"Ate, saan ba tayo pupunta, lagpas na tayo sa Palengke, ah." Nagkakamot sa ulo na tanong sa 'kin ni Negneg. Hindi ko siya binitawan at patuloy pa ring naglakad. "Sorry Neg, pero nagsinungaling ako. Hindi sa palengke ang punta natin, may kailangan akong puntahan ngayon," Sambit ko. "Pero saan naman po? Ba't 'di mo sinabi kanina, papayag naman po ako, eh." Aniya. Napabuntong-hinnga ako. "Basta Neg, sumama ka nalang, ha? Malapit lang naman 'yon," Napatigil ako sa paglalakad nang matanaw ang mataas na gusali ng Halemann. Bumilis ang pagtibok ng puso ko, sobra kong na-miss ang lugar na 'to. "Wow, 'di ba ate, rito nag-aaral si kuya Reigan? Dito ka rin ba? Ang ganda naman dito. Gusto ko rin mag-aral dito ate, kaso..." Nalungkot ang mukha ni Negneg. Hindi pa kasi siya nakakapag-aral. Hirap na hirap noon sina nanay at t
Last Updated : 2021-07-11 Read more