Share

Chapter 27

Author: Rina
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Nagising ako sa maagang tawag mula kay Blue. Mayroon kaming meeting para sa susunod na kaso. Hindi ko inaasahan na magkakaroon kami kaagad ng misyon. Nagluto muna ako ng almusal bago nag-ayos ng sarili. Para akong hinahabol ng oras sa pagmamadali. Ayoko kasing magkasabay kami ni Zid. Pakiramdam ko’y isasabay niya na naman ako sa kotse niya papuntang hideout. At ang mapag-isa kasama siya sa buong byahe ang pinaka-ayokong mangyari sa ngayon.

Nakapagdesisyon na akong iwasan siya. Kahit ang gusto ko talaga ay awayin siya at ipamukha sa kan’ya na hindi ako isa sa mga babaeng magkakandarapa sa kan’ya. Kaso lang sa tuwing naaalala ko na siya ang dahilan kung bakit nakatagpo ako ng bagong mga kaibigan ay nakokonsyensya ako.

Gusto ko na lang intindihin na na-misinterpret niya lang siguro ang pagpayag kong sumama sa kan’ya noon sa iisang hotel sa New York kaya naisip niyang interesado ako sa kan’ya. Ganoon naman ang iniisip ng mga tao ‘di ba?

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

  • Capturing The Bachelor   Chapter 28

    “Gusto ko lang linawin sa’yo na hindi kita gusto at hindi ako katulad ng mga babaeng dini-date mo noon o hanggang ngayon, na nagkakandarapa sa’yo.”Kanina ko pa isinasaulo ang mga salitang iyon sa aking isipan habang nasa daan kami ni Zid, at nang bigla nga siyang huminto sa isang tabi ay hindi ko na napigilang sabihin.Hindi ako makatingin ng diretso sa kan’ya pero naaaninag ko sa aking tabi ang pagkunot ng kan’yang noo. Marahil ay nagtataka siya kung paano at bakit bigla ko na lang iyon nasabi.Minsan talaga’y hindi ako nagsisisi na over-thinker ako at advance palagi mag-isip. Sa sitwasyon ngayon, kung hindi ko iiwasan si Zid at lilinawin ang namamagitan sa amin, ay patuloy lang siya sa pagpapakita ng kabaitan at pagbibitaw ng mga matatamis na kataga sa akin. Alam kong baka tuluyan na akong mahulog sa kan’ya. Ngayon ko pa lang naramdaman ang kasiyahan at kakaibang kapanatagan kapag kasama ko siya, kaya alam kong

  • Capturing The Bachelor   Chapter 29

    Parte ba nang pagkumpisal ng lalaki sa tunay niyang nararamdaman para sa isang babae ay ang hindi pagpapakita ng ilang linggo? Hindi ko naman siya direktang ni-reject pero bakit parang sumuko na siya kaagad. Ang babaw naman pala nang nararamdaman niya para sa’kin.Ganito ba talaga kapag nagkakagusto ka na sa isang tao, hindi mo lang makuha ang atensyon na ini-expect mo ay nasasaktan ka na? Kasi ako oo, ang pangit pala ng konsepto ng ‘love’.“Wow, ang daming pagkain Ivan! Baka naman mamaya n’yan kapag naubos na naming lahat ito ay singilin mo kami?” tanong ni Blue habang binubuksan ang pizza na dala-dala ni Ivan. Hindi lamang iyon dahil nang nakaraang araw ay palagi siyang may ipinapa-deliver na pagkain para sa aming lahat.Inabot nang halos dalawang linggo ang pagpapanggap kong mananaya sa jueteng at taga-sigaw sa tupada. Nahirapan akong makapasok sa malalaking pasugalan ni Mr. Bagatzing. Kinailangan pa naming kumidnap ng isa

  • Capturing The Bachelor   Chapter 30

    Pangarap kong maging photographer pero ngayon na may nag-o-offer na sa'kin, na hindi na katulad ng pagiging undercover ko, ay parang gusto ko nang umatras. Kung hindi lang sa utang na loob ko kay Zid ay hindi talaga ako papayag. Isinama niya ako patungong Gayon Falls. Halos dalawang oras ang naging byahe namin. Sunod-sunod ang natatanggap na tawag ni Zid kung kaya't hindi nakakailang ang hindi namin pag-uusap. Masikip ang daan simula highway patungo sa Gayon Falls. Halos kabukiran ang dinaraanan namin at hindi pa ganoon ka-sementado ang daan, pero maaari nang daanan ng mga sasakyan. Sa bungad pa lamang ay naririnig ko na ang agos ng tubig. Nakita ko ang 'sign' sa entrance ng falls kung saan nakasaad na sarado ito ngayon para sa gagawing photoshoot. Masasabi kong sulit ang haba ng byahe sa ganda ng lugar. Nakakatuwang hindi ginalaw ng mga namamahala ng lugar ang natural na ganda ng Gayon Falls. Kulay berde ang makikita sa buong paligid, maliban n

  • Capturing The Bachelor   Chapter 31

    Suot-suot ang fitted maong pants, puting kulay ng branded t-shirt na katulad ng disenyo ng suot ni Zid, itim nga lang sa kanya, at ang sapatos na suot ko kanina, ay iginiya niya ako palabas ng resort.Nakaalis na lahat ng empleyadong kasama namin at kami na lamang ni Zid ang natira sa lugar.Buong akala ko'y sa kotse kami sasakay pero dumiretso siya sa isang motor. Mayroong nakahandang helmet at jacket sa upuan. Kinuha niya ang itim na jacket at ipinasuot sa akin. Ang helmet ay siya na ang nagsuot sa ulo ko. Seryoso niya itong ni-lock."Masikip ba?" tanong niya habang ina-adjust ang lock ng helmet."Hindi naman. Saan ba tayo pupunta?" Kailangang alam ko, nagsisimula na naman kasi siyang hilahin ako patungo sa kung saan-saan. Ang pinagkaiba nga lang ay takot ako noon ngayon ay hindi na.Masaya at excited ang nararamdaman ko."Somewhere you'll love."Ang taray! Dati-rati'y ang linyahan niya ay, 'somewhere where you'll beg me

  • Capturing The Bachelor   Chapter 32

    "Good morning."Normal nang magpalitan kami ng good mornings ni Zid tuwing magbubukas ako ng pinto ng aking unit at makikita ko siyang naghihintay sa akin sa labas, pero ngayong araw ay iba.Maaliwalas ang mukha niyang humakbang palapit sa akin. Nakatago ang kanang kamay niya sa likod at unti-unti iyong inilabas. Hawak ang isang tangkay ng pulang rosas ay iniabot niya sa'kin iyon."Rosas para sa magandang binibini," aniya.Hindi ko napagilan ang mapangiti dahil sa pagiging makata niyang magsalita.Biro lang! Kinikilig talaga ako."Thank you. Good morning din." Sa kabila ng kilig na nararamdaman ko ay naggawa ko siyang batiin pabalik.Inalalayan niya akong sumakay ng elevator at sa kan'yang kotse, katulad ng ginagawa niya dati. Ang pinagkaiba nga lang sa ngayon ay nakompirma ko na ang kahulugan ng mga ito sa kan'ya. Hindi na ako mag-a-assume dahil sigurado na ako, may pinanghahawakan na kumbaga.Nag-order muli siya sa fast

  • Capturing The Bachelor   Chapter 33

    "Heaven, paano mo sinagot si Sylvester?" bigla kong tanong kay Heaven na abala sa panonood ng k-drama. Ito ang madalas niyang gawin kapag nandito sa bahay bukod sa pag-aaral.Nandito kami sa terasa at hinihintay na dumating ang ibang myembro ng grupo. Ang sabi ni Knight ay mayroon daw kaming bagong misyon."Bakit? Sasagutin mo na ba si Zid?" tila nagugulantang na tanong niya. Mabilis niyang tinigil saglit ang panonood at inilagay ang laptop sa lamesa.Umayos ako sa pagkakaupo sa coffee table na nandoon. Alas-tres na nang hapon kung kaya't nasa likod na ng bahay ang sinag ng araw, hindi na abot sa aming kinalalagyan ngayon.Tatlong linggo pa lang na nanliligaw sa akin si Zid at sa loob ng kaunting panahon na iyon ay mas lalo lamang siyang nagiging sweet at maalaga. Kung puso ang susundin ko ay sasagutin ko na siya. Pero sabi nga ni lola kailangan ko munang kilatisin nang mabuti si Zid.Marami pa akong hindi alam sa kan'ya gayundin siya sa akin. Ayok

  • Capturing The Bachelor   Chapter 34

    Kating-kati na akong hilahin pababa ang napaka-ikli at hapit na hapit na tube dress na ipinasuot sa akin. Unang gabi ko sa ikatlong misyon namin at hindi ko inaasahan na ganito ka-revealing ang damit na ipapasuot sa akin.Narinig ko ang reklamo ni Zid kay Knight mula sa maliit na earpiece na nakakabit sa malaking hikaw ko."That's too revealing Cloud. F*ck kapag may nangbastos sa kan'ya hindi ako magdadalawang-isip na hilahin siya palabas," dinig kong sabi niya.Hindi ko alam kung nasaan silang parte ng hotel nagtatago. Hindi kasi sila kasama sa masquerade party na ito. Hindi sila maaaring makita sa loob ng pribadong pagtitipon na ito lalo pa't hindi naman sila imbitado, baka pagdudahan lamang sila ng mga tauhan ni Mr. Hermosa."I'm fine Ice. Please 'wag kang gagawa ng kahit ano na makakasira ng misyon," pasimple kong bulong sa kan'ya.Hindi nakikita ang paggalaw ng aking bibig mula sa pag

  • Capturing The Bachelor   Chapter 35

    Mataas na ang sikat ng araw nang tumahak kami ni Blue patungo sa headquarters. Hindi ako nakatulog nang maayos kung kaya’t pilit kong nilalabanan ang kaunting sakit ng ulo na nararamdaman ko.Bago ako humiga kagabi ay umalis si Zid. Alam kong nagpunta siya sa headquarters subalit kahit anong pilit kong sumama ay hindi siya pumayag.“I saw you on the cctv. You were talking to one of Mr. Hermosa’s staff at hinila ka din niya palabas nang dumating ang mga pulis,” seryosong saad ni Blue.Matagal ko siyang tinitigan bago ibinaling sa dinaraanan namin ang atensyon.“Oo. Kakilala ko siya. Dati siyang taga-linis sa terminal na tinutulugan ko noon,” kwento ko.Hinintay kong magtanong pa siya subalit hindi na iyon nasundan.Nang dumating kami sa headquarters ay nandoon na sa parking area ang kotse ng apat naming kasamahan sa grupo.“Pwede ba tayong dumaan muna sa interrogation room?” tanong ko kay

Latest chapter

  • Capturing The Bachelor   Special Chapter

    Dear Beautiful and Handsome Readers, Hello! Kung nakarating ka hanggang dito sobrang thank you! I just wanted to say na, sobra akong nagpapasalamat sa mga nagbigay ng gems at nagbayad para sa novel na ito. I hope na nagustuhan n'yo ang kwento. Magpapatuloy po ako sa pagsusulat at sana suportahan n'yo pa rin ang mga darating kong nobela. Nawa'y nasa mabuti kayong kalagayan ngayon. Don't forget to smile, pray and always choose to be kind. Mahal ko kayo! As a token of appreciation, here's a special chapter for you guys. Enjoy! "Harrieth sit down, hindi ka kasama sa sasalo ng bouquet." Kanina ko pa pinapaupo si Harrieth subalit irap lamang ang natanggap ko mula sa kan'ya. Nasa unahan pa nga siya at handang saluhin ang bulaklak na itatapon ng aking asawa. Asawa. My wife, Kaileen. Akala ko hanggang imagination na lamang ako na ikakasal kami ni Kai at bubuo ng pamilya. Na

  • Capturing The Bachelor   Epilogue

    I was once an orphan. Mag-isa at sarili lamang ang inaasahan. Bawat desisyon ko sa buhay ay walang ibang basehan kun'di ang aking nararamdaman.Masayang mamuhay mag-isa dahil hindi ka magigising sa away at gulo sa loob ng pamilya. Subalit hindi sa lahat ng panahon.Mas gusto kong magising sa umaga sa ingay ng aking kapatid at sa sermon ng aking mga magulang, dahil kahit gan'on alam kung mayroong mag-aalala sa akin kapag wala pa ako sa gabi.Hindi ko iyon naranasan simula nang mawala si lola. Naging miserable ang aking buhay subalit dumating si Zid. Hindi na ako kailanman naging mag-isa.Ang sarap sa pakiramdam na bawat galaw mo ngayon ay may kasama ka na. Mayroon nang mag-aalala para sa'yo. Kapag nawala ka ay may maghahanap na sa'yo.Zid spare me from the fear and hatred.Naipakulong niya ang aking tiyuhin. Malaya na ako. Wala na ang bangungot na matagal ko nang kinikimkim noon pa man.Hindi man kami nagkaroon ng maayos na relas

  • Capturing The Bachelor   Chapter 75

    "Yes nandito ako sa location. I'll send you the pictures. Ipakita mo sa client kung gusto nilang dito gawin ang photoshoot."Ibinaba ko ang cellphone matapos magbigay ng instruction sa aking secretary. Isang linggo na akong nasa Pilipinas at hindi ko inaasahan na magiging abala ako sa kompanya ni Mr. Davis.Golden hour. Ginto rin ang kalangitan nang araw na nagtanong sa akin si Zid kung gusto niya akong ligawan. Parehong lugar at parehong oras.Sa tuwing mayroong kliyente na naghihingi ng romantikong lokasyon para sa kanilang photoshoot ay palagi kong sinasagot na mas magandang sa taas ng burol kung saan nakikita ang paglubog ng araw.Isa iyon sa pinakamasayang tagpo sa aking buhay na gusto kong paulit-ulit na alalahanin.Kumusta na kaya siya? May asawa na kaya siya? Ang isiping iyon ang nagpalungkot sa akin. Isa sa mga dahilan kung bakit natatakot akong magpakita sa kan'ya ay dahil ayokong malaman na may asawa't anak na siya.Hi

  • Capturing The Bachelor   Chapter 74

    Hindi ko kailanman pinangarap na mamatay sa ibang bansa. Ayos na nga sa akin na basta na lang ihulog sa ilog basta sa Pilipinas, atleast mga Pilipinong isda ang makikinabang sa akin.Bigo kami ni Blue na tumakas. Pagkabukas pa lamang namin ng pintuan ng aking kwarto sa ospital ay bumungad na sa amin ang naglalakihang katawan ng mga foreigner na lalaki.Mabilis ang mga sumunod na pangyayari nang araw na iyon. Naisakay nila ako sa kotse nang walang pumipigil bukod kay Blue na nagpumilit na humabol subalit hindi niya kami naabutan.Nang araw din na iyon ay maluwag ko nang tinanggap ang kaparusahan na nag-aabang sa akin. Dinala nila ako sa New York taliwas sa iniisip kong itatapon nila ako sa tulay na dinaraanan namin patungong airport.Pagdating sa New York ay dumiretso kami sa main headquarters. Doon ay nakita kong muli si Duke. Gwapo pa din siya, pero mas gusto kong makita sa huling sandali si Zid.Makakaya niya naman sigurong mabuhay na wala ako 'd

  • Capturing The Bachelor   Chapter 73

    Zid Kai's blood stain on my hands stabs my heart a million times. Paano ko hinayaan na mapahamak ang babaeng pinakamamahal ko? Bakit hindi ko siya pinaniwalaan? How can I doubt her? Siya na handang itaya ang buhay para sa akin. Ano'ng sumagi sa isip ko para pagdudahan siya? I should be the first one to believe her, dahil iyon ang ipinangako ko sa sarili nang mga panahon na mag-isa siya. I promised myself to be the person who will stand up for her. Ang taong hindi siya lilisanin kahit iwanan na siya ng mundo. Pero ano'ng ginawa ko? Kung sana'y hindi ko siya iniwan. Kung sana kahit nalilito ang isip ko'y pinanatili ko lang siya sa aking tabi ay hindi ganito ang sasapitin niya. Alam kong hindi na mababago ng 'sorry' ko ang mga nangyari pero sana ay huwag ilagay sa panganib ang kan'yang buhay dahil hindi ko kakayanin. "Zid, maupo ka muna." Kanina pa ako pabalik-balik ng lakad sa labas ng emergency room at kanina pa din ako pinapaka

  • Capturing The Bachelor   Chapter 72

    "What do you want to eat?" Kanina pa ako tinatanong ni Zid kung ano ang gusto kong kainin. Sinabi kong wala pero mukhang hindi niya narinig sa dami ng pagkain na in-order niya. Sumagi ang mata ko sa pulang rosas na nasa flower vase sa gilid ng aking kama. Isang araw niya na akong binabantayan at sa tingin ko'y wala pa din siyang tulog. Pinagmasdan ko siyang kunin ang isang bowl na mayroong sopas. Base sa pagngiwi ng kan'yang labi ay alam kong napaso siya sa init nito. Ipinatong niya ito sa isang tuwalya sa kan'yang kamay bago umupo sa aking tabi. Kumuha siya ng isang kutsarang sopas at hinipan ito. Tinikpan niya nang kaunti bago inilapit sa aking mga labi. Tahimik niya akong sinubuan ng pagkain. Naniniwala na kaya siyang hindi ako ang nagpakalat ng video? Alam niya na kayang ang mommy niya ang nasa likod ng kaguluhan ngayon? Alam na kaya ng buong bansa na isa ako sa mga undercover agent ng The Veracity? Sa dam

  • Capturing The Bachelor   Chapter 71

    Unti-unti kong iminulat ang aking mata nang masilaw mula sa liwanag na nanggagaling sa labas. Sinubukan kong ilibot ang paningin sa apat na sulok ng kwarto at nakitang walang ibang tao bukod sa akin. Kinapa ko ang aking cellphone subalit wala ito sa aking bulsa o saan man sa paligid. Huli kong naalala ang pagsagot ko sa tawag ni Zid hanggang sa mayroong bagay na itinusok sa aking balikat dahilan upang mawalan ako nang malay. Sinubukan kong bumangon mula sa pagkakahiga sa malamig na semento upang makapaghanap ng malalabasan. Wala akong ideya kung bakit ako nandito at kung sino ang nagdala sa akin dito pero alam kong kailangan ko nang tumakas habang wala pang tao. Ngunit bigo akong makahanap ng pinto o bintana. Gawa sa pinagtagpi-tagping mga kahoy ang kwarto at kailangan ko ng pamukpok upang makagawa ng butas. Naghanap ako ng matigas na bagay sa loob pero walang ibang gamit doon. Sumilip ako sa mga butas upang makita kung mayroong

  • Capturing The Bachelor   Chapter 70

    Zid's POV If there's one thing I'm regretful for, it's kissing and having sex with several women. Kung alam ko lang na darating si Kai sa buhay ko ay mas pipiliin kong sa kan'ya ko rin gawin lahat ng una ko. I am her first boyfriend, first hug, first dance, first holding hands, first kiss and I want to be the last. At first, I was upset when she declined my offer in exchange of the video that will ruin Chloe's carreer, the celebrity that destroyed my beloved sister's reputation in her school. Lahat ng tao na hinihingian ko ng pabor, mabilis kong napapa-oo, pero iba siya. Kinailangan ko pa'ng dumating sa punto na mang-kidnap. I was challenged by her toughness but seeing her sleeping on the cold pavement next to Tere, whom I thought her girlfriend that time, I was touched with sympathy. Para ba'ng ayoko na siyang ibalik sa lugar na iyon. Aaminin ko, sa bawat araw na kasama ko siya sa hideout ay nawalan na ako ng gana na ipaghiganti a

  • Capturing The Bachelor   Chapter 69

    Isang gabi pa lang na hindi kami okay ni Zid ay hirap na hirap na akong matulog. Sinabayan pa ito nang labis kong pag-aalala para sa kapatid. Tama si Zid pinuntirya nga ng mga tao si Harrieth. Tinawag na kabit si Orca Lapuz at hindi rin daw malabo na maging ganoon siya. Marami nga ang nagsabi na mabuti raw na walang kapatid na babae sina Zid dahil baka agawin rin ni Harrieth ang nobyo nito. Napagpasyahan ko siyang bisitahin sa ospital kinaumagahan. Bumili ako ng prutas at paborito niyang milk tea at cookies. Sana lang ay hindi ko maabutan si Orca Lapuz doon. Mas lalong titindi ang kan’yang galit kapag nalaman niyang ako ang nasa likod ng pagkuha sa mainit nilang eksena ni Senator Newis. Lumapit ako sa nurse station at binasa ag pangalan ng nurse sa nameplate. “Nurse Mabel, saan po dito ang room ni Harrieth Sena?” “Room 27 po,” aniya bago itinuro ang hallway kung nasaan ang kwarto. Tumango ako at nagpasalamat dito. Hindi pa man ako naka

DMCA.com Protection Status