang kalayaan ang mga kabataan.

Pasado alas sais na ng gabi. Nagsisimula nang magdilim ang paligid. Nagsisimula na ding umilaw ang mga streetlights na siyang magsisilbing ilaw sa mga daanan. Hindi kinatatakutan ang gabi sa lugar. Sa mga oras na iyon pa nga mas dumadaming tao ang lumalabas.

"Ano ang mas maganda? This one or this one?" tanong ni Ashley sa dalawang kaibigang namimili din ng damit sa isang shopping mall sa sentro.

Itinapat pa niya ang dalawang damit sa katawan upang ipakita kung ano ang mas bagay niya. Ang isa ay kulay itim na off-shoulder dress. Samantalang ang isa'y pulang hapit na hapit at mukhang kulang ang tela sa bandang ibaba, sa skirt nito.

Day-off kasi nila kaya napagpasyahan nilang mag-shopping din. Lalo pa't kakasuweldo lang nila kahapon bilang mga nurses sa nag-iisang pribadong hospital sa kanila.

Ilang buwan pa lamang simula nang magtapos sila ng college ay agad silang natanggap upang magtrabaho doon.

"Kahit ano naman, bagay sa'yo. Bilhin mo na lang kaya silang dalawa," ani Cassandra na isa sa kanyang kaibigan.

Nasa kanya kasi ang mukhang pinapangarap ng kahit sinong babae. Maputi at makinis ang kanyang pantay na balat, matangos ang ilong, natural na namumula ang mga pisngi at bibig, pati ang mga makakapal na pilikmata ay nakaluhod sa kanyang kagandahan.

Kaso hindi mukhang anghel ang hitsura niya. Dahil iyon sa mga silver earrings na nakakabit sa kanyang tainga na nakaka-angas ng mukha. Hindi lang kasi dalawa ang butas ng kanyang tainga kundi anim. Kadalasan ngang puna sa kanya ay isang babaeng obsessed sa mga silver jewelries dahil pati sa leeg, kamay, daliri, paa, at puson ay mayroon siyang mga alahas.

Mahina siyang tumawa at saka nagtungo sa counter upang bilhin ang dalawang damit.

Kalalabas pa lang nila ng stall nang tumunog ang kanyang phone. Sinilip iyon ni Kat, ang kaibigan niyang may maunat na itim na buhok. Nabasa nito ang pangalan ni Oliver.

"Oh, boyfriend is calling," nang-aasar na sabi ni Kat.

Inikot niya ang mga mata. "Hindi ko siya boyfriend," tanggi niya.

"Talaga lang, ha? Ano'ng tawag sa inyo na naninirahan sa iisang bubong? Hindi naman kayo magka-ano-ano," muling sabi nito.

Ito na kasi ang nakasama niya sa loob ng mahigit tatlong taon, simula nang mawala ang kanyang lola. Simula ng gabi ng unang pagtakas niya upang makalabas.

"Well, kung hindi mo siya boyfriend, pwedeng akin na lang?" nakangising sabat ni Cassandra at isinabit sa likod ng tainga ang maalong brown na buhok.

"Gaga ka talaga. Akala ko ba may boyfriend ka?" paalala niya.

"May limit ba ang bilang ng boyfriend?" biro nito na kanilang ikinatawa.

Kung sabagay, normal na lang iyon sa kanila.

Sinagot niya ang tawag at biglang nalukot ang kanyang mga ngiti sa labi nang magsalita si Oliver.

"I'm outside. Umuwi na tayo," anito saka basta na lang pinatay ang tawag.

"Kailangan mo na namang umuwi?" hula ni Kat.

Tumango siya ng marahan habang naka-usli ang ibabang labi.

"Ano naman sana kung gabi na? Sa susunod na buwan lang ay bente ka na. Saka wala naman siguro siyang dapat ipag-alala, hindi ba? The way you dress is shouting you're not virgin anymore. Hindi ka na gagawing bride ng isang multo." Tinignan siya ng mariin ni Cassandra.

Ilan sa naihalong kuwento tungkol sa pagkawala ng mga kababaihan sa kanilang lugar ay ang mga multo. Kaya daw naglalaho ang mga birheng dalaga ay dahil ginagawa silang bride ng mga multo na nasa gubat.

Napatigil siya saglit sa sinabi nito. Wala siyang nagawa kundi tumango lang. Kaibigan niya ang dalawa simula pa noong kolehiyo, pero hindi pa din alam ng mga ito na delikado pa din siya sa gabi.

Related chapters

  • WHEN THE NIGHT FALLS   CHAPTER 4

    MABILIS ANG NAGING paglakad ni Ashley papasok sa hospital building.Ang Andreas Medical Hospital ang pinakauna at kaisa-isang pribadong hospital sa bayan ng San Andres. Mayroong limang palapag iyon at kahit pa sa pagdaan ng panahon, nanatili pa ding parang bago ang gusali. Maintained ang hitsura ng pagkakatayo nito dahil nagmula sa mayamang pamilya ang nagpatayo niyon.Lumilikha ng tunog ang bawat yapak niya sa malamig na sahig. Pumipilantik ang kanyang balakang sa bawat paghakbang dahil na rin sa suot na matangkad na sapatos. Hindi din siya masyadong makahakbang ng malalaki dahil sa maiksing skirt na halos hapit na sa kanyang mga hita. Maayos ang kanyang buhok na nakababa. Napakalinis niyang tignan sa puting unipormeng pang-nurse. Nakasabit sa kanyang kanang balikat ang tote bag na naglalaman ng ilang mahahalang kagamitan na ginagamit niya sa pang-araw araw.Sa kamamadali niya hindi na niya namalayang may nabangga. She looked up to see when the ma

    Last Updated : 2021-06-29
  • WHEN THE NIGHT FALLS   CHAPTER 5

    "MISS AREVALO?"Napalingon siya nang muling tawagin ng Vice Director ang pangalan niya. Katatapos palang ng meeting at magsisimula na dapat siya sa trabaho."Pakisamahan naman si Doc Cuevas sa kaniyang office. He'll be using the office of Doc Samaniego. Besides, ikaw naman ang dating assistant, mas ikaw ang nakakaalam ng mga iniwang trabaho ni Doc," anito. "Remember, you're late. Again."Ngumiti siya saka naglakad. "This way, Doc," presenta niya sa daraanan.Nakapamulsa itong naglakad. Napatingin siya sa sapatos nito habang sila'y naglalakad. Napakatahimik nito at para bang hindi umaabot sa sahig ang mga apak.Siya na ang nagbukas ng pinto. "This will be your office, Doc." Ipinakita niya ang ilan sa mga mahahalagang dokumentong nandoon. Pati na rin ang ibang mga gamit."If you need anything, let me know. Huwag lang po gabi dahil wala akong shift kapag ganoong oras," aniya."Why?"Tipid ito magsalita at may matipun

    Last Updated : 2021-06-29
  • WHEN THE NIGHT FALLS   CHAPTER 6

    CHAPTER 6 "HOY! MAY TAO!" malakas na sigaw ni Angel na nakasakay sa tabi ng driver. Malakas silang nagsigawan sa pagkakabigla. Bigla na lang kasi may lumitaw na lalaki sa gitna ng daan. Mabuti na lang at agad na naikot ng nagmamaneho ang manibela at naapakan ang break. "Hoy! Nagpapakamatay ka ba?!" galit na tanong ng nagmamaneho sa taong kanilang nalagpasan. Lumingon sa kanilang direksyon ang lalaki sa gitna ng daan at iniangat ang nakayukong ulo. Masama itong nakatingin sa kanilang sasakyan. Nagtaasan ang balahibo sa kanyang batok sa paraan ng pagtingin ng lalaki. NAPAMULAT NANG WALA sa oras si Ashley. Hindi niya namalayang nakatulog siya sa kanyang mesa. "Oras ng trabaho. Bakit ka natutulog?" Napaangat siya ng tingin sa lalaking nagsalita habang kinukusot ang mata. Agad siyang napatayo nang makita si Doc Cuevas, ang bagong doctor na sobrang gwapo.

    Last Updated : 2021-07-16
  • WHEN THE NIGHT FALLS   CHAPTER 7

    CHAPTER 7 "A-AAH! AH! AH! Masakit! Saglit lang Elijah! Dahan-dahan lang paki-usap!""Ashley! Huwag kang magulo! Hindi ko pa nasisimulan. Hindi ko pa nga naitutusok."Nakikita niyang galit na ito at halatang nauubusan ng pasensiya. Huminga siya ng malalim at saka pumikit. Muntik pa siyang mapatalon nang maramdaman ang hapdi sa ginawa ng lalaki.Hanggang sa tuluyan na nga nitong nabutasan ang kanyang tainga. Ngayon ay tatlo na ang hikaw niya.Ramdam niya ang pagpintig ng namumula niyang tainga. Marahan niya itong hinawakan pero namamaga na iyon at masakit magalaw."Ano? Sa kabila naman?" tanong ni Elijah na hinahanda ang pares ng hikaw sa piercing gun.Balak kasi nitong tadtarin ang tainga niya ng mga butas upang malagyan ng mga silver na alahas."Sa susunod na linggo, lagyan natin pati navel mo.""Kailangan ba talaga 'yan?" alanganing tanong niya."Oo. Kailangan. This will serve as your shield against those monsters. Silver will burn their skin if t

    Last Updated : 2021-07-19
  • WHEN THE NIGHT FALLS   CHAPTER 8

    CHAPTER 8 NAPA-ANGAT ANG ULO niya at lumantad sa harapan ang isang lalaking itim lahat ang kasuotan. Ito ba ang kinatatakutan nila?Tanging sila na lang ang nandoon. Dahan-dahan itong naglakad palapit sa kanya. Animoy parang hindi yumayapak sa lupa ang mga paang kay gaan maglakad.Nagtagpo ang kanilang mga mata.Hindi niya alam pero nanindig ang mga balahibo niya sa katawan, lalo na sa bandang batok.Matangkad ang lalaki at may matipunong katawan kahit pa nasa early twenties palang ito. Gayon pa man, mamula-mula ang mga bibig nitong napakaganda ng hugis, na umaangat dahit sa kaputlaan ng balat nitong parang wala nang dugo. Dinaig na din ata nito ang kaputian ng isang taong anemic. Patalim nang patalim ang pagtingin ng mga mata nitong litaw ang halos kulay gintong bilog dahil sa pangingitim ng gilid nito. Light brown din ang maalon at medyo magulong buhok nito. Para bang may lahi itong iba.Ang kabuuan nito'y sumisigaw ng panganib.Kung titignan, maayos

    Last Updated : 2021-07-23
  • WHEN THE NIGHT FALLS   CHAPTER 9

    CHAPTER 9 "DOCTOR LUKE CUEVAS?" bulong niya sa lakas na hindi maririnig ng sino man. Maski siya.Hindi siya pwedeng magkamali. Madilim man ang paligid ay nakikita pa din niya kung sino ito. Bagamat kakaiba ito sa normal na hitsura ay ito din ang doctor.Napakakinang ng magaganda nitong mga mata na litaw ang kulay na pula. Tumutulong mula sa kamay nito ang pulang likido na malamang ay dugo. Bahagyang tumataas ang mga balikat nito na para bang kaylalim ng paghinga.Isa itong bampira?Humakbang siya upang tiyakin ang kanyang hinuha ngunit agad itong tumalikod upang umalis. Ngunit bago pa man ito makalayo, pinatamaan na niya ang balikat nito ng silver na bala.She can hear him groaned in pain as he stopped to give her his sharpest stares that could kill. Saglit lang ito ngunit nagtuloy din sa pagtakbo. Dahil nga sa ibang nilalang ito, mas mabilis pa ang naging takbo ng lalaki sa bilis na hindi na niya kaya pang habulin.Sakto namang dumating ang tinawagan n

    Last Updated : 2021-07-26
  • WHEN THE NIGHT FALLS   CHAPTER 10

    CHAPTER 10 AGAD NA NAPABALIKWAS mula sa pagkakahimbing si Ashley. Unang tumambad sa kanyang harapan ang lalaking doctor na huli niyang nakita bago nawalan ng malay. Bagamat normal na ang hitsura nito'y napaatras pa din siya nang makita itong nakaupo sa tapat ng malambot na higaang kanyang kinahihigahan. Napalunok siya habang tinitignan ang mga magagandang mata nito. Hindi nagtagal, siya na ang unang umiwas palayo dito ng tingin. Inilibot niya ang mga mata sa paligid ng silid na ngayon lang niya nakita. "Nasaan ako?" She was in a beige and gold colored classic victorian room. Ang mga ilaw ay hindi puti kundi dilaw na talaga namang mukhang mamahalin kahit simple lamang. Malaki at malambot ang kama na nababalot ng makapal na matres. Sa ilalim niyon ay isang napakalaking rug na may kakaibang disenyo. Sa may bintana nakakabit ang mga mahahaba at mukhang mabibigat na kurtina. "You're in my house," sagot

    Last Updated : 2021-07-30
  • WHEN THE NIGHT FALLS   CHAPTER 11

    Chapter 11 ABOUT A CENTURY AGO...Somewhere in Europe. A night of festivity because once again, their kingdom has conquered another country.He was just a playful young prince. Kaya naman, puro lamang siya laro at pasyal sa malawak na hardin ng palasyo kahit pa mayroong pormal na salu-salo sa loob ng palasyo. Sa katunayan, ayaw naman talaga niya ang mga ganoong kasiyahan. Siguro'y hindi lamang siya handa para sa mga ganoon. Masyado pa siyang bata sa edad na fourteen.Nang gabing iyon, dagsaan ang iba't-ibang mga kilalang personalidad at mga pamilyang nanggaling sa mayayamang pamilya. Kadalasan pa nga ay may dugong bughaw ang mga ito na kagaya niya.Isa siya sa mga prinsipeng anak ni Haring Carlo. Inaasahan ang bawat isa sa kanila na gampanan ang kani-kanilang tungkulin habang bata pa lang. Ngunit sa kabila niyon, hindi maiiwasang maiba siya sa kanila.Bukod sa hindi siya kasundo ng kanyang mga kuya, ay wala pa siyang naging kaibig

    Last Updated : 2021-09-03

Latest chapter

  • WHEN THE NIGHT FALLS   CHAPTER 17

    CHAPTER 17 KANINA PA SIYA palakad lakad ng mansion, ngunit sa bawat liko niya ay magugulat nalang siya na nandoon si Luke na nakahawak ng libro. Animo'y sinasadya nito na talagang sundan siya. Kung sabagay, para mapaalalahanan siya na isa nga itong bampira. Naiinis na siya. Parang inaasar lang siya nito sa bawat galaw niya. Lalo na't alam niyang isa lang siyang hamak na tao. Pero hindi lang siya isang hamak na tao, kundi isang huntress. Aakyat na sana siya ng hagdan nang hindi si Luke ang nagpakita kundi ang pusa na lagging dumidikit sa kanya. Nagpasya siyang alagaan na ito. Binigyan naman na din niya ito ng pangalan. "Lumalalim na ang gabi. Gusto mo na din ba magpahinga?" tanong ni Ashley sa pusa. Ngunit isang meow lang ang sagot nito. "Getting tired already?" Luke broke the silence. "Isang araw palang 'yan," paalala nito. "And I have two more days. You're giving me three, remember?" "Well, suite yourself." "Mas Mabuti pang pusa nalang ang kausapin ko kaysa naman makipagban

  • WHEN THE NIGHT FALLS   CHAPTER 16

    CHAPTER 16 "KANINA KA PA?" utal ni Ashley nang tuluyang humarap kay Luke. "You wanna guess?" he asked. She was stunned. It's not like Luke was always this interested giving her a time like this. Laging mainit ang dugo nito sa tuwing nagkakasalubong sila. Mahigit isang oras palang nang mangyari ang hindi niya inaasahan. Pero ang mas hindi niya inaasahan ang pagpunta nito agad sa kanya. "I just got here," anito. Kanya namang ipinagpasalamat ito dahil tiyak na magpapalamon siya sa lupa kung narinig man nito ang mga sinabi niya kanina. Hindi din naman niya alam kung bakit nasabi niya ang mga iyon. Mukha tuloy siyang nag-aalala para dito. Bakit naman siya mag-aalala para dito? Muntik pa nga siya niyong patayin kani-kanina lang. Kung hindi lang sumingit si Grace. At hung hindi lang ito lumuha kanina, malamang kung ano na din ang pwedeng gawin dito. "I'm sorry about earlier

  • WHEN THE NIGHT FALLS   CHAPTER 15

    CHAPTER 15NAPATULALA NALANG SIYA sa mga mata ni Luke.Bakit ito nalungkot?Hindi niya tuloy maituloy ang paglaban dahil mas nangingibabaw ang kanyang kuryosidad para dito.He firmly closed his eyes trying to stop himself from doing anything.Lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanya at marahas itong umatras palikod."Hand me a bag, Grace," utos nito. Malakas ang pagkakakuyom ng palad nito.Dali-daling tumakbo paakyat ang doktora. Tinanggal na din nito ang sapin sa paa upang mas madali itong makatakbo.Humahangos na inihigis nito ang blood bag sa lalaki. Kahit hindi niya mahawakan, batid niyang dugo ang laman niyon. Hindi sa lalaki nagtungo ang babae kundi sa kanya.Hinawakan nito ang kanyang magkabilang pisngi at itinapat iyon sa kanyang mukha."Be still," aniya.Ilang sigundo silang ganoon. Magkatitig ang kanilang mga mata. Maski kasi siya ay nagulat sa mga ginawa ng dalaga.They can hear the slurping from his direction. H

  • WHEN THE NIGHT FALLS   CHAPTER 14

    CHAPTER 14A CENTURY AGO..."ISA SIYANG HALIMAW!"Dinig niyang sigaw ng inang reyna sa asawa nitong hari.Napasandal siya ang pintuan ng kanyang silid at saka lupaypay na naupo. Nanginginig niyang tinignan ang mga duguang kamay. Kahit hindi niya makita ang sarili sa salamin, alam na niyang duguan din ang kanyang bibig.Hindi niya lubos maisip, maski siya, na siya nga ang may gawa ng mga iyon.Tuwing gabi, isa-isang nawawala ang mga kababaihang dalaga sa kanilang nasasakupan. Kinaumagahan, matatagpuan na lang ang mga dalagang wala nang buhay at may marka ng kagat ng kung ano mang hayop sa mga katawan nito.Sa katunayan, mula nang mag-edad katorse siya ay pansin na niya ang kakaibang nangyayari sa kanya tuwing gabi. Magigising siyang uhaw na uhaw, maghahanap ng maiinom, pero pagkalabas niya ng silid ay wala na siyang maalala.Ilang taon na ganoon ang laging nangyayari sa kanya. At iisang tao lamang ang nakakaalam niyon. Iyon ay ang pinak

  • WHEN THE NIGHT FALLS   CHAPTER 13

    CHAPTER 13PINADAAN NI ASHLEY ang kanyang mga daliri sa kanang kamay sa mga librong maayos na nakasalansan sa mga cabinet.Sa sobrang pag-iisip kung paano ba siya makakatakas sa tetitoryo ni Luke, siya namang pagkapadpad niya sa isang malaking silid na punong-ouno ng libro. Sinabi ng lalaki na mag-enjoy siya habang buhay pa siya, kaya naman hindi na siya nagpapigil pa. Wala naman sigurong masama sa pag-explore ng mansion nito. Tutal hindi na din naman niya mahanap pa ang pusang itim.Kadalasang makikita dito'y mga makakapal at mukhang madaming taon na ang pinagdaanan. Hindi siya interesado sa mga libro pero alam niyang mahinap hanapin ang mga ganoong libro. Sa tingin nga niya'y pwede na itong ilagay sa mga museum.Nagbuklat siya ng isa. Halos sumuko pa ang mga braso niya dito. Para bang nagbuhat pa siya ng dumbbells dahil na din sa makapal na cover ng libro. Bawat pahina nito'y nangingitim na sa kalumaan. Pero nakakalula ang mga titik na naiprinta dito. Sa katu

  • WHEN THE NIGHT FALLS   CHAPTER 12

    CHAPTER 12"WHAT IS SHE doing here?"Parehas na napatingin si Ashley at Luke nang marinig nila ang boses ni Doc Grace.Ibinaba nito ang kahong dala at saka nakalukipkip na tinignan sila nang nakataas ang isang kilay. Tinitigan siya nito nang mabuti dahil na din sa kanyang kasuotan. Napadako tulog ang kanyang mata sa hawak niyang pusa."Akala ko ba mailap siya sa ibang tao?" tanong nito kay Luke, ngunit hindi pa din tinatanggal ang tingin sa hawak niyang pusa.Samantala, halata ngang ayaw no Raven sa doktora. Angilan ba naman niya ito."This reminds me of old days. Seeing you here feels like it's deja vu."May dinala na ba si Luke minsan sa bahay nito?"Well, gusto ako ni Raven," pagmamayabang niya."Raven?""Yup. Ako ang nagbigay sa kanya ng pangalan," tugon niya.Humarap ito kay Luke at namaywang."Really? What are you thinking? Letting her here?" tanong ni Grace."She knows," tipid na sagot ni Luke."So? Bakit

  • WHEN THE NIGHT FALLS   CHAPTER 11

    Chapter 11 ABOUT A CENTURY AGO...Somewhere in Europe. A night of festivity because once again, their kingdom has conquered another country.He was just a playful young prince. Kaya naman, puro lamang siya laro at pasyal sa malawak na hardin ng palasyo kahit pa mayroong pormal na salu-salo sa loob ng palasyo. Sa katunayan, ayaw naman talaga niya ang mga ganoong kasiyahan. Siguro'y hindi lamang siya handa para sa mga ganoon. Masyado pa siyang bata sa edad na fourteen.Nang gabing iyon, dagsaan ang iba't-ibang mga kilalang personalidad at mga pamilyang nanggaling sa mayayamang pamilya. Kadalasan pa nga ay may dugong bughaw ang mga ito na kagaya niya.Isa siya sa mga prinsipeng anak ni Haring Carlo. Inaasahan ang bawat isa sa kanila na gampanan ang kani-kanilang tungkulin habang bata pa lang. Ngunit sa kabila niyon, hindi maiiwasang maiba siya sa kanila.Bukod sa hindi siya kasundo ng kanyang mga kuya, ay wala pa siyang naging kaibig

  • WHEN THE NIGHT FALLS   CHAPTER 10

    CHAPTER 10 AGAD NA NAPABALIKWAS mula sa pagkakahimbing si Ashley. Unang tumambad sa kanyang harapan ang lalaking doctor na huli niyang nakita bago nawalan ng malay. Bagamat normal na ang hitsura nito'y napaatras pa din siya nang makita itong nakaupo sa tapat ng malambot na higaang kanyang kinahihigahan. Napalunok siya habang tinitignan ang mga magagandang mata nito. Hindi nagtagal, siya na ang unang umiwas palayo dito ng tingin. Inilibot niya ang mga mata sa paligid ng silid na ngayon lang niya nakita. "Nasaan ako?" She was in a beige and gold colored classic victorian room. Ang mga ilaw ay hindi puti kundi dilaw na talaga namang mukhang mamahalin kahit simple lamang. Malaki at malambot ang kama na nababalot ng makapal na matres. Sa ilalim niyon ay isang napakalaking rug na may kakaibang disenyo. Sa may bintana nakakabit ang mga mahahaba at mukhang mabibigat na kurtina. "You're in my house," sagot

  • WHEN THE NIGHT FALLS   CHAPTER 9

    CHAPTER 9 "DOCTOR LUKE CUEVAS?" bulong niya sa lakas na hindi maririnig ng sino man. Maski siya.Hindi siya pwedeng magkamali. Madilim man ang paligid ay nakikita pa din niya kung sino ito. Bagamat kakaiba ito sa normal na hitsura ay ito din ang doctor.Napakakinang ng magaganda nitong mga mata na litaw ang kulay na pula. Tumutulong mula sa kamay nito ang pulang likido na malamang ay dugo. Bahagyang tumataas ang mga balikat nito na para bang kaylalim ng paghinga.Isa itong bampira?Humakbang siya upang tiyakin ang kanyang hinuha ngunit agad itong tumalikod upang umalis. Ngunit bago pa man ito makalayo, pinatamaan na niya ang balikat nito ng silver na bala.She can hear him groaned in pain as he stopped to give her his sharpest stares that could kill. Saglit lang ito ngunit nagtuloy din sa pagtakbo. Dahil nga sa ibang nilalang ito, mas mabilis pa ang naging takbo ng lalaki sa bilis na hindi na niya kaya pang habulin.Sakto namang dumating ang tinawagan n

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status