Home / Romance / Capturing The Bachelor / Chapter 51 - Chapter 60

All Chapters of Capturing The Bachelor: Chapter 51 - Chapter 60

79 Chapters

Chapter 50

Walang sinabi ang pagseselos ni Zid sa ube halaya ng mommy ni Jake. Halos siya kasi ang nakaubos nito. Sa ilang buwan namin na magkarelasyon ay nakita ko na kung paano takot si Zid na mawala ako sa kan'ya. Kahit pa alam niya naman na hindi ako maaagaw ay natatakot siyang ma-realize ko na hindi siya ang deserve ko kun'di isang tao na mas better pa sa kan'ya. Palagi niya ipinaparamdam sa akin na siya ang swerte sa aming dalawa at ako ang pinaka-best na babae sa buong mundo. Ang hindi niya alam ay ako ang pinaka-pinagpalang tao dahil minahal ako ng isang katulad niya. "Zid, mamaya mo na ako punasan ng pawis, nag-pho-photoshoot kami," bulong ko kay Zid habang kinukuhanan ng litrato ang kapatid niya. Narito kami sa school niya dahil gusto niya raw na ang theme ng kan'yang birthday ay ang real life niya. Isa pa'y gusto niyang isama lahat ng kaibigan niya sa mga larawan. Isinisingit lang namin sa schedule ng klase ni Harrieth ang pictorial niya kaya'
last updateLast Updated : 2021-08-08
Read more

Chapter 51

Marami na akong artista na nakita sa personal pero ‘ni minsan ay hindi ako nakaramdam nang pagkabighani sa kanila. Para sa akin kasi ay iisang hangin lang naman ang nilalanghap namin ang pinagkaiba lang ay sikat sila at ako hindi. Kung mayroon man akong nararamdaman noon kapag nakakakita ng artista ay excitement. Lalo na kapag nahuhuli ko sa akto nang nakakahiyang gawain o may natutuklasan akong lihim nila, katulad ngayon. Marahil ay kung gaya pa din ng dati ang trabaho ko baka kinuha ko na ang pagkakataon na ito upang kuhanan sila ng video. Panibagong isyu, ibig sabihin ay pera. Subalit aminado ako na kahit noon ito nangyari ay hindi ko maggagawa. Saglit ko silang tinapunan ng tingin bago yumuko. Para bang sa isang iglap ay namanhid ang buong katawan ko at hindi magawang ihakbang ang mga paa palayo. Napatingin ako sa kamay kong nakakuyom. Maging iyon ay hindi ko namalayan na naikuyom ko na pala. Ganito ba katindi ang puot at galit ko para sa
last updateLast Updated : 2021-08-09
Read more

Chapter 52

Naging normal para sa akin ang mga sumunod na araw sa opisina. Hindi ko na muli pang nakita ang aking ina dahil tapos na din naman ang photoshoot ni Harrieth at naghihintay na lang kami sa araw ng kan'yang debut. "Are we okay love?" tanong ni Zid nang nasa elevator na kami paakyat ng opisina. Sa mga nagdaang araw ay nahihirapan akong magpanggap na maayos lang kapag kasama ko siya. Nagi-guilty kasi ako na hindi man lang masabi sa kan'ya ang katotohanan tungkol sa pagkatao ko. Pakiramdam ko tuloy ay hindi ko ipinagkakatiwala ng buo ang sarili ko sa kan'ya gayong siya ay walang pag-iimbot na ipinapakita sa akin ang mabuti at pangit na parte ng kan'yang buong pagkatao. "Oo naman love," masaya kong sagot sa kan'ya. Inakbayan niya ako at masuyong hinalikan sa noo. Mas lalo akong nadidismaya sa sarili. Napakaduwag kong sabihin sa kan'ya na anak ako ng dating sexy star na naging kabit ng kan'yang ama noon. Hindi ko naman kasalanan na siya ang
last updateLast Updated : 2021-08-10
Read more

Let's interact here

Hi my dear readers. Kumusta? I hope you guys are doing great today. Paramdam naman kayo.  By the way, this is my first novel here in GN but there's a lot more to go. Sana nagugustuhan n'yo ang novel na ito. I'm doing my best para mas lalo pang ma-improve ng pagsusulat ko dahil ayokong masayang ang ibabayad n'yo. Random thoughts lang 'to guys. What do you think about Zid? How about Kai? Sino favorite n'yo sa The Veracity members? Gawan din kaya natin sila ng kwento? Comment kayo if you have any suggestions, opinions o kahit ano'ng gusto n'yong sabihin. (Huwag lang bad words) Bye! Thank you.
last updateLast Updated : 2021-08-10
Read more

Chapter 53

Yes, I hate her. Hindi ko siya gusto sa kadahilanan na inabandona niya ako. Pero inaamin ko na mayroon parte sa puso ko na mahal ko si Cora o mas kilala bilang Orca Lapuz. Natural na siguro na kahit anong galit ang maramdaman mo sa magulang mo ay may katiting pa din silang puwang sa puso mo. Ganoon din kaya siya sa akin? “H-hindi ko alam. Ang ibig ko lang sabihin ay baka ito na ‘yong way para kahit papaano ay matanggap ng mommy mo si Harrieth. Sa tingin ko kasi ay mas lalong sasama ang loob niya kung nandoon ang dating kabit ng asawa niya. Maaari naman sigurong gumawa na lang ng sariling party si Harrieth kasama ang mommy niya.” Nahihirapan akong banggitin ang bawat salita pero pinilit kong maging normal iyon. Tumango si Zid at tila malalim na pinag-isipan ang sinabi ko kasabay nang kan’yang pagbuntong hininga. Kaya naman sa araw ng party ay ganoon na lamang ang pagdarasal ko na sana ay hindi ko makita ang mukha ng aking ina. Mayroong red carp
last updateLast Updated : 2021-08-11
Read more

Chapter 54

Animo’y nasa red carpet premier ng isang pelikula si Orca Lapuz habang naglalakad ito patungo sa entablado. Sa kan’yang tabi ay isang bakla na sa tingin ko’y kasing-edad niya lamang. Sinundan sila nang tingin ng mga bisita.Tumigil siya sa sa paglalakad nang tuluyan nang makaakyat sa entablado. Nanatili lamang ang kan’yang mga mata kay Harrieth na bakas sa mukha ang galak na makita ang ina. Isa nga talagang surpresa ang pagsulpot ng isang espesyal na tao sa buhay mo sa pagkakataon na hindi mo inaasahan.Ang atensyon ng mga tao sa gawi ko ay nawala sa kan’ya nang makarinig kami nang kalabog mula sa isang lamesa. Halos sabay-sabay na napalingon ang tao doon. Tumayo si Tita Elvira na bakas ang pagkadisgusto sa nangyayari. Sinubukan siyang pakalmahin ni Tito Zeus subalit mas lalo ko lamang nakita ang apoy na galit sa mata ng ginang. Tumalikod ito at naglakad palabas. Hinabol siya ng asawa, ni Ziode at Frauline.Ang kasiyahan na ito para
last updateLast Updated : 2021-08-12
Read more

Chapter 55

Ibang-iba ang kan’yang itsura sa personal. Maganda at nakakahalina ang itsura niya sa telebisyon subalit higit siyang maganda sa malapitan. Halos magkasingtangkad lang kaming dalawa. At kung titingnan ay mapagkakamalan kaming magkapatid. Tinanggal niya ang itim na salamin at malamig akong tinitigan. Malayong-malayo sa init na humahaplos ngayon sa aking puso na makita siya nang ganito kalapit. “Hindi ko alam kung bakit inalagaan ka pa ni mama noong nabubuhay pa siya. But I guess may maganda din iyong naidulot, dahil hindi lang ako ang nakakaalalang bumisita sa kan’ya. Thank you for doing that,” aniya pagkatapos ay lumuhod upang itirik ang kandilang kan’yang dala. Na-blanko ang isip ko at tila nawalan nang lakas upang magsalita dahil sa sinabi niya. Kilala niya ako. “K-kilala mo ako?” kinakabahan kong tanong. Tumayo siya at hinawakan ang palapulsuhan ng sariling kamay sa kan’yang harapan. Tumingin siya sa lapida ni lola habang marahan na tumango
last updateLast Updated : 2021-08-13
Read more

Chapter 56

Magulang, dalawang tao na ipinagkait sa akin. Marahil ay hindi talaga para sa akin ang magkaroon ng kasama na matatawag kong nanay at tatay, mama at papa o mommy at daddy. Malas nga siguro ako pagdating sa ganoong aspeto ng buhay. Pero kung mayroon man isang bagay na masasabing kong swerte ako, iyon ay ang makilala si Zid. Ilang beses niya na akong tinutulungang bumangon tuwing nawawalan ako ng pag-asa, katulad ngayon. Wala man siyang ideya sa bigat na nararamdaman ng puso ko sa mga oras na ito ay nagagawa niya pa din akong pasayahin sa paraang hindi ko inaasahan. “And for your last dance, ladies and gentlemen please welcome Zid Paulo Sena. Around of applause please,” masayang pagpapakilala ni Heaven kay Zid. Nasundan ito nang hiyawan at kant’yawan mula sa apat na lalaking nasa paligid namin. Hindi ko makalimutan ang gulat sa kanilang mga mukha kanina nang bigla akong sumulpot sa likod nila. Mayroon hawak na rosas ang mga lalaki samantalang cake naman
last updateLast Updated : 2021-08-14
Read more

Chapter 57

Minsan hinihiling ko na sana hindi ko na lang noon pinilit si lola na sabihin sa akin kung sino ang nanay ko. Sana noon pa lang naging bingi na ako sa sinasabi ng mga tao tungkol sa tunay aking ina. Sana hindi ko na inalam pa ang pagkakakilanlan niya. Sana ay hindi ako nasasaktan ng ganito. Sana ay normal lang lahat ngayon. Hindi iyong para akong kriminal na nagtatago huwag lamang silang makita ni Harrieth na magkasama. “Hi Ate Kai! Sa wakas naabutan din kita nang gising.” Huli na para isara ko pa ang pintuan ng aking unit dahil nakita na ako ni Harrieth. Nakasuot ito ng simpleng bestida pero kitang-kita na ang pagiging isang ganap niyang dalaga kahit kakatapos pa lamang ng kan’yang debut. Sa kan’yang tabi ay ang babaeng iniiwasan kong makita. Tipid akong ngumiti kay Harrieth.  ‘Ni wala siyang alam sa katotohanan. Mabuti pa siya. Normal lang ang inaakto ngayon samantalang ako ay parang gusto nang bumalik sa kwarto.
last updateLast Updated : 2021-08-15
Read more

Chapter 58

Tulala akong bumalik sa condo. Hindi mawala sa isip ko ang panghihinayang na hindi ko man lang nagawang kuhanin lahat ng ebidensyang magdidiin kay Mr. Hermosa. Kung hindi ko rin sana sinira ang plano noon nina Knight ay baka nakakulong na ang negosyante. Nakakakonsyensyang isipin na dahil sa akin ay nahihirapan ngayon sa pagtatago si Tere at ang kan’yang nobyo. Mahirap na kalaban ang mga bigating negosyante. Nakakatakot na baka magawa silang patayin nito sa oras na mahuli sila. “Where have you been?” bungad sa akin ni Zid nang maabutan ko siya sa living area ng aking condo. Mukhang kararating niya lang din dahil hindi pa siya nakakapagpalit ng damit. Tumayo siya at sinalubong ako ng yakap at halik. “I miss you all day,” aniya. Paano pa kaya kapag lumipat na ako? “Nand’yan na si Harrieth?” tanong ko nang bumitaw siya mula sa pagkakayakap. Pinasadahan ko nang tingin ang paper bag na mayroong tatak ng paborito naming restaurant na nasa ce
last updateLast Updated : 2021-08-16
Read more
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status