“Kuya, ano ba! ba’t ba gustung-gusto mong makipaglaro sa batang yan?” himutok ng batang si Trisha sa kanyang kuya na magiliw na nakikipaglaro sa kapitbahay nila nang masilayan niya ang mga ito sa harapan ng kanilang mansyon. Tumayo ang mga ito at nagtawanan. “Gummy, ang bata-bata pa natin, para ka ng matandang dalaga kung magtatalak,” tugon ng siyam na taong gulang na si Marsden. Dalawang taon ang tanda niya kay Trisha samantalang ang kapatid nitong si Marco ay isang taon ang tanda sa kanya. “Will you stop calling me that gummy, gummy…I hate it and I super duper hate you!” pairap na saad ni Trisha kay Marsden. “Patawarin mo na siya Trish, kawawa naman mag-isa lang siya sa bahay nila ngayon. Halika sali ka na lang sa’min,” paanyaya ni Marco sa kapatid habang hawak-hawak ang remote control niyang sasakyan. “Ayoko…ayoko, ayoko, AYOKO! Hmph! Mas gusto ko pang kalaro si Rapun
Last Updated : 2021-06-16 Read more