All Chapters of GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version): Chapter 101 - Chapter 110

121 Chapters

KABANATA 101

Inalalayan siyang tumayo ni Kyle nang paalis na sila sa restaurant. Kanina pa hindi humuhupa ang sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Napasubo na siya kaya't nagpapadala na lang siya sa agos. Muntik pa siyang mapapitlag nang hawakan siya ni Kyle sa beywang nang palabas na sila. Para maiwasang manigas ang buong katawan dahil sa ginawa ng lalaki ay lumingon siya rito at ngumiti. Tinanong siya nito kung nasaan naka-park ang sasakyan niya. Nagtaka pa siya nang pabuksan nito sa kanya ang pinto ng passenger's seat instead na driver's seat.  " I didn't bring my car," tanging sabi nito nang paupuin siya sa passenger's seat saka kinuha ang susi sa kanya. Nagtatakang sumakay nga siya at umupo sa passenger's seat. Nang buksan nito ang pinto sa kabila at umupo sa driver's seat ay saka siya nagtanong.  " Bakit hindi mo dala ang sasakyan mo?" Bumaling ito sa kanya saka ngumiti. " Para walang reason na umuwi tayong magkahiwalay." Hi
Read more

KABANATA 102

Nagising siya sa mabangong amoy na parang may nagluluto. Kumalam agad ang sikmura niya. Nang imulat niya ang mga mata ay nakita niya ang nakangiting mukha ni Kyle na may dalang tray ng pagkain. " Good morning! Breakfast in bed. Ako ang nagluto nito," proud na sabi ng lalaki. Napatingin siya sa dala nitong pagkain. Napatawa pa siya nang mahina nang makitang fried egg at hotdog lang naman pala ang ipinagmamalaki nitong hinanda para sa kanya. Dumako ang mata niya sa isang tangkay ng rosas sa tabi ng plato. Kahit ano'ng pigil niya ay kinilig siya kahit sa simpleng gesture na iyon ng lalaki. Mabilis namang nag-warning agad ang utak niya. Hawak niya sa dibdib ang kumot para itakip sa kahubdan. Ibinalabal niya iyon sa katawan niya nang ayusin ni Kyle ang pagkain sa harap niya saka umupo na rin sa kama. Napatingin siya dito nang makitang isang plato lang ang nasa harap niya. " Ikaw?" Nagtatakang tanong niya. " Susubuan mo naman ako," naglalamb
Read more

KABANATA 103

Hindi na nga siya kinukulit ni Kyle magmula nang araw na iyon. Miminsan na lang din ito mapadpad sa building nila. Dapat sana ay magsaya siya dahil kusa nang umiiwas ang lalaki sa kanya pero hindi niya maramdaman ang kasiyahang iyon. Lagi na ay nakatulala siya habang iniisip ito. Sa gabi naman ay nakikita niya ang sariling umiiyak. Hinayaan niya na lang ang sarili na maramdaman iyong lungkot. Alam niyang makaka-move on uli siya gaya nang dati. Kasalukuyang nakaupo siya sa loob ng opisina niya at natigil sa pagguhit ng design para lang matulala uli sa kawalan. Biglang bumukas ang pinto ng opisina niya pagkatapos ng tatlong katok. " Ash!" Agad na bumungad sa kanya ang magandang mukha ng inaanak ng Mama. " Cassie?" Hindi makapaniwalang sabi niya na tumayo na rin para salubungin ang babae. " Yep, it's me! I have something for you." Nagyakapan muna sila bago nito ibinigay sa kanya ang bitbit na pasalubong. " When did you arr
Read more

KABANATA 104

" I really want to stay pa but I have to meet my manager now. It's really nice knowing you, Kyle," paalam ni Cassie after nilang kumain. " My pleasure too, Cassie," lumapit pa si Kyle as babae para kamayan uli ito. Tahimik na nakamasid lang siya. Bumaling na rin si Cassie sa kanya at niyakap siya. " I'll call you later, Ash." " Okay. Hihintayin ko tawag mo mamaya," nakangiting sagot niya. Lumapit din ito sa Mama niya at nagpaalam bago tuluyang umalis. Nagsasalita sa gitna ang Mama niya at si Mrs. del Espania nang lapitan siya ni Kyle. " Is Cassie taken or single?" Napatingin agad siya sa mukha ng lalaki nang tumabi ito sa kanya. Nakatingin ito sa harap habang hinihintay ang sagot niya. " S-she's... She's just like you. She's afraid of commitments." Saka lang napatingin si Kyle sa kanya at pinagmasdan siyang mabuti. Nakatuon din ang mga mata niya sa harap pero dama niya ang mga titig nito sa kanya.
Read more

KABANATA 105

Hindi niya alam kung ano ang magiging tema ng photoshoot nilang tatlo. Binigyan lang siya ng schedule ni Kyle at sinabing sa studio ng Dynasty gagawin ang pictorial. Casual lang na damit ang suot niya para mas madaling hubarin kapag nagpapalit siya ng mga isusuot para sa magazine. Hindi na niya ipinaalam kay Kyle ang pagdating niya dahil maaga pa lang naman. Nagdadalawang-isip siya kung pupuntahan ba ito sa office nito or dumiretso na lang sa studio. Napagdesisyunan niyang pumunta na lang agad sa studio at doon hintayin ang kambal. Excited din siyang makita sa wakas si Clyde pagkatapos ng ilang taon.  Nakatayo siya sa harap ng pinto ng studio. Naalala niyang wala nga pala siyang ID na isa-swipe para mabuksan iyon. Akmang tatawagan na lang sana niya si Kyle nang bumukas iyon. Nagsalubong agad ang tingin nila ni Kyle na papalabas rin yata sana.  " Natasha?" Saka lang naghiwalay ang tingin nila ni Kyle nang may tumawag sa kanya mula sa likuran
Read more

KABANATA 106

Nakakapit sa isang braso ni Kyle ang mga kamay ni Cassie. Nasa likuran silang dalawa ni Clyde. Gusto niyang mainis sa kaibigan pero alam niyang wala naman itong kasalanan dahil wala itong alam tungkol sa kanila ni Kyle. Lumaki rin kasing liberated ang babae kaya't kapag gusto nito ang isang lalaki ay hindi ito mahihiyang gumawa ng paraan para ipaalam iyon dito. Wala naman siyang masasabing masama kay Cassie dahil mabait talaga ito kahit sa mga anak niya. " I guess tayo munang magkasangga ngayon." Napalingon siya kay Clyde na nasa tabi niya lang pala at nakatingin sa dalawang nasa unahan nila. Ngumiti lang siya nang tipid dito. " Parang ganu'n na nga. Bakit hindi mo kasama ang girlfriend mo?" Wala siyang update sa love life ng lalaki kaya't nanghuhuli lang ang tanong niya na iyon. " Girlfriend? Sino naman ang may sabing meron?" Natatawa na itong bumaling sa kanya. Napakibit-balikat lang siya. " Don't tell me puro ka na rin lang "flings"
Read more

KABANATA 107

Naging busy na si Cassie magmula nang pumirma ito sa JLC Clothing kaya hindi na ito napapagawi sa building nila. Miminsan na lang din itong tumawag sa gabi. Kasabay naman nu'n ay hindi na rin niya nakikita si Kyle na bumibisita sa opisina nila. Kung may kailangan man ang Dynasty Agency sa kanila ay nagpapadala ito ng representative. Hindi niya maiwasang isipin na maaaring magkasama lagi ang dalawa dahil nalaman niya kay Cassie na si Kyle ang hahawak ng project ng JLC Clothing. Nasasaktan siya sa tuwing maiisip na posibleng magkaroon ng ugnayan ang dalawa lalo pa't open na open naman si Cassie sa atraksiyong nararamdaman nito sa lalaki.  Paano nga ba kung isang araw ay sabihin nitong may relasyon na ito kay Kyle? Paano niya iyong tatanggapin? Alam niyang masasaktan talaga siya kapag nalaman niyang may iba ng babae na mauugnay kay Kyle. Siguradong doble ang sakit nu'n kung ang babaeng iyon ay ang ititunuring na niyang kapatid na si Cassie. Kung alam kaya n
Read more

KABANATA 108

Nauna nang nagpaalam ang ina niya na magpapahinga dahil may maagang meeting pa ito kinabukasan. Naiwan silang tatlo sa sala habang umiinom ng wine. Nakaapat na bote na sila ng wine at nagsisimula nang uminit ang mga pisngi niya habang si Cassie ay mas nagiging matabil. " Do you have beer, Ash? Nakakabitin kasi ang wine," biglang tanong ni Cassie. " I don't think magandang idea na pagsabayin ang wine at beer," nasabi niya dahil hindi rin naman siya sigurado. Isang beses lang yata siyang uminom nang todo sa loob ng ilang taong pananatili niya sa London. " I think that would be fine as long as we'll drink moderately," si Kyle ang sumagot. Alanganing tumayo siya para kumuha ng beer sa fridge ng Mama niya. Laging may nakahanda silang ganu'ng inumin para sa mga bisitang kliyente at mga kaibigan. Kulang na nga lang ay magtayo ng sariling convenience store ang Mama niya sa loob ng bahay dahil kumpleto sila sa iba't-ibang klase ng pagkain at inumin. "
Read more

KABANATA 109

Hindi niya alam kung paano silang nakapasok ng bahay dahil ang tanging alam niya ay hindi siya nilulubayan ng mga halik at yakap ni Kyle.  " Where's your room?" Pahingal na tanong nito nang nasa loob na sila ng bahay. Walang imik na hinila niya ang kamay ng lalaki habang hindi naghihiwalay ang kanilang mga tingin. Pagkapasok ng kwarto niya ay agad na nagdikit uli ang kanilang mga labi. Kumakapit nang mabuti ang dalawang kamay niya sa batok nito habang kusang loob na iniawang na ang bibig. Mabilis na nahanap ng dila nito ang dila niya.  Parang mga espadang nagkiskisan ang mga dila nila. Hindi maikakaila ang pananabik nila sa isa't-isa. Halos mapupugutan na siya ng hininga. Nagiging malikot na rin ang mga kamay ng lalaki. Kulang na lang ay punitin nito ang blouse na suot niya. Bumitiw siya sa pagkakayakap dito para mahubad nang tuluyan ang blouse. Dumako agad ang kamay ni Kyle sa hook ng bra niya habang dinidilaan nito ang leeg niya. Napapatin
Read more

KABANATA 110

Siya na ang kusang umiiwas sa lalaki pagkatapos ng gabing iyon. Kapag alam niyang nasa building nila ito ay dumidiretso na agad siya sa loob ng opisina niya.  Kakalabas lang ng unang edition ng collaboration magazine nila. Mataas na agad ang sales nu'n sa unang linggo pa lang ng release. May posibilidad na kailangan nilang mag-produce uli ng maraming kopya dahil malapit na iyong ma-sold out. May meeting ang dalawang kompanya para i-discuss ang success ng collaboration nila at iyon ay kasalukuyang ginaganap sa conference room nila. Alam niyang andu'n si Kyle at Clyde. Nagpaalam siya sa ina na hindi na muna sasali sa meeting dahil tatapusin niya lang ang mga designs niya. Alam niyang gustong magtanong ng Mama niya sa kanya dahil parang nakakahalata na rin ito. Mabuti na lang at hindi pa muna siya kinukulit nito tungkol sa eksaktong detalye ng pag-iwas niya kay Kyle. Kanina pa siya nakatitig sa sketch ng damit na hind niya matapos-tapos dahil busy a
Read more
PREV
1
...
8910111213
DMCA.com Protection Status