Nasubukan ko nang ipagtanggol ang sarili ko sa matandang 'to, pero siyempre mas pinanigan niya ang walang kwenta niyang apo. Napairap nalang ako sa hangin.
Tinanong niya pa 'yung dalawang t*ngang alipores ni Alicia kung totoo 'yon, at todo tango naman ang mga walang-hiya, at sinabi pang tinadyakan ko sila. Matindi 'di ba?
Eh, sila nga ang nanadyak sa 'kin. Baka kapag tinadyakan ko sila, eh, dumiretso na sila sa Pluto. Ang sasakit nila sa bangs.At dahil nga ro'n, maghe-hello na naman ako sa walis, mop, at sa CR. So? Sanay na rin naman ako.Mas dito pa nga ata ako natutong gumawa ng mga ganitong klase ng gawain kaysa sa bahay namin."Miss Amor, about your grades, I need to talk to your parents!" Malditang sabi ni Dean matapos ipahayag ang nakakatamad kong punishment.Dinukot ko ang cellphone ko sa Gucci bag ko at tamad na ibinigay sa kaniya.
"Check mo nalang sa contacts ko 'yung number nila, at next time ilagay mo na sa contacts mo para hindi ka na mahirapan pa sa susunod, ma'am."Mapang-asar kong sabi.
Nagngitngit naman sa galit si Dean, well kahit na loka-loka akong estudyante, hindi niya ako bastang matatanggal dahil kaibigan ng parents ko ang owner ng Halemann bukod sa Sky Spade.Pagkatapos niyang kunin ang numero ng magulang ko ay mabilis na 'kong lumabas do'n, gosh, kung impyerno na rito sa labas, doon naman ay parang trono na ni Satanas. Tsk!Dire-diretso na 'kong umakyat at pumasok sa room, doon ako sa pinakadulong upuan, katabi ko ang dalawa kong kaibigan.Sina Camila at Lavien. Ewan ko rin kung matatawag ko nga ba silang kaibigan, sila lang kasi ang nakakatiis sa b****a kong ugali. Pero alam mo na, kapag sa kasayahan lang naman sila nandiyan, kapag may problema ako, naglalaho na sila. Pero hindi ako bitter, ah, sanay na lang kasi talaga ako.Kaya rin natuto nanakong tumayo mag-isa. Dahil kapag nalulugmok ako, walang kahit isang kamay ang gustong mag-alok sa 'kin ng tulong para patayuin ako."Sis, what happened na naman ba?" Maarteng tanong sa 'kin ni Camila.Napairap naman ako sa inis.
"Ang l*cheng Alicia na 'yon, tss!" Sagot ko. Alam ko namang pinanood din nila ako sa away ko kanina, baka nga isa rin sila sa nagvideo sa 'kin, eh."True ba kasing nilandi mo si Steven? Alam mo na, eh baliw na baliw din 'yon kay Steven," Sabat naman ni Lavien. Napa-paypay na lang ako gamit ang kamay ko bago naupo. My ghad, 'yung buhok ko!"Seriously, Lavien. Ni-hindi ko nga malapitan si Steven, tapos lalandiin ko pa? Kung lalapit siguro ako ro'n, eh baka nagpaka-tutor pa sa 'kin 'yon," Irita kong sagot at umikot pa ang mata.Isa kasi sa running for valedictorian at Cum Laude 'yon si Steven. Sa pagkakaalam ko rin ay katunggali no'n yung highest ranked Engineering Student dito, sa pagkakaalam ko rin ay Reigan ata yung pangalan, whatever. I am not interested at all.Mga book worms, boring kayang mag-aral! Napailing na lamang sina Camila at Lavien, buti nalang at wala pa ang professor namin, late na siya nang ten minutes, pero wala pa rin akong pake."By the way, sis. Speaking of Steven, narinig ko na magba-bar hopping sila mamayang gabi, ro'n sa tinatambayan natin," Excited na sabi ni Camila. Agad nitong nakuha ang atensyon ko."Really?" Paninigurado ko. Tumango naman si Camila at halatang excited."Yep, atsaka hindi lang 'yon, isasama rin daw ang Sky Spades ro'n pati na rin si Reigan, 'yung cutie na Engineering at Valedictorian. Ang pogi rin no'n, sabi nila ay may abs daw," Gatong pa ni Lavien, medyo napangiwi naman ako.Bukod kasi sa alam kong Valedictorian ang Reigan na 'yon, ayon din sa chismis ay mahirap lang daw 'yon at isa lang construction worker, kaya siguro may abs? Pero kahit na, kadiri, baka mamaya ay may anghit 'yon, o kaya amoy lupa.Yuck!
Pero nagliwanag ako sa isa pang isipin, sasama ro'n si Steven. Baka chance ko na 'to para malandi na talaga siya, oh em gee! Tototohanin ko na ang chismis ni Alicia, para naman hindi masyadong masama ang loob ko."Punta tayo," Pag-aya ko sa dalawa."Basta ba libre mo," Sagot ni Lavien habang chinecheck ang bago nail polished niyang kuko. Napairap naman ako sa kaniya at napailing."Fine," Napangisi silang dalawa at napa-yes pa. Sakto naman at dumating na ang professor namin.Nawala na ang antok ko kaya tumulala nalang ako sa hangin habang nagdi-discuss siya. Mabilis na dumaloy ang oras, nang uwian na ay magkakasama kami nina Lavien at Camila para stalk-in si Steven at ang barkada niya, hahantayin muna namin na makarating sila sa bar bago naman kami dumiretso at sumunod.Nang makitang sumakay na sila sa kani-kaniyang mga sasakyan ay napa-yes kaming lahat. Magkakasama lang kami sa sasakyan ni Camila, hindi ko kasi pwedeng dalhin ang kotse ko, remember Manong?Bukod sa family driver namin siya ay Spy din siya nina mommy at daddy sa 'kin, prohibited kasi ako sa bar.Pero dahil matigas ang ulo ko, wala akong pake sa kanila. At wala rin naman talaga silang pake sa 'kin, eh. Ang mahalaga lang sa kanila ay ang kumpanya nila at ang pera.
Sobrang nae-excite ako na makarating sa bar. Sa wakas, makakalapit na rin ako kay Steven. I'm so excited!Nag-uunahan kaming tatlo sa pila papasok sa Entrance dahil excite na excite kami. Nang matatakan ng bouncer ay nagtakbuhan kami sa counter habang nagtatawanan at sumasayaw dahil sa malakas na tugtugin.This is it, kapag talaga nasa Bar ako ay para akong nasa langit. Dito ko lang kasi nagagawang tumawa, magsaya at mag-enjoy. Hindi rin ako magagawang husgahan ng mga tao dahil hindi nila ako kilala at ang mga ginagawa ko ay ginagawa rin nila.Habang umo-order ay palinga-linga ako sa VIP tables, hinahanap ko kasi sila Steven. Saktong nakuha ko na ang alak na in-order ko nang matagpuan sila sa bandang dulo, katabi ng table nila ang table ng Sky Spade. Napangisi ako habang umiinom.This is it, pancit!H'wag kang mag-alala Steven, makukuha rin kita.--Hindi ko na namalayang naparami na pala ang inom ko. Gano'n naman lagi, pero kasi ngayon, dapat medyo kinontrol ko dahil lalandiin ko nga pala si Steven. Hindi ko na alam kung nasaan na sina Camila at Lavien, bahala na sila sa buhay nila. Saktong naubos ko ang panghuling shot ko ng alak nang mag-iba ang tugtog at mas dumami ang tao sa dancefloor. Unang hinanap ng mga mata ko ang table nina Steven, napangisi ako dahil wala na sila ro'n, pati na rin ang table ng Sky Spade. Nagsisigawan ang mga tao sa saya at nagtatalon. Ibinaba ko ang hawak na shot glass at masayang tumakbo sa dance floor. Nakisayaw ako, hindi naman ako nakakahiyang sumayaw, malambot din ang katawan ko at lagi naman akong sumasayaw dito. Nakangiti ako at humaharap sa mga lasing na lalaki habang kumekembot, kapag nahawakan na nila ang bewang ko at ihahapit sa kanila ay mabilis akong umaatras, alam ko ang mg
Mas nanlaki ang mga mata ko at napasinghap nang makita ang nagkalat kong dress, undergarment ko, at-at boxers ng lalaki! Hindi ko alam kung lilingon ba ako. Nangangatog ang mga tuhod kong bumaba ang tingin sa pang-ibaba ko, natatakpan ito ng kumot ngunit alam kong hubad ito at nararamdaman ko rin ang kaunting kirot dito, at... Ang mabigat na binti ng lalaki na nakapatong dito. Napapikit ako nang mariin, sh*t talaga! Anong ginawa ko?! Pilit kong inalala ang mga nangyari kagabi. Napasapo ako sa aking noo nang maalala ko na ang lahat. T*ngina-'Yung paghahanap ko kay Steven ay nauwi sa gan'to! Pero sino ba 'tong lalaking 'to?! Siya dapat ang sisihin ko rito dahil baka sinamantala niya kagabi ang sobrang pagkalasing ko! "Hmm..." Mahina niyang ungol at tinanggal ang pagkakadantay ng binti sa akin
"Anong ginagawa n'yo dito?" Bungad ko kina mommy at daddy nang makapasok sa mansion at mabungaran sila. Didiretso na sana ako paakyat kanina pero agad ko silang nabungaran sa sala na nagtsa-tsaa. Masama akong tinignan ni mommy at pinasadahan ng mapanghusgang tingin mula ulo hanggang paa. Si daddy naman ay tumikhim lamang at umiling, habang patingin-tingin sa 'kin. "Is that how you politely greet your parents?" Sarkastikong tanong sa 'kin ni mommy habang nakataas ang isang kilay. Pagak naman akong natawa at napapalakpak pa sa sinabi niya. "Parents ko ba kayo?" Sumama ang timpla ng mukha ni daddy at naibagsak ang baso niya bago napatayo. Totoo naman, biologicial parents ko lang sila pero hindi naman sila kailanman tumayo bilang magulang ko. "Alwyna!" Sigaw nito ngunit hindi manlang ako
Ang tanging mahalaga nalang ngayon ay dapat ko na 'yong kalimutan. At umaktong parang walang nangyari, para sa ikatatahimik ko at ni Reigan the weirdo. Oo nga pala, nasa'n na kaya si Steven? Bigla ko siyang namiss... Bakit 'di nalang kasi siya? Naku naman! 1 month later. . . Nagising ako nang pakiramdam ko ay parang may umiikot na kung ano sa sikmura ko. Agad akong napadilat at napatakbo sa CR saka napasuka.Nakahawak ako sa tiyan ko habang sumusuka ng parang tubig lang. Nang maramdamang tapos na ay naghilamos at nagmumog na ako. Nanghihina akong napabalik sa kama at napaupo. Bakit naman ako nagsuka? Sa pagkakaalam ko ay sushi lang naman ang kinain ko kahapon. Tanging sushi lang, dahil one meal a day na kasi ako kasi parang tumataba na ako. Hindi pupwedeng mangyar
"No, I'm not pregnant." Pangungumbinsi ko sa sarili ko. Mabilis na 'kong umalis sa lugar na 'yon kanina at kasalukuyan ako ngayong nasa isang coffee shop naman. Ayoko pa kasing pumasok, sobrang aga pa. Saglit akong napatingin sa tiyan ko at biglang napailing. No, hindi nga ako buntis. At hindi rin ako pwedeng mabuntis, bw*sit naman kasi ang Reigan na 'yon.Bakit hindi ko manlang natanong kung gumamit siya ng proteksyon bago namin ginawa 'yon? Hay, ang sakit sa ulo!Hindi talaga ako pwedeng mabuntis, swear. Sirang sira na nga 'ko, pihadong madudurog na 'ko kapag totoo ngang buntis ako. For f*ck's sake, I'm just 19 years old, and I am too young for this! I never planned this, at kailanman ay hindi sumagi sa isip ko na maging ganito. And this is also why
"Okay ka lang ba? Namumutla ka," Kalmado niyang sabi. Bahagya naman akong napaatras, nanginginig ang mga kamay ko na inalis ang kamay niya sa mukha ko at nilagpasan siya. Bakit mayroong parte sa 'kin na takot na malaman niyang buntis ako? Ay t*ngina-s-siya nga pala ang ama! Pero hindi, ayoko, hindi niya pwedeng malaman. Ayoko sa kaniya, no. Never!"Uy, Miss Amor—" Tumakbo na 'ko paakyat. Ba't ba nasa Business Administration building siya? 'Di ba Engineering siya? Malalaki ang hakbang ko papunta sa room nina Alicia. Walang habas akong pumasok do'n dahilan para mapatingin sa 'kin ang lahat ng mga estudyante. Buti nalang at walang professor. "Nasaan sina Dianne at Rosenda?!" Tanong ko sa kanila. I was pertaining to the two st*pid girls na alipores ni Alicia. Hindi ko mapigilang kabahan, hindi naman ako slow, alam ko ang gagawin nila sa pictur
I decided to go home. Nagpasundo nalang ako sa driver ko near 7 eleven na malapit sa school. Nang makauwi ay nagdire-diretso na lang ako kwarto. I can't help myself but to cry. Sanay na 'ko sa mga panghuhusga nila pero, sumosobra na. This is too much for me, tao rin naman ako. Marunong din akong masaktan. And I can't stop myself from blaming him and this child inside my womb. Sila ang dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon. Kung alam ko lang na mangyayari 'yong gabing 'yon, sana ay hindi nalang ako tumuloy. Sana ay hindi nalang ako nagpadala sa kaniya. Sana ay pwede ko pang maibalik ang oras. Sana ay mas naging maingat nalang ako sa sarili ko, o mas piniling h'wag nalang pumunta. Hinayaan kong lumuha ako nang lumuha. Okay lang, wala namang makakakita sa 'kin dito sa kwarto.
Pipilitin kong umahon, kahit na wala akong kahit ano. Nangangako ako sa sarili ko na makakaahon akong muli sa pagkalugmok ko. Sandali ko pang hinaplos ng hinlalaki ko ang pendant ng kwintas at papasok na sana sa Pawnshop nang biglang may tumakbo sa 'king isang lalaki at marahas na hinablot ang kwintas. Tumalsik ako sa pader at napadamba ako ro'n. Naramdaman ko ang biglaang pagkirot ng puson ko nang tumama ang likod ko sa pader at pagkahilo ko, bago ko pa maipikit ang mga mata ko ay narinig ko pa ang pagsisigawan ng mga taong naroon sa paligid sa gulat at ang lalaking tumatakbo palayo habang tangay ang kwintas ko. MARAHAN kong naidilat ang mga mata ko nang maramdaman ang maiinit na kung anong humahaplos sa tiyan ko. Bumungad sa 'kin ang pulos kulay puting lugar. Nasaan ako? Hindi ako makagalaw ngunit nagagawa ko nang igala ang paningin ko, nang makita ko ang dextrose sa tabi ko
Masayang mabuhay. Lalo na kapag kasama mo na ang mga taong mahal mo at mahalagang-mahalaga para sa 'yo. Masayang mabuhay, kapag nalampasan mo na ang lahat ng mga pagsubok na dapat mong malampasan upang makamit lang ang tagumpay at totoong kasiyahan na dapat mong matamasa. At masayang mabuhay, kapag sa kabila ng lahat ng paghihirap na narasanan mo, ninyo ng taong mahal mo na halos naging dahilan na ng paghihiwalay ninyong dalawa at pagsuko, ay... Nagawa n'yong matagumpay na malagpasan kasi... Sobrang worth it ng magiging pagtatapos ninyong dalawa. Anim na taon na ang nakararaan matapos kong maipanganak ang ikalawa naming anak na si Rage. Matapos maging tatlo ni Rage ay siya naman naming nasundan ang dalawa naming anak ni Reigan ng ikatlo at ikaapat pa na si Radleigh at Raven. Ang aming tahanan na
"Dad, I saw my mom, s-she's my new teacher," Bungad ni Issel sa 'min ni Sabrina pagkarating namin sa school, I actually refused our today's lunch with her because I'm quite busy. Pero hinding hindi ko ata kayang ipagpalit sa trabaho ko ang bagay na 'to."Yes, I know." Sagot ko at inilapag ang tray ng pagkain namin."Really? Dad, I already have a plan!" Matipid akong ngumiti."Me too,""Hoy teka-paano ako? Extra lang?" Sabat ni Sabrina."Of course you have a role," Sabay naming sambit ni Issel sa kaniya.--"Daddy, wake up!" Naalimpungatan ako sa marahas na pagyugyog ni Issel sa 'kin. Napahilamos ako sa mukha ko at marahang napabangon. Ang sakit ng ulo ko, may hangover pa kasi ako, pagkatapos ay biglaan niya naman akong ginising.
Sinisisi ko ang sarili ko. Kasalanan ko kung bakit kami naghihirap ngayon. Kasalanan ko kung bakit naghihirap sila ng anak ko ngayon.Premature si baby. Masakit para sa 'kin na makita ang lungkot sa mga mata niya, pero napakaswerte ko dahil hindi nag-iba ang pakikitungo niya sa 'kin.--Masasabi kong kahit papaano ay swerte ako, salamat sa mga kaibigan kong tinulungan ako para sa pambayad namin sa hospital, pero hindi pa tapos ang problema namin dahil kulang pa 'yon.Ayoko namang i-asa sa iba ang lahat dahil hindi ako lumaking gano'n. Doble kayod ako ngayon, halos hindi na kami nagkakausap kahit na sa iisang bahay lang kami.Pero alam ko namang naiintindihan niya, kung ano-anong klase na ng trabaho ang pinapasukan ko, kumita lang.Halos kunin ko na ang gawain ng mga katrabaho
REIGAN ALDRIUS ECHAVARRI 10 YEARS AGO. . . Napakaingay at ang lahat ng tao ay nagsasayawan at nag-iinuman. Ito ang unang beses kong pag-apak sa lugar na 'to. Ngayon lang kasi talaga ako napilit ng mga kaibigan ko, pumayag na rin ako tutal naman ay sinabi ni tatay na magsaya naman ako kahit pa-minsan-minsan at hindi puro trabaho, siya pa nga ang naghanap ng mahihiraman ko nitong asul na suit na suot ko. Ang ganda pala talaga sa lugar na 'to, sobrang ingay, at ang lahat ay nagkakasiyahan. Parang party lang tuwing may okasyon sa 'min, ang kaibahan lang ay mayayamang tao ang narito, at mas agresibo sila kung gumalaw. "Ah!" Nagulat ako nang may masubsob sa 'king babae. Agad ko siyang inalalayan upang hindi kami tuluyang matumba at baka ma-stampede pa sa mga nagkakagulong tao. &n
KINAUMAGAHAN, nagising ako na parang hinahalukay ang sikmura ko at gusto kong magsuka. Agad akong napatakbo sa CR at tuluyan na ngang nagsuka roon, nang matapos ay nakaramdam pa 'ko ng kaunting pagkahilo.Nang bahagya nang kumalma ay binuksan ko ang gripo at nagsimulang maghilamos. Nang mapatingin sa salamin ay may kung ano namang pumasok sa utak ko.Pagkatapos kong maghilamos ay humarap ako sa kalendaryo na nasa kwarto ko at tinignan ang petsa roon.Sandali akong natulala nang makita ang petsa roon. Dapat ay menstruation ko na noong nakaraang araw.P-Pero wala pa rin at hindi ko na 'yon napansin dahil sa sobrang pagka-busy..."Kumain ka po muna, mommy." Inihanda ko sa bedside table ang mga pagkain para kay mommy. Pinanood niya naman ako habang nakangiti.Habang tinatang
"Mommy! Ano bang nangyari sa 'yo?" Hindi ko na mapigilan ang paghagulhol ko nang sa wakas ay makapasok na sa private room ni mommy.Kakagaling ko lang sa airport at wala pa 'kong tulog ngunit dito na 'ko agad sa hospital dumiretso, masiguro lang na safe na talaga si mommy.Habang nasa flight ako ay patuloy akong ina-update ni tita Seline tungkol sa kalagayan ni mommy, sobra akong nagpapasalamat at sinabi niyang naka-survive si mommy sa Sudden Cardiac Arrest na natamo niya."Isabelle, s-sorry anak." Nanghihina niyang ani. Malalim akong napahinga at niyakap siya."Kamusta po ang pakiramdam mo? May masakit ba sa 'yo, 'my? Ano? Sabihin mo lang po, please..." Alala ko pang sambit. Pilit siyang ngumiti at hinaplos ang buhok ko."Maayos na 'ko, anak. H'wag ka nang masiyadong mag-alala pa..." Napabuntong-hininga
Ilang oras pa rin ang naging biyahe namin, habang papalapit na kami sa bahay namin ay may natatanaw akong bulto ng tao na nakatayo sa gilid no'n.Bahagyang umawang ang bibig ko nang makita kung sino 'yon.Si Sabrina, at dala niya ang anak n-nila ni Reigan, 'yung baby niyang si Rage.Nang tumigil na ang sasakyan namin ay lumapit ito, excited namang lumabas si Issel at sinugod ng yakap ang mag-ina. May bahagi sa puso ko ang nagulat at nakaramdam ng kakaibang kirot.Ang sakit lang na makita si Issel na gano'n sa ibang nanay. Parang... Parang si Sabrina pa ang tunay niyang ina kaysa sa 'kin.Mabilis ding nagbago ang mood ni Reigan at nakipagbeso rin sa kaniya. Bago pa 'ko tuluyang maiyak ay yumuko na 'ko at lumabas ng sasakyan. Pagtingala ko ay nagkasalubong ang tingin naming dalawa ni Sabrina.
Nanatiling tikom ang bibig niya nang sabihin ko 'yon. Malakas ang pagkabog ng dibdib ko at hindi ko alam kung paano ko uumpisahan ang gustong sabihin ng puso ko. Pero kailangan ko nang ilabas ito ngayon, habang may pagkakataon pa."Reigan... Alam mo namang hindi maganda ang reputasyon ko noon, 'di ba?" Sambit ko at nilingon siya. Nanatiling tutok ang mata niya sa magandang tanawin, wala rin akong mabasang kahit na anong emosyon sa mukha niya.Malalim lang akong huminga. Kinakabahan ako sa mga oras na 'to at nagsisimula na ring maghalo-halo ang mga emosyon ko."Masama ang reputasyon ko, sa lahat ng tao. Kahit sa sarili kong pamilya. W-Wala akong ginawang mabuti noon, lagi ko silang dini-disappoint, lagi ko silang ginagalit... Na humatong na rin sa pagtakwil nila sa 'kin," Dugtong ko pa at suminghap.Nagsimula nang mamuo ang luha sa mga mata
Narito palang kami sa Parking Lot ng beach pero tanaw na tanaw na namin ang magagandang view.Maraming turista sa mismong sea shore, may mga bonfire, at mayroon pang naglalaro ng apoy sa hawak nilang mga stick.Nagliliwanag ang lugar dahil sa mga ilaw na nasa bubong ng mga mini cottages.Ang ganda rin ng dagat, at nagkikinangan ang mga bituin sa kalangitan. Ang ganda sobra ng lugar na 'to."Akala ko ba... date lang?" Natatawa kong tanong at tumingin kay Reigan."This place is so beautiful," Komento ni Issel, napansin ko pang naglabas siya ng cellphone at nag-selfie."Maybe a two days date?" Napaawang naman ang bibig ko sa isinagot ni Reigan.Oh em gee, two days kami rito? Omooo, paano itago ang kilig?!?!"Co