Ugh. Anong ispirito ng kabaliwan ang pumasok sa utak mo? Bakit mo ba kasi ginawa iyon? Aish, sarap mong sabunutan.
Yeah, I was drunk but I remember everything. I remember how stupid I was. Bakit mo naman kasi hinalikan si President Leigh at umiyak ka pa sa harap niya? Lasing ka lang pero nasa tamang pag-iisip ka pa naman nun.
Isang araw na ang nakalipas simula nang bumalik kami dito sa Manila. Kahapon sobrang awkward talaga, halos hindi kami nag-imikan ni President Leigh simula n’ong lumisan kami ng Laiya, Batangas. Hindi ko alam kung pansin iyon ng mga kasama namin pero hindi ko talaga magawang salubungin ang mga mata ni President Leigh sa tuwing sumusulyap ito sa akin.
Sobra akong nahihiya sa ginawa ko ngunit alam kong hindi naman pwede ang ganito na iwasan ko siya. Mukhang kailangan ko nang humingi ng tawad at ayusin ang sarili ko, kung anuman iyong gumugulo sa utak ko ay dapat nang tapusin.
Humugot ako ng malalim na buntong hininga bago ako luma
Maaga akong pumasok ng opisina dahil marami akong dapat matapos. Hindi kasi ako nakabalik agad kahapon kaya natambakan si Mr. Alastair ng gawain at ngayon ay kailangan ko siyang tulungan.Mag a-ala syete pa lang ay nandito na ako sa loob ng office. Dahil mukhang magiging mahaba ang araw ko kaya nagtimpla ako ng kape. Pinagtimplahan ko na rin si President Leigh para meron siyang maiinom pagdating niya.Pagkalapag ko ng tasa ng kape sa desk nito ay bumalik na rin ako sa sarili kong desk bitbit ang kape ko. Kakaupo ko palang nang mapatingin ako sa pintuan. Akala ko ay si President Leigh ngunit isang pamilyar na babae ang pumasok. Nagkatinginan kami saglit at agad naming nakilala ang isa’t-isa.“Miss Arkesha!?” Agad itong lumapit sa akin.“Ikaw ‘yong babae dun sa souvenier shop n’ong nakaran!?” Turo ko rito. “You’re Lithesia, right? If my memory serves right.”Gustong mahulog ng panga ko dahil
Lumipas ang buong araw ngayon na normal lang. Medyo nagkagulo lang kanina sa shareholder meeting dahil may kumalat na fake news na may krisis na pinagdadaanan ngayon ang kumpanya at marami ang gusto mag-pull out ng kanilang mga shares. Nakakabilib ang pagiging mahinahon ni President Leigh. Hinayaan niyang magwala ang mga shareholders nung una at nung siya na ang nagsasalita ay wala siyang pinayagang sumingit sa pagpapaliwanag niya.Ngayon ay pabalik na ako sa 14th floor. May inutos sa akin si President Leigh, pinababalik ang isang file sa logistic department sa baba. At hindi ko alam kung matatawag ko bang malas na kasabay ko ngayon si Ms.Boa sa elevator. Nakatingin lang siya ng deretso sa pintuan ng elevator katulad ng madalas gawin ni President Leigh, dahil doon ay lakas-loob akong tumingin rin doon at mula sa reflection ng pintuan ng elevator ay sinalubong ko ang mga mata niya.Nahuli ko siyang nakatingin sa akin. Inaasahan kong iirapan niya ako ngunit ng
Medyo napaaga ako ng kaunti sa pagpasok. Pagdating ko sa office ay medyo nagulat ako nang maabutan si Sir Freire. Nakaupo ito sa sofa at mukha itong may hinihintay na importanteng tao. Agad itong napa-angat ng ulo pagkapasok ko.Wala pa si President Leigh kaya kami palang ang tao dito.“Good morning, Sir Freire,” magalang kong pagbati.Tumayo ito at lumapit sa akin. “Bakit ka nakipag-date sa kanya?” salubong na tanong nito sa akin.“H-Ho?”Hindi ko na nagawang makapag-react pa nang hawakan nito ang pareho kong kamay at tinignan ang mga mata ko. “Please date with me too.” Kita ko ang kaseryusuhan mula sa mga mata nito.“Eh kasi po--” Gusto kong umangal ngunit pinutol na naman niya ako sa pagsasalita.“Miss Larqueza.” Parang nagmamakaawa ang tono nito sa pagbanggit ng pangalan ko.Ilang segundo akong nakatitig lang kay Sir Freire. Hindi alam kung
Ngayong araw ay day-off ko sa work. Saktong-sakto dahil nagpakita ang anak ko kagabi ng mga matataas na grade nito at bilang reward ay ipapasyal siya namin ngayon ni Lyle. Sa mall lang naman para makapag konting shopping na rin kami ng bagong gamit ni Noah.Ang kaso si Lyle ay hahabol na lang daw dahil may importanteng report siya sa pinagtra-trabahuan ngayong umaga, kaya mauuna na daw kami ni Noah sa mall.Madali akong nag-ayos ngayon at basta na lang ipinasok sa bag ang mga gamit. Nakabihis at naka-ayos na kasi si Noah sa labas kaya pinagamamadali na niya ako.Gamit-gamit namin ngayon ang sasakyan na binigay ni President Leigh n’ong nakaraan. Tuwang-tuwa nga abf anak ko n’ong gabing iyon na may inuwi akong sasakyan, halos doon na siya matulog sa loob. Samantalang si Lyle ay binigyan lang ako ng kakaibang tingin pero wala naman siyang sinabi.Sa sobrang hindi yata mapigil ni Noah ang excitement ay sinasabayan niya ngayon sa radio si Juan Karl
“I’m going with you.”Kasalukuyan akong nag-aayos ng gamit papasok nang mapatingin ako kay Lyle dahil sa sinabi nito.“Huh?”“Sasama ako sayo papunta sa trabaho mo,” anito.“Bakit? May pasok ka diba?” usisa ko.Hindi muna ako papasok. Gusto kong makausap si Leigh. “Tinignan ko siya nang mataman sa mga mata nito. Ngunit halos wala akong mabasa mula sa kanya sa dami ng emosyon na ipinapakita ng mata niya. Sa huli ay tumango na lamang ako.Bago kami pumunta sa Faulkerson company ay hinatid muna namin si Noah sa school nito. Ako ang driver habang nasa tabi ko si Lyle. Pasimple ko siyang sinusulyapan paminsan-minsan ngunit malayo ang tanaw nito mula sa labas ng bintana.Nang makarating kami sa company ay pina-log in na lang si Lyle ng guard sa visitor’s logbook at pinapasok na kami. Panakaw-nakaw pa rin akong sumisilip kay Lyle habang paakyat kami sa 14th
Parehas na napukaw ni Lithesia ang atensyon namin ni President Leigh nang humikab ito nang malakas.Nandito siya ngayon sa loob ng office. Gusto daw niya kaming makasama, ngunit dahil may trabaho kaming dalawa ni President Leigh at hindi mapagbigyan ang request niya na date. Pumuwesto na lang tuloy ito sa sala set at magta-talong oras nang nagbabasa ng kung ano-anong magazine.“Sinabi ko na sayo, umuwi ka na at sa ibang araw na lang dahil may ginagawa kami,” ani President Leigh kay Lithesia.“Tapusin niyo na nga iyang ginagawa niyo tapos mag-date na tayo.” Lithesia pouted.“Nagsasayang ka lang ng oras dito,” ika ni President Leigh.“Hindi pagsasayang ng oras ang kagustuhan ko na makasama kayo,” pagpipilit ni Lithesia.“Wala ka bang gagawin sa coffee shop mo at nandito ka?” tanong na lang ni President Leigh.“Kaya na ni Grey d’on,” ani Lithesia.Napabu
“Tell us something about yourself?” simula kong tanong.“I am Lyle Sebastian. I have lots of working experience ‘cause I’m finding the right company for me. And I believe Faulkerson Cars Corporation would be my last, because I finally found who am I looking for here,” mahabang litanya ni Lyle.Narito ngayon si Lyle sa harapan namin. Sumama na naman sa akin sa pagpasok. Nag-resign na pala siya kahapon sa dati niyang work dahil mas gusto daw niyang magtrabaho rito.Nag-away lang kami kagabi dahil sa biglaan nitong desisyon. Tinatanong ko nga siya kung bakit pa siya lilipat ulit ng trabaho, kung maayos naman ang lahat sa dati niyang kompanyang pinagtra-trabahuan, ngunit wala akong makuha-kuhang matinong sagot sa kaniya.Kaya nandito siya ngayon sa harapan namin ni President Leigh at nag-aapply. Ako ang inatasan ni President Leigh na mag-interview sa kanya.“Who is it?” I curiously ask.“Just
Leigh’sPOVs:Bahagyang ikinabigla ko nang pagpasok ko sa loob ng office ay si Lyle ang naabutan ko. Ang inaasahan ko kasi ay si Arkesha. Nakaupo ito sa swivel chair ko habang binabasa ang ilang papers sa ibabaw ng desk ko. Nagliwanag ang mukha nito at agad na napangiti pagkakita sa akin.“Good morning, Leigh,”he greeted.“What are you doing here?”I ask.“I prepare a special coffee for you.” Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa swivel chair at lumapit sa akin upang iabot ang tinimplang kape.I smile. “Thank you.”“Anything for you, my love.”He winked.Sumimsim ako sa kapeng ibinigay nito at saglit kong iginala ang paningin.
"Ma, where's my basketball shoes?" sigaw ni Noah."At the shoe rack!" balik kong sigaw."Not this one, gusto ko po yung bigay ni Papa Lyle," himutok ng anak ko."Naputikan iyon n'ong nakaraan nang naglaro kayo ng basketball. Nilabhan ng mommy mo kaninang umaga," tugon ko.Iniipitan ko ngayon ang buhok nang magta-tatlong taon naming anak ni Leigh na si Lightley. Pinaayos ko siya ng upo sa sofa upang mai-tirintas ko nang maayos ito. "Wag malikot, baby. Parating na si Daddy Zeus mo."Mas lalo ito naging malikot na may pagkampay pa ng kaniyang paa nang marinig ang pangalan ng daddy niya. "Daddy! Daddy! Daddy!" she excitedly chant.Imbes na mainis ay mas napangiti pa ako sa sobrang ka-cute-an nito. Para siyang mini-version ni Leigh na mas makulit nga lang."Maglalaro po uli kami nina Hugo. Ano pong gagamitin ko?" Mula sa isang pasilyo ay lumabas ang anak ko.Nang balingan ko siya ay bahagyang natawa ako sa itsura nito, kunot na kuno
"Leigh....!" Nabalot ang buong silid ng sigaw ni Arkesha, mabilis nitong pinuntahan ang kasintahan.Binitiwan ni Arkesha ang hawak na katana at baril, madali nitong sinalo si Leigh bago pa man ito tumumba sa lupa."A-Arkesha," Leigh groaned in pain.Kinapa ni Arkesha ang tama ng baril sa likod nito. "L-Leigh?" Nanginig siya nang makitang may bahid ng dugo ang kaniyang kamay.Nagsimulang umagos ang masaganang luha mula kay Arkesha at napahagulhol na sa iyak."No. No. No. My love, please," Arkesha cries.Masuyong inabot nang nanghihinang kamay ni Leigh ang pisngi ni Arkesha na basa ng luha."Hush, my love. Sshhh" pagpapatahan ni Leigh sa minamahal."D-Don't leave me
"Don't kill him," Leigh dangerously exclaim."Miss President," bulalas ni Heloise.Sumilay ang ngisi sa labi ni Ichi-sanMula kay Arkesha ay nalipat ang dulo ng katana ni Leigh sa kaniyang tito. "I will kill him," she added.Nawala ang pagkakangisi ni Ichi-san dahil sa tinuran ni Leigh. Seryosong nakatingin lamang ito sa kaniyang tito."My oh my beautiful niece, why are you going to kill your own auncle? Ako na lang ang natitira mong pamilya mula nang mamatay si Carleigh at Val, ako lang ang nakaka-intindi sayo, ako ang nasa tabi mo n'ong mga panahong tinalikuran ka ng mundo. Sa lahat ng ginawa ko para sayo ay ang pagpatay sa akin ang isusukli m-"
Humahangos si Heloise pagkapasok sa isang silid. Sinundan niya ang narinig na malakas na kalabog at dito siya sa kwartong ito dinala ng kaniyang mga paa.Natigilan si Heloise nang masaksihan kung paano halos mapuno ang silid ng dugo ng mga patay na bantay na nakahandusay sa sahig. Halos putol na ang ulo ng mga ito at ang iba'y hindi na makilala ang mga itsura.Halos napahawak naman siya sa kaniyang bibig sa pagkagulat habang nasasaksihan sa kaniyang harapan kung paano sunod-sunod na hinahampas ni Arkesha ang mukha ng hawak nitong lalaki sa pader."Nasaan si Ichi-san?" mahina ngunit galit na tanong ni Arkesha sa lalaking halos hindi na makilala ang itsura.Muli niyang hinampas nang malakas ang mukha ng lalaki sa pader nang hindi ito nagsasalita."Wakarimasen! Wakarimasen!""Ano!?" Umalingaw-lingaw sa buong silid ang sigaw na iyon ni Arkesha.Ihahampas sana uli ni Arkesha ang mukha ng lalaki sa pader nang lakas na loob siyang nilapitan
"Let's rescue Leigh first," determinadong wika ni Arkesha."No. Eva is waiting for us," pagkontra naman ni Heloise."We can't rescue Ate Eva kung wala si Leigh.""Miss President would be fine. How about Eva, alam na ba natin kung nasaan siya? Is she okay or….is s-she's dead?""That's it, hindi natin alam kung nasaan si Ate Eva. Mas mahuhuli lang tayo,” katwiran ni Arkesha."Mas mahuhuli tayo kung susundan natin kung saan nila dinala si Miss President. It's much more risky. Kita mo naman kung gaano karaming bantay ang nakapalibot sa kaniya kanina."Halos magsukatan ng tingin sina Arkesha at Heloise. Parehas gustong masunod. Parehas ayaw magpatalo. Parehas na gustong iligtas ang mga minamahal."I'm going to rescue, Leigh, all alone," mariing ani Arkesha."All by myself, I'm going to rescue, Eva," determinadong wika naman ni Heloise.Arkesha’s face softened."Please, be careful,” she whisper.
"Sigurado kayong nandiyan si Eva?" tanong ni Heloise. Binigay nito kay Leigh ang binocular na ginamit."We'll know if we'll get inside," ani ko.Nasa isa kaming bangin na may kalayuan sa mansyon ngunit tanaw mula rito. Nagpaplano kami kung papaano papasukin ang mansyon ni Ichi-san."They we're armed with katana and guns," komento ni Leigh habang siya naman ang sumisilip sa kabuuan ng mansyon gamit ng binocular."Hindi sila ganiyan karami nung huli nating punta, hindi rin sila armado," dagdag ko."Kung gan'on ay nasa loob nga niyan si Eva. Alam nilang pupunta tayo," wika ni Heloise."How we will get inside?" tanong sa amin ni Leigh nang bitawan na rin niya ang binocular."Shouldn't we call a police?" suhestyon ko."That would be a stupid act," kontra sa akin ni Heloise."Paano tayo papasok? Wala tayong anumang armas--""Ya, anata wa dare desu ka." [Who are you?]Nabigla kaming tatlo sa pagsulpot ng isang hap
Arkesha's POVs:Halos matumba ako sa lakas nang pagkakasampal sa akin ni Heloise pagkakita sa akin nang maabutan namin siya rito sa airport. Hindi pa ako nakakabawi sa nangyari ay kinuwelyuhan ako nito na halos pakiramdam ko ay sinasakal ako. She lifted me up, almost tearing the collar of the blouse I am wearing, I can hear the slight rasp of material ripping. Her eyes were swearing in anger, she clenched her jaw."Why did you let her leave!?" sigaw ni Heloise sa buong mukha ko.Hindi ko malaman kung paano magre-react. Pakiramdam ko ay biglang pinutol ang dila ko, tanging iling lamang ang kaya kong itugon nung mga oras na iyon.Mabigat ang paghinga ni Heloise at matalim ang tingin nito na waring gusto ako nitong patayin, ngunit nakikita kong pilit nitong pinapakalma ang sarili.Agad na gumitna sa aming dalawa si Leigh. "Stop it, you two," mahinahon na pakiusap ni Leigh.Humigpit pa ang pagkaka-kwelyo sa akin ni Heloise na halos hindi ako mak
May pag-aalangan akong kumatok sa kwarto ni mama. Makalipas ang ilang segundo ay wala akong nakuhang anumang tugon mula sa loob. I don't know if mama is inside. Imbes na umalis na lang ay mas nanaig sa akin ang kuryusidad na pumasok.Baka ako tuluyang nilamon nang matinding antok kagabi ay hindi ako maaaring magkamali na binanggit ni Ate Eva ang pangalan ng papa ni Leigh. Ang tanong ko ay, anong koneksyon ni mama sa papa ni Leigh? May nakaraan ba silang dalawa? At ano ba talagang nangyayari? Iyon ang gusto kong malaman kay mama.The door creaked as I opened it slowly, the darkness of the room greets me. Kinapa ko ang switch ng ilaw sa bandang gilid upang bigyan ng liwanag ang buong silid. Bahagya akong nanibago sa itsura ng kwarto, wala masyadong nagbago rito ngunit hindi ko na matandaan kung kailan ang huling beses na nakapasok ako rito sa kwarto nila papa. If my memory ser
Leigh's POVs"Why do you always keep following me!?"Nagitla ako dahil sa ginawang pagbulyaw sa akin ni Arkesha. My body froze and my tounge got stuck yet I can't help but to smile, she's still beautiful even she's upset. She rolled her eyes at me, mukhang mas lalo niyang ikinainis ang pagngiti ko.Tatlong araw na ako dito sa mansion nila at wala akong ginawa kundi ang suyuin ang mahal kong hindi raw ako maalala."Because, I love you." I smiled sweetly. "Follow what you love daw kasi-- ayy do what you love yata iyon. Basta gan'on, mahal kita."Kumunot ang noo nito dahil sa tinugon ko at napapailing na parang di makapaniwala sa mga sinasabi ko. Sa kabila nang hi