Lumipas ang isang linggo mula n’ong doon ako tumuloy nung gabing iyon sa condo ni President Leigh. Mula nun hindi ko na mapigilan ang sarili kong obserbahan siya kung may pagkakataon. Hindi kasi pala-salita na tao si President Leigh kaya sa pamamagitan ng pagmamasid sa kanya ay masasabi kong nakikilala ko siya unti-unti. Kung ano ang mukha nito kapag seryoso, kung ano ang itsura nito kapag stressed siya, ang mga reaction niya.
Ngayon ay Lunes, sinadya kong maaga pumasok para maging maganda ang simula ng linggo ko. Pagdating ko sa kompanya ay may inabot sa akin si Frances na envelope na kung pwedeng ako na lang daw mag-abot kay President Leigh.
Pagpasok ko sa loob ng opisina ay wala pa rin si President Leigh pero tingin ko parating na rin siya anumang oras. Pagkalapag ko ng gamit ko sa desk ay muling nahagip ng mata ko ang mga picture frames sa gilid.
Lumapit ako sa cabinet at muli ay isa-isang tinignan ang mga ito. Pinigilan ko ang sarili na wag mangielam
“Mama, papa anong oras po kayo pupuntang school mamaya?”Kumakain kami ngayon ng agahan nang mapatingin ako sa anak ko sa biglang pagtatanong nito. Nag-hysterical tuloy ang isip ko kung bakit. Wala naman sigurong nangyari kay Noah sa school at hindi naman tumawag ang teacher niya.“Bakit, ‘nak? Anong meron?” usisa ko.“Family day po namin ngayon sa school. Magdala daw po ng parents.”I mentally face palm. Nabanggit na nga ng anak ko ang tungkol sa Family Day nila, sa sobrang busy sa trabaho ay nawala sa isip ko.“Ngayon na ba yun?” tanong ni Lyle.“Opo. Mga ala-una daw po magsisimula mamaya,” tugon ng anak namin.“Sige, subukan kong mag-early leave na lang ngayon sa work ko para maka-attend ako sa Family Day ninyo,” nakangiti kong tugon kay Noah.Ngumiti lamang si Noah sa akin bilang tugon at pagkatapos ay bumaling kay Lyle. “Eh kayo po papa. An
Hindi pumasok si President Leigh ngayong araw. Akala ko nung una ay late lang siya uli ngunit nag-message siya kay Mr.Alastair na ire-schedule lahat ng meetings at appointments niya ngayong araw. Binilin rin niyang i-finalize namin ‘yong tinayong warehouse d’on sa Laguna kung meron pang mga kulang dahil next week ay mag o-ocular inspection siya. Okay na pala ‘yong paa ko. Gumaling rin siya matapos nang isang linggo mahigit. Paika-ika nga lang ako maglakad nung mga unang araw. Hindi ako pinapasok halos dalawang araw ni President Leigh matapos nung Family Day ni Noah para daw madaling gumaling ang paa ko. Ngayon, dahil wala naman akong kasama sa loob ng office ay dito ako ngayon sa labas kasama ni Mr.Alastair, dahil doon ay nakasabay ko uli sina Mr. Brooke mag-lunch. Sa susunod naman ay sina Marj at Bree ang yayayain kong mag-lunch. “Kamusta pala ang date kahapon, Ms.Boa?” hirit ni Frances nang makaupo na kami sa isang round table dito sa cafeteria. “Oo
Lumipas ang ilang araw simula nung nangyari sa condo ni Presient Leigh. Walang nagbago, hindi ko alam kung dahil ba sa mga nainom niya nun kaya wala siyang maalala o tulad ko lang rin siyang kumikilos na lang ng normal. Mas lalo niyang ginulo ang utak ko ngayon.Dahil sa mga halik na iyon hindi na makapag-function ngayon ang utak ko ng tama. Hindi ko alam pero parang mas naging sensitive ako sa tuwing nagdidikit ang balat namin ni President Leigh.Ayoko nang ganito. She confused the hell out of me. Hanggang ngayon ay hindi pa rin kasi ako makapaniwala sa nangyari sa amin the mere fact na tumugon ako dun. We both lost on that moment. Ugh. Nakakawala ng tino.“Secretary Arkesha.”Bigla akong napatingin kay President Leigh nang tawagin niya ako.“Yes, Miss President?” agad kong tugon nang mabalik sa realidad.“Are you okay? I call you several times but you’re just staring at me. Something wrong?” usisa
Lumipas ang araw ng opening ng warehouse sa Laguna. Naging successful ito. Sobrang higpit ng security kaya ang mga media ay nasa labas lamang warehouse. Di gan'on karami ang mga bisitang dumating. Tanging mahahalagang tao lang ang inimbitahan at nakapasok sa loob. Matapos ng ribbon cutting ay nag-treat si President Leigh sa isang restaurant kasama lahat ng team ni Engr.Zeus na tumulong sa pagbuo ng warehouse. Dahil doon ay halos napuno ang restaurant. Makalipas ang dalawang linggo mula n’ong pormal na buksan ang operasyon ng warehouse. Today is the day – ang naka-set na outing na prinepare ko. Sa isang resort sa Laiya, Batangas ako nagpa-book. Dahil minsan lang mangyari ang outing na ito ay ginawa kong three days and two nights ang bakasyon na ‘to. “Arkesha Keyshey Larqueza na ipinanganak sa barong-barong noong panahon ng kupong-kupong!!!” Jusko alam ko na kung kaninong sigaw na iyon, di man lang nahiya. Dahil sa lakas ng boses ni Marj ay napatingin a
Matapos magkainan ng tanghalian ay agad na nagsipuntahan ang lahat sa dagat. Kanya-kanyang swimming ang lahat habang ako ay piniling dito sa tabing-dagat mag-unwind.Kakatawag ko lang kay Noah kanina. Binilhan ko siya ng cellphone n’ong nakaraan para ma-contact ko siya pag nami-miss ko siya, but seriously siya talaga ang nakaka-miss sa akin. Ito kasi ang parang unang beses na nagkahiwalay kami kaya nga iyak siya ng iyak nung gabi bago ako umalis ng bahay.Sina Marj at Bree ay hinigit ako para sa sumali sa selfie nila. Kung saan-saan nila ako hinatak dalawa hanggang sa nakarating na nga kami sa kabilang resort. Kami lang tatlo.Pagkarating namin sa kabilang resort ay sobrang daming tao. Ibang-iba sa pinanggalingan namin na tahimik. Mabuti na lang tama ang napili ko na isang private resthouse na lang ang rentahan namin.“Oh my mga bebs, look at that guy. Ang pogi. Sana dito na lang tayo, ang daming papables,” kinikilig na turo ni Marj sa i
Medyo masakit pa ang ulo ko mula sa mga ininom ko kagabi ngunit naalimpungatan ako mula sa sinag ng araw na tumama sa mata ko galing sa bintana.Nang silipin ko si President Leigh sa aking tabi ay mahimbing pa rin itong natutulog habang yakap ang unan. Kung anong posisyon nito kagabi ay ganun pa rin na parang hindi man lang ito gumalaw.Saglit akong napangiti at napagdesisyunang bumangon na. Tutal mukhang gising na rin naman ang diwa ko ay ako na lang ang magluluto ng agahan naming lahat. Pagkatayo ko ay sinarado ko nang bahagya ang bintana gamit ng kurtina.Tahimik at maingat kong ginawa ang morning routine ko para di ko magising si President Leigh. Nang nakaayos na ako ay inayos ko muna ang kumot ni President Leigh bago bumaba.Pagdating ko sa kusina, inaasahan kong ako ang naunang nagising pero mas maaga palang bumangon si Ms.Boa. Naabutan ko siyang nagluluto ng agahan namin. Agad niyang naramdaman ang presensya ko kaya sinilip niya ako. Wala itong sin
Ugh. Anong ispirito ng kabaliwan ang pumasok sa utak mo? Bakit mo ba kasi ginawa iyon? Aish, sarap mong sabunutan.Yeah, I was drunk but I remember everything. I remember how stupid I was. Bakit mo naman kasi hinalikan si President Leigh at umiyak ka pa sa harap niya? Lasing ka lang pero nasa tamang pag-iisip ka pa naman nun.Isang araw na ang nakalipas simula nang bumalik kami dito sa Manila. Kahapon sobrang awkward talaga, halos hindi kami nag-imikan ni President Leigh simula n’ong lumisan kami ng Laiya, Batangas. Hindi ko alam kung pansin iyon ng mga kasama namin pero hindi ko talaga magawang salubungin ang mga mata ni President Leigh sa tuwing sumusulyap ito sa akin.Sobra akong nahihiya sa ginawa ko ngunit alam kong hindi naman pwede ang ganito na iwasan ko siya. Mukhang kailangan ko nang humingi ng tawad at ayusin ang sarili ko, kung anuman iyong gumugulo sa utak ko ay dapat nang tapusin.Humugot ako ng malalim na buntong hininga bago ako luma
Maaga akong pumasok ng opisina dahil marami akong dapat matapos. Hindi kasi ako nakabalik agad kahapon kaya natambakan si Mr. Alastair ng gawain at ngayon ay kailangan ko siyang tulungan.Mag a-ala syete pa lang ay nandito na ako sa loob ng office. Dahil mukhang magiging mahaba ang araw ko kaya nagtimpla ako ng kape. Pinagtimplahan ko na rin si President Leigh para meron siyang maiinom pagdating niya.Pagkalapag ko ng tasa ng kape sa desk nito ay bumalik na rin ako sa sarili kong desk bitbit ang kape ko. Kakaupo ko palang nang mapatingin ako sa pintuan. Akala ko ay si President Leigh ngunit isang pamilyar na babae ang pumasok. Nagkatinginan kami saglit at agad naming nakilala ang isa’t-isa.“Miss Arkesha!?” Agad itong lumapit sa akin.“Ikaw ‘yong babae dun sa souvenier shop n’ong nakaran!?” Turo ko rito. “You’re Lithesia, right? If my memory serves right.”Gustong mahulog ng panga ko dahil
"Ma, where's my basketball shoes?" sigaw ni Noah."At the shoe rack!" balik kong sigaw."Not this one, gusto ko po yung bigay ni Papa Lyle," himutok ng anak ko."Naputikan iyon n'ong nakaraan nang naglaro kayo ng basketball. Nilabhan ng mommy mo kaninang umaga," tugon ko.Iniipitan ko ngayon ang buhok nang magta-tatlong taon naming anak ni Leigh na si Lightley. Pinaayos ko siya ng upo sa sofa upang mai-tirintas ko nang maayos ito. "Wag malikot, baby. Parating na si Daddy Zeus mo."Mas lalo ito naging malikot na may pagkampay pa ng kaniyang paa nang marinig ang pangalan ng daddy niya. "Daddy! Daddy! Daddy!" she excitedly chant.Imbes na mainis ay mas napangiti pa ako sa sobrang ka-cute-an nito. Para siyang mini-version ni Leigh na mas makulit nga lang."Maglalaro po uli kami nina Hugo. Ano pong gagamitin ko?" Mula sa isang pasilyo ay lumabas ang anak ko.Nang balingan ko siya ay bahagyang natawa ako sa itsura nito, kunot na kuno
"Leigh....!" Nabalot ang buong silid ng sigaw ni Arkesha, mabilis nitong pinuntahan ang kasintahan.Binitiwan ni Arkesha ang hawak na katana at baril, madali nitong sinalo si Leigh bago pa man ito tumumba sa lupa."A-Arkesha," Leigh groaned in pain.Kinapa ni Arkesha ang tama ng baril sa likod nito. "L-Leigh?" Nanginig siya nang makitang may bahid ng dugo ang kaniyang kamay.Nagsimulang umagos ang masaganang luha mula kay Arkesha at napahagulhol na sa iyak."No. No. No. My love, please," Arkesha cries.Masuyong inabot nang nanghihinang kamay ni Leigh ang pisngi ni Arkesha na basa ng luha."Hush, my love. Sshhh" pagpapatahan ni Leigh sa minamahal."D-Don't leave me
"Don't kill him," Leigh dangerously exclaim."Miss President," bulalas ni Heloise.Sumilay ang ngisi sa labi ni Ichi-sanMula kay Arkesha ay nalipat ang dulo ng katana ni Leigh sa kaniyang tito. "I will kill him," she added.Nawala ang pagkakangisi ni Ichi-san dahil sa tinuran ni Leigh. Seryosong nakatingin lamang ito sa kaniyang tito."My oh my beautiful niece, why are you going to kill your own auncle? Ako na lang ang natitira mong pamilya mula nang mamatay si Carleigh at Val, ako lang ang nakaka-intindi sayo, ako ang nasa tabi mo n'ong mga panahong tinalikuran ka ng mundo. Sa lahat ng ginawa ko para sayo ay ang pagpatay sa akin ang isusukli m-"
Humahangos si Heloise pagkapasok sa isang silid. Sinundan niya ang narinig na malakas na kalabog at dito siya sa kwartong ito dinala ng kaniyang mga paa.Natigilan si Heloise nang masaksihan kung paano halos mapuno ang silid ng dugo ng mga patay na bantay na nakahandusay sa sahig. Halos putol na ang ulo ng mga ito at ang iba'y hindi na makilala ang mga itsura.Halos napahawak naman siya sa kaniyang bibig sa pagkagulat habang nasasaksihan sa kaniyang harapan kung paano sunod-sunod na hinahampas ni Arkesha ang mukha ng hawak nitong lalaki sa pader."Nasaan si Ichi-san?" mahina ngunit galit na tanong ni Arkesha sa lalaking halos hindi na makilala ang itsura.Muli niyang hinampas nang malakas ang mukha ng lalaki sa pader nang hindi ito nagsasalita."Wakarimasen! Wakarimasen!""Ano!?" Umalingaw-lingaw sa buong silid ang sigaw na iyon ni Arkesha.Ihahampas sana uli ni Arkesha ang mukha ng lalaki sa pader nang lakas na loob siyang nilapitan
"Let's rescue Leigh first," determinadong wika ni Arkesha."No. Eva is waiting for us," pagkontra naman ni Heloise."We can't rescue Ate Eva kung wala si Leigh.""Miss President would be fine. How about Eva, alam na ba natin kung nasaan siya? Is she okay or….is s-she's dead?""That's it, hindi natin alam kung nasaan si Ate Eva. Mas mahuhuli lang tayo,” katwiran ni Arkesha."Mas mahuhuli tayo kung susundan natin kung saan nila dinala si Miss President. It's much more risky. Kita mo naman kung gaano karaming bantay ang nakapalibot sa kaniya kanina."Halos magsukatan ng tingin sina Arkesha at Heloise. Parehas gustong masunod. Parehas ayaw magpatalo. Parehas na gustong iligtas ang mga minamahal."I'm going to rescue, Leigh, all alone," mariing ani Arkesha."All by myself, I'm going to rescue, Eva," determinadong wika naman ni Heloise.Arkesha’s face softened."Please, be careful,” she whisper.
"Sigurado kayong nandiyan si Eva?" tanong ni Heloise. Binigay nito kay Leigh ang binocular na ginamit."We'll know if we'll get inside," ani ko.Nasa isa kaming bangin na may kalayuan sa mansyon ngunit tanaw mula rito. Nagpaplano kami kung papaano papasukin ang mansyon ni Ichi-san."They we're armed with katana and guns," komento ni Leigh habang siya naman ang sumisilip sa kabuuan ng mansyon gamit ng binocular."Hindi sila ganiyan karami nung huli nating punta, hindi rin sila armado," dagdag ko."Kung gan'on ay nasa loob nga niyan si Eva. Alam nilang pupunta tayo," wika ni Heloise."How we will get inside?" tanong sa amin ni Leigh nang bitawan na rin niya ang binocular."Shouldn't we call a police?" suhestyon ko."That would be a stupid act," kontra sa akin ni Heloise."Paano tayo papasok? Wala tayong anumang armas--""Ya, anata wa dare desu ka." [Who are you?]Nabigla kaming tatlo sa pagsulpot ng isang hap
Arkesha's POVs:Halos matumba ako sa lakas nang pagkakasampal sa akin ni Heloise pagkakita sa akin nang maabutan namin siya rito sa airport. Hindi pa ako nakakabawi sa nangyari ay kinuwelyuhan ako nito na halos pakiramdam ko ay sinasakal ako. She lifted me up, almost tearing the collar of the blouse I am wearing, I can hear the slight rasp of material ripping. Her eyes were swearing in anger, she clenched her jaw."Why did you let her leave!?" sigaw ni Heloise sa buong mukha ko.Hindi ko malaman kung paano magre-react. Pakiramdam ko ay biglang pinutol ang dila ko, tanging iling lamang ang kaya kong itugon nung mga oras na iyon.Mabigat ang paghinga ni Heloise at matalim ang tingin nito na waring gusto ako nitong patayin, ngunit nakikita kong pilit nitong pinapakalma ang sarili.Agad na gumitna sa aming dalawa si Leigh. "Stop it, you two," mahinahon na pakiusap ni Leigh.Humigpit pa ang pagkaka-kwelyo sa akin ni Heloise na halos hindi ako mak
May pag-aalangan akong kumatok sa kwarto ni mama. Makalipas ang ilang segundo ay wala akong nakuhang anumang tugon mula sa loob. I don't know if mama is inside. Imbes na umalis na lang ay mas nanaig sa akin ang kuryusidad na pumasok.Baka ako tuluyang nilamon nang matinding antok kagabi ay hindi ako maaaring magkamali na binanggit ni Ate Eva ang pangalan ng papa ni Leigh. Ang tanong ko ay, anong koneksyon ni mama sa papa ni Leigh? May nakaraan ba silang dalawa? At ano ba talagang nangyayari? Iyon ang gusto kong malaman kay mama.The door creaked as I opened it slowly, the darkness of the room greets me. Kinapa ko ang switch ng ilaw sa bandang gilid upang bigyan ng liwanag ang buong silid. Bahagya akong nanibago sa itsura ng kwarto, wala masyadong nagbago rito ngunit hindi ko na matandaan kung kailan ang huling beses na nakapasok ako rito sa kwarto nila papa. If my memory ser
Leigh's POVs"Why do you always keep following me!?"Nagitla ako dahil sa ginawang pagbulyaw sa akin ni Arkesha. My body froze and my tounge got stuck yet I can't help but to smile, she's still beautiful even she's upset. She rolled her eyes at me, mukhang mas lalo niyang ikinainis ang pagngiti ko.Tatlong araw na ako dito sa mansion nila at wala akong ginawa kundi ang suyuin ang mahal kong hindi raw ako maalala."Because, I love you." I smiled sweetly. "Follow what you love daw kasi-- ayy do what you love yata iyon. Basta gan'on, mahal kita."Kumunot ang noo nito dahil sa tinugon ko at napapailing na parang di makapaniwala sa mga sinasabi ko. Sa kabila nang hi