MABILIS ANG NAGING paglakad ni Ashley papasok sa hospital building.
Ang Andreas Medical Hospital ang pinakauna at kaisa-isang pribadong hospital sa bayan ng San Andres. Mayroong limang palapag iyon at kahit pa sa pagdaan ng panahon, nanatili pa ding parang bago ang gusali. Maintained ang hitsura ng pagkakatayo nito dahil nagmula sa mayamang pamilya ang nagpatayo niyon.
Lumilikha ng tunog ang bawat yapak niya sa malamig na sahig. Pumipilantik ang kanyang balakang sa bawat paghakbang dahil na rin sa suot na matangkad na sapatos. Hindi din siya masyadong makahakbang ng malalaki dahil sa maiksing skirt na halos hapit na sa kanyang mga hita. Maayos ang kanyang buhok na nakababa. Napakalinis niyang tignan sa puting unipormeng pang-nurse. Nakasabit sa kanyang kanang balikat ang tote bag na naglalaman ng ilang mahahalang kagamitan na ginagamit niya sa pang-araw araw.
Sa kamamadali niya hindi na niya namalayang may nabangga. She looked up to see when the man hissed.
Nagmamadali siya, pero nang makita ang lalaking nabangga ay tila bumagal ang pagtakbo ng oras. Ang mga matang nito ang una niyang napansin. Matatalim itong nakatingin sa kanya pero pakiramdam niya ay inaakit siya sa paraan ng pagtitig nito. Matangos ang ilong nito. Tila napakalambot ng mga labi nito na para bang napakasarap damhin at halikan.
Napadako ang tingin niya sa gumalaw na adams apple nito. Pati ang kulay ng balat nito ay pantay sa puti ng mukha nito.
Hindi man niya maalala, pero parang nakita na niya ito noon. Isa ba itong artista? Model?
Sa kaiisip, hindi na din niya namalayang umalis na pala ito. Ni hindi na din niya napansin kung saan ba ito nagtungo.
"Ah! Late na pala ako," paalala niya sa sarili at agad na tinungo ang kinaroroonn ng elevator. Mabuti na lang at naabutan pa niyang nakabukas ito. Puyat pa kasi siya kagabi mula sa iba pang trabaho.
Napatigil siya saglit nang makita na naman ang lalaking nabangga sa loob ng elevator. Nang pasara na ang pintuan ay saka lamang siya naalarma. Agad siyang pumasok bago pa ito tuluyang mag-sara.
Pipindutin sana niya ang floor na pupuntahan nang makitang doon din pala ang punta ng lalaking kasama sa loob ng elevator. Sila lang kasi ang nandoon.
Hindi niya mapigilang lingunin ito. Sa sobrang gwapo ba naman nito talagang kahit sino, iikot ang mga ulo para dito. Matangkad at may magandang pangangatawan ito. Palagay niya, nasa mga late twenties palang ito. Taglay ng lalaki ang napakagandang alon ng kulay kapeng buhok na kadalasang nakikita sa mga dayuhan. Maputi ito at mukhang libag pa ang mahihiyang kumapit sa balat nito.
Nilabas niya ang phone upang manalamin sa screen nito. She checked if her appearance is okay. Isinabit niya ang buhok na tumatabing sa pisngi sa likod ng kanyang tainga. Bahagya niyang pinulot-pulot ang hibla ng manipis na bangs upang magpantay. Inilabas niya ang isang librong mukhang bago pa mula sa bag at pasimpleng binabasa iyon kunwari. Matagal na iyong nabili pero ni minsan, hindi pa niya binuklat.
"Ah!" Biglang natuon ang atensyon niua sa daliri nang dumugo iyon. Nasugat lang naman siya sa pahinang inililipat. Hindi niya kasi iyon tinitignan.
D*mn! Papercut!
Biglaang lumayo sa kanya ang lalaki at saka paulit-ulit na pinindot ang numero ng susunod na palapag. Para bang hindi na ito makapaghintay na makalabas.
"What a weird guy," puna niya nang tuluyan na nga itong makalabas.
Naglabas siya ng band-aid mula sa bag saka nilagyan iyon.
Ilang sigundo pa ay nakarating na din siya sa kanyang palapag. Dali-dali siyang nagtatakbo sa hallway. Mabuti na lang at sanay siya sa may kataasang sandals. Bawal sa kanila ang ganoong klaseng sapatos, at lagi siyang sinisita dahil doon. Pero lagi niyang iginigiit na iyon ang gagamitin niya dahil hindi iyon nakakaapekto sa kanyang trabaho. Sa katunayan, mabilis pa din siyang gumalaw kahit may emergency.
Kakausapin daw kasi sila para sa kaunting pagbabago sa kanilang department. Agad siyang nagtungo sa kanilang opisina at nadatnang nandoon na ang lahat, maliban sa kanya.
Lahat sila ay nagtinginan sa pintong kanyang pinasukan. Nag-grand entrance ba naman siya.
"Miss Arevalo, please have your seat," anang kanilang Vice Director. Halata sa mukha nito na masakit na naman ang ulo sa kanya.
Paano ba naman kasi, lagi siyang pasaway.
"Hi, good morning!" masiglang bati niya sa lahat saka naupo.
"As I was saying, biglaan ang pag-alis ni Doctor Samaniego, na siyang team leader ninyo. Hindi na siya nakapagpaalam para sa mga may shift ngayong araw. But he said his goodbyes last night. He just took off this morning to States." Bumaling ito sa katabing lalaki.
Napaayos siya nang upo nang makita kung sino ito. It was the weird guy earlier at the elevator who hurriedly went out. Dito din pala ang punta nito pero bumaba na agad mula sa elevator. At mukhang napakabilis din nitong nakarating. Naupa pa nga kaysa kanya na halos gawin na niyang track ang hallway makaabot lang sa oras.
He was sitting so calmly. Ni wala siyang makitang pagod mula dito kung ginamit man nito bilang ang hagdan. Pero impossibleng makarating ito agad ng mas mabilis pa sa elevator.
Her gaze met his. Nakakahipnotismo ang kanyang mga tingin. Kumikinang at napakatingkad ng kulay ng mga mata nitong parang ginto. His nose is stubbornly up and as sharp as his jawline. Ang mga bibig nito'y parang nalagyan ng liptint na usong-uso sa mga kabataan ngayon. Napakaganda nito lalaki sa kanyang paninhin ngunit hindi nakabawas sa karisma nito bilang lalaki. Sa katunayan, nakadagdag pa nga ito. Mukha itong isang prinsipe mula sa Europe nang mga panahong uso pa ang monarkiya ilang taon na ang nakakalipas.
Nilingon niya ang kapwa babaeng mga nurse. Panay kasi ang bulungan ng mga ito na may halong mahihinang tili. Marahan din siyang kinurot ng kaibigang si Kat, na kasama niya sa department, upang ipakita ang kilig. Napa-irap na lang siya upang itago ang nararamdamang tulad sa mga ito.
Muli niyang tinignan ang lalaki. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Para bang sobrang pamilyar nito.
"This is Doctor Luke Cuevas, as of today, will be the new head of your team," the Vice Director proclaimed.
"MISS AREVALO?"Napalingon siya nang muling tawagin ng Vice Director ang pangalan niya. Katatapos palang ng meeting at magsisimula na dapat siya sa trabaho."Pakisamahan naman si Doc Cuevas sa kaniyang office. He'll be using the office of Doc Samaniego. Besides, ikaw naman ang dating assistant, mas ikaw ang nakakaalam ng mga iniwang trabaho ni Doc," anito. "Remember, you're late. Again."Ngumiti siya saka naglakad. "This way, Doc," presenta niya sa daraanan.Nakapamulsa itong naglakad. Napatingin siya sa sapatos nito habang sila'y naglalakad. Napakatahimik nito at para bang hindi umaabot sa sahig ang mga apak.Siya na ang nagbukas ng pinto. "This will be your office, Doc." Ipinakita niya ang ilan sa mga mahahalagang dokumentong nandoon. Pati na rin ang ibang mga gamit."If you need anything, let me know. Huwag lang po gabi dahil wala akong shift kapag ganoong oras," aniya."Why?"Tipid ito magsalita at may matipun
CHAPTER 6 "HOY! MAY TAO!" malakas na sigaw ni Angel na nakasakay sa tabi ng driver. Malakas silang nagsigawan sa pagkakabigla. Bigla na lang kasi may lumitaw na lalaki sa gitna ng daan. Mabuti na lang at agad na naikot ng nagmamaneho ang manibela at naapakan ang break. "Hoy! Nagpapakamatay ka ba?!" galit na tanong ng nagmamaneho sa taong kanilang nalagpasan. Lumingon sa kanilang direksyon ang lalaki sa gitna ng daan at iniangat ang nakayukong ulo. Masama itong nakatingin sa kanilang sasakyan. Nagtaasan ang balahibo sa kanyang batok sa paraan ng pagtingin ng lalaki. NAPAMULAT NANG WALA sa oras si Ashley. Hindi niya namalayang nakatulog siya sa kanyang mesa. "Oras ng trabaho. Bakit ka natutulog?" Napaangat siya ng tingin sa lalaking nagsalita habang kinukusot ang mata. Agad siyang napatayo nang makita si Doc Cuevas, ang bagong doctor na sobrang gwapo.
CHAPTER 7 "A-AAH! AH! AH! Masakit! Saglit lang Elijah! Dahan-dahan lang paki-usap!""Ashley! Huwag kang magulo! Hindi ko pa nasisimulan. Hindi ko pa nga naitutusok."Nakikita niyang galit na ito at halatang nauubusan ng pasensiya. Huminga siya ng malalim at saka pumikit. Muntik pa siyang mapatalon nang maramdaman ang hapdi sa ginawa ng lalaki.Hanggang sa tuluyan na nga nitong nabutasan ang kanyang tainga. Ngayon ay tatlo na ang hikaw niya.Ramdam niya ang pagpintig ng namumula niyang tainga. Marahan niya itong hinawakan pero namamaga na iyon at masakit magalaw."Ano? Sa kabila naman?" tanong ni Elijah na hinahanda ang pares ng hikaw sa piercing gun.Balak kasi nitong tadtarin ang tainga niya ng mga butas upang malagyan ng mga silver na alahas."Sa susunod na linggo, lagyan natin pati navel mo.""Kailangan ba talaga 'yan?" alanganing tanong niya."Oo. Kailangan. This will serve as your shield against those monsters. Silver will burn their skin if t
CHAPTER 8 NAPA-ANGAT ANG ULO niya at lumantad sa harapan ang isang lalaking itim lahat ang kasuotan. Ito ba ang kinatatakutan nila?Tanging sila na lang ang nandoon. Dahan-dahan itong naglakad palapit sa kanya. Animoy parang hindi yumayapak sa lupa ang mga paang kay gaan maglakad.Nagtagpo ang kanilang mga mata.Hindi niya alam pero nanindig ang mga balahibo niya sa katawan, lalo na sa bandang batok.Matangkad ang lalaki at may matipunong katawan kahit pa nasa early twenties palang ito. Gayon pa man, mamula-mula ang mga bibig nitong napakaganda ng hugis, na umaangat dahit sa kaputlaan ng balat nitong parang wala nang dugo. Dinaig na din ata nito ang kaputian ng isang taong anemic. Patalim nang patalim ang pagtingin ng mga mata nitong litaw ang halos kulay gintong bilog dahil sa pangingitim ng gilid nito. Light brown din ang maalon at medyo magulong buhok nito. Para bang may lahi itong iba.Ang kabuuan nito'y sumisigaw ng panganib.Kung titignan, maayos
CHAPTER 9 "DOCTOR LUKE CUEVAS?" bulong niya sa lakas na hindi maririnig ng sino man. Maski siya.Hindi siya pwedeng magkamali. Madilim man ang paligid ay nakikita pa din niya kung sino ito. Bagamat kakaiba ito sa normal na hitsura ay ito din ang doctor.Napakakinang ng magaganda nitong mga mata na litaw ang kulay na pula. Tumutulong mula sa kamay nito ang pulang likido na malamang ay dugo. Bahagyang tumataas ang mga balikat nito na para bang kaylalim ng paghinga.Isa itong bampira?Humakbang siya upang tiyakin ang kanyang hinuha ngunit agad itong tumalikod upang umalis. Ngunit bago pa man ito makalayo, pinatamaan na niya ang balikat nito ng silver na bala.She can hear him groaned in pain as he stopped to give her his sharpest stares that could kill. Saglit lang ito ngunit nagtuloy din sa pagtakbo. Dahil nga sa ibang nilalang ito, mas mabilis pa ang naging takbo ng lalaki sa bilis na hindi na niya kaya pang habulin.Sakto namang dumating ang tinawagan n
CHAPTER 10 AGAD NA NAPABALIKWAS mula sa pagkakahimbing si Ashley. Unang tumambad sa kanyang harapan ang lalaking doctor na huli niyang nakita bago nawalan ng malay. Bagamat normal na ang hitsura nito'y napaatras pa din siya nang makita itong nakaupo sa tapat ng malambot na higaang kanyang kinahihigahan. Napalunok siya habang tinitignan ang mga magagandang mata nito. Hindi nagtagal, siya na ang unang umiwas palayo dito ng tingin. Inilibot niya ang mga mata sa paligid ng silid na ngayon lang niya nakita. "Nasaan ako?" She was in a beige and gold colored classic victorian room. Ang mga ilaw ay hindi puti kundi dilaw na talaga namang mukhang mamahalin kahit simple lamang. Malaki at malambot ang kama na nababalot ng makapal na matres. Sa ilalim niyon ay isang napakalaking rug na may kakaibang disenyo. Sa may bintana nakakabit ang mga mahahaba at mukhang mabibigat na kurtina. "You're in my house," sagot
Chapter 11 ABOUT A CENTURY AGO...Somewhere in Europe. A night of festivity because once again, their kingdom has conquered another country.He was just a playful young prince. Kaya naman, puro lamang siya laro at pasyal sa malawak na hardin ng palasyo kahit pa mayroong pormal na salu-salo sa loob ng palasyo. Sa katunayan, ayaw naman talaga niya ang mga ganoong kasiyahan. Siguro'y hindi lamang siya handa para sa mga ganoon. Masyado pa siyang bata sa edad na fourteen.Nang gabing iyon, dagsaan ang iba't-ibang mga kilalang personalidad at mga pamilyang nanggaling sa mayayamang pamilya. Kadalasan pa nga ay may dugong bughaw ang mga ito na kagaya niya.Isa siya sa mga prinsipeng anak ni Haring Carlo. Inaasahan ang bawat isa sa kanila na gampanan ang kani-kanilang tungkulin habang bata pa lang. Ngunit sa kabila niyon, hindi maiiwasang maiba siya sa kanila.Bukod sa hindi siya kasundo ng kanyang mga kuya, ay wala pa siyang naging kaibig
CHAPTER 12"WHAT IS SHE doing here?"Parehas na napatingin si Ashley at Luke nang marinig nila ang boses ni Doc Grace.Ibinaba nito ang kahong dala at saka nakalukipkip na tinignan sila nang nakataas ang isang kilay. Tinitigan siya nito nang mabuti dahil na din sa kanyang kasuotan. Napadako tulog ang kanyang mata sa hawak niyang pusa."Akala ko ba mailap siya sa ibang tao?" tanong nito kay Luke, ngunit hindi pa din tinatanggal ang tingin sa hawak niyang pusa.Samantala, halata ngang ayaw no Raven sa doktora. Angilan ba naman niya ito."This reminds me of old days. Seeing you here feels like it's deja vu."May dinala na ba si Luke minsan sa bahay nito?"Well, gusto ako ni Raven," pagmamayabang niya."Raven?""Yup. Ako ang nagbigay sa kanya ng pangalan," tugon niya.Humarap ito kay Luke at namaywang."Really? What are you thinking? Letting her here?" tanong ni Grace."She knows," tipid na sagot ni Luke."So? Bakit
CHAPTER 17 KANINA PA SIYA palakad lakad ng mansion, ngunit sa bawat liko niya ay magugulat nalang siya na nandoon si Luke na nakahawak ng libro. Animo'y sinasadya nito na talagang sundan siya. Kung sabagay, para mapaalalahanan siya na isa nga itong bampira. Naiinis na siya. Parang inaasar lang siya nito sa bawat galaw niya. Lalo na't alam niyang isa lang siyang hamak na tao. Pero hindi lang siya isang hamak na tao, kundi isang huntress. Aakyat na sana siya ng hagdan nang hindi si Luke ang nagpakita kundi ang pusa na lagging dumidikit sa kanya. Nagpasya siyang alagaan na ito. Binigyan naman na din niya ito ng pangalan. "Lumalalim na ang gabi. Gusto mo na din ba magpahinga?" tanong ni Ashley sa pusa. Ngunit isang meow lang ang sagot nito. "Getting tired already?" Luke broke the silence. "Isang araw palang 'yan," paalala nito. "And I have two more days. You're giving me three, remember?" "Well, suite yourself." "Mas Mabuti pang pusa nalang ang kausapin ko kaysa naman makipagban
CHAPTER 16 "KANINA KA PA?" utal ni Ashley nang tuluyang humarap kay Luke. "You wanna guess?" he asked. She was stunned. It's not like Luke was always this interested giving her a time like this. Laging mainit ang dugo nito sa tuwing nagkakasalubong sila. Mahigit isang oras palang nang mangyari ang hindi niya inaasahan. Pero ang mas hindi niya inaasahan ang pagpunta nito agad sa kanya. "I just got here," anito. Kanya namang ipinagpasalamat ito dahil tiyak na magpapalamon siya sa lupa kung narinig man nito ang mga sinabi niya kanina. Hindi din naman niya alam kung bakit nasabi niya ang mga iyon. Mukha tuloy siyang nag-aalala para dito. Bakit naman siya mag-aalala para dito? Muntik pa nga siya niyong patayin kani-kanina lang. Kung hindi lang sumingit si Grace. At hung hindi lang ito lumuha kanina, malamang kung ano na din ang pwedeng gawin dito. "I'm sorry about earlier
CHAPTER 15NAPATULALA NALANG SIYA sa mga mata ni Luke.Bakit ito nalungkot?Hindi niya tuloy maituloy ang paglaban dahil mas nangingibabaw ang kanyang kuryosidad para dito.He firmly closed his eyes trying to stop himself from doing anything.Lumuwag ang pagkakahawak nito sa kanya at marahas itong umatras palikod."Hand me a bag, Grace," utos nito. Malakas ang pagkakakuyom ng palad nito.Dali-daling tumakbo paakyat ang doktora. Tinanggal na din nito ang sapin sa paa upang mas madali itong makatakbo.Humahangos na inihigis nito ang blood bag sa lalaki. Kahit hindi niya mahawakan, batid niyang dugo ang laman niyon. Hindi sa lalaki nagtungo ang babae kundi sa kanya.Hinawakan nito ang kanyang magkabilang pisngi at itinapat iyon sa kanyang mukha."Be still," aniya.Ilang sigundo silang ganoon. Magkatitig ang kanilang mga mata. Maski kasi siya ay nagulat sa mga ginawa ng dalaga.They can hear the slurping from his direction. H
CHAPTER 14A CENTURY AGO..."ISA SIYANG HALIMAW!"Dinig niyang sigaw ng inang reyna sa asawa nitong hari.Napasandal siya ang pintuan ng kanyang silid at saka lupaypay na naupo. Nanginginig niyang tinignan ang mga duguang kamay. Kahit hindi niya makita ang sarili sa salamin, alam na niyang duguan din ang kanyang bibig.Hindi niya lubos maisip, maski siya, na siya nga ang may gawa ng mga iyon.Tuwing gabi, isa-isang nawawala ang mga kababaihang dalaga sa kanilang nasasakupan. Kinaumagahan, matatagpuan na lang ang mga dalagang wala nang buhay at may marka ng kagat ng kung ano mang hayop sa mga katawan nito.Sa katunayan, mula nang mag-edad katorse siya ay pansin na niya ang kakaibang nangyayari sa kanya tuwing gabi. Magigising siyang uhaw na uhaw, maghahanap ng maiinom, pero pagkalabas niya ng silid ay wala na siyang maalala.Ilang taon na ganoon ang laging nangyayari sa kanya. At iisang tao lamang ang nakakaalam niyon. Iyon ay ang pinak
CHAPTER 13PINADAAN NI ASHLEY ang kanyang mga daliri sa kanang kamay sa mga librong maayos na nakasalansan sa mga cabinet.Sa sobrang pag-iisip kung paano ba siya makakatakas sa tetitoryo ni Luke, siya namang pagkapadpad niya sa isang malaking silid na punong-ouno ng libro. Sinabi ng lalaki na mag-enjoy siya habang buhay pa siya, kaya naman hindi na siya nagpapigil pa. Wala naman sigurong masama sa pag-explore ng mansion nito. Tutal hindi na din naman niya mahanap pa ang pusang itim.Kadalasang makikita dito'y mga makakapal at mukhang madaming taon na ang pinagdaanan. Hindi siya interesado sa mga libro pero alam niyang mahinap hanapin ang mga ganoong libro. Sa tingin nga niya'y pwede na itong ilagay sa mga museum.Nagbuklat siya ng isa. Halos sumuko pa ang mga braso niya dito. Para bang nagbuhat pa siya ng dumbbells dahil na din sa makapal na cover ng libro. Bawat pahina nito'y nangingitim na sa kalumaan. Pero nakakalula ang mga titik na naiprinta dito. Sa katu