(Continuation of chapter 44)
Lizabeth's POV
Blinock ko na ang number ni Darren sa contacts ko. Syempre pagkatapos ng nangyari kanina ayaw ko na siyang makausap ulit.
Nagtitimpla na ako ng juice ngayon, sisimulan ko na 'yong new design na susuutin ni Kenzo. Hapon na din at kakatapos ko lang kumain ng tanghalian. Dumiretso na ako sa may sofa ko at ipinatong ang baso ng juice sa center table kung saan naroroon ang mga oslo paper at color pencil na gagamitin ko.
Sinimulan ko nang gumawa. Sinigurado kong masa-satisfied ng design ko ang standards ni Allyson kahit hindi naman siya ang magsusuot.
Inabot din ako ng halos tatlong oras sa paggawa hanggang sa makatapos ako ng naisip kong design. Nakaramdam ako ng gutom kaya naman naisip kong bumaba para kumain sa resto ni Leo na hindi naman masyadong malayo mula dito.
"I hate you! Gusto mo bang makarating 'to sa daddy mo?!"
Lizabeth's POVNagising ako sa loob ng isang hindi pamilyar na kwarto. Alam kong hindi ito ang kwarto ko dahil magulo ang mga gamit at amoy lalaki ang amoy. May mga nagkalat din na damit sa sahig at magulo ang kama.Maya-maya'y napangiti ako nang maalala ang nangyari sa amin ni Kenzo kagabi. Sobrang na-miss ko siya. Dahan-dahan akong naupo at sumandal sa headboard ng kama. Nakaramdam pa ako ng kirot sa pagitan ng mga hita ko pero sinawalang bahala ko na lang iyon at saka bumaba sa higaan. Nilimot ko ang mga damit ko na nagkalat sa sahig at saka ito isinuot."Let's eat, I know na magugustuhan mo 'to."Natigilan ako nang marinig ang boses ni Allyson mula sa labas. Tahimik pero mabilis akong napapunta sa medyo bukas na pinto ng kwarto ni Kenzo at sumilip sa siwang no'n.Nakita ko si Allyson at Kenzo na kumakain sa kusina. Nakatalikod sa direksyon ko si Allyson kaya tanging si Kenzo lang ang nakik
(Continuation of chapter 45)Lizabeth's POVPagmulat ko ng mga mata ko ay maliwanag na ang paligid. Umaga na pala at sobrang sakit ng ulo ko. Parang hihiwalay na ang anit ko sa 'kin. Pagbangon ko ay saka ko lang nakita ang paligid, nasa sala pala 'ko ng unit ni Kenzo.Pagtingin ko sa suot ko ay nagtaka ako nang makitang t-shirt ni Kenzo ang nasa katawan ko ngayon. Nasaan ang damit ko kagabi at bakit nandito na naman ako sa unit niya?"Good morning, kumain ka muna."Paglingon ko sa kusina ay nakita ko siya na topless pero nakasuot ng apron. Nagluluto ata siya ng agahan.Dahan-dahan akong bumangon dahil parang umiikot ang paligid ko. Nang makalapit ako sa kanya ay niyakap ko siya mula sa likod. Napaka bango niya."Gutom ka na ba?" tanong niya."Ang sakit ng ulo ko. Ano bang nangyari?" nakalabi kong tanong."Lasing na las
(Continuation of chapter 45)Lizabeth's POVGinagamot ng nurse ang mga sugat at pasa ko sa katawan. May sugat pala ako sa gilid ng kilay at nagdugo din ang ilong ko dahil sa dami ng sampal na natamo ko."Tingala po," wika ng babaeng nurse at ginawa ko naman ito. Gamit ang cotton bud, tinanggal niya ang mga dugo sa ilong ko. Medyo mahapdi din pero tiniis ko na lang.Nilagyan niya ng band aid ang sugat sa kilay ko at pagkatapos ay iniwan na niya 'ko. Natanaw ko si Kenzo naglalakad papunta sa direksyon ko, nagbayad siguro siya ng bill."Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong niya at hinawakan ang kamay ko."Okay na 'ko, 'wag ka nang mag-alala," nakangiti kong tugon at hinaplos ang mukha niya."Ang dami mong sugat, kaya mo pa bang tumayo?""Bakit? Pangit na ba 'ko?" nakalabi kong tanong pero tumawa lang siya at saka ikinulo
Good day, GoodNovelist! This is me, your author. Down to last 5 chapters na tayo! Masyado bang mahaba ang content ko? Sorry, madami po talagang word counts sa isang chapter kaya kailangan kong hatiin sa dalawa o tatlong parts, sana maintindihan niyo. And from now on, to all my readers, tatawagin ko na kayong my secrets. Bakit? Dahil kayo ang sikreto ko kung bakit nag-grow ang Acting of Affection! Too many to mention, but super thank you guys! Parang ayaw ko pang wakasan ang estoryang ito pero kailangan na talaga, eh huhu. To show some support, please don't skip ads. Napakalaking tulong na nito sa akin.❤️Your loving author, chicaconsecreto
Lizabeth's POV Nakakasilaw ang sa liwanag na nagmumula sa bintana ng kwarto ko. Ang bilis naman mag-umaga. Naramdaman ko ang mga kamay ni Kenzo na nakadantay sa bewang ko. Wala na kasing matutuluyan si Kenzo kaya dito ko muna siya pansamantalang tumutuloy sa unit ko. Kung tutuusin ay kayang-kaya naman niyang bumili ng bagong unit pero sa panahon ngayon na parang nagsisimula pa lang siyang tumayo sa sarili niyang mga paa na walang suporta mula sa magulang niya, kailangan niya munang magtipid. Dahan-dahan kong tinanggal ang braso niya sa bewang ko at saka ako dumiretso sa banyo para gawin ang morning rituals ko. Pagkatapos no'n ay lumabas na ako, mahimbing pa din ang pagkakatulog ni Kenzo kaya naisipan kong magluto ng agahan namin. "At sa bawat minutong, ako'y 'di natuto. Sabihin mang iba, ako'y maghihintay sayo." Habang nagluluto ako ng kakainin namin ay kumakanta ako ng pa
(Continuation of chapter 46)Lizabeth's POV"Sorry, Beth. Nakapatay kasi 'yong phone ko kanina kaya hindi ko alam na tumatawag ka pala," saad ni Kevin habang nakaupo sa sofa katabi si Weslynn na abala sa pagtitipa sa cellphone.Nandito na ako ngayon sa kwarto ni Irene habang inaayusan siya ng make-up artist na binayaran nila. Nasa baba naman sila Lloyd at Luis."Okay lang, buti nga at dumaan si Luis kanina sa condominium. Akala ko hindi ako makakahabol." Umupo ako sa tabi ni Kevin at saka ako humawak sa kamay niya."OMG, girls! Si Kenzo at Allyson pala, hindi tunay na kasal!"Napunta ang tingin namin kay Weslynn."Yah, I heard the news, lately. She's so kawawa naman but she deserves that," wika ni Irene."Speaking of Kenzo, makakapunta ba siya?" tanong naman ni Kevin kay Irene."I don't know, hindi naman kami close. Na
(Continuation of chapter 46)Lizabeth's POVNakarating kami sa mapunong lugar. Parang pamilyar ang lugar na ito. Pumasok ang kotse sa isang maliit na daan. Medyo masukal na ang bahaging ito, parang alam ko na ang lugar na 'to!Ito 'yong lugar kung saan niya ako dinala noon, may dagat sa dulo ng mga puno na ito, sigurado ako. Ngunit ang pinagtataka ko ay may daan na ito papasok. Noon kasi ay hindi pwedeng pumasok ang sasakyan ngunit ngayon ay pwede na, pero masukal pa din ito kagaya noon.Tumigil ang sasakyan nang hindi na maaaring magpatuloy dahil may bakod na sa daraanan na may nakalagay na karatulang "do not enter"."Anong ginagawa natin dito?" tanong ko.Hindi siya sumagot at sa halip ay tinanggal ang seatbelt bago bumaba. Sinundan ko naman siya. Binuksan niya ang bakod, hindi ko napansing nabubuksan pala iyon at saka hinawakan ang kamay ko. Nagpatianod lang ako sa kanya hangga
Lizabeth's POVPara akong lumulutang sa alapaap sa sobrang saya. Hindi ako makapaniwalang engaged na kami ni Kenzo. Parang hindi na ako makapaghintay na magpakasal kaming dalawa."Naku! Masaya kami ni Mama para sayo, natutuwa ako na sinunod mo ang sinisigaw ng puso mo, Beth." Kausap ko si Ate ngayon sa video call. Naibalita ko na din sa kanila ang tungkol sa pagpo-propose sa akin ni Kenzo.Akala ko ay magagalit sila sa akin pero masaya din sila para sa akin."Salamat, Ate. Sana nga matapos na lahat ng problema sa aming dalawa. Nakakapagod na din kasing araw-araw na lang ay nag-aalala ako, nag-iisip ng kung ano-ano.""Dadating din ang araw na matatahimik ang buhay niyong dalawa. Basta kung may problema o kailangan mo ng kausap, nandito lang palagi ang ate, ha."Ngumiti ako at saka tumango. Siya na nga ata talaga ang the best ate ever. Magaling sa advices,