Nasubukan ko nang ipagtanggol ang sarili ko sa matandang 'to, pero siyempre mas pinanigan niya ang walang kwenta niyang apo. Napairap nalang ako sa hangin. Tinanong niya pa 'yung dalawang t*ngang alipores ni Alicia kung totoo 'yon, at todo tango naman ang mga walang-hiya, at sinabi pang tinadyakan ko sila. Matindi 'di ba? Eh, sila nga ang nanadyak sa 'kin. Baka kapag tinadyakan ko sila, eh, dumiretso na sila sa Pluto. Ang sasakit nila sa bangs. At dahil nga ro'n, maghe-hello na naman ako sa walis, mop, at sa CR. So? Sanay na rin naman ako. Mas dito pa nga ata ako natutong gumawa ng mga ganitong klase ng gawain kaysa sa bahay namin. "Miss Amor, about your grades, I need to talk to your parents!" Malditang sabi ni Dean matapos ipahayag ang nakakatamad kong punishment. Dinukot ko ang cellphone ko sa Gucci
Last Updated : 2021-06-17 Read more