"Rayray, hindi mo manlang ba 'ko papapasukin?" Maarteng tanong ni Sabrina. Hindi nakatakas sa paningin ko ang patago niyang pag-irap sa 'kin.
Aba-inaano ko ang babaeng 'to? Ma-attitude rin siya gaya ng mga bibe. Akala niya ba ay uurungan ko siya kung malditahan niya ako?
"Ah, sige tara." Pag-aya sa kaniya ni Reigan. Gumilid naman ako para makapasok silang dalawa. Naunang pumasok si Sabrina, bahagya akong nagulat nang kabigin niya pa ang balikat ko na agad napansin ni Reigan.
"Sabrina-mag-ingat ka sa paglalakad, pwede?" Suway niya kay Sabrina at hinawakan ako. Nanlaki naman ang mata ni Sabrina at umarteng inosente. Yay.
Hanggang dito ay may mga kamag-anak sina Alicia and the company.
"H-Hindi ko s-sinasadya, Isabolle. Medyo m-masikip kasi 'yung daan, eh." Aniya at ang tono niya ay parang siya pa ang biktima.
"French ka?" Tanong niya sa 'kin. Hindi ko inalis ang ngiti ko."Half, pero hindi ako pinanganak at lumaki ro'n. I can't even speak french properly," Pa-reklamo kong sagot. Hindi naman nga kasi kami close ng parents ko kaya hindi rin nila 'ko naturuang mag-french at hindi rin ako sumasama sa kanila sa ibang bansa dahil malayo ang loob ko sa kanila.Napatango naman si Reigan at bumaba ang tingin sa hawak kong tuta."Oo nga pala, ibili mo 'ko ng milk bottle, 'yung pinakamaliit. Magkano ba 'yong gano'n?" Tanong ko sa kaniya. Sandali naman siyang napaisip."Hindi ko alam, pero wala naman ata sa singkwenta. Ahm, isasabay ko nalang mamaya kapag inutusan na 'ko ni nanay, okay lang ba? Full-time rin kasi trabaho ko ngayon," Sambit niya. Napatango ako agad."Sige lang, mukhang hindi pa naman siya gutom." Ngumiti siya at
Sabi niya pa ay naging best day niya na ang linggo. Isang beses din ay nadala niya 'ko sa simbahan, ang akala ko nga ay masusunog ako kapag umapak ako ro'n.Pero joke lang, noong pumunta ako roon ay sobrang kabado ako. Pero pinakalma ako ni Reigan at sinabi niyang humingi lang daw ako ng tawad sa lahat ng mga kasalanang nagawa ko at patatawarin ako agad Ng Diyos dahil gano'n Siya kabuti.Isa sa pinakamasayang araw sa buhay ko ang araw na 'yon, at sobrang gaan sa loob. Kaya lang ay hindi pa muling naulit 'yon dahil sa ayoko nang abalahin pa si Reigan tuwing linggo dahil alam ko namang pahinga day niya nalang 'yon at hindi naman ako p'wedeng magpunta mag-isa dahil medyo may kalayuan.Atsaka hindi rin ako makalabas nang mag-isa dahil nga medyo maselan na 'ko. Sabi ng doktor ay kailangan ko raw magdoble-ingat, kaya halos ayaw ako pagalawin ni Reigan sa bahay dahil sa takot siyang may
"Ate, saan ba tayo pupunta, lagpas na tayo sa Palengke, ah." Nagkakamot sa ulo na tanong sa 'kin ni Negneg. Hindi ko siya binitawan at patuloy pa ring naglakad."Sorry Neg, pero nagsinungaling ako. Hindi sa palengke ang punta natin, may kailangan akong puntahan ngayon," Sambit ko."Pero saan naman po? Ba't 'di mo sinabi kanina, papayag naman po ako, eh." Aniya. Napabuntong-hinnga ako."Basta Neg, sumama ka nalang, ha? Malapit lang naman 'yon," Napatigil ako sa paglalakad nang matanaw ang mataas na gusali ng Halemann. Bumilis ang pagtibok ng puso ko, sobra kong na-miss ang lugar na 'to."Wow, 'di ba ate, rito nag-aaral si kuya Reigan? Dito ka rin ba? Ang ganda naman dito. Gusto ko rin mag-aral dito ate, kaso..." Nalungkot ang mukha ni Negneg. Hindi pa kasi siya nakakapag-aral.Hirap na hirap noon sina nanay at t
"Ay hehe, pasensya na po napasarap ang yakap ko. Gruphag-gruphag lang. Hehe!" (Group Hug) Napalingon kaming tatlo nang marinig ang ugong ng bakal na pinto at magbukas.Isang matangkad na lalaki ang lumabas mula roon, puno ng singsing ang mga daliri, hindi mabilang na piercings sa tenga at isa sa ilong, pati na ang kadena niyang kwintas at bracelet.P*ta, hypebeast, ah.Charot.Nagliwanag ang mukha niya at umigting pa ang panga bago ako gulat na sunggaban ng yakap sa gulat na makita ako."F*ck, I miss you Belle! T*ngina, ba't namamaga 'yang tiyan mo, ha?" Tanong niya, sinamaan ko siya ng tingin nang guluhin niya ang buhok ko. Inayos ko ang bulaklak kong hair clip."G*go ka talaga," Inis kong sambit. Kakaayos ko lang ng buhok ko, eh."Ang gwapo
"Hi," Napatigil si Reigan nang makita ang hawak ko. Medical Kit, hiningi ko 'to sa Vamuivoiré bago umuwi para talaga gamutin ang mga sugat niya. Wala kasi akong mahanapan ng pwedeng mahiraman dito, at gusto ko talaga na gamutin ang mga sugat at pasa niya."A-Ano 'yan?" Takang tanong niya habang ibinababa ang bag at ang mga dala-dala niyang kartolina. Halos hindi na siya magkandaugaga sa mga bitbit pero parang wala lang sa kaniya ang mga 'yon.Lumapit ako sa kaniya at sinapo ang dalawa niyang pisngi. Ayoko talaga ng matanong na tao, kaya kailangan ko nalang siyang gulatin para matameme siya at magawa ko na nang tuluyan ang pakay ko.Huminga muna ako nang malalim bago siya hapitin sa 'kin at siilin siya ng halik. Natuod ako sa pagkakatayo nang tuluyan nang maglapat ang mga labi namin, at ako pa ang nagulat.Pakiramdam ko ay may mataas na bo
"Kain na tayo, may trabaho pa po ako, eh." Itinago ko sa cabinet namin ang mittens, at siya naman ang naghanda ng ulam sa mga mangko. Inuna ko rin muna palang gawan ng pagkain si Mingming, para mamayang pag-uwi niya galing sa date ay may pagkain na siya. Pagkatapos no'n ay naupo na 'ko sa hapag katabi ni Reigan at sabay kaming kumain.Ang cute ng gestures niya habang kumakain. Para talaga siyang bata. Makisig na bata. Marunong din gumawa ng bata. Aaaah!My Goodness. Super bastos ko na talaga.Nakakahawa kasi siya, eh."Matutunaw ako niyan," Nabilaukan ako nang magsalita siya. Agad niya akong inabutan ng tubig."Tapos ka na maglihi 'di ba? O baka ngayon mo lang na-realize na ang gwapo-gwapo ko talaga?" Hindi ko maiwasang mapangiti at mapailing.Gwapo ka talaga pero h'wag ka nang umasa na sasabihin ko 'yon
Kinaumagahan ay maganda ang naging gising ko. Parang lahat ng bagay ay nakikiayon sa 'kin. Nakakatuwa ang araw na 'to!"Ate, ang blue-ming mo ngayon, ah," Puna ni Negneg, nandito siya sa bahay ko, gusto niya raw akong kasabay mag-almusal dahil wala sina nanay at tatay dahil bumili ng mga panghanda sa birthday ni Mamon.Sina Monay at Mamon naman ay ayun, naging tinapay na. Joke, nagpunta sila sa Computer Shop para kunin 'yung tarpaulin na pinagawa nila para sa birthday party ni Mamon at ang cake na in-order sa bakery.Ngayon ko lang nalaman na birthday niya, at 7 years old palang pala siya, akala ko talaga 8."Oo nga, ewan ko ba, ang saya lang." Natutuwa kong sambit at napasubo ng spaghetti na kinakain. Si Negneg naman ay hinigop ang champorado niya."Sana all, ate. Ate oo nga pala, ano bang pangalan
Dahil wala naman akong gagawin ay tinulungan ko si Negneg na mag-design, sakto rin at dumating na sina Mamon at Monay dala ang tarpaulin at cake, nakakatuwa ang ekspresyon ni Mamon habang nakikigulo sa 'min na nagdedesign at sa mga magulang na nagluluto. Maria Mona Alvialle pala ang pangalan niya, in short Mamon.Ang sarap sa pakiramdam habang pinagmamasdan sila. Hindi ganoon ka-garbo ang party na gagawin hindi gaya ng party ko taon-taon, maliit at simple lang ang party ni Mamon pero naghahanda palang kami ay ang saya-saya na.What more pa mamaya? Invited ang lahat ng construction worker sa buong site. As in pati 'yung kabilang site, sana lang ay h'wag umeksena si Sabrina mamaya. At maaga palang din ay naghahanda na dahil maraming lulutuin.'Yung ibang construction workers nang break time ay iniayos na ang mga tent at ang mga upuan ng mga kakaing bisita amayang gabi.