Share

Chapter 1

last update Last Updated: 2021-06-09 06:54:28

"Mama anong oras po kayo uli babalik?" tanong ng cute na cute na six years old na anak kong si Noah.

"Pag ang maiksing kamay ng orasan ay nasa six at yung mahaba ay sa twelve. Promise, nandito na si mama," nakangiti kong tugon sa anak ko.

"Pag ang maiksing kamay ng orasan ay nasa six at yung mahaba naman ay nasa twelve?" inulit nito ang sinabi ko at bahagya ngang nag-isip. "Anong oras yun, mama?"

"It's for you to figure it out,” I pinch his cute little nose. “Basta ang bilin ni mama. ah? Gawin muna ang assignments mo mamaya bago ka maglaro.”

"Hindi ka pa ba aalis? Ako nang bahala kay Noah." Dating ng asawa kong si Lyle, pero hindi kami kasal, more like live-in partner.

"Paalis na rin ako, Lyle. Uhm. Sige at mauna na ako,” sabi ko na lang.

Palabas na ako ng pinto nang tawagin ako ni Noah. Tumakbo ito sa akin at hinila ako para bigyan ako ng matamis na halik sa pisngi.

"Babye po, mama! Mag-iingat po kayo," sweet na paalam ni Noah.

Itinaas ko ang kanang kamay ko na parang nanunumpa. "Promise, mag-iingat si mama.” I sweetly pormised and patted his head. “Basta you will promise too na mag-aaral kang mabuti sa school at wag malikot sa teacher, okay?" nakangiti kong sabi sa anak ko.

"Baka ma-late pa ang bata sa school. Tama na 'yan," Lyle interrupt.

Mabilis na lang akong nagpaalam kay Noah at hinalikan siya sa mataba at cute nitong pisngi.

"Mama, why don't you give papa a goodbye kiss too?" biglang tanong ni Noah bago ako tuluyang makaalis.

"Where did you get that idea?" gulat kong tanong.

"Sa tv po atsaka kahapon po nung nagpunta ako kina Ishin. Binigyan po ng kiss ni Tito Levi si Tita Sashi bago po ito umalis. Sabi ni Ishin goodbye kiss daw po ang tawag dun. Napansin ko lang po, bakit po kayo ni papa hindi ginagawa iyon?" inosenteng tanong ng anak ko.

Bigla akong namawis nang walang makapa ang dila ko na sagot. Lumalaki na nga ang anak ko at ang dami na niyang napapansin. Nakatingin lang ako ngayon nang diretso kay Lyle nang subukan kong lumapit at ibigay na lang ang hinihingi ng anak ko, para wala na itong masabi pa.

Ngunit mabilis na iniwas ni Lyle ang ulo. "Tara na, Noah. Papaliguan na kita para maihatid na kita nang maaga."

Naiwan akong tulala pagkaalis nila. Napabuntong-hininga na lang ako. Mahigit anim na taon na kami nagsasama pero ganun pa rin ang set-up namin.

I shrugged my head to let those thoughts away. Wala nang oras para isipin pa ang mga gan’ong bagay, baka nga ma-late pa ako.

Nag-resign na naman kasi si Lyle sa trabaho niya n’ong nakaraang araw. Ang totoo, maswerte na kung makatagal siya sa trabaho nang tatlo o anim na buwan dahil sa pagiging mainitin ng kanyang ulo ngayon kaya either i-terminate siya o siya mismo ang mag-resign. At dahil wala pa siyang nahahanap ulit kaya siya ngayon ang nag-aasikaso kay Noah.

Dahil sa ganun ang nangyayari palagi kaya nag-decide na akong tulungan na lang siya dahil sa lumalaki ang gastusin namin sa bahay. Nagsimula akong maghanap ng trabaho n'ong nakaraan at maswerteng magta-tatlong buwan na ako dito sa Faulkerson Cars Corporation - isang kumpanyang nagma-manufacture ng mga de-kaledad na mga sasakyan at pwede irampa kasabay ng mga BMW - kung saan natanggap ako bilang maintenance in short janitor. Ang shala lang ng tawag eh.

Dahil milyon naman ang pumapasok na pera sa Faulkerson Cars Corporation kaya kahit 'maintenance' lang ay pwede na ring pagtyagaan ang sahod ko. Hindi naman 'to drama kung saan kaya janitor ang bida ay para maawa ang mga tao at para matawag na 'mas mahirap sa daga o isang kahig-isang tuka''.

Ang totoo, kaya maintenance ang trabaho ko ngayon ay dahil ito lang sa tingin ko ang trabaho para sa mga hindi naman nakapagtapos ng pag-aaral. Graduating na ako noon nang maaga akong mabuntis at di ko na iyon muling naipagpatuloy, pero hindi ko iyon pinagsisisihan dahil hindi man binigay ng tadhana sa akin ang diploma ko, pero para sa akin matatawag ko nang malaking  biyaya ang pagdating ni Noah sa buhay ko.

"Arkesha Keyshey Larqueza na ipinanganak sa barong-barong noong panahon ng kupong-kupong!"

Napatigil ako sa ginagawa kong pagpu-punas dito sa lobby ng company nang marinig ko ang 'bulong' ni Marj. Ang unang naging kaibigan ko dito sa kumpanya na katulad ko ring maintenance, pero dahil matagal-tagal na siya dito nagtra-trabaho kaya ang mga floors sa taas na ang kanyang nililinis – na kung ikukumpara mo sa mga promotions, habang tumataas ang floor na nililinis mo ay tumataas rin ang rango mo.

Actually, pang-modelo ang mukha ni Marj kahit medyo may pagka-morena na super daldal, which I found her cute kasi maliit lang siya tapos kung magsalita ay parang laging may dalang microphone.

"Wuy, bebs." Lumambitin na sa braso ko si Marj para lang pansinin ko siya.

"Hindi pa natin sweldo para maging masaya ka," saad ko.

"I know pero may mas maganda akong dahilan para sumaya," kinikilig na pahayag nito.

Hindi ako umimik at nilingon lang si Marj.

"Tss. Ang KJ mo." She pouted. "Dapat excited mong itatanong kung ano yun." 

I sighed. “Okay, sige. Ano ‘yon?”

Humugot ito nang malalim na hininga bago ibinuka ang bibig.

"Kasi bebs, nasa bahay daw yung jowa kong Australiano para i-surprise ako. Alam mo namang iisang dugo lang ang dumadaloy sa ugat namin ng kuya kong beki kaya chinika na niya sa akin over the phone ang ganap sa bahay, teh! Dahil super duper ultra mega excited na me na makita si fafa Adamson of my life kaya nagsabi na ako kay Sir D'lo na mag e-early leave ako ngayon at pumayag naman siya basta may papalit daw sa akin. Ang totoo kaya ako nandito para makiusap sayo na pwede bang i-take over mo muna ako at yung sa 14th floor na lang naman ang hindi ko nalilinis. Promise bibigyan kita ng kalahati ng mga padala ni Adamson sa akin," walang hingahang daldal ni Marj na ang tanging naintindihan ko lang ay yung huli nitong sinabi. Parang ako ang hiningal sa kaniya.    

"A-Ano yung huli mong sinabi? I-take over ka?” tugon ko, “Paano, eh uuwi na ako after kong matapos dito at hinihintay ako ng anak ko sa bahay.”

"Sige na, bebs. Pagbigyan mo na ang nagmamaganda mong kaibigan.” Pagpapa-cute nito na talagang nag-beautiful eyes with matching pout pa talaga. Mukha siyang aso.

"Hindi ka ba pwedeng makiusap muna kay Bree?" tukoy ko sa isa rin naming kaibigan. Aubree ang pangalan nito pero Bree ang tawag namin sa kaniya.

"Ang daming utos na naman sa kanya ni Sir D'lo eh," she answered hopelessly.

"Eh yung iba? Na-try mo na ba kausapin sina Raquel?"

"Ayaw ko kay Raquel at on war kami ngayon," may pag-irap na tugon ni Marj.

"Anyare?" usisa ko.

"Secret~ charr. Sige, I'll kwento-kwento to you tomorrow basta ite-take over mo ako ngayon?" makulit na sabi ni Marj.

"Desperada ka talagang makaalis na agad, ‘no?" sabi ko na lang.

"Hindi naman ako deperada dahil super duper ultra megang desperadang-desperada na akong makauwi. Sige na, bebs. Please? Kahit na lumuhod pa ako sa harap mo ngayon," pagmamakaawa ni Marj na talagang paluhod na nga.

"Aish, okay. Sige na nga," pagsuko ko na lang.

"Yay! Ni-record ko yung sinabi mo ah, wala nang bawian 'yan." Agad ako nitong niyakap nang mahigpit.

"Hindi dahil sa gusto ko lang maki-chika sa kung anong nangyari sa inyong dalawa ni Raquel ah o dahil ayaw kong magasgasan ang 'napaka-kinis' mong  tuhod na iniingatan mo para sa Adamson mo. Ite-take over kita ngayon dahil bibigyan mo ako ng parte sa mga padala sayo. Ibibigay ko lang sa anak ko," turan ko sa kanya.

"No problem, bebs." She winked. "Salamat ng marami!" Tuwang-tuwa ito na talagang h*****k pa sa pisngi ko.

"Kadiri ka, lumayas ka na nga!" Pagtataboy ko sa kaniya at pabirong pinunasan ang pisngi ko.

"Love you, bebs, pero mas mahal ko pa rin ang Adamson ko," tumatawang hirit pa ni Marj paalis.

Maiintindihan naman siguro ni Noah kung male-late ako ng uwi atsaka malamang sa sobrang pagod nun sa school at laro ay hindi na niya ako mahihintay pa.

Kaya tinapos ko nang madalian ang pagpupunas saka umakyat sa 14th floor. Kung saan naabutan kong wala nang katao-tao dahil mag a-ala syete na rin ng gabi at kanina pa sila nagsiuwian.

Makalipas ang mahigit isang oras ay natapos rin ako sa paglilinis sa buong floor maliban sa office ni President Leigh – ang bagong CEO ng Faulkerson Cars Corporation nang ma-re-established ito uli.

Hindi ko kasi sure kung pati ba doon ay nililinis rin ni Marj pero mas magandang i-check ko pa rin.

Habang papalapit ako sa pinto ay sunod-sunod akong nakarinig nang malakas na kalabugan sa loob na nasundan pa ng isa kaya natigilan ako. Hindi likas sa akin ang mangielam pero dahil alam kong opisina iyon ni President Leigh kaya hindi ko maitagong mag-alala kung anong nangyayari. Pinili kong buksan nang bahagya ang pinto upang sumilip.

Bumungad sa mga mata ko ang nagkalat na papers sa sahig. Naramdaman ko ang pagtigil ng sistema ko sa pag-function nang tama. Nasasaksihan ko sa harapan ko ngayon kung paano ang itim na tuwid niyang buhok ay mahigpit na hawak ng isang kulubot na kamay. Ang kanyang coat na suot ay gusot-gusot na ngayon at wala sa ayos. Ang malamlam niyang mga mata ay mariin na nakapikit, hindi nakaligtas sa mga mata ko ang paglandas ng isang luha sa kaniyang pisngi. At ang kanyang manipis na guhit ng labi na minsang lumapat sa akin noon ay may pangahas na matandang umaangkin ngayon.

Nahugot ko ang paghinga ko nang magmulat siya nang mata at diretsong tumingin sa akin na parang alam niyang may nanunuod - na parang inaasahan at hinihintay niya ako ngayong makita ko ang secret affair nila ng isang matanda.

Dahil sa nangyari ay wala akong ibang nagawa kundi ang mapatakbo paalis. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman dahil sa nakita ko.

Bakit ko nasaksihan iyon?

Related chapters

  • Sshhh Let's Make a Secret   Chapter 2

    "Arkesha Keyshey Larqueza na pinapanganak sa barong-barong noong panahon ng kupong-kupong!" Nagising ako mula sa malalim na pagtulala dahil sa lakas ng boses ni Marj para lang makuha ang atensyon ko. Tumatakbo pa ito palapit sa akin. "Ito na 'yong kalahati ng mga chocolates na pinadala ni Adamson sa akin gaya ng pangako ko dahil tinake-over mo ako noong nakaraang gabi." Tuwang-tuwang inabot ni Marj ang tatlong pirasong chocolate bar. "Kalahati? Eh tatlo lang 'to?” Itinaas ko ang chocolates na hawak. “Anim na chocolates lang ang binigay ni Adamson mo?" "Ayy hindi ‘no," agad nitong kontra, "Hindi naman gan’on ka-cheap si Adamson. Papayag ba akong maging jowa niya kung gigipitin niya ako ng chocolates. Paano pa ang mga magiging anak namin pag ganun." She laughed. "Kaya tatlong piraso na lang ang natira sayo kasi syempre binigyan ko pa ang buong angkan ni Aleng Gemma para pautangin kami uli sa Avon niya, atsaka syempre bibigyan ko pa sina Bree at Sir D'lo

    Last Updated : 2021-06-09
  • Sshhh Let's Make a Secret   Chapter 3

    Maka-ilang beses ko pang pinilit na hinatak pababa ang maiksing skirt na suot ko ngayon habang nakaharap sa salamin. Pangalawang araw ko na ngayon sa pagiging secretary ni Sir Freire at sa totoo lang, di ko na talaga alam – di ko alam kung paano ba ako napasok sa ganito.Natulog lang ako tapos pagggising ko ay secretary na ako ni Sir Freire. Ito ba ang parusa ko dahil sa nakalimutan kong lagyan ng Wet Floor sign ang hallway kung saan siya nadulas. Oh gosh. Bago pa lang ako pero hindi na maganda ang encounter ko sa mga executives.Kahapon pinasadya ni Sir Freire na sa loob ng office niya ang maging desk ko, kung saan walong oras na nag-init lamang ang pwet ko sa upuan. Lahat pa rin ay inuutos niya sa dati niyang secretary na si Myfanwy sa labas. Inutusan niya lang ako na magtimpla ng kape para sa kanya at imasahe ang balikat niya. Madalas rin siyang sumusulyap sa akin gamit ng malalagkit niyang tingin na hindi ko na lamang pinapatulan kahit nababastusan na ako.

    Last Updated : 2021-06-09
  • Sshhh Let's Make a Secret   Chapter 4

    Gaya nang sabi ni President Leigh kahapon ay pumasok ako ng alas-otso ng umaga sa kompanya at tinungo ang opisina niya.Tulad nang dati ay maingat pa rin ako sa bawat galaw ko, dahil tumataas ang mini skirt na suot ko sa sobrang iksi. Wala naman kasi akong ibang masuot kundi itong binigay ni Sir Freire.Paglabas ko sa elevator nang makatuntong ito sa 14th floor ay nakasalubong ko si Sir Alastair."Good morning po, sir." Magalang kong bati rito."Just call me Mr.Alastair. You're Ms.Arkesha, right? Nabanggit ka sa akin ni Miss President," nakangiting pahayag niya."Okay po, sir- I mean Mr.Alastair.""Halika. Ang bilin ni Miss President na kapag dumating ka na ay kita sa kaniya.”Pagkapasok namin sa office ni President Leigh ay naabutan namin siyang tulad pa rin nang dati na subsob sa mga binabasa niyang papers.Magalang na yumukod si Mr.Alastaor. "Excuse me, Miss President. Nandito na po siya.”Pagkaangat ng ul

    Last Updated : 2021-06-14
  • Sshhh Let's Make a Secret   Chapter 5

    "Simple lang naman ang gagawin, Ms. Arkesha,” Pagsisimula ni Mr. Alastair sa pagpapaliwanag ng duties and responsibilities nang isang secretary. “Ayusin ang schedules ni Miss President. Mag-encode ng mga data at files na ipapasa sayo. Tumanggap ng tawag. And perform other duties as necessary.""Okay po." Tumango lang ako. Pinapakinggan at tinatandaan lahat ng bilin niya.Nagpatuloy si Mr. Alastair sa pagte-training sa akin. Isa-isa naming pinuntahan ang mga departments ng kompanya para malaman ko daw ang mga dapat kong puntahan kung may kailangan ako o utusan."Say hello, everyone!" Pagtawag ni Mr. Alastair ng atensyon ng lahat ng staff nang makarating kami sa 14th floor. "This is Ms. Arkesha, who will start training today as Miss President's new secretary.""Hello sa inyo. Magandang araw!” masigla kong pagbati sa lahat."Ms. Arkesha, iyon si Mr. Brooke. Ang ating general manager," pagpapakilala ni Mr. Alastair sa isang malaking b

    Last Updated : 2021-06-14
  • Sshhh Let's Make a Secret   Chapter 6

    Today is Thursday, my third day as a training secretary of Miss President.So far, nakukuha ko na kung paano gawin ang trabaho kahit papaano sa tulong ni Mr. Alastair. Nai-enjoy ko na rin ito dahil sa kakulitan nina Mr. Brooke. Pero hindi ko pa rin naman kinakalimutan ang pinanggalingan ko kaya mamaya ay kina Marj ako makikisabay ng lunch.Pagkasakay ko ng elevator ay hindi ko inaasahan na makakasabayan ko si Ms. Boa sa loob ng elevator. Unang kita pa lang niya sa akin ay inismidan na niya ako, hindi ko man alam kung saan siya humugot nang pagkainis sa akin ay nginitian ko na lang siya at binati ng magandang umaga. Inirapan niya lang ako pagkatapos nun. Pumasok na lang ako at tumabi sa kanya.Dumaan na ang ilang palapag pero sobrang tahimik ng buong apat na sulok ng elevator. Mahaba-haba pa ang biyahe ng elevator. Meron mga pailan-ilan na pumapasok pero bumababa rin agad.Humugot si Ms. Boa ng foundation sa bag niya at sa buong minuto namin sa loob ng ele

    Last Updated : 2021-06-14
  • Sshhh Let's Make a Secret   Chapter 7

    Lumipas ang isang buwang training ko bilang secretary. Ngayon ay Lunes, unang araw ng linggo at ngayon rin ang pinaka-unang araw ko bilang secretary ni President Leigh. Nga pala, nakahanap na uli ng trabaho si Lyle sa isang kumpanya malapit lang din dito sa company.Sa lumipas na isang buwan ay nakakatuwang madali kong natutunan ang lahat. Medyo pressure lang ang maging secretary ng isang presidente ng kompanya, pero dahil lagi naman nandiyan si Mr. Alastair para umalalay kaya masasabi kong nagagampanan ko nang maayos ang trabaho ko. Hanga talaga ako kay Mr. Alastair dahil ginagawa niya lahat ng ito dati nang siya lang.Kahit na hindi gan’on kadali ang trabaho bilang secretary ay nai-enjoy ko naman ito dahil sa kakulitan nina Mr. Brooke at Young na dinagdagan pa ng pagiging pikunin ni Frances kaso si Ms. Boa talaga, walang pagbabago at sinusungitan pa rin ako sa di malamang dahilan.Yung naging lunch out namin nina Marj at Bree n’ong nakaraan ay nasu

    Last Updated : 2021-06-15
  • Sshhh Let's Make a Secret   Chapter 8

    Pagdating ko sa kompanya ay kapansin-pansin ang pagiging abala nang lahat. Hindi ako agad napansin nina Mr.Brooke nang madaanan ko ang department nila kung hindi ko pa sila binati.Pagpasok sa loob ay nandoon na si Mr. Alastair sa kanyang table nang makarating ako, na tulad nina Young na sa sobrang busy ay hindi siguro napansin ang presensya ko. Binati ko rin ito upang makuha ang atensyon."Sorry. Nandyan ka na pala, Ms.Arkesha. Good morning rin." Tipid itong ngumiti."Mukhang abala po ang lahat,” ani ko."Next month na kasi ang opening ng warehouse na itinayo sa Laguna. May mga dinagdag kasing detalye si Miss President,” nakangiting tugon ni Mr.Alastair kahit na halata ang stress sa itsura nito."Oo nga pala.”"Sinend ko na sa email mo yung mga gagawin mo, check mo na lang," dagdag nito."Thank you po."“Nga pala, as per Miss President ay nabanggit na niya sayo na mula ngayon ay sa loob na ng office niy

    Last Updated : 2021-06-15
  • Sshhh Let's Make a Secret   Chapter 9

    Kinabukasan ay maaga akong gumising upang makapagluto. In-steam ko muna ang gulay na gagamitin ko para madaling kainin mamaya. Balak ko kasing magbaon ng magiging tanghalian namin mamaya ni President Leigh. Kahit paunti-unti dapat ay matuto siyang kumain ng gulay.Balak kong magluto ng Curry. Ito ang specialty ko eh. Hilig ko na noon pa man ang magluto, iyon ang nagustuhan sa akin ni Lyle dati....dati. Mula dun hindi ko napigilang maalala ang nakaraan.****Nakikipag-sabayan ako nang pagiging pasaway sa mga lalaki noong highschool ako. Only child kaya spoiled ganun at napa-barkada pa na mostly ay sa mga lalaki rin.N’ong tumuntong ako ng college ay mas lalo akong lumala. Naging bisyo ko ang drag racing pero kalian man ay hindi ako nahuli. Lagi kong natatakasan ang mga pulis. Dahil doon ay naging irregular ako first year pa lang dahil sa dami ng absences ko at cutting classes. Pero nagbago ang lahat nang makilala ko si Lyle - nang maging

    Last Updated : 2021-06-15

Latest chapter

  • Sshhh Let's Make a Secret   Epilogue

    "Ma, where's my basketball shoes?" sigaw ni Noah."At the shoe rack!" balik kong sigaw."Not this one, gusto ko po yung bigay ni Papa Lyle," himutok ng anak ko."Naputikan iyon n'ong nakaraan nang naglaro kayo ng basketball. Nilabhan ng mommy mo kaninang umaga," tugon ko.Iniipitan ko ngayon ang buhok nang magta-tatlong taon naming anak ni Leigh na si Lightley. Pinaayos ko siya ng upo sa sofa upang mai-tirintas ko nang maayos ito. "Wag malikot, baby. Parating na si Daddy Zeus mo."Mas lalo ito naging malikot na may pagkampay pa ng kaniyang paa nang marinig ang pangalan ng daddy niya. "Daddy! Daddy! Daddy!" she excitedly chant.Imbes na mainis ay mas napangiti pa ako sa sobrang ka-cute-an nito. Para siyang mini-version ni Leigh na mas makulit nga lang."Maglalaro po uli kami nina Hugo. Ano pong gagamitin ko?" Mula sa isang pasilyo ay lumabas ang anak ko.Nang balingan ko siya ay bahagyang natawa ako sa itsura nito, kunot na kuno

  • Sshhh Let's Make a Secret   Chapter 66

    "Leigh....!" Nabalot ang buong silid ng sigaw ni Arkesha, mabilis nitong pinuntahan ang kasintahan.Binitiwan ni Arkesha ang hawak na katana at baril, madali nitong sinalo si Leigh bago pa man ito tumumba sa lupa."A-Arkesha," Leigh groaned in pain.Kinapa ni Arkesha ang tama ng baril sa likod nito. "L-Leigh?" Nanginig siya nang makitang may bahid ng dugo ang kaniyang kamay.Nagsimulang umagos ang masaganang luha mula kay Arkesha at napahagulhol na sa iyak."No. No. No. My love, please," Arkesha cries.Masuyong inabot nang nanghihinang kamay ni Leigh ang pisngi ni Arkesha na basa ng luha."Hush, my love. Sshhh" pagpapatahan ni Leigh sa minamahal."D-Don't leave me

  • Sshhh Let's Make a Secret   Chapter 65

    "Don't kill him," Leigh dangerously exclaim."Miss President," bulalas ni Heloise.Sumilay ang ngisi sa labi ni Ichi-sanMula kay Arkesha ay nalipat ang dulo ng katana ni Leigh sa kaniyang tito. "I will kill him," she added.Nawala ang pagkakangisi ni Ichi-san dahil sa tinuran ni Leigh. Seryosong nakatingin lamang ito sa kaniyang tito."My oh my beautiful niece, why are you going to kill your own auncle? Ako na lang ang natitira mong pamilya mula nang mamatay si Carleigh at Val, ako lang ang nakaka-intindi sayo, ako ang nasa tabi mo n'ong mga panahong tinalikuran ka ng mundo. Sa lahat ng ginawa ko para sayo ay ang pagpatay sa akin ang isusukli m-"

  • Sshhh Let's Make a Secret   Chapter 64

    Humahangos si Heloise pagkapasok sa isang silid. Sinundan niya ang narinig na malakas na kalabog at dito siya sa kwartong ito dinala ng kaniyang mga paa.Natigilan si Heloise nang masaksihan kung paano halos mapuno ang silid ng dugo ng mga patay na bantay na nakahandusay sa sahig. Halos putol na ang ulo ng mga ito at ang iba'y hindi na makilala ang mga itsura.Halos napahawak naman siya sa kaniyang bibig sa pagkagulat habang nasasaksihan sa kaniyang harapan kung paano sunod-sunod na hinahampas ni Arkesha ang mukha ng hawak nitong lalaki sa pader."Nasaan si Ichi-san?" mahina ngunit galit na tanong ni Arkesha sa lalaking halos hindi na makilala ang itsura.Muli niyang hinampas nang malakas ang mukha ng lalaki sa pader nang hindi ito nagsasalita."Wakarimasen! Wakarimasen!""Ano!?" Umalingaw-lingaw sa buong silid ang sigaw na iyon ni Arkesha.Ihahampas sana uli ni Arkesha ang mukha ng lalaki sa pader nang lakas na loob siyang nilapitan

  • Sshhh Let's Make a Secret   Chapter 63

    "Let's rescue Leigh first," determinadong wika ni Arkesha."No. Eva is waiting for us," pagkontra naman ni Heloise."We can't rescue Ate Eva kung wala si Leigh.""Miss President would be fine. How about Eva, alam na ba natin kung nasaan siya? Is she okay or….is s-she's dead?""That's it, hindi natin alam kung nasaan si Ate Eva. Mas mahuhuli lang tayo,” katwiran ni Arkesha."Mas mahuhuli tayo kung susundan natin kung saan nila dinala si Miss President. It's much more risky. Kita mo naman kung gaano karaming bantay ang nakapalibot sa kaniya kanina."Halos magsukatan ng tingin sina Arkesha at Heloise. Parehas gustong masunod. Parehas ayaw magpatalo. Parehas na gustong iligtas ang mga minamahal."I'm going to rescue, Leigh, all alone," mariing ani Arkesha."All by myself, I'm going to rescue, Eva," determinadong wika naman ni Heloise.Arkesha’s face softened."Please, be careful,” she whisper.

  • Sshhh Let's Make a Secret   Chapter 62

    "Sigurado kayong nandiyan si Eva?" tanong ni Heloise. Binigay nito kay Leigh ang binocular na ginamit."We'll know if we'll get inside," ani ko.Nasa isa kaming bangin na may kalayuan sa mansyon ngunit tanaw mula rito. Nagpaplano kami kung papaano papasukin ang mansyon ni Ichi-san."They we're armed with katana and guns," komento ni Leigh habang siya naman ang sumisilip sa kabuuan ng mansyon gamit ng binocular."Hindi sila ganiyan karami nung huli nating punta, hindi rin sila armado," dagdag ko."Kung gan'on ay nasa loob nga niyan si Eva. Alam nilang pupunta tayo," wika ni Heloise."How we will get inside?" tanong sa amin ni Leigh nang bitawan na rin niya ang binocular."Shouldn't we call a police?" suhestyon ko."That would be a stupid act," kontra sa akin ni Heloise."Paano tayo papasok? Wala tayong anumang armas--""Ya, anata wa dare desu ka." [Who are you?]Nabigla kaming tatlo sa pagsulpot ng isang hap

  • Sshhh Let's Make a Secret   Chapter 61

    Arkesha's POVs:Halos matumba ako sa lakas nang pagkakasampal sa akin ni Heloise pagkakita sa akin nang maabutan namin siya rito sa airport. Hindi pa ako nakakabawi sa nangyari ay kinuwelyuhan ako nito na halos pakiramdam ko ay sinasakal ako. She lifted me up, almost tearing the collar of the blouse I am wearing, I can hear the slight rasp of material ripping. Her eyes were swearing in anger, she clenched her jaw."Why did you let her leave!?" sigaw ni Heloise sa buong mukha ko.Hindi ko malaman kung paano magre-react. Pakiramdam ko ay biglang pinutol ang dila ko, tanging iling lamang ang kaya kong itugon nung mga oras na iyon.Mabigat ang paghinga ni Heloise at matalim ang tingin nito na waring gusto ako nitong patayin, ngunit nakikita kong pilit nitong pinapakalma ang sarili.Agad na gumitna sa aming dalawa si Leigh. "Stop it, you two," mahinahon na pakiusap ni Leigh.Humigpit pa ang pagkaka-kwelyo sa akin ni Heloise na halos hindi ako mak

  • Sshhh Let's Make a Secret   Chapter 60

    May pag-aalangan akong kumatok sa kwarto ni mama. Makalipas ang ilang segundo ay wala akong nakuhang anumang tugon mula sa loob. I don't know if mama is inside. Imbes na umalis na lang ay mas nanaig sa akin ang kuryusidad na pumasok.Baka ako tuluyang nilamon nang matinding antok kagabi ay hindi ako maaaring magkamali na binanggit ni Ate Eva ang pangalan ng papa ni Leigh. Ang tanong ko ay, anong koneksyon ni mama sa papa ni Leigh? May nakaraan ba silang dalawa? At ano ba talagang nangyayari? Iyon ang gusto kong malaman kay mama.The door creaked as I opened it slowly, the darkness of the room greets me. Kinapa ko ang switch ng ilaw sa bandang gilid upang bigyan ng liwanag ang buong silid. Bahagya akong nanibago sa itsura ng kwarto, wala masyadong nagbago rito ngunit hindi ko na matandaan kung kailan ang huling beses na nakapasok ako rito sa kwarto nila papa. If my memory ser

  • Sshhh Let's Make a Secret   Chapter 59

    Leigh's POVs"Why do you always keep following me!?"Nagitla ako dahil sa ginawang pagbulyaw sa akin ni Arkesha. My body froze and my tounge got stuck yet I can't help but to smile, she's still beautiful even she's upset. She rolled her eyes at me, mukhang mas lalo niyang ikinainis ang pagngiti ko.Tatlong araw na ako dito sa mansion nila at wala akong ginawa kundi ang suyuin ang mahal kong hindi raw ako maalala."Because, I love you." I smiled sweetly. "Follow what you love daw kasi-- ayy do what you love yata iyon. Basta gan'on, mahal kita."Kumunot ang noo nito dahil sa tinugon ko at napapailing na parang di makapaniwala sa mga sinasabi ko. Sa kabila nang hi

DMCA.com Protection Status