CHAPTER 14A CENTURY AGO..."ISA SIYANG HALIMAW!"Dinig niyang sigaw ng inang reyna sa asawa nitong hari.Napasandal siya ang pintuan ng kanyang silid at saka lupaypay na naupo. Nanginginig niyang tinignan ang mga duguang kamay. Kahit hindi niya makita ang sarili sa salamin, alam na niyang duguan din ang kanyang bibig.Hindi niya lubos maisip, maski siya, na siya nga ang may gawa ng mga iyon.Tuwing gabi, isa-isang nawawala ang mga kababaihang dalaga sa kanilang nasasakupan. Kinaumagahan, matatagpuan na lang ang mga dalagang wala nang buhay at may marka ng kagat ng kung ano mang hayop sa mga katawan nito.Sa katunayan, mula nang mag-edad katorse siya ay pansin na niya ang kakaibang nangyayari sa kanya tuwing gabi. Magigising siyang uhaw na uhaw, maghahanap ng maiinom, pero pagkalabas niya ng silid ay wala na siyang maalala.Ilang taon na ganoon ang laging nangyayari sa kanya. At iisang tao lamang ang nakakaalam niyon. Iyon ay ang pinak
Read more