(Continuation of chapter 45)
Lizabeth's POV
Ginagamot ng nurse ang mga sugat at pasa ko sa katawan. May sugat pala ako sa gilid ng kilay at nagdugo din ang ilong ko dahil sa dami ng sampal na natamo ko.
"Tingala po," wika ng babaeng nurse at ginawa ko naman ito. Gamit ang cotton bud, tinanggal niya ang mga dugo sa ilong ko. Medyo mahapdi din pero tiniis ko na lang.
Nilagyan niya ng band aid ang sugat sa kilay ko at pagkatapos ay iniwan na niya 'ko. Natanaw ko si Kenzo naglalakad papunta sa direksyon ko, nagbayad siguro siya ng bill.
"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong niya at hinawakan ang kamay ko.
"Okay na 'ko, 'wag ka nang mag-alala," nakangiti kong tugon at hinaplos ang mukha niya.
"Ang dami mong sugat, kaya mo pa bang tumayo?"
"Bakit? Pangit na ba 'ko?" nakalabi kong tanong pero tumawa lang siya at saka ikinulo
Good day, GoodNovelist! This is me, your author. Down to last 5 chapters na tayo! Masyado bang mahaba ang content ko? Sorry, madami po talagang word counts sa isang chapter kaya kailangan kong hatiin sa dalawa o tatlong parts, sana maintindihan niyo. And from now on, to all my readers, tatawagin ko na kayong my secrets. Bakit? Dahil kayo ang sikreto ko kung bakit nag-grow ang Acting of Affection! Too many to mention, but super thank you guys! Parang ayaw ko pang wakasan ang estoryang ito pero kailangan na talaga, eh huhu. To show some support, please don't skip ads. Napakalaking tulong na nito sa akin.❤️Your loving author, chicaconsecreto
Lizabeth's POV Nakakasilaw ang sa liwanag na nagmumula sa bintana ng kwarto ko. Ang bilis naman mag-umaga. Naramdaman ko ang mga kamay ni Kenzo na nakadantay sa bewang ko. Wala na kasing matutuluyan si Kenzo kaya dito ko muna siya pansamantalang tumutuloy sa unit ko. Kung tutuusin ay kayang-kaya naman niyang bumili ng bagong unit pero sa panahon ngayon na parang nagsisimula pa lang siyang tumayo sa sarili niyang mga paa na walang suporta mula sa magulang niya, kailangan niya munang magtipid. Dahan-dahan kong tinanggal ang braso niya sa bewang ko at saka ako dumiretso sa banyo para gawin ang morning rituals ko. Pagkatapos no'n ay lumabas na ako, mahimbing pa din ang pagkakatulog ni Kenzo kaya naisipan kong magluto ng agahan namin. "At sa bawat minutong, ako'y 'di natuto. Sabihin mang iba, ako'y maghihintay sayo." Habang nagluluto ako ng kakainin namin ay kumakanta ako ng pa
(Continuation of chapter 46)Lizabeth's POV"Sorry, Beth. Nakapatay kasi 'yong phone ko kanina kaya hindi ko alam na tumatawag ka pala," saad ni Kevin habang nakaupo sa sofa katabi si Weslynn na abala sa pagtitipa sa cellphone.Nandito na ako ngayon sa kwarto ni Irene habang inaayusan siya ng make-up artist na binayaran nila. Nasa baba naman sila Lloyd at Luis."Okay lang, buti nga at dumaan si Luis kanina sa condominium. Akala ko hindi ako makakahabol." Umupo ako sa tabi ni Kevin at saka ako humawak sa kamay niya."OMG, girls! Si Kenzo at Allyson pala, hindi tunay na kasal!"Napunta ang tingin namin kay Weslynn."Yah, I heard the news, lately. She's so kawawa naman but she deserves that," wika ni Irene."Speaking of Kenzo, makakapunta ba siya?" tanong naman ni Kevin kay Irene."I don't know, hindi naman kami close. Na
(Continuation of chapter 46)Lizabeth's POVNakarating kami sa mapunong lugar. Parang pamilyar ang lugar na ito. Pumasok ang kotse sa isang maliit na daan. Medyo masukal na ang bahaging ito, parang alam ko na ang lugar na 'to!Ito 'yong lugar kung saan niya ako dinala noon, may dagat sa dulo ng mga puno na ito, sigurado ako. Ngunit ang pinagtataka ko ay may daan na ito papasok. Noon kasi ay hindi pwedeng pumasok ang sasakyan ngunit ngayon ay pwede na, pero masukal pa din ito kagaya noon.Tumigil ang sasakyan nang hindi na maaaring magpatuloy dahil may bakod na sa daraanan na may nakalagay na karatulang "do not enter"."Anong ginagawa natin dito?" tanong ko.Hindi siya sumagot at sa halip ay tinanggal ang seatbelt bago bumaba. Sinundan ko naman siya. Binuksan niya ang bakod, hindi ko napansing nabubuksan pala iyon at saka hinawakan ang kamay ko. Nagpatianod lang ako sa kanya hangga
Lizabeth's POVPara akong lumulutang sa alapaap sa sobrang saya. Hindi ako makapaniwalang engaged na kami ni Kenzo. Parang hindi na ako makapaghintay na magpakasal kaming dalawa."Naku! Masaya kami ni Mama para sayo, natutuwa ako na sinunod mo ang sinisigaw ng puso mo, Beth." Kausap ko si Ate ngayon sa video call. Naibalita ko na din sa kanila ang tungkol sa pagpo-propose sa akin ni Kenzo.Akala ko ay magagalit sila sa akin pero masaya din sila para sa akin."Salamat, Ate. Sana nga matapos na lahat ng problema sa aming dalawa. Nakakapagod na din kasing araw-araw na lang ay nag-aalala ako, nag-iisip ng kung ano-ano.""Dadating din ang araw na matatahimik ang buhay niyong dalawa. Basta kung may problema o kailangan mo ng kausap, nandito lang palagi ang ate, ha."Ngumiti ako at saka tumango. Siya na nga ata talaga ang the best ate ever. Magaling sa advices,
(Continuation of chapter 47)Lizabeth's POV"Ayusin mo nga 'yang necktie mo," wika ko kay Kenzo at nilapitan siya upang ayusin ang kanyang suot.Ang bilis ng araw, star magic ball na agad at heto kami ni Kenzo at naghahanda na para umalis. Si Tita Kendra naman ay abala sa pagbabasa ng libro habang nasa sala. Niyaya pa nga namin siyang sumama pero tumanggi siya, mas gusto daw niyang manatili na lang dito sa condo kaya hindi na kami nag-protesta."You look stunning," saad niya at saka ngumiti.Napailing naman ako sa sinabi niya at saka ko inayos ang buhok niya."Napaka bolero mo talaga." Tinalikuran ko siya at nagtungo sa harap ng full body lenght mirror at pinagmasdan ang hitsura ko.Nakasuot ako ng halter style dress na puno ng mga pink na rosas ang ibaba at bewang. May dalawang medium size na pink at puting rosas sa kaliwang dibdib. Tinernuh
(Continuation of chapter 47)Lizabeth's POVHinanap ng mga mata ko si Kenzo. Nawala kasi siya sa pwesto niya kanina at ng mga lalaking kausp niya. Dahil sa pagkausap ko kay Luis, hindi ko na napansing wala na pala siya doon.Nagsigawan ang lahat maging ako nang biglang namatay ang ilaw sa paligid. Napaka dilim, wala akong makita."What happened?""Oh my God! Wala ba silang generator?"Kabi-kabilang ingay ang naririnig ko. Naghahalo-halo ang boses ng mga tao sa paligid ko kaya hindi ko na alam kung sino-sino ba ang mga 'yon. Nanatili lamang ako sa kinatatayuan ko at pilit na ikinakalma ang sarili. Baka nawalan lang ng koryente, babalik din naman siguro agad 'yon."Calm down, Beth. Everything is gonna be alright," bulong ko sa sarili ko at humugot ng malalim na hininga.Ilang sandali pa ay nakaramdam ako ng presensya ng tao sa aking likuran kaya n
Third Person's POVDahan-dahang minulat ni Beth ang napapagod niyang mga mata. Bahagya pang umiikot ang paningin nito dahil sa pagkahilo. Nagising siya sa loob ng isang maliit na kwarto. May maliit na bumbilya sa kanyang ulunan na nagbibigay ng liwanag sa silid.Tatayo na sana si Beth ngunit napansin niya ang lubid na nakatali sa kaniyang katawan at sa upuang kinalalagyan niya ngayon. Maging ang mga paa niya ay nakatali din. Nasaan siya?"Tulong! Tulungan niyo 'ko!" sigaw niya habang sinusubukang makawala sa pagkakatali ngunit sadyang mahigpit ito.Sa kanyang harapan ay mayroong pintuang bakal na medyo kinakalawang na. Ang sahig ng silid ay madumi na din, maging ang kisameng binahayan na ng gagamba.Sa kabilang bahagi ng lugar ay naroroon si Allyson at Luis habang pinagmamasdan si Beth sa pamamagitan ng camerang nakakabit sa silid na iyon."Anong plano mo sa ka