"Mama anong oras po kayo uli babalik?" tanong ng cute na cute na six years old na anak kong si Noah. "Pag ang maiksing kamay ng orasan ay nasa six at yung mahaba ay sa twelve. Promise, nandito na si mama," nakangiti kong tugon sa anak ko. "Pag ang maiksing kamay ng orasan ay nasa six at yung mahaba naman ay nasa twelve?" inulit nito ang sinabi ko at bahagya ngang nag-isip. "Anong oras yun, mama?" "It's for you to figure it out,” I pinch his cute little nose. “Basta ang bilin ni mama. ah? Gawin muna ang assignments mo mamaya bago ka maglaro.” "Hindi ka pa ba aalis? Ako nang bahala kay Noah." Dating ng asawa kong si Lyle, pero hindi kami kasal, more like live-in partner. "Paalis na rin ako, Lyle. Uhm. Sige at mauna na ako,” sabi ko na lang. Palabas na ako ng pinto nang tawagin ako ni Noah. Tumakbo ito sa akin at hinila ako para bigyan ako ng matamis na halik sa pisngi. "Babye po, mama! Mag-iingat po kayo," sweet na paalam ni Noah
Last Updated : 2021-06-09 Read more