Tahimik kong tinititigan si Reigan na sobrang busy sa ginagawa. Pag-uwi na pag-uwi niya ay hindi siya magkandaugagang dumiretso sa study table niya at naglabas ng mga papel at kung ano-ano pang mga school supplies niya. Naging makalat tuloy muli ang mesa niya na inayos ko lang kanina.
At hindi niya rin ako nagawang batiin. Ano kayang meron? Ipapatikim ko pa naman sana sa kaniya "yung niluto namin ni Negneg dahil para naman talaga sa kaniya 'yon. Pero dahil mukha siyang tense na tense na ewan, hahantayin ko nalang siguro siya na matapos.
Halos mag-iisang oras na. Napapahikab na nga 'ko sa boredom. Maga-alas nuebe na pala. Hanggang ngayon ay busy pa rin siya, pawis na pawis na nga siya, eh.
Iniharap ko naman sa kaniya ang electric fan, ano ba kasing meron?
"H-Hoy, hindi ka pa ba tapos diyan?" Pagtatanong ko. Hindi manlang niya nagawang tumig
"Rayray, hindi mo manlang ba 'ko papapasukin?" Maarteng tanong ni Sabrina. Hindi nakatakas sa paningin ko ang patago niyang pag-irap sa 'kin.Aba-inaano ko ang babaeng 'to? Ma-attitude rin siya gaya ng mga bibe. Akala niya ba ay uurungan ko siya kung malditahan niya ako?"Ah, sige tara." Pag-aya sa kaniya ni Reigan. Gumilid naman ako para makapasok silang dalawa. Naunang pumasok si Sabrina, bahagya akong nagulat nang kabigin niya pa ang balikat ko na agad napansin ni Reigan."Sabrina-mag-ingat ka sa paglalakad, pwede?" Suway niya kay Sabrina at hinawakan ako. Nanlaki naman ang mata ni Sabrina at umarteng inosente. Yay.Hanggang dito ay may mga kamag-anak sina Alicia and the company."H-Hindi ko s-sinasadya, Isabolle. Medyo m-masikip kasi 'yung daan, eh." Aniya at ang tono niya ay parang siya pa ang biktima.
"French ka?" Tanong niya sa 'kin. Hindi ko inalis ang ngiti ko."Half, pero hindi ako pinanganak at lumaki ro'n. I can't even speak french properly," Pa-reklamo kong sagot. Hindi naman nga kasi kami close ng parents ko kaya hindi rin nila 'ko naturuang mag-french at hindi rin ako sumasama sa kanila sa ibang bansa dahil malayo ang loob ko sa kanila.Napatango naman si Reigan at bumaba ang tingin sa hawak kong tuta."Oo nga pala, ibili mo 'ko ng milk bottle, 'yung pinakamaliit. Magkano ba 'yong gano'n?" Tanong ko sa kaniya. Sandali naman siyang napaisip."Hindi ko alam, pero wala naman ata sa singkwenta. Ahm, isasabay ko nalang mamaya kapag inutusan na 'ko ni nanay, okay lang ba? Full-time rin kasi trabaho ko ngayon," Sambit niya. Napatango ako agad."Sige lang, mukhang hindi pa naman siya gutom." Ngumiti siya at
Sabi niya pa ay naging best day niya na ang linggo. Isang beses din ay nadala niya 'ko sa simbahan, ang akala ko nga ay masusunog ako kapag umapak ako ro'n.Pero joke lang, noong pumunta ako roon ay sobrang kabado ako. Pero pinakalma ako ni Reigan at sinabi niyang humingi lang daw ako ng tawad sa lahat ng mga kasalanang nagawa ko at patatawarin ako agad Ng Diyos dahil gano'n Siya kabuti.Isa sa pinakamasayang araw sa buhay ko ang araw na 'yon, at sobrang gaan sa loob. Kaya lang ay hindi pa muling naulit 'yon dahil sa ayoko nang abalahin pa si Reigan tuwing linggo dahil alam ko namang pahinga day niya nalang 'yon at hindi naman ako p'wedeng magpunta mag-isa dahil medyo may kalayuan.Atsaka hindi rin ako makalabas nang mag-isa dahil nga medyo maselan na 'ko. Sabi ng doktor ay kailangan ko raw magdoble-ingat, kaya halos ayaw ako pagalawin ni Reigan sa bahay dahil sa takot siyang may
"Ate, saan ba tayo pupunta, lagpas na tayo sa Palengke, ah." Nagkakamot sa ulo na tanong sa 'kin ni Negneg. Hindi ko siya binitawan at patuloy pa ring naglakad."Sorry Neg, pero nagsinungaling ako. Hindi sa palengke ang punta natin, may kailangan akong puntahan ngayon," Sambit ko."Pero saan naman po? Ba't 'di mo sinabi kanina, papayag naman po ako, eh." Aniya. Napabuntong-hinnga ako."Basta Neg, sumama ka nalang, ha? Malapit lang naman 'yon," Napatigil ako sa paglalakad nang matanaw ang mataas na gusali ng Halemann. Bumilis ang pagtibok ng puso ko, sobra kong na-miss ang lugar na 'to."Wow, 'di ba ate, rito nag-aaral si kuya Reigan? Dito ka rin ba? Ang ganda naman dito. Gusto ko rin mag-aral dito ate, kaso..." Nalungkot ang mukha ni Negneg. Hindi pa kasi siya nakakapag-aral.Hirap na hirap noon sina nanay at t
"Ay hehe, pasensya na po napasarap ang yakap ko. Gruphag-gruphag lang. Hehe!" (Group Hug) Napalingon kaming tatlo nang marinig ang ugong ng bakal na pinto at magbukas.Isang matangkad na lalaki ang lumabas mula roon, puno ng singsing ang mga daliri, hindi mabilang na piercings sa tenga at isa sa ilong, pati na ang kadena niyang kwintas at bracelet.P*ta, hypebeast, ah.Charot.Nagliwanag ang mukha niya at umigting pa ang panga bago ako gulat na sunggaban ng yakap sa gulat na makita ako."F*ck, I miss you Belle! T*ngina, ba't namamaga 'yang tiyan mo, ha?" Tanong niya, sinamaan ko siya ng tingin nang guluhin niya ang buhok ko. Inayos ko ang bulaklak kong hair clip."G*go ka talaga," Inis kong sambit. Kakaayos ko lang ng buhok ko, eh."Ang gwapo
"Hi," Napatigil si Reigan nang makita ang hawak ko. Medical Kit, hiningi ko 'to sa Vamuivoiré bago umuwi para talaga gamutin ang mga sugat niya. Wala kasi akong mahanapan ng pwedeng mahiraman dito, at gusto ko talaga na gamutin ang mga sugat at pasa niya."A-Ano 'yan?" Takang tanong niya habang ibinababa ang bag at ang mga dala-dala niyang kartolina. Halos hindi na siya magkandaugaga sa mga bitbit pero parang wala lang sa kaniya ang mga 'yon.Lumapit ako sa kaniya at sinapo ang dalawa niyang pisngi. Ayoko talaga ng matanong na tao, kaya kailangan ko nalang siyang gulatin para matameme siya at magawa ko na nang tuluyan ang pakay ko.Huminga muna ako nang malalim bago siya hapitin sa 'kin at siilin siya ng halik. Natuod ako sa pagkakatayo nang tuluyan nang maglapat ang mga labi namin, at ako pa ang nagulat.Pakiramdam ko ay may mataas na bo
"Kain na tayo, may trabaho pa po ako, eh." Itinago ko sa cabinet namin ang mittens, at siya naman ang naghanda ng ulam sa mga mangko. Inuna ko rin muna palang gawan ng pagkain si Mingming, para mamayang pag-uwi niya galing sa date ay may pagkain na siya. Pagkatapos no'n ay naupo na 'ko sa hapag katabi ni Reigan at sabay kaming kumain.Ang cute ng gestures niya habang kumakain. Para talaga siyang bata. Makisig na bata. Marunong din gumawa ng bata. Aaaah!My Goodness. Super bastos ko na talaga.Nakakahawa kasi siya, eh."Matutunaw ako niyan," Nabilaukan ako nang magsalita siya. Agad niya akong inabutan ng tubig."Tapos ka na maglihi 'di ba? O baka ngayon mo lang na-realize na ang gwapo-gwapo ko talaga?" Hindi ko maiwasang mapangiti at mapailing.Gwapo ka talaga pero h'wag ka nang umasa na sasabihin ko 'yon
Kinaumagahan ay maganda ang naging gising ko. Parang lahat ng bagay ay nakikiayon sa 'kin. Nakakatuwa ang araw na 'to!"Ate, ang blue-ming mo ngayon, ah," Puna ni Negneg, nandito siya sa bahay ko, gusto niya raw akong kasabay mag-almusal dahil wala sina nanay at tatay dahil bumili ng mga panghanda sa birthday ni Mamon.Sina Monay at Mamon naman ay ayun, naging tinapay na. Joke, nagpunta sila sa Computer Shop para kunin 'yung tarpaulin na pinagawa nila para sa birthday party ni Mamon at ang cake na in-order sa bakery.Ngayon ko lang nalaman na birthday niya, at 7 years old palang pala siya, akala ko talaga 8."Oo nga, ewan ko ba, ang saya lang." Natutuwa kong sambit at napasubo ng spaghetti na kinakain. Si Negneg naman ay hinigop ang champorado niya."Sana all, ate. Ate oo nga pala, ano bang pangalan
Masayang mabuhay. Lalo na kapag kasama mo na ang mga taong mahal mo at mahalagang-mahalaga para sa 'yo. Masayang mabuhay, kapag nalampasan mo na ang lahat ng mga pagsubok na dapat mong malampasan upang makamit lang ang tagumpay at totoong kasiyahan na dapat mong matamasa. At masayang mabuhay, kapag sa kabila ng lahat ng paghihirap na narasanan mo, ninyo ng taong mahal mo na halos naging dahilan na ng paghihiwalay ninyong dalawa at pagsuko, ay... Nagawa n'yong matagumpay na malagpasan kasi... Sobrang worth it ng magiging pagtatapos ninyong dalawa. Anim na taon na ang nakararaan matapos kong maipanganak ang ikalawa naming anak na si Rage. Matapos maging tatlo ni Rage ay siya naman naming nasundan ang dalawa naming anak ni Reigan ng ikatlo at ikaapat pa na si Radleigh at Raven. Ang aming tahanan na
"Dad, I saw my mom, s-she's my new teacher," Bungad ni Issel sa 'min ni Sabrina pagkarating namin sa school, I actually refused our today's lunch with her because I'm quite busy. Pero hinding hindi ko ata kayang ipagpalit sa trabaho ko ang bagay na 'to."Yes, I know." Sagot ko at inilapag ang tray ng pagkain namin."Really? Dad, I already have a plan!" Matipid akong ngumiti."Me too,""Hoy teka-paano ako? Extra lang?" Sabat ni Sabrina."Of course you have a role," Sabay naming sambit ni Issel sa kaniya.--"Daddy, wake up!" Naalimpungatan ako sa marahas na pagyugyog ni Issel sa 'kin. Napahilamos ako sa mukha ko at marahang napabangon. Ang sakit ng ulo ko, may hangover pa kasi ako, pagkatapos ay biglaan niya naman akong ginising.
Sinisisi ko ang sarili ko. Kasalanan ko kung bakit kami naghihirap ngayon. Kasalanan ko kung bakit naghihirap sila ng anak ko ngayon.Premature si baby. Masakit para sa 'kin na makita ang lungkot sa mga mata niya, pero napakaswerte ko dahil hindi nag-iba ang pakikitungo niya sa 'kin.--Masasabi kong kahit papaano ay swerte ako, salamat sa mga kaibigan kong tinulungan ako para sa pambayad namin sa hospital, pero hindi pa tapos ang problema namin dahil kulang pa 'yon.Ayoko namang i-asa sa iba ang lahat dahil hindi ako lumaking gano'n. Doble kayod ako ngayon, halos hindi na kami nagkakausap kahit na sa iisang bahay lang kami.Pero alam ko namang naiintindihan niya, kung ano-anong klase na ng trabaho ang pinapasukan ko, kumita lang.Halos kunin ko na ang gawain ng mga katrabaho
REIGAN ALDRIUS ECHAVARRI 10 YEARS AGO. . . Napakaingay at ang lahat ng tao ay nagsasayawan at nag-iinuman. Ito ang unang beses kong pag-apak sa lugar na 'to. Ngayon lang kasi talaga ako napilit ng mga kaibigan ko, pumayag na rin ako tutal naman ay sinabi ni tatay na magsaya naman ako kahit pa-minsan-minsan at hindi puro trabaho, siya pa nga ang naghanap ng mahihiraman ko nitong asul na suit na suot ko. Ang ganda pala talaga sa lugar na 'to, sobrang ingay, at ang lahat ay nagkakasiyahan. Parang party lang tuwing may okasyon sa 'min, ang kaibahan lang ay mayayamang tao ang narito, at mas agresibo sila kung gumalaw. "Ah!" Nagulat ako nang may masubsob sa 'king babae. Agad ko siyang inalalayan upang hindi kami tuluyang matumba at baka ma-stampede pa sa mga nagkakagulong tao. &n
KINAUMAGAHAN, nagising ako na parang hinahalukay ang sikmura ko at gusto kong magsuka. Agad akong napatakbo sa CR at tuluyan na ngang nagsuka roon, nang matapos ay nakaramdam pa 'ko ng kaunting pagkahilo.Nang bahagya nang kumalma ay binuksan ko ang gripo at nagsimulang maghilamos. Nang mapatingin sa salamin ay may kung ano namang pumasok sa utak ko.Pagkatapos kong maghilamos ay humarap ako sa kalendaryo na nasa kwarto ko at tinignan ang petsa roon.Sandali akong natulala nang makita ang petsa roon. Dapat ay menstruation ko na noong nakaraang araw.P-Pero wala pa rin at hindi ko na 'yon napansin dahil sa sobrang pagka-busy..."Kumain ka po muna, mommy." Inihanda ko sa bedside table ang mga pagkain para kay mommy. Pinanood niya naman ako habang nakangiti.Habang tinatang
"Mommy! Ano bang nangyari sa 'yo?" Hindi ko na mapigilan ang paghagulhol ko nang sa wakas ay makapasok na sa private room ni mommy.Kakagaling ko lang sa airport at wala pa 'kong tulog ngunit dito na 'ko agad sa hospital dumiretso, masiguro lang na safe na talaga si mommy.Habang nasa flight ako ay patuloy akong ina-update ni tita Seline tungkol sa kalagayan ni mommy, sobra akong nagpapasalamat at sinabi niyang naka-survive si mommy sa Sudden Cardiac Arrest na natamo niya."Isabelle, s-sorry anak." Nanghihina niyang ani. Malalim akong napahinga at niyakap siya."Kamusta po ang pakiramdam mo? May masakit ba sa 'yo, 'my? Ano? Sabihin mo lang po, please..." Alala ko pang sambit. Pilit siyang ngumiti at hinaplos ang buhok ko."Maayos na 'ko, anak. H'wag ka nang masiyadong mag-alala pa..." Napabuntong-hininga
Ilang oras pa rin ang naging biyahe namin, habang papalapit na kami sa bahay namin ay may natatanaw akong bulto ng tao na nakatayo sa gilid no'n.Bahagyang umawang ang bibig ko nang makita kung sino 'yon.Si Sabrina, at dala niya ang anak n-nila ni Reigan, 'yung baby niyang si Rage.Nang tumigil na ang sasakyan namin ay lumapit ito, excited namang lumabas si Issel at sinugod ng yakap ang mag-ina. May bahagi sa puso ko ang nagulat at nakaramdam ng kakaibang kirot.Ang sakit lang na makita si Issel na gano'n sa ibang nanay. Parang... Parang si Sabrina pa ang tunay niyang ina kaysa sa 'kin.Mabilis ding nagbago ang mood ni Reigan at nakipagbeso rin sa kaniya. Bago pa 'ko tuluyang maiyak ay yumuko na 'ko at lumabas ng sasakyan. Pagtingala ko ay nagkasalubong ang tingin naming dalawa ni Sabrina.
Nanatiling tikom ang bibig niya nang sabihin ko 'yon. Malakas ang pagkabog ng dibdib ko at hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang gustong sabihin ng puso ko. Pero kailangan ko nang ilabas ito ngayon, habang may pagkakataon pa."Reigan... Alam mo namang hindi maganda ang reputasyon ko noon, 'di ba?" Sambit ko at nilingon siya. Nanatiling tutok ang mata niya sa magandang tanawin, wala rin akong mabasang kahit na anong emosyon sa mukha niya.Malalim lang akong huminga. Kinakabahan ako sa mga oras na 'to at nagsisimula na ring maghalo-halo ang mga emosyon ko."Masama ang reputasyon ko, sa lahat ng tao. Kahit sa sarili kong pamilya. W-Wala akong ginawang mabuti noon, lagi ko silang dini-disappoint, lagi ko silang ginagalit... Na humatong na rin sa pagtakwil nila sa 'kin," Dugtong ko pa at suminghap.Nagsimula nang mamuo ang luha sa mga mata
Narito palang kami sa Parking Lot ng beach pero tanaw na tanaw na namin ang magagandang view.Maraming turista sa mismong sea shore, may mga bonfire, at mayroon pang naglalaro ng apoy sa hawak nilang mga stick.Nagliliwanag ang lugar dahil sa mga ilaw na nasa bubong ng mga mini cottages.Ang ganda rin ng dagat, at nagkikinangan ang mga bituin sa kalangitan. Ang ganda sobra ng lugar na 'to."Akala ko ba... date lang?" Natatawa kong tanong at tumingin kay Reigan."This place is so beautiful," Komento ni Issel, napansin ko pang naglabas siya ng cellphone at nag-selfie."Maybe a two days date?" Napaawang naman ang bibig ko sa isinagot ni Reigan.Oh em gee, two days kami rito? Omooo, paano itago ang kilig?!?!"Co