Beranda / Romance / Kismet / Bab 11 - Bab 20

Semua Bab Kismet: Bab 11 - Bab 20

30 Bab

Chapter 11

>xi<Nasilaw ako bigla sa liwanag ng ilaw nang idilat ko ang mga mata ko. Itatabing ko pa sana ang braso ko para maidilat ang mga mata ko nang bigla akong makaramdam ng pagkirot mula sa kanang braso ko.  "Ah..." napadaing ako nang hindi lang simpleng kirot ang naramdaman ko duon kundi sakit na sumisigid sa buto.  "Don't move too much with your right arm," malumanay na sabi ng isang babae mula sa tabi ko.  Tuluyan na akong napadilat at agad na binalingan ang babae. Parang may artista akong kaharap. Una ko agad napansin ang bilugan niyang mukha. Ang dark blonde nyang buhok, maayos na pagkakaahit ng kilay, malalantik na pilikmata, brown ang mga mata, matangos na ilong at manipis na labi, artistahing-artistahin. No
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-07-06
Baca selengkapnya

Chapter 12

>xii<"Bakit nagpaiwan ka pa? Umuwi ka na din. Kaya ko na ang sarili ko. Salamat sa tulong." Sinadya kong palamigin ang boses ko. May parte sa akin na gusto syang makasama kahit sandali pero may parte din na ayoko na syang makita. Ngunit sa dalawang iyon ay mas nananaig ang una. Pero kailangan kong kumapit sa realidad dahil iyon ang tama.  "Does it still hurt?" concern evident in his voice. Lalo tuloy lumakas ang kabog ng dibdib ko. Hindi man lamang niyapinansin ang mga sinabi ko.  "Hindi mo na kailangang magkunwari na nag-aalala. Kaya ko na ang sarili ko. Umuwi ka na," sagot ko nang hindi pa din siya sinusulyapan. Narinig ko pa ang kanyang malalim na buntong hininga. Restraining himself from another outburst, maybe.  
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-07-06
Baca selengkapnya

Chapter 13

>xiii< "Nikki... Please... Don't fall in love with me... " Ang huli niyang sinabi sakin bago siya umalis sa ospital ilang buwan na ang nakakaraan. Tsk. Parang gusto kong maiyak kapag naaalala ko iyon. Gago na yun. Para na niyang sinabi na wag akong huminga. Pwes para sabihin ko sa kanya, huli na siya. I already fell for him. Peste namang mata to, nagbabadya na naman. Oo na, umiyak ako ng mismong pagkaalis nya. Pero pinapangako ko, iyon na ang huling pagkakataong iiyakan ko sya dahil itaga nya sa bato, kakalimutan ko na talaga sya. Akala nya kung sino sya, bwisit na yun. Teka nga, bat ba inaalala ko yung hinayupak na yun. Umagang-umaga sya agad nasa isip ko. Dapat wala na akong naaalala. Wala na akong kilalang-- Ugh! Hindi ko na
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-07-08
Baca selengkapnya

Chapter 14

>xiv<Kailan ko ba huling nakita ang ngiti niyang iyon? O kung nakita ko na ba iyon? Pati ang abohin niyang mga mata na tumatagos sa kaluluwa kapag tinititigan ka. Parang gusto ko nalang tumitig doon. Ayoko nang pumikit dahil baka wala na siya pagdilat ko. Nakaramdam ako bigla ng kalungkutan ng matuon ang tingin ko sa kasama niyang babae. Sino kaya iyon? Girlfriend nya o baka naman asawa? Isipin ko palang na alin iyon sa dalawa ay ramdam ko na ang pagkadurog ng puso ko paano pa kaya kapag totoo? Kung sabagay, ito ang nababagay sa kanya. Elegante, edukada, mayaman. Hindi tulad ko. Ugh! This is hopeless. Nararamdaman ko na ang pag-iinit ng sulok ng mga mata ko. Parang bigla ay gusto kong umiyak.  Nasa ganoon akong posisyon ng biglang lumingon sa gawi ko si Sir Loki saka ngumiti sa akin. I blink back the tears immediately saka ngumiti
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-07-08
Baca selengkapnya

Chapter 15

>xv< Buong akala ko ay mababawasan na ang sakit paggising ko pero nandito pa din. Buong-buo. Walang labis, walang kulang. Kung pwede lang tanggalin nalang ang puso ay ginawa ko na. Napakatanga mo kasi Dominique, hinayaan mo ang sarili mong mahulog. Lakas tuloy ng lagapak mo.   Pakiramdam ko ay isang buwan na ang lumipas sa maghapong ito. Napakatagal lumipas ng oras. Kulang nalang ay hilahin ko ang kamay ng orasan para bumilis ito. Gusto ko nang umuwi hindi dahil sa kung ano pang bagay kundi para magkulong ulit sa kwarto.    Pambihira kasing lalaki iyun. Hindi ko naman pwedeng sabihin na sana di ko na lang siya nakita o nakilala dahil utang ko sa kanya ang puri ko. I mean, buhay ko pala. Paano ba ang g
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-07-08
Baca selengkapnya

Chapter 16

>xvi<Ano ba ang gusto niyang ipahiwatig? Hindi ba niya alam na masakit? Gusto ko na syang sapakin para maramdaman nya ang sakit na nararamdaman ko pero alam kong hindi ko iyon kayang gawin. At lalong hindi rin iyon sapat. Nararamdaman ko na ang pag-iinit ng mga sulok ng aking mata. Hindi ko na yata matatagalan ito.  "Tama," may kalakip na sakarsmong sagot ko para maitago ang sakit. "Sino ba naman ako para pag-aksayahan mo ng napakahalaga mong oras. Isa lang naman akong hamak na probinsyana para sa iyo." Nanatili ang mga mata ko sa harapan habang ang isip ay kinakain ng kawalan ng pag-asa. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang bawat hakbang niya na hindi ko malaman kung saan papunta. Baka paalis na.  "Sa tingin mo
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-07-09
Baca selengkapnya

Chapter 17

>xvii< Posible pa pala ang ganito. Ang magustuhan din ng taong gusto mo. Want, just the same with like and the start of love, di ba? Okay na yun kaysa wala di ba? Hanep, parang gusto kong magtatalon sa tuwa. Parang hindi pa din ako makapaniwala.    "Totoo ba ito?" wala sa loob na tanong ko habang nakapikit at ninanamnam ang init ng yakap nya. Kailangang sulitin dahil baka di na maulit.    Bahagya siyang natawa bago sumagot. "Yes, this is real. Why, you still can't believe it?" aniya at hinigpitan ang pagkakayakap sakin kaya't ultimo hangin ay hindi na makadaan sa pagitan namin.    Hindi na ako makasagot kaya tumango na lamang ako. Napasinghap ako ng makaramdam ako ng malambot na bagay na dumampi sa sulok
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-07-09
Baca selengkapnya

Chapter 18

 >xviii<Kahit gaano ako kaabala sa trabaho, hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari nang nakaraang gabi. Hindi ko nga malaman kung matutuwa ako o maiinis sa Marione na iyon. Pagkatapos kasi ng nangyaring iyon ay hindi na siya ulit nagparamdam. Pang-limang araw na siyang walang paramdam sa akin kaya konting-konti nalang ay maniniwala na akong pinaglalaruan niya lang ako. Ni ha, ni ho, ay wala. Kahit text, wala. Sabagay, wala naman akong number nya kaya bakit ko ba naisip na magte-text siya. At isa pa, hindi ko naman sya boyfriend para hagilapin ko sya ng ganito. Tsk. Sino ba sya para mamiss ko. To hell with that stupid monster. Wag na siyang magpapakita sakin. Pagkatapos nya akong nakawan ng halik ng ilang beses, saka sya biglang mawawala? Naku, huwag talagang magpapakita sa akin ang pangit na halimaw na yun. Bwisit sya!  
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-07-13
Baca selengkapnya

Chapter 19

>xix<Pinilit kong hindi magpaapekto at agad na binalikan ang ginagawa ko. Hindi ko sya dapat intindihin. May atraso pa sya sa akin. Saka mas importante ang trabaho ko. At iyon ang dapat kong unahin. Kahit rambol-rambol ang isip ko ay nagawa kong ayusin ang dinner nila Boss Eros. Inilagay ko na iyon agad sa tray para madala na sa kanila. Ayoko sanang ako ang maghatid sa opisina niya pero alam kong mapapagalitan ako noon kapag hindi ako ang nag-serve. Kabilin-bilinan pa naman nitong huwag kong ipapasa sa iba ang utos niya sa akin. Ilang buwan na din kasi mula ng makahiligan niya akong mag-prepare ng pagkain niya or si Cess. At sa hindi ko malamang dahilan ay basta nalang ako napag-initan ni Boss na syang gawing utusan kapag mayroon siyang naisipan o nagustuhang hingin. Kaya sa ayaw at sa gusto ko ay no choice. Kailangan pa ring sumunod dahil si
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-07-13
Baca selengkapnya

Chapter 20

>xx<Napasandal ako sa pinto ng maisara ko iyon pagkalabas ko. Hindi ko malaman kung maiinis o matutuwa ako sa nangyari. Napahawak ako sa dibdib ko ng wala sa loob. Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko na halos di na ako makahinga. Nanakawan na naman ako ng halik ng damuho na iyon. Nakakarami na ang lalaking yun sa akin. Pero in all fairness, kahit na dampi lang yung halik na ginawa niya ay nagawa pa rin niyang buhayin ang lahat ng nerves ko sa katawan. Para tuloy hindi ko na ma-contain ang kilig ko. To the point na parang ora mismo ay gusto kong magwala at magtatalon. Pakiramdam ko ay para akong nagdadalaga na ngayon lang naranasang kiligin.Nawala ang pinipigil kong kilig nang makarinig ako ng nabasag na pinggan galing sa kitchen kasabay ng paglabas ng humahangos na si Abbie. Nakayuko lamang ito habang naglalakad at tila
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-07-22
Baca selengkapnya
Sebelumnya
123
DMCA.com Protection Status