Chapter 28 Mahaba ang naging byahe namin mula Panglao hanggang Loboc. Pero sulit naman pagdating namin doon. Napakatahimik at tila ayaw mo nang mag-ingay kung ikaw ay naroon. Puro puno lang ang naririnig at ang katabi nitong itlog, ang mahihinang agos ng tubig nito, idagdag pa ang mga huni ng ibon at ibang insekto. "Grabe ang tahimik dito. Nakakatakot mag-ingay." bulong ko kay Carlew. Papunta na kami sa magiging room namin, at masasabi kong malalaki ang mga rooms nila. Lahat din ng rooms ay gawa sa kahoy, pero napakaganda. Nature na nature talaga, tanging ilog lamang ang aming maririnig, ang agos ng tubig at mga huni ng mga ibon. "Don't worry, pakiramdam mo lang yun. Pero pwedeng mag-ingay." he said and smiled at me. Agad akong punamulahan sa sinabi niya, may ibang pumasok sa isip. Lalo na nang maramdaman ko ang marahang pag haplos niya sa aking bewang. Agad kong iwinala iyon sa
Read more