All Chapters of Acting Of Affection (TAGALOG): Chapter 81 - Chapter 90

102 Chapters

Chapter 44.1

Lizabeth's POVFrom: Darren[Punta ka naman sa gym ko, libre na para sayo ;)] Maaga akong nagising, ay mali. Nagising pala talaga 'ko. Hindi ko na mabilang kung ilang message at missed call na ang narinig ko simula pa kaninang madaling araw at lahat ng 'yon galing kay Darren.  Sa Paris ay nagyo-yoga ako madalas pero hindi ko pa nasubukang mag-gym. Sayang din naman kung hindi ko papaunlakan ang alok niya, libre na sis, aarte pa ba? Nakasuot na ako ngayon ng sports bra na pinatungan ng itim na hoodie jacket na may zipper. Tapos itim na leggings at rubber shoes naman sa paa. Itinali ko din ang buhok ko at saka ko na sinukbit ang backpack kong may lamang tubig, tuwalya, at pamalit na damit. Lumabas na ako ng unit at sinarado ko na ito. Ngunit parang nasira na agad ang araw ko nang may isang taong ayaw na ayaw kong makita ngayong umaga. "Good morning, punta ka sa gy
Read more

Chapter 44.2

(Continuation of chapter 44)Lizabeth's POV"What's your problem, men?" bulyaw sa kanya ni Darren habang pinapahid ang dugo niya sa may labi. Tumayo siya at saka hinarap si Kenzo na nakakuyom na ang kamao. Ngumisi si Kenzo at saka tumiim ang bagang. "Shut your f*cking mouth. You pervert!" "Alam mo napaka yabang mo, sino ka ba, ha?"  "You don't know me?" Tinaasan siya ng kilay ni Kenzo. Kinuwelyuhan niya si Darren kaya nag-panic ako. "Kenzo, enough," bulong ko sa kanya habang hawak ang balikat niya pero parang wala siyang narinig. "I'm Kenzo Navarro, an actor, an idol, and a king. My family own the biggest company of jewelry and shoes in America and I can buy this whole mall including this f*cking gym of yours," mahina ngunit maawtoridad na sabi niya. Nakita ko naman ang paggalaw ng adams apple ni Darren at para bang map
Read more

Chapter 44.3

(Continuation of chapter 44)Lizabeth's POVBlinock ko na ang number ni Darren sa contacts ko. Syempre pagkatapos ng nangyari kanina ayaw ko na siyang makausap ulit.  Nagtitimpla na ako ng juice ngayon, sisimulan ko na 'yong new design na susuutin ni Kenzo. Hapon na din at kakatapos ko lang kumain ng tanghalian. Dumiretso na ako sa may sofa ko at ipinatong ang baso ng juice sa center table kung saan naroroon ang mga oslo paper at color pencil na gagamitin ko. Sinimulan ko nang gumawa. Sinigurado kong masa-satisfied ng design ko ang standards ni Allyson kahit hindi naman siya ang magsusuot.  Inabot din ako ng halos tatlong oras sa paggawa hanggang sa makatapos ako ng naisip kong design. Nakaramdam ako ng gutom kaya naman naisip kong bumaba para kumain sa resto ni Leo na hindi naman masyadong malayo mula dito. "I hate you! Gusto mo bang makarating 'to sa daddy mo?!" 
Read more

Chapter 45.1

Lizabeth's POVNagising ako sa loob ng isang hindi pamilyar na kwarto. Alam kong hindi ito ang kwarto ko dahil magulo ang mga gamit at amoy lalaki ang amoy. May mga nagkalat din na damit sa sahig at magulo ang kama. Maya-maya'y napangiti ako nang maalala ang nangyari sa amin ni Kenzo kagabi. Sobrang na-miss ko siya. Dahan-dahan akong naupo at sumandal sa headboard ng kama. Nakaramdam pa ako ng kirot sa pagitan ng mga hita ko pero sinawalang bahala ko na lang iyon at saka bumaba sa higaan. Nilimot ko ang mga damit ko na nagkalat sa sahig at saka ito isinuot. "Let's eat, I know na magugustuhan mo 'to." Natigilan ako nang marinig ang boses ni Allyson mula sa labas. Tahimik pero mabilis akong napapunta sa medyo bukas na pinto ng kwarto ni Kenzo at sumilip sa siwang no'n. Nakita ko si Allyson at Kenzo na kumakain sa kusina. Nakatalikod sa direksyon ko si Allyson kaya tanging si Kenzo lang ang nakik
Read more

Chapter 45.2

(Continuation of chapter 45)Lizabeth's POVPagmulat ko ng mga mata ko ay maliwanag na ang paligid. Umaga na pala at sobrang sakit ng ulo ko. Parang hihiwalay na ang anit ko sa 'kin. Pagbangon ko ay saka ko lang nakita ang paligid, nasa sala pala 'ko ng unit ni Kenzo. Pagtingin ko sa suot ko ay nagtaka ako nang makitang t-shirt ni Kenzo ang nasa katawan ko ngayon. Nasaan ang damit ko kagabi at bakit nandito na naman ako sa unit niya? "Good morning, kumain ka muna." Paglingon ko sa kusina ay nakita ko siya na topless pero nakasuot ng apron. Nagluluto ata siya ng agahan. Dahan-dahan akong bumangon dahil parang umiikot ang paligid ko. Nang makalapit ako sa kanya ay niyakap ko siya mula sa likod. Napaka bango niya. "Gutom ka na ba?" tanong niya. "Ang sakit ng ulo ko. Ano bang nangyari?" nakalabi kong tanong.  "Lasing na las
Read more

Chapter 45.3

(Continuation of chapter 45)Lizabeth's POVGinagamot ng nurse ang mga sugat at pasa ko sa katawan. May sugat pala ako sa gilid ng kilay at nagdugo din ang ilong ko dahil sa dami ng sampal na natamo ko.  "Tingala po," wika ng babaeng nurse at ginawa ko naman ito. Gamit ang cotton bud, tinanggal niya ang mga dugo sa ilong ko. Medyo mahapdi din pero tiniis ko na lang.  Nilagyan niya ng band aid ang sugat sa kilay ko at pagkatapos ay iniwan na niya 'ko. Natanaw ko si Kenzo naglalakad papunta sa direksyon ko, nagbayad siguro siya ng bill.  "Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong niya at hinawakan ang kamay ko.  "Okay na 'ko, 'wag ka nang mag-alala," nakangiti kong tugon at hinaplos ang mukha niya.  "Ang dami mong sugat, kaya mo pa bang tumayo?" "Bakit? Pangit na ba 'ko?" nakalabi kong tanong pero tumawa lang siya at saka ikinulo
Read more

Dear readers,

Good day, GoodNovelist! This is me, your author. Down to last 5 chapters na tayo! Masyado bang mahaba ang content ko? Sorry, madami po talagang word counts sa isang chapter kaya kailangan kong hatiin sa dalawa o tatlong parts, sana maintindihan niyo. And from now on, to all my readers, tatawagin ko na kayong my secrets. Bakit? Dahil kayo ang sikreto ko kung bakit nag-grow ang Acting of Affection! Too many to mention, but super thank you guys! Parang ayaw ko pang wakasan ang estoryang ito pero kailangan na talaga, eh huhu. To show some support, please don't skip ads. Napakalaking tulong na nito sa akin.❤️Your loving author, chicaconsecreto
Read more

Chapter 46.1

Lizabeth's POV Nakakasilaw ang sa liwanag na nagmumula sa bintana ng kwarto ko. Ang bilis naman mag-umaga.   Naramdaman ko ang mga kamay ni Kenzo na nakadantay sa bewang ko. Wala na kasing matutuluyan si Kenzo kaya dito ko muna siya pansamantalang tumutuloy sa unit ko. Kung tutuusin ay kayang-kaya naman niyang bumili ng bagong unit pero sa panahon ngayon na parang nagsisimula pa lang siyang tumayo sa sarili niyang mga paa na walang suporta mula sa magulang niya, kailangan niya munang magtipid.   Dahan-dahan kong tinanggal ang braso niya sa bewang ko at saka ako dumiretso sa banyo para gawin ang morning rituals ko. Pagkatapos no'n ay lumabas na ako, mahimbing pa din ang pagkakatulog ni Kenzo kaya naisipan kong magluto ng agahan namin.    "At sa bawat minutong, ako'y 'di natuto. Sabihin mang iba, ako'y maghihintay sayo."    Habang nagluluto ako ng kakainin namin ay kumakanta ako ng pa
Read more

Chapter 46.2

(Continuation of chapter 46)Lizabeth's POV"Sorry, Beth. Nakapatay kasi 'yong phone ko kanina kaya hindi ko alam na tumatawag ka pala," saad ni Kevin habang nakaupo sa sofa katabi si Weslynn na abala sa pagtitipa sa cellphone. Nandito na ako ngayon sa kwarto ni Irene habang inaayusan siya ng make-up artist na binayaran nila. Nasa baba naman sila Lloyd at Luis.  "Okay lang, buti nga at dumaan si Luis kanina sa condominium. Akala ko hindi ako makakahabol." Umupo ako sa tabi ni Kevin at saka ako humawak sa kamay niya. "OMG, girls! Si Kenzo at Allyson pala, hindi tunay na kasal!" Napunta ang tingin namin kay Weslynn. "Yah, I heard the news, lately. She's so kawawa naman but she deserves that," wika ni Irene. "Speaking of Kenzo, makakapunta ba siya?" tanong naman ni Kevin kay Irene. "I don't know, hindi naman kami close. Na
Read more

Chapter 46.3

(Continuation of chapter 46)Lizabeth's POVNakarating kami sa mapunong lugar. Parang pamilyar ang lugar na ito. Pumasok ang kotse sa isang maliit na daan. Medyo masukal na ang bahaging ito, parang alam ko na ang lugar na 'to! Ito 'yong lugar kung saan niya ako dinala noon, may dagat sa dulo ng mga puno na ito, sigurado ako. Ngunit ang pinagtataka ko ay may daan na ito papasok. Noon kasi ay hindi pwedeng pumasok ang sasakyan ngunit ngayon ay pwede na, pero masukal pa din ito kagaya noon. Tumigil ang sasakyan nang hindi na maaaring magpatuloy dahil may bakod na sa daraanan na may nakalagay na karatulang "do not enter".  "Anong ginagawa natin dito?" tanong ko. Hindi siya sumagot at sa halip ay tinanggal ang seatbelt bago bumaba. Sinundan ko naman siya. Binuksan niya ang bakod, hindi ko napansing nabubuksan pala iyon at saka hinawakan ang kamay ko. Nagpatianod lang ako sa kanya hangga
Read more
PREV
1
...
67891011
DMCA.com Protection Status