Home / Romance / Capturing The Bachelor / Chapter 21 - Chapter 30

All Chapters of Capturing The Bachelor: Chapter 21 - Chapter 30

79 Chapters

Chapter 20

Isa sa magandang dahilan kung bakit masarap manirahan sa probinsya kaysa sa lungsod ay dahil sa sariwang hangin na mayroon dito. Tila ba bawat ihip ay kasabay na tinatangay ang anumang problemang dinadala mo.Ibinaba ako ng tricycle driver sa tapat ng basketball court malapit sa barangay hall ng Sta. Monica. Nilakad ko na lamang ang lubak-lubak na daan patungo sa munting kubo, na pilit ipina-memorize ang itsura sa akin ni Cloud kahapon.Sa aking likod ay ramdam na ramdam ko ang presensya ni Ice. Akala ko ba'y sina Hail at Sun ang magbabantay sa akin? Nasaan ba sila? Marahil ay magaling lang talaga silang magtago kaya hindi ko mahagilap ni hibla ng kanilang buhok sa paligid.Tinanggal ko ang aking blazer at sinubukang maglakad ng sexy katulad ng karakter ni Dona sa script na ibinigay sa akin. Hindi ako si Kai ngayon, ako si Dona at kailangan kong umakto bilang siya.Tumigil ako sa tapat ng isang kubo na napapaligiran ng kawayang-b
last updateLast Updated : 2021-07-10
Read more

Chapter 21

Ang kwintas na aking suot ay otomatikong kumokonekta sa cellphone na ipinadala sa akin ni Rain bago ako pumunta dito sa Sta. Monica. Mayroon siyang access sa cellphone na ito kung kaya’t sa oras na mailipat ang video ay nabubura na ito.Maliit na hakbang pa lamang ang aking naggagawa subalit pakiramdam ko’y mas lalong lumakas ang aking loob na matatapos ko ang misyon na ito sa malinis na paraan.Hindi pa sumisikat ang araw kinabukasan, bitbit ang isang maliit na bag laman ang aking mga damit, ay naglakad na ako patungong covered court. Dito ang sinabing meeting place namin ni Sir Jobet. Pagdating doon ay nagulat ako na makita ang ilang menor-de-edad na babae na naghihintay sa labas ng van. Sa bilang ko ay labing-lima kaming lahat.Naagaw ng aking pansin ang isang batang babae na palagi kong nakikitang nakikipaglaro sa ilang bata ng mga nakaraang araw. Halata ang pagiging inosente sa kan’yang mukha. Tila ba kinakabahan siya at panay ang lingon s
last updateLast Updated : 2021-07-11
Read more

Chapter 22

Si Dona ay liberated, kung siya ang manghihikayat kay Sir Jobet ay paniguradong lalandiin  niya ito. Kung bilang si Kai naman ay magmamakaawa ako sa kan’ya. Ang sabi ni Ice ay huwag ko daw kakaligtaan si Fire. Ano ba ang ibig niyang sabihin? Kukuhanan ko ng pictures si Sir Jobet sa bawat anggulo para mapapayag ko siya?“Hindi mo ba gusto ang pagkain?” tanong ng babae na nasa aking tabi nang padabog kong maibaba sa plato ang kutsara.Nasa pribadong kwarto kami ng gusali at kumakain ng pananghalian. Dumagdag pa sa aking pagkayamot ang kakaunting pagkain na inihanda para sa amin. Hindi man nila sabihin ay nakukuha ko ang gusto nilang mangyari, iyon ay ang mapanatili ang magandang hubog ng pangangatawan ng mga babaeng ito. Iyon ang dahilan kung bakit simula pa kaninang umaga ay halos ayaw na nila kaming pakainin ng maayos.“Gusto. Dumulas lang kasi,” pagpapalusot ko.Isang oras ang ibinigay na breaktime sa amin. Bawal lumaba
last updateLast Updated : 2021-07-11
Read more

Chapter 23

“Blue, mayroon pa lang cctv sa mansyon baka na-i-record nila ang nangyari kanina,” sabi ko nang naging maayos na ang pakiramdam ko.Nakatulog ako sa byahe at nagising lamang nang lumipat kami ng sasakyan.“Don’t worry Kai, I already have the control over their cctv,” aniya habang tutok ang parehong mata sa daan.“Are you okay now Kai?” tanong sa akin ni Zid na lumingon pa upang makita ako.Tumango ako at ngumiti sa kan’ya, alam kong hindi iyon mukhang totoo dahil sa pamumugto ng aking mga mata subalit gusto kong ipakita sa kanila na maayos lang ako.“You did great,” sabi niya.“I agree,” tumatango-tango pang pag-sang-ayon ni Blue.Hindi ko napigilan ang totoong pagngiti dahil para naman akong bata na pilit nilang inaamo.“Kumusta nga pala ang mga batang na-recruit? ‘Yong dalawang kasama ko kanina? Kailangan natin silang tulungan,” nag-aala
last updateLast Updated : 2021-07-12
Read more

Chapter 24

Kanina ko pa naririnig ang pagkatok ni Zid sa unit ko pero hindi ko alam kung paano siya haharapin. Tandang-tanda ko pa ang sinabi niya kagabi pati ang palitan namin ng ‘good night’ sa isa’t-isa. Normal lang naman siguro iyon sa dalawang magkaibang kasarian na magkakilala, hindi ba?Kung siguro’y magkaibigan kami ni Zid ay hindi ako maiilang ng ganito. Magkaibigan na nga ba kami? O magkatrabaho? Baka magkaibigan na kami kaya ganoon na siya makipag-usap sa akin. Pero kaming dalawa ni Fredo ay hindi naman ganoon. ‘Ni hindi ko nga maalalang nagsabi ako ni good morning sa kan’ya. Paano’y sabunutan ang batian namin.Huminga ako ng malalim bago siya pinagbuksan ng pinto. Pareho na kaming nakabihis at handing umalis.“Good morning,” aniya.Para siyang commercial model ng kape sa umaga. Napaka-alive niyang tingnan.“G-good morning din.” Ano ba ‘yan bakit nauutal ako?Pagdating s
last updateLast Updated : 2021-07-12
Read more

Chapter 25

“Good job Fire,” puri sa akin ng mga kasamahan ko matapos naming panoorin ang video na inihanda ni Blue. Nasa sala kami ng main headquarters maliban kay Ivan at Sylvester na kanina pa wala. “When will you going to post it Rain?” tanong ni Knight. “12 am sharp, kasabay ng pag-release ng tabloid” sagot niya pagkatapos tumingin sa wristwatch. Tatlumpong minuto na lang ay alas –dose na. Ngayon na ang paglabas ng The Veracity tabloid. Halos dalawang linggo namin iyong pinagtulungang buuin. Ipinadala namin sa New York ang draft ng tabloid at ilang mga larawan. Isang linggo pa lamang ay handa nang ikalat sa publiko ang isang libong kopya ng tabloid. Limitado lamang iyon dahil mas tumitingin na ng mga balita ang taong bayan sa social media. Mayroong page ang The Veracity kung saan nandoon ang lahat ng iligal na gawain ng mga kilalang tao na nailathala mismo sa tabloid. “This will be the end of Mr. Alejar,” nakangiting sabi ni Zid bago
last updateLast Updated : 2021-07-12
Read more

Chapter 26

Tagumpay na na-release ang The Veracity tabloid. Naipakulong ang lahat ng taong sangkot sa human trafficking. Muli din na naigawad sa mga taga-Sta. Monica ang kanilang mga lupain. Nakakatuwang maging parte ng mga taong nasa likod ng matagumpay na kasong iyon. “Are you sure to donate your first salary to the youth of Sta. Monica?” tanong sa akin ni Zid habang tinatahak namin ang daan patungong banko. Mayroong ibinigay na kontak sa akin si Blue na siyang mag-aabot ng aking donasyon para sa mga taga-doon. Ang sabi sa akin ni Zid ay mayroon na silang ipinadalang tulong para sa pag-aaral ng mga bata sa Sta. Monica, pero gusto ko pa din na magbigay kahit kaunting tulong mula sa sarili kong bulsa. “Alam ko kasi ang pakiramdam ng kapit sa patalim para lang mabuhay, kaya ngayon na nakikita kong kaya ko naman silang tulungan ay gagawin ko,” sagot ko sa kan’ya. Matamis siyang ngumiti sa akin. Makalipas lamang ang ilan pang sandali ay nakarating na kami n
last updateLast Updated : 2021-07-13
Read more

Chapter 27

Nagising ako sa maagang tawag mula kay Blue. Mayroon kaming meeting para sa susunod na kaso. Hindi ko inaasahan na magkakaroon kami kaagad ng misyon. Nagluto muna ako ng almusal bago nag-ayos ng sarili. Para akong hinahabol ng oras sa pagmamadali. Ayoko kasing magkasabay kami ni Zid. Pakiramdam ko’y isasabay niya na naman ako sa kotse niya papuntang hideout. At ang mapag-isa kasama siya sa buong byahe ang pinaka-ayokong mangyari sa ngayon.Nakapagdesisyon na akong iwasan siya. Kahit ang gusto ko talaga ay awayin siya at ipamukha sa kan’ya na hindi ako isa sa mga babaeng magkakandarapa sa kan’ya. Kaso lang sa tuwing naaalala ko na siya ang dahilan kung bakit nakatagpo ako ng bagong mga kaibigan ay nakokonsyensya ako.Gusto ko na lang intindihin na na-misinterpret niya lang siguro ang pagpayag kong sumama sa kan’ya noon sa iisang hotel sa New York kaya naisip niyang interesado ako sa kan’ya. Ganoon naman ang iniisip ng mga tao ‘di ba?
last updateLast Updated : 2021-07-14
Read more

Chapter 28

“Gusto ko lang linawin sa’yo na hindi kita gusto at hindi ako katulad ng mga babaeng dini-date mo noon o hanggang ngayon, na nagkakandarapa sa’yo.”Kanina ko pa isinasaulo ang mga salitang iyon sa aking isipan habang nasa daan kami ni Zid, at nang bigla nga siyang huminto sa isang tabi ay hindi ko na napigilang sabihin.Hindi ako makatingin ng diretso sa kan’ya pero naaaninag ko sa aking tabi ang pagkunot ng kan’yang noo. Marahil ay nagtataka siya kung paano at bakit bigla ko na lang iyon nasabi.Minsan talaga’y hindi ako nagsisisi na over-thinker ako at advance palagi mag-isip. Sa sitwasyon ngayon, kung hindi ko iiwasan si Zid at lilinawin ang namamagitan sa amin, ay patuloy lang siya sa pagpapakita ng kabaitan at pagbibitaw ng mga matatamis na kataga sa akin. Alam kong baka tuluyan na akong mahulog sa kan’ya. Ngayon ko pa lang naramdaman ang kasiyahan at kakaibang kapanatagan kapag kasama ko siya, kaya alam kong
last updateLast Updated : 2021-07-15
Read more

Chapter 29

Parte ba nang pagkumpisal ng lalaki sa tunay niyang nararamdaman para sa isang babae ay ang hindi pagpapakita ng ilang linggo? Hindi ko naman siya direktang ni-reject pero bakit parang sumuko na siya kaagad. Ang babaw naman pala nang nararamdaman niya para sa’kin.Ganito ba talaga kapag nagkakagusto ka na sa isang tao, hindi mo lang makuha ang atensyon na ini-expect mo ay nasasaktan ka na? Kasi ako oo, ang pangit pala ng konsepto ng ‘love’.“Wow, ang daming pagkain Ivan! Baka naman mamaya n’yan kapag naubos na naming lahat ito ay singilin mo kami?” tanong ni Blue habang binubuksan ang pizza na dala-dala ni Ivan. Hindi lamang iyon dahil nang nakaraang araw ay palagi siyang may ipinapa-deliver na pagkain para sa aming lahat.Inabot nang halos dalawang linggo ang pagpapanggap kong mananaya sa jueteng at taga-sigaw sa tupada. Nahirapan akong makapasok sa malalaking pasugalan ni Mr. Bagatzing. Kinailangan pa naming kumidnap ng isa
last updateLast Updated : 2021-07-16
Read more
PREV
1234568
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status