Mula sa pananampalataya, kumukuha tayo ng lakas, at sa ating pananampalataya, sila ay nabubuhay.Totoo ang mga Diyos na ating sinasamba at pinaniniwalaan. Ang salitang Diyos ay titulo na ibinibigay sa mga makakapangyarihan at maraming taga-sunod. Gaya na lamang ng mga Diyos sa iba't ibang dako ng mundo, ang ating bansa ay mayroon ding Katutubong Diyos. Hindi nga lamang natin sila gaanong kilala dahil hindi nila nais magpakita sa atin. Subalit, lumipas man ang panahon, nandiyan pa rin sila at tumutulong sa atin.Ang mga nasabing Katutubong Diyos ay naninirahan sa lugar na kung tawagin ay “Kawalhatian”, at mula rito ay patuloy silang gumagabay sa kanilang nasasakupan at taga-paniwala. Maging ang mga Diyos ay may sinusunod na mga alituntunin, at dahil sa Kasunduan ng mga Diyos ay nanatili sila sa Kawalhatian.Isa na nga sa mga Katutubong Diyos na nananahan sa Kawalhatian ay si Bathala. Si Bathala, kilala rin bilang Abba at Bathalang Maykapal, ay ang pinakamataas sa lahat ng Katutubong Diy
Last Updated : 2021-06-21 Read more