"Kamusta naman yung gabi n'yo ni kuya, ate Isabelle?" Bigla akong nabilaukan sa pagsubo ng kanin na may adobo dahil sa itinanong ni Negneg. Napatigil din si nanay pati ang dalawang bata at mukhang nailang sa sinabi niya.
"Ah-ano, a-ayos lang naman." Naisagot ko nalang upang maalis ang awkward na atmosphere. Napahinga naman nang malalim si nanay.
"Ikaw talaga, Negneg. Kumain ka na nga lang, h'wag mong tanungin ng kung ano-ano ang ate Isabelle mo." Suway ni nanay sa kaniya. Ilang siyang ngumiti at nag-sorry sa 'kin saka nagpatuloy na sa pagkain.
"Oo nga pala, ate. 'Di ba po buntis ka, kamusta naman po pagbubuntis mo?" Tanong ni Monay, 'yung babaeng 16 years old at ang pinakapanganay sa kanila. Ang astig nga ng pangalan nila, 'yung pinakabata naman ay si Mamon. MNM ang combination nilang tatlo, ayos.
"O-Okay lang din naman," Sagot ko. Ngumiti
Basag ang screen nito, madilim siya at may parang guhit-guhit na, alam mo 'yung naibatong phone o 'di kaya ay nahulog sa napakataas na building? 'Yung halos bibigay na 'yung LCD? Gano'n. Parang gusto ko tuloy ipukpok kay Reigan 'to. Charot, harsh.Pinindot ko ang menu nito ngunit hindi na gumalaw. Inulit ko itong pindutin ngunit wala talaga, pero hindi naman siya naghahang dahil from 7:03 ay naging 7:04 na ang oras nito, ibig sabihin ay normal pa ring gumana.Paniguradong sa screen ang problema nito kaya hindi ko ma-touch.'Basta kapag nagpupulok-pulok ulit o hindi mapindot, ipukpok mo lang nang kaunti tapos ayos na.'Ay oo nga pala, need lang palang ipukpok. Ibinaba ko ito at pinukpok sa papag, nang iangat ko namam ay biglang napunta na sa menu gaya ng dapat kong gagawin."Astig, ah." Naisambit ko. Nang muli k
"Hello," Bati ni Romeo sa 'kin at naupo sa tabi ko. Dumungaw siya sa hawak kong phone upang makiusyoso. Dahil mabilis ang pangyayari ay pinabayaan ko nalang siya since videos lang naman ang pinapanood ko."Gabi na ah, ba't nasa labas ka pa?" Tanong niya. Pinatay ko naman ang cellphone at ibinulsa ito."Ah, pinapanood ko lang si Reigan." Sagot ko. Totoo naman, atsaka dinadamayan ko lang siya sa hirap ng pagpupuyat. Nang mapalingon ako ay napatigil siya sa paghahalo ng semento ngunit nagpatuloy rin."Ahh... Sana all, ang sweet mo naman." Natatawang puri ni Romeo. Matipid lang akong ngumiti, ano namang sweet do'n?"Sa tingin ko dapat ka nang matulog, alas tres pa ang tapos ng trabaho nila. Hindi naman siguro mamasamain ng asawa mo 'yon 'di ba?" Dugtong niya pa. Napakamot ako ng batok. May punto siya at medyo inaantok na nga rin ako.
"Yieee, mahilig si kuya sa lomi, ate Isabelle. Minsan nga ay nagre-rekwes siya kay nanay, kaso hindi nagagawa ni nanay dahil sobrang abala siya sa Canteen." Sagot ni Negneg. Lomi? Sinearch ko agad sa google ang ingredients at kung paano lutuin ang Lomi.Napangiti ako nang makita ang recipe ng lulutuin ko. Madali lang pala. So, Lomi, here I go!Mga 15 minutes pa kaming naglakad at nakarating na kami sa Dry Market. As usual ay ma-tao kahit hapon na. Medyo may kainitan nga rin, eh. Pero wala muna akong pake sa skin care ko.Dahil alam ni Negneg ang lulutuin ko ay ginuide niya ako sa bilihan ng mga ingredients, dinala niya ako sa Wet Market.This is my first time to go here in this place. Medyo nakaka-amaze dahil bago ang mga ito sa paningin ko.Malaki itong place na napupuno ng stalls na nagtitinda ng mga iba't-ib
Tahimik kong tinititigan si Reigan na sobrang busy sa ginagawa. Pag-uwi na pag-uwi niya ay hindi siya magkandaugagang dumiretso sa study table niya at naglabas ng mga papel at kung ano-ano pang mga school supplies niya. Naging makalat tuloy muli ang mesa niya na inayos ko lang kanina.At hindi niya rin ako nagawang batiin. Ano kayang meron? Ipapatikim ko pa naman sana sa kaniya "yung niluto namin ni Negneg dahil para naman talaga sa kaniya 'yon. Pero dahil mukha siyang tense na tense na ewan, hahantayin ko nalang siguro siya na matapos.Halos mag-iisang oras na. Napapahikab na nga 'ko sa boredom. Maga-alas nuebe na pala. Hanggang ngayon ay busy pa rin siya, pawis na pawis na nga siya, eh.Iniharap ko naman sa kaniya ang electric fan, ano ba kasing meron?"H-Hoy, hindi ka pa ba tapos diyan?" Pagtatanong ko. Hindi manlang niya nagawang tumig
"Rayray, hindi mo manlang ba 'ko papapasukin?" Maarteng tanong ni Sabrina. Hindi nakatakas sa paningin ko ang patago niyang pag-irap sa 'kin.Aba-inaano ko ang babaeng 'to? Ma-attitude rin siya gaya ng mga bibe. Akala niya ba ay uurungan ko siya kung malditahan niya ako?"Ah, sige tara." Pag-aya sa kaniya ni Reigan. Gumilid naman ako para makapasok silang dalawa. Naunang pumasok si Sabrina, bahagya akong nagulat nang kabigin niya pa ang balikat ko na agad napansin ni Reigan."Sabrina-mag-ingat ka sa paglalakad, pwede?" Suway niya kay Sabrina at hinawakan ako. Nanlaki naman ang mata ni Sabrina at umarteng inosente. Yay.Hanggang dito ay may mga kamag-anak sina Alicia and the company."H-Hindi ko s-sinasadya, Isabolle. Medyo m-masikip kasi 'yung daan, eh." Aniya at ang tono niya ay parang siya pa ang biktima.
"French ka?" Tanong niya sa 'kin. Hindi ko inalis ang ngiti ko."Half, pero hindi ako pinanganak at lumaki ro'n. I can't even speak french properly," Pa-reklamo kong sagot. Hindi naman nga kasi kami close ng parents ko kaya hindi rin nila 'ko naturuang mag-french at hindi rin ako sumasama sa kanila sa ibang bansa dahil malayo ang loob ko sa kanila.Napatango naman si Reigan at bumaba ang tingin sa hawak kong tuta."Oo nga pala, ibili mo 'ko ng milk bottle, 'yung pinakamaliit. Magkano ba 'yong gano'n?" Tanong ko sa kaniya. Sandali naman siyang napaisip."Hindi ko alam, pero wala naman ata sa singkwenta. Ahm, isasabay ko nalang mamaya kapag inutusan na 'ko ni nanay, okay lang ba? Full-time rin kasi trabaho ko ngayon," Sambit niya. Napatango ako agad."Sige lang, mukhang hindi pa naman siya gutom." Ngumiti siya at
Sabi niya pa ay naging best day niya na ang linggo. Isang beses din ay nadala niya 'ko sa simbahan, ang akala ko nga ay masusunog ako kapag umapak ako ro'n.Pero joke lang, noong pumunta ako roon ay sobrang kabado ako. Pero pinakalma ako ni Reigan at sinabi niyang humingi lang daw ako ng tawad sa lahat ng mga kasalanang nagawa ko at patatawarin ako agad Ng Diyos dahil gano'n Siya kabuti.Isa sa pinakamasayang araw sa buhay ko ang araw na 'yon, at sobrang gaan sa loob. Kaya lang ay hindi pa muling naulit 'yon dahil sa ayoko nang abalahin pa si Reigan tuwing linggo dahil alam ko namang pahinga day niya nalang 'yon at hindi naman ako p'wedeng magpunta mag-isa dahil medyo may kalayuan.Atsaka hindi rin ako makalabas nang mag-isa dahil nga medyo maselan na 'ko. Sabi ng doktor ay kailangan ko raw magdoble-ingat, kaya halos ayaw ako pagalawin ni Reigan sa bahay dahil sa takot siyang may
"Ate, saan ba tayo pupunta, lagpas na tayo sa Palengke, ah." Nagkakamot sa ulo na tanong sa 'kin ni Negneg. Hindi ko siya binitawan at patuloy pa ring naglakad."Sorry Neg, pero nagsinungaling ako. Hindi sa palengke ang punta natin, may kailangan akong puntahan ngayon," Sambit ko."Pero saan naman po? Ba't 'di mo sinabi kanina, papayag naman po ako, eh." Aniya. Napabuntong-hinnga ako."Basta Neg, sumama ka nalang, ha? Malapit lang naman 'yon," Napatigil ako sa paglalakad nang matanaw ang mataas na gusali ng Halemann. Bumilis ang pagtibok ng puso ko, sobra kong na-miss ang lugar na 'to."Wow, 'di ba ate, rito nag-aaral si kuya Reigan? Dito ka rin ba? Ang ganda naman dito. Gusto ko rin mag-aral dito ate, kaso..." Nalungkot ang mukha ni Negneg. Hindi pa kasi siya nakakapag-aral.Hirap na hirap noon sina nanay at t
Masayang mabuhay. Lalo na kapag kasama mo na ang mga taong mahal mo at mahalagang-mahalaga para sa 'yo. Masayang mabuhay, kapag nalampasan mo na ang lahat ng mga pagsubok na dapat mong malampasan upang makamit lang ang tagumpay at totoong kasiyahan na dapat mong matamasa. At masayang mabuhay, kapag sa kabila ng lahat ng paghihirap na narasanan mo, ninyo ng taong mahal mo na halos naging dahilan na ng paghihiwalay ninyong dalawa at pagsuko, ay... Nagawa n'yong matagumpay na malagpasan kasi... Sobrang worth it ng magiging pagtatapos ninyong dalawa. Anim na taon na ang nakararaan matapos kong maipanganak ang ikalawa naming anak na si Rage. Matapos maging tatlo ni Rage ay siya naman naming nasundan ang dalawa naming anak ni Reigan ng ikatlo at ikaapat pa na si Radleigh at Raven. Ang aming tahanan na
"Dad, I saw my mom, s-she's my new teacher," Bungad ni Issel sa 'min ni Sabrina pagkarating namin sa school, I actually refused our today's lunch with her because I'm quite busy. Pero hinding hindi ko ata kayang ipagpalit sa trabaho ko ang bagay na 'to."Yes, I know." Sagot ko at inilapag ang tray ng pagkain namin."Really? Dad, I already have a plan!" Matipid akong ngumiti."Me too,""Hoy teka-paano ako? Extra lang?" Sabat ni Sabrina."Of course you have a role," Sabay naming sambit ni Issel sa kaniya.--"Daddy, wake up!" Naalimpungatan ako sa marahas na pagyugyog ni Issel sa 'kin. Napahilamos ako sa mukha ko at marahang napabangon. Ang sakit ng ulo ko, may hangover pa kasi ako, pagkatapos ay biglaan niya naman akong ginising.
Sinisisi ko ang sarili ko. Kasalanan ko kung bakit kami naghihirap ngayon. Kasalanan ko kung bakit naghihirap sila ng anak ko ngayon.Premature si baby. Masakit para sa 'kin na makita ang lungkot sa mga mata niya, pero napakaswerte ko dahil hindi nag-iba ang pakikitungo niya sa 'kin.--Masasabi kong kahit papaano ay swerte ako, salamat sa mga kaibigan kong tinulungan ako para sa pambayad namin sa hospital, pero hindi pa tapos ang problema namin dahil kulang pa 'yon.Ayoko namang i-asa sa iba ang lahat dahil hindi ako lumaking gano'n. Doble kayod ako ngayon, halos hindi na kami nagkakausap kahit na sa iisang bahay lang kami.Pero alam ko namang naiintindihan niya, kung ano-anong klase na ng trabaho ang pinapasukan ko, kumita lang.Halos kunin ko na ang gawain ng mga katrabaho
REIGAN ALDRIUS ECHAVARRI 10 YEARS AGO. . . Napakaingay at ang lahat ng tao ay nagsasayawan at nag-iinuman. Ito ang unang beses kong pag-apak sa lugar na 'to. Ngayon lang kasi talaga ako napilit ng mga kaibigan ko, pumayag na rin ako tutal naman ay sinabi ni tatay na magsaya naman ako kahit pa-minsan-minsan at hindi puro trabaho, siya pa nga ang naghanap ng mahihiraman ko nitong asul na suit na suot ko. Ang ganda pala talaga sa lugar na 'to, sobrang ingay, at ang lahat ay nagkakasiyahan. Parang party lang tuwing may okasyon sa 'min, ang kaibahan lang ay mayayamang tao ang narito, at mas agresibo sila kung gumalaw. "Ah!" Nagulat ako nang may masubsob sa 'king babae. Agad ko siyang inalalayan upang hindi kami tuluyang matumba at baka ma-stampede pa sa mga nagkakagulong tao. &n
KINAUMAGAHAN, nagising ako na parang hinahalukay ang sikmura ko at gusto kong magsuka. Agad akong napatakbo sa CR at tuluyan na ngang nagsuka roon, nang matapos ay nakaramdam pa 'ko ng kaunting pagkahilo.Nang bahagya nang kumalma ay binuksan ko ang gripo at nagsimulang maghilamos. Nang mapatingin sa salamin ay may kung ano namang pumasok sa utak ko.Pagkatapos kong maghilamos ay humarap ako sa kalendaryo na nasa kwarto ko at tinignan ang petsa roon.Sandali akong natulala nang makita ang petsa roon. Dapat ay menstruation ko na noong nakaraang araw.P-Pero wala pa rin at hindi ko na 'yon napansin dahil sa sobrang pagka-busy..."Kumain ka po muna, mommy." Inihanda ko sa bedside table ang mga pagkain para kay mommy. Pinanood niya naman ako habang nakangiti.Habang tinatang
"Mommy! Ano bang nangyari sa 'yo?" Hindi ko na mapigilan ang paghagulhol ko nang sa wakas ay makapasok na sa private room ni mommy.Kakagaling ko lang sa airport at wala pa 'kong tulog ngunit dito na 'ko agad sa hospital dumiretso, masiguro lang na safe na talaga si mommy.Habang nasa flight ako ay patuloy akong ina-update ni tita Seline tungkol sa kalagayan ni mommy, sobra akong nagpapasalamat at sinabi niyang naka-survive si mommy sa Sudden Cardiac Arrest na natamo niya."Isabelle, s-sorry anak." Nanghihina niyang ani. Malalim akong napahinga at niyakap siya."Kamusta po ang pakiramdam mo? May masakit ba sa 'yo, 'my? Ano? Sabihin mo lang po, please..." Alala ko pang sambit. Pilit siyang ngumiti at hinaplos ang buhok ko."Maayos na 'ko, anak. H'wag ka nang masiyadong mag-alala pa..." Napabuntong-hininga
Ilang oras pa rin ang naging biyahe namin, habang papalapit na kami sa bahay namin ay may natatanaw akong bulto ng tao na nakatayo sa gilid no'n.Bahagyang umawang ang bibig ko nang makita kung sino 'yon.Si Sabrina, at dala niya ang anak n-nila ni Reigan, 'yung baby niyang si Rage.Nang tumigil na ang sasakyan namin ay lumapit ito, excited namang lumabas si Issel at sinugod ng yakap ang mag-ina. May bahagi sa puso ko ang nagulat at nakaramdam ng kakaibang kirot.Ang sakit lang na makita si Issel na gano'n sa ibang nanay. Parang... Parang si Sabrina pa ang tunay niyang ina kaysa sa 'kin.Mabilis ding nagbago ang mood ni Reigan at nakipagbeso rin sa kaniya. Bago pa 'ko tuluyang maiyak ay yumuko na 'ko at lumabas ng sasakyan. Pagtingala ko ay nagkasalubong ang tingin naming dalawa ni Sabrina.
Nanatiling tikom ang bibig niya nang sabihin ko 'yon. Malakas ang pagkabog ng dibdib ko at hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang gustong sabihin ng puso ko. Pero kailangan ko nang ilabas ito ngayon, habang may pagkakataon pa."Reigan... Alam mo namang hindi maganda ang reputasyon ko noon, 'di ba?" Sambit ko at nilingon siya. Nanatiling tutok ang mata niya sa magandang tanawin, wala rin akong mabasang kahit na anong emosyon sa mukha niya.Malalim lang akong huminga. Kinakabahan ako sa mga oras na 'to at nagsisimula na ring maghalo-halo ang mga emosyon ko."Masama ang reputasyon ko, sa lahat ng tao. Kahit sa sarili kong pamilya. W-Wala akong ginawang mabuti noon, lagi ko silang dini-disappoint, lagi ko silang ginagalit... Na humatong na rin sa pagtakwil nila sa 'kin," Dugtong ko pa at suminghap.Nagsimula nang mamuo ang luha sa mga mata
Narito palang kami sa Parking Lot ng beach pero tanaw na tanaw na namin ang magagandang view.Maraming turista sa mismong sea shore, may mga bonfire, at mayroon pang naglalaro ng apoy sa hawak nilang mga stick.Nagliliwanag ang lugar dahil sa mga ilaw na nasa bubong ng mga mini cottages.Ang ganda rin ng dagat, at nagkikinangan ang mga bituin sa kalangitan. Ang ganda sobra ng lugar na 'to."Akala ko ba... date lang?" Natatawa kong tanong at tumingin kay Reigan."This place is so beautiful," Komento ni Issel, napansin ko pang naglabas siya ng cellphone at nag-selfie."Maybe a two days date?" Napaawang naman ang bibig ko sa isinagot ni Reigan.Oh em gee, two days kami rito? Omooo, paano itago ang kilig?!?!"Co