Home / Fantasy / The Fall of the Queen / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of The Fall of the Queen: Chapter 11 - Chapter 20

103 Chapters

Ikalabing-isang kabanata

Kaakit-akit at makapangyarihan. Hindi na ako magtataka na ikaw ang nakatakda sa akin,” sabi niya na nakapagpaawang ng labi ko at nakapagpabigla ng lubos.May alam siya. Alam niya ang tadhanang nakaguhit sa aming mga palad at konektado sa isa’t-isa. “Kung gayon, ano ang ginagawa mo sa mundo namin? Bakit napadpad ang mahal na reyna ng mga bampira sa mundong pinamumunuan ko? Hindi mo ba mahintay ang tamang oras ng pagkikita natin? Gano’n mo na ba ako gustong makasama?” Isang malaking ngisi ang ibinigay niya sa akin nang sabihin niya iyon.Mahigpit na naiyukom ko ang kamao ko at nawala lahat ng pag-aalinlangan sa dibdib ko. Tunay ngang makisig ang nilalang na ito ngunit puno naman pala ng hangin ang utak at kayabangan! Hindi ako makapaniwalang siya ang itinakda sa akin! Sa lahat talaga ng nilalang, ang isa pang katulad niya ang mapupunta sa akin?“Hindi na ako mapapaisip kung bakit totoong isinumpa nga ang du
last updateLast Updated : 2021-07-21
Read more

Ikalabing-dalawang kabanata

[Fajra! Mahal na reyna, magmadali kang bumalik! Sinusugod ang ating mundo!] Hindi ko lubos na inakala na ang mga salita na iyon ay muli kong maririnig matapos ng sampung taon. Hindi ko inakala na ang payapang mundo namin ay muling susugurin ng mga kalaban. “Anong nangyari sa iyo?” takhang tanong sa akin ni Heinrich dahil natigilan ako sa aking pagsasalita at alam kong bumakas ang gulat sa mukha ko. Dahil sa pagsasalita niya ay roon ako natauhan kung kaya’t hindi ko na siya pinansin at mabilis na humalo sa hangin upang mabilis na makarating sa aming mundo. Kinailangan ko pang huminto sa bawat mundo dahil ang kakayahang makapunta ng mabilis sa isang lugar ay may limitasyon. Sa palagay ko ay limang minuto rin ang inabot ko bago ko naiapak ang paa ko sa aming bayan. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga kalaban. Nakasuot sila ng itim na kasuotan kung kaya’t ang mga mata nilang pulang-pula lamang ang kita. Mga converted vampires. Nilalabana
last updateLast Updated : 2021-07-22
Read more

Ikalabing-tatlong kabanata

Dahil sa pagkagulat sa nangyari ay hindi na namin nahabol ang mga nakatakas na kalaban dahil nawalan ako ng control at napahawak kay Adam. Bigla na lamang silang naglaho kasabay ng isa pa nilang kasama na umatake sa akin. Dahil rin sa pagkabigla ay napatulala na lamang ako sa apat na pilak na palasong nakabaon sa likod ni Adam. Sinalo niya ang mga palasong para sa akin… Ang kahit anong pilak na kagamitan ay lubos na mapaminsala para sa aming mga bampira. Miski sa akin na kahit hindi puro ang pagkakaroon ng dugong bampira ay magiging sobra ang pinsala kung iyon ang ipanlalaban, paano pa kaya sila? “Adam!” malakas na tawag ni Arthur sa kaniyang anak. Dahil doon ay natauhan ako kung kaya’t tinulungan ko siyang makatayo ng maayos. “A-ayos ka lang ba?” Napangiwi ako sa sarili kong tanong. Hindi ko alam kung nag-iisip ba ako ng maayos dahil iyon ang tinanong ko kahit kitang-kita naman na hindi. Pagkalapit ng lahat sa aming direksyon ay agad
last updateLast Updated : 2021-07-23
Read more

Ikalabing-apat na kabanata

Muli kong ipinikit ko ang aking mga mata at pinagsalikop ang aking mga palad bago muling ibinulong ang aking mga panalangin ng paghingi ng kapatawaran sa pagkukulang ko bilang isang pinuno, paghingi ng tawad para sa mga buhay ng aking mga mamamayan na hindi ko nagawang protektahan, patnubay at proteksyon para aming mundo at para sa kaluluwa ng mga nilalang na nagbuwis ng buhay upang protektahan ang kanilang bayan, at tulong upang mas maging malinaw ang aking pag-iisip upang ang susunod na bibitawan kong desisyon at gagawing hakbang ay naaayon para sa ikakabuti ng lahat.Sa pagmulat ng aking mga mata ay tumingin ako sa kalangitang nababalot ng makapal na ulap. Tila ba’y nakikisabay ito sa paghihinagpis at kalungkutan ng aming mundo dahil sa nangyari.Maraming buhay ang nasawi. Ang mga kawal at mga mamamayan ay nagbuwis ng kanilang buhay upang maprotektahan ang iba. Maraming pamilya ang nasira at nalugmok dahil sa pagkawala ng kanilang mga mahal sa buhay. Ang mga i
last updateLast Updated : 2021-07-26
Read more

Ikalabing-limang kabanata

“Nasisiraan ka na ba ng ulo?!” Mabilis na tinabig ko ang kaniyang kamay at agad na tinalikuran siya upang hindi niya mapansin ang pamumula ng aking pisngi dahil sa hiya.Wala na ba siya sa kaniyang katinuan?! Mas maiintindihan ko pa ang suhestiyon niya kanina na pakikipag-isang dibdib sa kaniya kahit alam naman niya na bawal, pero ang pagdadala ng magiging tagapagmana niya? Ang pagkakaroon ng anak sa kaniya? Siguro ay tumama nga ang kaniyang ulo nang malakas sa isang bato kung kaya’t tuluyang nasira!“Nakaguhit sa iyong kapalaran na darating ang panahon na dadalhin mo ang anak nat—”“Mas lalo ka ngang kilabutan sa iyong sinasabi! Hindi naaangkop sa sitwasyon ngayon ang iyong suhestiyon at hindi pa ito ang panahon na iyon! Sigurado akong may maiisip pa akong ibang paraan para sa suliranin na ito at hindi ang agarang pagluluwal ng magiging tagapagmana,” pagputol ko sa muli niyang pagbanggit sa naisip niyang
last updateLast Updated : 2021-07-28
Read more

Ikalabing-anim na kabanata

“Pakasalan mo ako.”“Hindi maaari.”“Marry me.”“No.”“Then at least, bear my child—”“Heinrich!” Inis na isinigaw ko ang kanyang pangalan dahil sa kanyang walang tigil na pangungulit sa akin. Pinanlakihan ko siya nang mata at sinigurado kong naging pula iyon nang panandalian upang siya ay masindak.Papunta ako ngayon sa bundok na naging himlayan ng mga yumaong hari at reyna ng aming mundo, kabilang ng aking ama, nang bigla na lamang siyang nagpakita sa aking silid at sumunod nang umalis ako.Hindi ko alam kung bakit nandito ulit siya sa aming mundo. Malalim na ang gabi nang umuwi siya kagabi, ngunit heto at ala-sais pa lamang ng umaga ay bumalik na siya upang muli akong guluhin. Hindi ko rin alam kung tunay bang bumalik siya sa kanilang mundo, o baka’y nagpalipas lamang ng gabi sa kagubatan.“Nagsusuhstiyon lamang ako—”
last updateLast Updated : 2021-08-01
Read more

Ikalabing-pitong kabanata

Tinitigan ko ang aking repleksyon sa salamin at nagpatuloy sa paglalagay ng kolorete sa aking mukha. Lumapit sa akin si Danie at ipinutong ang korona sa aking ulo bago nagpunta sa aking likuran at tinitigan ako mula sa salamin. Malungkot na ngumiti siya sa akin. “Sigurado ka na ba talaga sa iyong desisyon?” tanong niyang muli. Hindi ko alam kung pang ilang ulit na ba niya iyong itinanong mula nang sabihin ko sa kanya ang aking desisyon. Isang malalim na buntong hininga ang kanyang pinakalawan bago kinuha sa akin ang panglagay ng koloreto at siya na ang tumapos sa aking ginagawa. Nakatitig lamang siya sa akin at nangungusap ang mga mata. Pinipigilan ang luha mula sa pagtulo. Nang matapos siya ay isang buntong hininga muli ang kanyang pinakawalan bago umalis sa aking harap. Sinundan ko siya ng tingin at nakitang lumapit siya sa kanyang anak na si Dan, na nakatitig lamang sa akin. “Nang malaman ng iyong itinakdang kabiyak ang iyong plano, pumayag ba siya
last updateLast Updated : 2021-08-02
Read more

Ikalabing-walong kabanata

Nang tawagin ako ng mga tagapagsilbi bilang indikasyon na nagsisimula na ang kasiyahan ay hindi kami nagdalawang isip na lumabas ng aking silid. Magkakasabay kaming naglakad papunta sa bulwagan kung saan ginaganap ang selebrasyon. Magkatabi sina Danie at Dan sa aking likuran at nasa magkabilang gilid ko naman sina Dyke at Heinrich. Lahat ng madaanan naming tagapagsilbi at mga kawal ay napapatingin sa amin. Alam kong ang presensya at awra namin ay ramdam kahit sa malayo lalo na at kami ang mga pinuno mula iba’t-ibang lahi ang magkakasama. Si Danie na Head Enchantress ng kanilang lahi; si Dan na kanyang anak; si Dyke na Alpha ng mga werewolf; si Heinrich na Hari ng mg Demons na kahit tago ang presensya ay kapansin-pansin pa rin; at ako na kanilang reyna.Sa gabing ito, hindi lang basta selebrasyon sa nalalapit na kasal ang gaganapin, bagkus ay isa rin itong kasiyahan para sa muling pagbangon ng aming mundo at ang paglabas ni Heinrich mula sa dilim. Ipapakilala ko si Heinr
last updateLast Updated : 2021-08-03
Read more

Ikalabing-siyam na kabanata

 “Pagkabigo at k-kamatayan… Iyon ang nakikita kong kakalabasan ng lahat ng iyong pagsasakripisyo at paghihirap…” Napahakbang ako paatras kasabay ng mahina kong pagtawa dahil sa kanyang sinabi. Hindi ako makapaniwala. Ngayon pa lamang magsisimula ang tunay na laban dahil mas pinili kong ilapit sa akin ang mga kalaban upang mas maobserbahan, tapos ngayon ay malalaman kong wala naman palang kakahantungang mabuti at maganda ang labang ito at dadalin pa ako sa sarili kong hukay. Napailing na lamang ako at humakbang papalapit kay Helena. “Sigurado akong nagkakamali ka sa iyong nakita. Ang kamatayan ay ilang beses ko ng nalabanan simula ng isilang ako sa mundong ito, at lubos ko ng kilala ang kalaban na nasa aking tabi kaya nakakasigurado akong pagkapanalo ang aking makakamit,” saad ko, taliwas sa kanyang nakita. Alam kong siyam sa sampu niyang mga nakita sa hinaharap ay nagkakatotoo, ngunit ang isa sa sa sampu na iyon ay hindi,
last updateLast Updated : 2021-08-04
Read more

Ika-dalawampung kabanata

“Mahal na reyna, narito ang mga regalong ipinadala para sa iyo mula sa mga pinuno ng ibang lahi, ng mga konseho at mula na rin sa mga mamamayan,” wika ni Danie kasabay ng pagkatok niya sa pintuan ng aking aklatan. Napatigil ako sa pagbabasa at tumingin kay Dan na nasa tabi ko. Tumango naman siya sa akin at naglakad papunta sa pinto kung kaya’t ibinaba ko ang aking libro at agad ring sumunod.Pagkabukas ng pinto ay ngumiti sa akin si Danie at itinuro ang mga regalong dala ng mga tagapagsilbi at ng mga kawal na nasa kanyang likruran. Ang iba ay nakalagay pa sa malalaking kahon at ang iba, katulad ng mga tela ay hindi na nakabalot. Isa-isa ko iyong nilapitan at tinignan. Ang karamihan ay mga alahas, mamahaling damit na gawa sa mga telang matatagpuan lang sa mundo ng kung sino ang nagbigay, mamahalahing mga perlas at ibang pang mga bato, mga bagong pangkolorete sa mukha, at ang iba ay mamahaling mga gamit katulad ng mga porselana, pigurin at paso na sigurado ako
last updateLast Updated : 2021-08-05
Read more
PREV
123456
...
11
DMCA.com Protection Status