Semua Bab Sshhh Let's Make a Secret: Bab 11 - Bab 20

69 Bab

Chapter 10

"Noah, naglagay ako ng kapote at payong dito sa bag mo ah.""Opo mama.""Ito na rin ang baon mo, ubusin mo 'to ah," habilin ko kay Noah."I love you, mama. Bye-bye po,” sweet na paalam sa akin ng anak ko. Humalik sa pisngi ko."I love you too. Aral mabuti ha." Hindi ko napigilan ang ma-cute-an sa kanya kaya nagulo ko ang buhok niya.Nang matapos kay Noah ay lumapit naman ako kay Lyle na abalang nagkakabit ng necktie."Binaunan kita ng pagkain mo para sa lunch mo mamaya. Inayos ko na doon sa bag mo atsaka naglagay na rin ako ng payong. Medyo makulimlim kasi ang langit mukhang uulan ng malakas. Mag-ingat ka na lang," habilin ko rin dito habang isinusuot sa kaniya ang coat nito.Tumango lamang ito at binigyan ako ng ngiti na hindi man lang umabot sa tenga.Tulad nang nakagawian pagkaalis nila ay saka naman ako nagmamadaling nag-ayos ng sarili ko. Medyo na-late kasi ako kaninang nagising tapos nagluto pa ako.Sakto lan
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-06-18
Baca selengkapnya

Chapter 11

Lumipas ang isang linggo mula n’ong doon ako tumuloy nung gabing iyon sa condo ni President Leigh. Mula nun hindi ko na mapigilan ang sarili kong obserbahan siya kung may pagkakataon. Hindi kasi pala-salita na tao si President Leigh kaya sa pamamagitan ng pagmamasid sa kanya ay masasabi kong nakikilala ko siya unti-unti. Kung ano ang mukha nito kapag seryoso, kung ano ang itsura nito kapag stressed siya, ang mga reaction niya.Ngayon ay Lunes, sinadya kong maaga pumasok para maging maganda ang simula ng linggo ko. Pagdating ko sa kompanya ay may inabot sa akin si Frances na envelope na kung pwedeng ako na lang daw mag-abot kay President Leigh.Pagpasok ko sa loob ng opisina ay wala pa rin si President Leigh pero tingin ko parating na rin siya anumang oras. Pagkalapag ko ng gamit ko sa desk ay muling nahagip ng mata ko ang mga picture frames sa gilid.Lumapit ako sa cabinet at muli ay isa-isang tinignan ang mga ito. Pinigilan ko ang sarili na wag mangielam
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-06-23
Baca selengkapnya

Chapter 12

“Mama, papa anong oras po kayo pupuntang school mamaya?”Kumakain kami ngayon ng agahan nang mapatingin ako sa anak ko sa biglang pagtatanong nito. Nag-hysterical tuloy ang isip ko kung bakit. Wala naman sigurong nangyari kay Noah sa school at hindi naman tumawag ang teacher niya.“Bakit, ‘nak? Anong meron?” usisa ko.“Family day po namin ngayon sa school. Magdala daw po ng parents.”I mentally face palm. Nabanggit na nga ng anak ko ang tungkol sa Family Day nila, sa sobrang busy sa trabaho ay nawala sa isip ko.“Ngayon na ba yun?” tanong ni Lyle.“Opo. Mga ala-una daw po magsisimula mamaya,” tugon ng anak namin.“Sige, subukan kong mag-early leave na lang ngayon sa work ko para maka-attend ako sa Family Day ninyo,” nakangiti kong tugon kay Noah.Ngumiti lamang si Noah sa akin bilang tugon at pagkatapos ay bumaling kay Lyle. “Eh kayo po papa. An
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-07-03
Baca selengkapnya

Chapter 13

Hindi pumasok si President Leigh ngayong araw. Akala ko nung una ay late lang siya uli ngunit nag-message siya kay Mr.Alastair na ire-schedule lahat ng meetings at appointments niya ngayong araw. Binilin rin niyang i-finalize namin ‘yong tinayong warehouse d’on sa Laguna kung meron pang mga kulang dahil next week ay mag o-ocular inspection siya. Okay na pala ‘yong paa ko. Gumaling rin siya matapos nang isang linggo mahigit. Paika-ika nga lang ako maglakad nung mga unang araw. Hindi ako pinapasok halos dalawang araw ni President Leigh matapos nung Family Day ni Noah para daw madaling gumaling ang paa ko. Ngayon, dahil wala naman akong kasama sa loob ng office ay dito ako ngayon sa labas kasama ni Mr.Alastair, dahil doon ay nakasabay ko uli sina Mr. Brooke mag-lunch. Sa susunod naman ay sina Marj at Bree ang yayayain kong mag-lunch. “Kamusta pala ang date kahapon, Ms.Boa?” hirit ni Frances nang makaupo na kami sa isang round table dito sa cafeteria. “Oo
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-07-10
Baca selengkapnya

Chapter 14

Lumipas ang ilang araw simula nung nangyari sa condo ni Presient Leigh. Walang nagbago, hindi ko alam kung dahil ba sa mga nainom niya nun kaya wala siyang maalala o tulad ko lang rin siyang kumikilos na lang ng normal. Mas lalo niyang ginulo ang utak ko ngayon.Dahil sa mga halik na iyon hindi na makapag-function ngayon ang utak ko ng tama. Hindi ko alam pero parang mas naging sensitive ako sa tuwing nagdidikit ang balat namin ni President Leigh.Ayoko nang ganito. She confused the hell out of me. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kasi ako makapaniwala sa nangyari sa amin the mere fact na tumugon ako dun. We both lost on that moment. Ugh. Nakakawala ng tino.“Secretary Arkesha.”Bigla akong napatingin kay President Leigh nang tawagin niya ako.“Yes, Miss President?” agad kong tugon nang mabalik sa realidad.“Are you okay? I call you several times but you’re just staring at me. Something wrong?” usisa
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-07-16
Baca selengkapnya

Chapter 15

Lumipas ang araw ng opening ng warehouse sa Laguna. Naging successful ito. Sobrang higpit ng security kaya ang mga media ay nasa labas lamang warehouse. Di gan'on karami ang mga bisitang dumating. Tanging mahahalagang tao lang ang inimbitahan at nakapasok sa loob. Matapos ng ribbon cutting ay nag-treat si President Leigh sa isang restaurant kasama lahat ng team ni Engr.Zeus na tumulong sa pagbuo ng warehouse. Dahil doon ay halos napuno ang restaurant. Makalipas ang dalawang linggo mula n’ong pormal na buksan ang operasyon ng warehouse. Today is the day – ang naka-set na outing na prinepare ko. Sa isang resort sa Laiya, Batangas ako nagpa-book. Dahil minsan lang mangyari ang outing na ito ay ginawa kong three days and two nights ang bakasyon na ‘to. “Arkesha Keyshey Larqueza na ipinanganak sa barong-barong noong panahon ng kupong-kupong!!!” Jusko alam ko na kung kaninong sigaw na iyon, di man lang nahiya. Dahil sa lakas ng boses ni Marj ay napatingin a
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-07-23
Baca selengkapnya

Chapter 16

Matapos magkainan ng tanghalian ay agad na nagsipuntahan ang lahat sa dagat. Kanya-kanyang swimming ang lahat habang ako ay piniling dito sa tabing-dagat mag-unwind.Kakatawag ko lang kay Noah kanina. Binilhan ko siya ng cellphone n’ong nakaraan para ma-contact ko siya pag nami-miss ko siya, but seriously siya talaga ang nakaka-miss sa akin. Ito kasi ang parang unang beses na nagkahiwalay kami kaya nga iyak siya ng iyak nung gabi bago ako umalis ng bahay.Sina Marj at Bree ay hinigit ako para sa sumali sa selfie nila. Kung saan-saan nila ako hinatak dalawa hanggang sa nakarating na nga kami sa kabilang resort. Kami lang tatlo.Pagkarating namin sa kabilang resort ay sobrang daming tao. Ibang-iba sa pinanggalingan namin na tahimik. Mabuti na lang tama ang napili ko na isang private resthouse na lang ang rentahan namin.“Oh my mga bebs, look at that guy. Ang pogi. Sana dito na lang tayo, ang daming papables,” kinikilig na turo ni Marj sa i
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-07-31
Baca selengkapnya

Chapter 17

Medyo masakit pa ang ulo ko mula sa mga ininom ko kagabi ngunit naalimpungatan ako mula sa sinag ng araw na tumama sa mata ko galing sa bintana.Nang silipin ko si President Leigh sa aking tabi ay mahimbing pa rin itong natutulog habang yakap ang unan. Kung anong posisyon nito kagabi ay ganun pa rin na parang hindi man lang ito gumalaw.Saglit akong napangiti at napagdesisyunang bumangon na. Tutal mukhang gising na rin naman ang diwa ko ay ako na lang ang magluluto ng agahan naming lahat. Pagkatayo ko ay sinarado ko nang bahagya ang bintana gamit ng kurtina.Tahimik at maingat kong ginawa ang morning routine ko para di ko magising si President Leigh. Nang nakaayos na ako ay inayos ko muna ang kumot ni President Leigh bago bumaba.Pagdating ko sa kusina, inaasahan kong ako ang naunang nagising pero mas maaga palang bumangon si Ms.Boa. Naabutan ko siyang nagluluto ng agahan namin. Agad niyang naramdaman ang presensya ko kaya sinilip niya ako. Wala itong sin
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-08-06
Baca selengkapnya

Chapter 18

Ugh. Anong ispirito ng kabaliwan ang pumasok sa utak mo? Bakit mo ba kasi ginawa iyon? Aish, sarap mong sabunutan.Yeah, I was drunk but I remember everything. I remember how stupid I was. Bakit mo naman kasi hinalikan si President Leigh at umiyak ka pa sa harap niya? Lasing ka lang pero nasa tamang pag-iisip ka pa naman nun.Isang araw na ang nakalipas simula nang bumalik kami dito sa Manila. Kahapon sobrang awkward talaga, halos hindi kami nag-imikan ni President Leigh simula n’ong lumisan kami ng Laiya, Batangas. Hindi ko alam kung pansin iyon ng mga kasama namin pero hindi ko talaga magawang salubungin ang mga mata ni President Leigh sa tuwing sumusulyap ito sa akin.Sobra akong nahihiya sa ginawa ko ngunit alam kong hindi naman pwede ang ganito na iwasan ko siya. Mukhang kailangan ko nang humingi ng tawad at ayusin ang sarili ko, kung anuman iyong gumugulo sa utak ko ay dapat nang tapusin.Humugot ako ng malalim na buntong hininga bago ako luma
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-08-14
Baca selengkapnya

Chapter 19

Maaga akong pumasok ng opisina dahil marami akong dapat matapos. Hindi kasi ako nakabalik agad kahapon kaya natambakan si Mr. Alastair ng gawain at ngayon ay kailangan ko siyang tulungan.Mag a-ala syete pa lang ay nandito na ako sa loob ng office. Dahil mukhang magiging mahaba ang araw ko kaya nagtimpla ako ng kape. Pinagtimplahan ko na rin si President Leigh para meron siyang maiinom pagdating niya.Pagkalapag ko ng tasa ng kape sa desk nito ay bumalik na rin ako sa sarili kong desk bitbit ang kape ko. Kakaupo ko palang nang mapatingin ako sa pintuan. Akala ko ay si President Leigh ngunit isang pamilyar na babae ang pumasok. Nagkatinginan kami saglit at agad naming nakilala ang isa’t-isa.“Miss Arkesha!?” Agad itong lumapit sa akin.“Ikaw ‘yong babae dun sa souvenier shop n’ong nakaran!?” Turo ko rito. “You’re Lithesia, right? If my memory serves right.”Gustong mahulog ng panga ko dahil
last updateTerakhir Diperbarui : 2021-08-16
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1234567
DMCA.com Protection Status